dula_powerpoint_edited june 22 2015

73
Kaligirang Pangkasaysayan: Teleserye ng Pilipinas Ni: G. Mark John Anthony C. Recadulla

Upload: ramon-gasgas

Post on 04-Sep-2015

74 views

Category:

Documents


13 download

TRANSCRIPT

  • Kaligirang

    Pangkasaysayan:

    Teleserye ng Pilipinas

    Ni:

    G. Mark John Anthony C. Recadulla

  • Una at Ikalawang Araw

  • Sa inyong palagay, bakit ganoonang pagkakapresenta ng mgatauhan?

    Paano ninyo nahulaan angdamdamin ng mga tauhan sapinanood?

    Mayroon akong ipapapanood sa inyo. Tandaan ninyo ang mga sumusunod na katanungan habang

    nanonood:

    Talasan ang mata at buksan ang isip upang maintindihan ang panonoorin.

  • Ating panoorin ang

    Sa Akin ang Pinas.

  • Sagutin natin ang mga gabay

    na tanong:

    Sa inyong palagay, bakit ganoon ang pagkakapresenta ng mga

    tauhan?

    Paano ninyo nahulaan ang damdamin ng mga tauhan sa

    pinanood?

  • Malayang Talkayan:

    Bakit prutas at gulay ang gamit na sandata ng mga tauhan sa

    napanood na patalastas?

    Paano mo ilalarawan ang kasuotan at itsura ng bida sa mga

    kontrabida?

  • Malayang Talkayan:

    Suriin at ipaliwanag ang mga karakteridad/katangian ng tagpuan.

    Ipaliwanag kung bakit ito ang napiling lokasyon o tagpuan para

    sa eksena.

  • Suriin at ipaliwanag ang ibig

    sabihin ng mga sumusunod na

    kataga:

    Kahit butas ng karayom, papasukin ko.

    Ang dami mo pang kakaining bigas.

    Tapos na ang maliligayang araw mo.

  • Suriin at ipaliwanag ang ibig

    sabihin ng mga sumusunod na

    kataga:

    Magpaalam ka na dahil sa kangkungan ka pupulutin.

    Gawa na ang kabaong na paglilibingan mo.

    Bakit mahalaga na gumamit ng

    idioma at simbolismo sa

    panitikan?

  • Sa anong uri ng panitikan makikita

    ang inyong mga binanggit?

    Naunawaan ninyo ang mga nangyayari at

    nais mangyari ng mga tauhan at

    bumanggit kayo ng:

    a. pag-arte;

    b. ekspresyon ng mukha;

    c. dayalogo;

    d. props;

    e. tagpuan;

    f. pagpapahalagang pangkatauhan.

  • Ano ang dula?

    Isang uri ng panitikang nahahati sa ilang yugto na kinapapalooban ng

    maraming tagpo.

    Karaniwang itinatanghal sa tanghalan o entablado.

    Karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na

    lamang sa iilang dulang likha ng

    malikhain at malayang kaisipan.

  • Sa kasalukuyan, halos lahat ng estasyon

    ay may ipinapalabas na teleserye dahil

    maraming manonood ang nalilibang.

    dito.

    Ilarawan ang mga teleseryeng

    napapanood sa telebisyon sa

    kasalukuyan.

  • Katangian ng Teleserye

    Nagpapakita ngrealidad ng buhayat kultura ng mga

    tao.

    Kinasasabikan ngmanonood dahil

    naiiwang bitin angpagtatapos ng

    bawat segment.

    Kakikitaan ngpagiging kakaibang bawat tauhan

    sa isat isa.

    Pagkakaroon ngpagkakaiba ng tema o banghay ng kwento.

    Lahat ay nagtatapos sapagpapahalagang nakuha

    ng tauhan maging masaya o malungkot man ang wakas

    ng kwento

  • Ang Teleserye / Teledrama

    Ito ay nahahati sa ibat ibang anyo at genre

    Ito ay isang bersyong pantelebisyon ng mga serye ng dramatikong piksyon.

    tele telebisyon ; serye series ; drama drama

    Ito ay tinatawag ding soap operas o telenovelas

    Ang mga teleserye ay ipinoprodyus ng ABS-CBN, dramaserye ng TV5 Philippines at

    teledrama ng GMA Network. Ito ay

    kadalasang kino-prodyus TAPE Inc., at film

    studio, VIVA Entertainment.

