kaisipang nasyonalista at teoryang dependensiya sa ... · pdf filesa tulang “pag-ibig sa...

25

Click here to load reader

Upload: ngotruc

Post on 30-Jan-2018

625 views

Category:

Documents


111 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

MALAY 26.1 (2013): 96-120

Copyright © 2013 Pamantasang De La Salle, Pilipinas

Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas / Nationalism and Dependency Theory in Education: An Ideological Critique of the Philippine K to 12 ProgramDavid Michael M. San JuanPamantasang De La Salle, [email protected]

Ipinatutupad na ng ikalawang administrasyong Aquino ang programang Kindergarten to 12 Years of Basic Education (K to 12) na suportado ng World Bank, mga organisasyon ng malalaking negosyante gaya ng Philippine Business for Education (PBED), Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP), at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI). Tinututulan naman ito ng ilang organisasyon ng mga guro gaya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), at ng ilang mambabatas, mga magulang, at mga grupong nasyonalista. Bilang ambag sa pambansang diskurso hinggil sa K to 12, layunin ng papel na ito na suriin ang programang K to 12 sa pamamagitan ng paggamit ng mga kaisipan ng mga nasyonalistang Pilipino gaya nina Jose Protacio Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Renato Constantino. Bukod sa katutubong kaisipang nasyonalista, gagamitin din ng papel na ito ang kaugnay na Teoryang Dependensiya (Teoría de la Dependencia o Dependency Theory) na nagbibigay-diin sa sosyo-ekonomikong gahum (socio-economic hegemony) ng mga bansang mauunlad at/o industriyalisado (First World) sa mga bansang mahihirap at/o semi-industriyalisado o agrikultural (Third World). Sa pangkalahatan, tatangkaing sagutin ng papel na ito ang mga sumusunod na katanungan: 1) Bakit hindi maituturing na nasyonalista ang pangkalahatang framework at adyenda ng K to 12?; 2) Paano makaaapekto ang K to 12 sa kultura, politika, at ekonomiya ng bansa?; 3) Ano ang mga posibleng alternatibo sa K to 12, tungo sa pagbuo ng progresibo at nasyonalistang edukasyong Pilipino?

Mga Susing Salita: Nasyonalismo, Teoryang Dependensiya, Patakarang Pang-edukasyon, K to 12, Neokolonyalismo

The second Aquino administration has started implementing the Kindergarten to 12 Years of Basic Education (K to 12) program which is supported by the World Bank, and big business organizations like Philippine Business for Education (PBED), Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP), and Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI). Meanwhile, some teachers’ organizations like the Alliance of Concerned Teachers (ACT), and some legislators, parents, and nationalist groups oppose this scheme. As a contribution to the national discourse on K to 12, this paper is aimed at analyzing the K to 12 scheme using ideas from nationalists like Jose Protacio Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, and Renato Constantino. Aside from local nationalist thought, this paper will also utilize the related Teoría de la Dependencia or Dependency Theory that emphasizes the socio-economic hegemony of developed and/or industrialized countries (First World) over poor and/or semi-industrialized or agricultural countries (Third World). In general, this paper attempts to answer the following questions: 1) Why can’t the over-all

Page 2: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

97IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

framework and agenda of K to 12 be considered nationalist?; 2) How does K to 12 affect Philippine culture, politics and economy?; 3) What are the possible alternatives to K to 12, toward establishing progressive and nationalist Philippine education?

Keywords: Nationalism, Dependency Theory, Educational Policy, K to 12, Neocolonialism

