etikang tagalog3

5
PAMAGAT NG NOBELA ETIKANG TAGALOG IKATLONG NOBELA NI JOSE RIZAL SALIN NI NILO S. OCAMPO MGA TAUHAN: KAPITANA BARANG – asawa ni Kapitan Panchong, relihiyosang tunay DR. LOPEZ – Doktor na mapanuri sa mga Pari DON FERMIN – isang mangangalakal ISAGANI – matipunong Bitana na nais na mapaibig si Cecilia KAPITAN CRISPIN – nagnanais na mahalal sa susunod na botohan bilang Gobernador ng Bayan ng Pili SILVINO – anak ni kapitan Crispin APE – anak ni Kapitan Panchong KAPITAN PANCHONG – kapitan sa Bayan ng Pili, asawa ni Barang ANDAY – katulong nina Kapitang Panchong CECILIA – anak nina Kapitan Panchong at Kapitana Barang PADRE AGATON – makapangyarihang Pari na nasusunod ang lahat ng naisin. TAGPUAN:

Upload: marvin-sanchez

Post on 28-Oct-2014

787 views

Category:

Documents


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: etikang tagalog3

PAMAGAT NG NOBELA

ETIKANG TAGALOG

IKATLONG NOBELA NI

JOSE RIZAL

SALIN NI

NILO S. OCAMPO

MGA TAUHAN:

KAPITANA BARANG – asawa ni Kapitan Panchong, relihiyosang tunay

DR. LOPEZ – Doktor na mapanuri sa mga Pari

DON FERMIN – isang mangangalakal

ISAGANI – matipunong Bitana na nais na mapaibig si Cecilia

KAPITAN CRISPIN – nagnanais na mahalal sa susunod na botohan bilang

Gobernador ng Bayan ng Pili

SILVINO – anak ni kapitan Crispin

APE – anak ni Kapitan Panchong

KAPITAN PANCHONG – kapitan sa Bayan ng Pili, asawa ni Barang

ANDAY – katulong nina Kapitang Panchong

CECILIA – anak nina Kapitan Panchong at Kapitana Barang

PADRE AGATON – makapangyarihang Pari na nasusunod ang lahat ng naisin.

TAGPUAN:

Sa Simbahan ng Bayan ng Pili

Page 2: etikang tagalog3

MAIKLING SALAYSAY

Ang nobelang ito ay isang salamin ng nakaraang pananakop ng mga kastila. Ito

ay isang sulat ni Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas tungkol sa kanyang mga

obserbasyon at kanyang mga analisa sa mga ugali ng mga Kastilang namuno sa ating

bansa noong kanyang panahon.

Ang mga nasusulat na kuwento, kaganapan at mga tauhan sa nobelang ito ay mga

totoo. Makikita rin natin ang mga ito sa kasalukuyang panahon. Nasasaloob din ang

mga kaugaliang Pilipinona nakuha natin sa mga mananakop na Kastila, at ang pagiging

Katoliko at pagsamba sa estatwa ay ipiakita rin dito.

BUOD

Sa Bayan ng Pili ay maraming mga tao ang madasalin o maka Diyos. Sila ay mga

palasimba, at kung mayroong taong hindi ay kaagad na paparatangang nasasaDimonyo.

Ang Kura Paroko na si Agaton ay ginagalang at itinuturing na Diyos sa kanyang mga

nasasakupan sa bayan ng Pili.

Marami ang humahanga sa Kura Paroko at lahat ng gawin ng mga tao ditto ay

may basbas niya. Nag-iipon ng pera ang mga tao upang makuha lamang ang basbas ng

kura at makakuha ng mga gamit nito gaya ng tubig na galling Jordan.

Ang babaeng tinatangi ng Kura ay si Cecilia. Anak nina Kapitan Panchong at

Kapitana Barang. Siya ay pinong babae, dalagang Pilipina ika nga. Maganda at mabait.

Marami ang naiingit sa kanyang angking ganda at talino. At isa sa mga tagahanga niya

bukod sa Kura ay si Isagani.

May pagtangi rin si Cecilia kay Isagani, dahil sa dinami dami ng mga kalalakihan

sa Bayan ng Pili ay si Isagani ang may angking gandang lalaki at kabaitan na siyang

nagustuhan ni Cecilia.

Page 3: etikang tagalog3

Si Kapitan Panchong naman ay nababahala sa pagkatalo sa susunod na eleksyon

kung saan ang kalaban niya ay si Kapitan Crispin. Isang gabi ay nagkasakit si Kapitan

Panchong at pinainum ng kura ng tubig mula sa Jordan, kung kayat magmula noon ay

ninais ng ibang kakabayan nila na makabili ng milagrosang tubig na ito.

Habang nag pipista ang lahat, abala naman ang ibang mga tao sa pagdarasal sa

loob ng simbahan. Ang ibang may pera ay abala sa ibat-ibang klaseng sugal na itinuro ng

mga kastila.

Sa labanan ng tuktukan mga kabataan ang naglalaro. Sila ay naghahamunan at

ang makabasag ng itlog ay talo at makukuha ng nanalo ang lahat ng itlog na dala nito. Si

Silvino na anak ni Kapitan Crispin ay lubhang madaya, mayroon siyang itlog na hindi

totoo at ito ay hindi kaagad agad na nababasa dahil ang laman nito ang mga buhangin at

ito ay hindi basta tutumba. Hinamon niya ang anak ni Kapital Panchong, ngunit ng

matalo ay hindi siya pumayag na kunin ang isa niyang itlog na panlaban kung kayat sa

sakitan nauwi ang simpleng larong pambata.

Ang nag-usap sa kaguluhang ito ay sina Kapitan Crispin at Kapitan Panchong,

subalit sa panahon ding yon ay may panigan ang batas at ito ay ang may katungkulan

kundi si Kapitan Panyong.

REAKSYON

Ang nobelang ito ay hindi tapusan. Hindi ito alam ng madami nating kababayan

sapagkat ang nobelang ito ay hindi natapos ni Jose Rizal. Ang nagsalin sa wikang ating

maiintindihan ay isang komentarista at reporter ay si Nilo Ocampo.

Ipinahahayag ng nobelang ito na dapat nating kilatisin mabuti ang isang tao bago

natin siya pagkatiwalaan.