  • Paglaganap ng Teleserye sa PilipinasI. Klasikal

    A. Noong 19491. Ang dulang pangradyo sa Pilipinas ay nagmula sa teleseryeng Gulong ng Palad.

    B. Noong 19631. Kumalat sa telebisyon ang genre noong 1960s;2. Kauna-unahang soap opera sa telebisyon Hiwaga sa Bahay na Bato (ABS-CBN 1963);3. Sumunod ang Liwanag ng Pag-ibig, Prinsipe Amante, at iba pa.

    C. Noong 19961. Naging sikat ang telenobelang Marimar ng RPN 9;2. Nagsimula ang pagkahilig ng manonood sa mga telenobela kaya ang mga pangunahing mga network ay sumunod sa pagpapalabas ng lokal at banyagang telenobela.

  • Paglaganap ng Teleserye sa PilipinasII. Moderno

    A. Noong 2000:1. sinimulan ng ABS-CBN ang Pangako sa Yo at Kay Tagal Kang Hinintay na noon pa man ay kilala na bilang opisyal na teleserye

    2. nag-umpisa ng paglaganap ng teleserye sa Pilipinas.

    3. Ang bagong genre ay sumikat sa buong kapuluan at sa ibang bansa.

    4. ABS-CBN: teleserye; GMA Network: teledrama.

  • Paglaganap ng Teleserye sa PilipinasII. Moderno

    B. Noong 20081. Philippine primetime ay nagsimulang magfocus sa dramang tuluyan

    2. binuhay ang mga antolohiya

    3. ang binuhay ng TV5 ang dramang tuluyan sa primetime television.

    C. Binuhay ng ABS-CBN ang pinakamahabang teleseryeng Mara Clara.

  • Darna

  • Panday

  • Marimar

  • Kim Sam Soon

  • Anu-anong sangkap ba angnagbibigay sa inyo ng kapanabikanpara patuloy na panoorin angteleserye hanggang sa katapusan?

  • Elemento ng Dula

    Iskrip o nakasulat na dula (storyline) ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip

    Gumaganap o aktor (bida, kontrabida, atbp.) ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng ibat ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula

    Pagbabago o pagdaragdag ng pangyayari sa kwento (twist) anumang pagbabago sa direksyon ng istorya na maaaring magpakomplikado sa istorya

  • Wakas ang pagtatapos ng isang dula na maaaring malungkot o masaya ngunit magkakaroon ng resolusyon ang mga komplikasyon sa pelikula

    Tanghalan anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase

    Tagadirehe o direktor ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

    Elemento ng Dula

  • Manonood hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dulay maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

    Elemento ng Dula

  • Mga Elemento ng Dula

    I. Tagpuan

    - panahon at lugar/

    pook na pinangyarihan ng aksyon.

    Kadalasang inilalarawan ito ng manunulat

    upang makatulong sa produksyon.

  • Mga Elemento ng Dula

    II. Mga Tauhan

    - gumaganap at nagsasagawa ng kilos

    - nagsasagawa ng kilos na ipinahihiwatig ng

    kanilang mga dayalogo.

  • Mga Elemento ng Dula

    III. Banghay

    - Masining na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari

  • Mga Elemento ng Dula

    IV. Diyalogo at Kilos

    - Masining na dramatikong dayalogo at

    pagkilos

  • Mga Elemento ng Dula

    IV. Epektong Teknikal

    - Wastong pag-iilaw, tunog at musika

  • Mga Bahagi ng Dula1. Yugto (Act)

    -isang bahagi ng pagganap, tulad ng isang drama

    2. Tanghal-Eksena (Scene)

    - anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan

    ng isang dula ay tinatawag na tanghalan

    3. Tagpo (Frame)

    -Isang partikular na lugar na pinangyarihan ng

    isang eksena mula sa akda o kwento

  • Gawain Blg. 1

    Panuto: Sa pamamagitan ng venn diagram ay tukuyin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng teleserye noon at ngayon. Gawing gabay ang mga elemento ng dula.