Pagkatapos ng ilang buwan lamang sa Mababang Kapulungan (House of Representatives) ng Kongreso, pasado na ang House Bill 6643 o “AN ACT ENHANCING THE PHILIPPINE BASIC EDUCATION SYSTEM BY STRENGTHENING ITS CURRICULUM AND INCREASING THE NUMBER OF YEARS FOR BASIC EDUCATION, APPROPRIATING FUNDS THEREFOR AND FOR OTHER PURPOSES” sa botong 198 - 8. Noong Enero 21, 2013, ipinasa naman sa ikatlong pagbasa ang counterpart na panukalang batas sa Senado (Senate Bill 3286 o Enhanced Basic Education Act of 2012) na nagpapataw ng programang Kindergarten to 12 Years of Basic Education (K to 12). Sa ilalim ng programang ito, compulsory o sapilitan na ang isang taon ng kindergarten, at magiging 12 taon na ang dating 10 taon lamang na basic education cycle sa Pilipinas. Bukod sa Grades 1 to 6 at apat na taon ng junior high school (Grades 7 to 10), kailangang dumaan din ang isang estudyante sa Pilipinas sa dalawang taon ng senior high school o junior college (Grades 11 at 12) bago siya makapag-aral sa antas tersiyarya (unibersidad). Sa pangkalahatan, ipinagmamalaki ng mga maka-K to 12 na ang programang ito’y isang hakbang upang ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ay makasunod sa pamantayang global o global standard. Anila, ang Djibouti at Angola na lamang ang dalawang bansa sa daigdig na may 10 taon ng pag-aaral bago makapasok sa unibersidad ang estudyante (pre-university education). Gayunman, kung susuriing mabuti ang mga opisyal na dokumento hinggil sa K to 12, magiging malinaw na ang programang ito ay may ibang adyenda na hindi nasyonalista o hindi makabayan. Malaking isyu ang pagiging nasyonalista ng anumang programang pang-edukasyon sa Pilipinas sapagkat binibigyang diin sa Artikulo XIV, Seksiyon 2.1 at

3.2 ng Konstitusyon ng bansa – na niratipikahan ng sambayanang Pilipino noong 1987 – na ang nasyonalismo ay isa sa mga pangunahing elemento ng edukasyon. Samakatwid, kung mapapatunayang hindi nasyonalista ang K to 12, nararapat igiit na hindi rin ito legal at konstitusyonal, at kung gayo’y dapat isantabi at palitan ng isang programang pang-edukasyong progresibo at nasyonalista.

Bilang ambag sa pambansang diskurso hinggil sa K to 12, layunin ng papel na ito na suriin ang programang K to 12 sa pamamagitan ng paggamit ng mga kaisipan ng mga nasyonalistang Pilipino gaya nina Jose Protacio Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Renato Constantino. Bukod sa katutubong kaisipang nasyonalista, gagamitin din ng papel na ito ang kaugnay na Teoryang Dependensiya (Teoría de la Dependencia o Dependency Theory) na nagbibigay-diin sa sosyo-ekonomikong gahum (socio-economic hegemony) ng mga bansang maunlad at/o industriyalisado (First World) sa mga bansang mahirap at/o semi-industriyalisado o agrikultural (Third World). Sa pangkalahatan, tatangkaing sagutin ng papel na ito ang mga sumusunod na katanungan: 1) Bakit hindi maituturing na nasyonalista ang pangkalahatang framework at adyenda ng K to 12?; 2) Paano makaaapekto ang K to 12 sa kultura, politika, at ekonomiya ng bansa?; 3) Ano ang mga posibleng alternatibo sa K to 12, tungo sa pagbuo ng progresibo at nasyonalistang edukasyong Pilipino?

Batayang Teoretikal: Kaisipang Nasyonalistaat Teoryang Dependensiya sa Ekonomiya,Politika at Edukasyon

Malaki ang kontribusyon ng pambansang bayani na si Jose Protacio Rizal sa paglinang

Page 3: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

98 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

ng kaisipang nasyonalista sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay isiniwalat niya ang pang-aabuso ng kolonyalismong Espanyol sa mga mamamayan ng Pilipinas, at ang laksa-laksa pang kanser ng lipunang Pilipino. Bukod dito, ipinahayag din niya ang ilang kaisipan hinggil sa paglinang ng edukasyon at kulturang tunay na Pilipino.

Sa Kabanata 15 ng El Filibusterismo, nilinaw ni Rizal ang kanyang paninindigan hinggil sa tunay na kabuluhan ng edukasyon at buhay. Sa nasabing kabanata ay nagtagisang-isip si Senyor Pasta (isang kareristang abogado na walang pakialam sa kapakanan ng bayan sapagkat may maganda naman siyang buhay), at si Isagani (ang lider ng mga kabataang naghahangad ng mga reporma). Pinayuhan ni Senyor Pasta si Isagani na maging makasarili at “…huwag na huwag tatangkaing pagandahin o pasamain ang kalagayan ng iyong kapwa…huwag pansinin ang anumang may kaugnayan sa pangkalahatang sitwasyon ng bansa…” Sinasalamin ng tugon ni Isagani ang paninindigan ng mga nasyonalistang mamamayan na naniniwalang walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang: “Kung ako’y may puting buhok na gaya ng sa inyo, ginoo, at kapag binalikan ko ang aking nakaraan at nakitang nagtrabaho lamang ako para sa aking sarili…bawat puting buhok ko’y magiging tinik, na sa halip na ikarangal ay ikahihiya ko!”