    DulangKlasikal

    DulangMakabago

  • Bilang takdang aralin, magsaliksik tungkol sa mga gawi, paniniwala at kultura

    ng bansang Korea.

  • Dulang Pampelikula ng Korea

  • Ikatlo Ikaanim na Araw

  • Magbalik-aral nga tayo sa pamamagitan ng pagsagot sa

    mga katanungan na ito:

    Ano ang dula?

    Bakit importanteng pag-aralan ang mga sangkap at elemento ng isang dula?

    Paano ba nakakaapekto sa buhay ng tao ang mga dula?

  • Maglalakbay tayo ngayon upang makilala

    ang makulay na kultura ng bansang Korea.

    Talasan ang mata at buksan ang

    isip upang maintindihan ang

    panonoorin.

  • Mga Kaalaman Tungkol sa Panonoorin:

    Ipinalabas ito sa South Korea noong 2001 sa direksyon ni Kwak Jae-yong.

    Ibinase ang pelikula sa totoong buhay.

    Ibinase ang pelikula sa mga serye ng blog post ni Kim Ho-sik.

  • Tandaan ang mga sumusunod na katanungan habang nanonood:

    Paano ipinakita ng mga pangunahing tauhan ang pagtitiis at pagtitiyaga sa minamahal?

    Bakit mahalagang bigyan ng panahon at debosyon ang iyong minamahal?

    Paano pinakita ni Gyeon-Woo ang pagmamalasakit sa kanyang kasintahan?

  • Kilalanin at pag-aralan ang ibat ibang sangkap ng dulang panonoorin:

    Iskrip

    Gumaganap o Tauhan

    Pagbabago o pagdaragdag ng pangyayari sa kwento (twist)

    Tagpuan

    Wakas

  • Paano mo maipapakita angtunay na pag-ibig sa iyong

    minamahal?

  • Ating panoorin ang pelikulang

    My Sassy Girl.

  • Sagutin natin ang mga gabay

    na tanong:

    Paano ipinakita ng mga pangunahing tauhan na tunay ang kaniyang pagtitiis

    at pagtitiyaga sa minamahal?

    Bakit mahalagang bigyan ng panahon at debosyon ang iyong minamahal?

  • Paano pinakita ni Gyeon-Woo ang pagmamalasakit sa kanyang

    kasintahan?

    Bakit pinakitaan ni Gyeon-Woo ng pagmamalasakit ang isang tao na hindi

    niya kilala?

    Sagutin natin ang mga gabay

    na tanong:

  • MALAYANG TALAKAYAN

    Pumili ng isang dayalogo mula sa napanood ng dulang pampelikula at tukuyin ang bahagi at katangian ng dula.

    Bakit kaya tinulungan ni Gyeon-Woo ang isang lasing babaeng napagkamalan siya bilang dating kasintahan?

  • MALAYANG TALAKAYAN

    Paano ninyo ilalarawan ang tagpuang ginamit sa pelikula?

    Ilarawan ang mga ugali, gawi at paniniwala ng mga tauhan sa dula.

    Bakit niyaya ng ama ng kasintahan si Gyeon-Woo na uminom ng alak?

  • MALAYANG TALAKAYAN

    Bakit pinapunta ng dating kasintahan si Gyeon-Woo sa kaniyang date habang ilang buwan na silang hindi magsing-irog?

    Bakit lalong lumalakas ang sakit ng damdamin ng kasintahan habang patuloy na pagtibay ng pagmamahal niya kay Gyeon-Woo?

  • MALAYANG TALAKAYAN

    Bakit pinapunta ng dating kasintahan si Gyeon-Woo sa kaniyang date habang ilang buwan na silang hindi magsing-irog?

    Bakit lalong lumalakas ang sakit ng damdamin ng kasintahan habang patuloy na pagtibay ng pagmamahal niya kay Gyeon-Woo?

  • Pagtataya: Talahanayan

    (Dayad)

    Sa kalahating papel, sagutan ang talahanayan. Magbigay ng isa hanggang dalawang patunay sa bawat kolum.

    Ipakilala si Gyeon-Woo batay sa kaniyang pagtrato

    pagdating sa:

    Pamilya Kaibigan Komunidad Kasintahan

  • Maraming mga pinakita sa pelikulatungkol sa kultura ng Korea tuladng DMZ kung saan nagtrabaho

    si Gyeon-Woo ng ilang taon.

    Subukan nga natin ngayon mas kilalanin ang Korea mula sa

    inyong mga nasaliksik.

  • Kaligirang Pangkasaysayan:

    Dangun unang hari ng Gojoseon, unang kaharian ng Korea

    o Sinasabing Apo ng Kalangitan at binuo ang Gojoseon

    noong 2333 B.C.

  • Kaligirang Pangkasaysayan:

    Goryeo (Goguryeo) kaharian matapos ang panahon ng tatlong kaharian (The Three Kingdoms)

    oDito nagmula ang ingles na pangalan ng bansa na

    Korea

    oNagkaroon ng alyansa sa mga Mongols upang huwag

    silang guluhin

  • Kaligirang Pangkasaysayan:

    Korean Empire tinangka sakupin ng bansang Japan upang

    mawalan ng impluwensya ang

    bansang China sa Korea noong

    1910

    o Tinangka supilin ang paggamit

    ng wikang Korea upang

    tuluyang mawalan ng identidad

    bilang bansa ang Korea

    Sa paanong pamamaraan kaya natin

    maaaring protektahan ang wikang

    pambansa?

  • Kaligirang Pangkasaysayan:

    Korean War matapos sumuko ng Japan noong 1945 matapos ang

    Ikalawang Digmaang Pandaigdig,

    nahati ang Korea sa dalawang

    bahagi:

    oAng hilagang bahagi ng Korea

    ay pinamahalaan ng Soviet

    Union; at

    oAng timog na bahagi ng Korea

    naman ay pinamahalaan ng

    United States of America.

  • Kaligirang Pangkasaysayan:

    Korean War

    oNoong 1950, sinuportahan ng

    Soviet Union ang North Korea

    sa pagtangkang pagsakop sa

    South Korea.

    oMatapos ang tatlong taong

    digmaan, nanatiling hati ang

    Korea sa pamamagitan ng

    DMZ o Demilitarized Zone.

  • Kaligirang Pangkasaysayan: Mga Pagkain sa Korea:

    oKimchi dahil sa malamig na

    klima sa Korea, nagpepreserba

    sila ng gulay sa pamamagitan

    nag paggawa ng kimchi at

    pagpickle

    o Bibimbap literal na

    pinaghalong kanin, karne, itlog,

    at sari-saring mga gulay

    Ipaliwanag kung anu-ano ang inyong

    napansin sa mga pagkain ng Korea.

  • Kaligirang Pangkasaysayan: Mga Pagkain sa Korea:

    o Banchan (Panchan) sari-

    saring mga side dish na

    kinakain kasama ng kanin

    o Sa paniniwala ng mga Koreano,

    ang pagkain ng sari-saring kulay

    na gulay at karne ay nagbibigay

    sa kanila ng lakas mula sa ibat

    ibang elemento sa mundo

    Kung ganoon, paano nagkakaiba ang

    kultura ng Korea sa ating kultura sa

    pinaghuhugutan ng lakas? Patunayan.

  • Suriin natin ang mga sumusunod

    na pangungusap.

    Talaga namang napaka-init nitong nakaraang limangaraw.

    Humihingi siya ng tawad at totoong nais niyang kayo ay maging magkaibigan muli.

    Sa lakas ng buhos ng ulan siguradong maliligo sa ulanang mga hindi nakapagdala ng payong.

    Tunay na maraming mamimili sa mga mall ngayongdarating na araw ng sweldo.

    Paano nagpapakita ng paninindigan ang

    paggamit ng mga ekspresyong

    nagpapahayag ng katotohanan?

  • Maraming paraan upangmaipakita sa ating kapwa ang

    tunay na pag-ibig.

    Subukan nga natin kung paano

    ninyo ito maipapakita.

  • Hahatiin natin ang klase sa limang grupo ngunit bago

    tayo magsimula, tandaan ang mga sumusunod na

    alituntunin:

    Tahimik na ayusin sa gilid ang mga upuan.

    Panatilihin ang katahimikan habang inihahanda ang presentasyon.

    Manood at makinig ng tahimik sa presentatsyon ng iba.

    Gamitin ng wasto ang ibinigay na oras para sa paghahanda at pagpapalabas ng presentasyon.

  • Guguhit ang unang grupo ngisang larawan na nagpapakita

    ng panliligaw noon at sakasalukuyang panahon.

  • Magsasagawa ang ikalawanggrupo ng isang dula na

    nagpapakita ng pagpapatunayng pagmamahal sa kasintahan.

  • Lilikha ng kanta na nagpapakita

    ng pagtitiis bilang pagmamahal

    sa kapwa ang ikatlong grupo.

  • Lilikha ng nagsasagutang sulat o liham ang ika-apat na grupo.

    Ipakikita nila kung paano magingmatiyaga sa pagmamahal sa

    kapwa.

  • Lilikha naman ng isang malikhaingpagsayaw na nagpapakita ng

    pagmamalasakit sa kapwa ang

    ika-limang grupo.

  • Mga Gabay na Tanong:

    (Unang Grupo)

    Paano nagkakapareho at nagkakaiba ang panliligaw noon at sa kasalukuyang

    panahon?

    Bakit importante na dumaan sa panliligaw ang lahat ng magkasintahan?

    Bakit dapat iwasan ang pagsagot sa manliligaw sa text o sa tawag?

  • Mga Gabay na Tanong:

    (Ikalawang Grupo)

    Paano ninyo naipakita ang pagpapatunay ng pagmamahal?

    Bakit importante na patunayan pa ang inyong pagmamahal sa kapwa?

    Sa paanong paraan pa ninyo maaaring mapatunayan na mahal ninyo ang isang

    tao?

  • Mga Gabay na Tanong:

    (Ikatlong Grupo)

    Paano ninyo naipadama ang pagtitiis alang-alang sa pag-ibig?

    Paanong nagkakaiba ang isang taong nagtitiis alang-alang sa pag-ibig at isang

    taong nagpapakamartir sa pag-ibig?

    Bakit importanteng matuto na magtiis ang isang tao?

  • Mga Gabay na Tanong:

    (Ika-apat na Grupo)

    Bakit importante sa isang tao ang pagiging matiyaga?

    Bakit kasama lagi ng pagmamahal sa kapwa ang pagiging matiyaga?

    Sa paanong paraan ninyo pa ba maipapakita ang pagiging matiyaga sa

    kapwa?

  • Mga Gabay na Tanong:

    (Ika-limang Grupo)

    Bakit kinakailangang magmalasakit sa kapwa?

    Bakit wala dapat limitasyon ang pagmamalasakit sa kapwa?

    Sa paanong paraan pa ninyo maipapakita ang pagmamalasakit sa kapwa?

  • Sa kalahating papel, pumili ng naibigang bahagi ng dulang napanood at sumulat ng repleksyon tungkol dito.

    Gumamit ng mga natutunang positibong ekspresyon na

    nagpapahayag ng katotohanan.

  • 1.Paano nga ninyo maipakikita ang

    pagmamahal sa kapwa?

    2.Bakit dapat pakitaan ng pagmamalasakit

    ang mga tao na hindi natin kilala?

    3.Paano masusukat ang pagmamahal na

    iyong ibinibigay at natatanggap?

    Tunay na mahiwaga ang pag-ibig. Kung kayo ang tatanungin:

  • Bilang takda, magsaliksik

    tungkol sa gawi, paniniwala,

    tradisyon at kultura ng

    bansang Japan.