Sa Kabanata 7 ng nasabing nobela, sina Basilio at Simoun naman ang nagtagisang-isip. Iginigiit ni Basilio (ang anak ni Sisa na ngayo’y isa nang estudyante ng medisina) at ng kanyang mga kapwa kabataang estudyante na kailangang matuto ng wikang Espanyol ang mga Indio upang maging kapantay sila ng mga mamamayang Kastila. Malinaw ang paninindigang makabayan ni Simoun nang ipahayag niya na “Kailanma’y di magiging pangkalahatang wika ng bansa ang Kastila, hindi ito gagamitin ng mga mamamayan, sapagkat ang kamalayang nasa kanilang isip at ang damdamin sa kanilang mga puso’y di maipapahayag sa wikang iyon…Anong gagawin n’yo sa Kastila, kayong iilan na gumagamit

nito? Paslangin ang inyong pagkatao, ipailalim ang inyong kaisipan sa utak ng iba, at sa halip na palayain ang inyong mga sarili, tunay ngang kayo’y nagpapaalipin!...tinatangka ninyong wasakin ang inyong pagkamamamayan!” Palitan lamang ng “English” ang “Kastila” sa quotation at lalong magiging makabuluhan ang sinabi ni Simoun kay Basilio.

Nagbigay rin ng paalaala si Simoun kung paano masisimulan ang muling pagtatanim ng nasyonalismo sa puso ng taong-bayan, lalo na sa mga kabataan: “…habang pinangangalagaan ng sambayanan ang kanilang wika, pinananatili rin nila ang tanda ng kanilang kalayaan...” Paano nga ba tayo lalaya sa ekonomikong hegemonya ng mga dayuhan kung ang mismong dila natin ay nakatanikala? Idinagdag pa ni Simoun ang ugnayan ng paglinang ng unique national identity at pagpapaunlad ng bansa: “…Ibukod ninyo ang inyong sarili sa pamamagitan ng paglalantad ng inyong sariling pagkatao, subuking itayo ang pundasyon ng inang bayang Pilipinas! Pinagkakaitan ba nila kayo ng pag-asa? Mainam! Huwag kayong umasa sa kanila, umasa kayo sa inyong mga sarili...paunlarin ang inyong sariling wika, palawakin ito, pangalagaan ang sariling paraan ng pag-iisip ng mga mamamayan…mangarap kayong maging isang bansa!...mag-isip nang malaya…at malaon, kakamtin n’yo ang inyong kalayaan!”

Sa Kabanata 20 naman ng Noli Me Tangere, isang kabataang karakter ang nagpahayag ng kaisipan ni Rizal hinggil sa makabuluhang entertainment na maituturing na bahagi ng nasyonalistang edukasyon. Sa halip na mga karaniwang Westernisadong moro-moro ay katutubong kuwento – tulad ng dulang tungkol kay Maria Makiling – ang nais niyang itanghal. Para kay Rizal, ang entertainment ay dapat sumalamin sa katutubong kultura: “Hindi ba sanlibong beses na mas mainam na itanghal ang larawan ng ating mga gawi at tradisyon, upang maunawaan at maituwid natin ang ating mga bisyo at depekto, at upang papurihan ang ating mga birtud?”

Page 4: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

99IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

Sa kabuuan, sa pananaw ni Rizal, sa halip na pamantayang global, katutubong kultura at kapakanan ng sambayanang Pilipino ang matatag na pundasyon ng edukasyon. Ang pananaw ni Rizal ay sinasalamin din ng perspektiba ng mga rebolusyonaryong gaya nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio na kapwa naging mga pinuno ng Katipunan. Sa “Kartilya ng Katipunan” na isinulat ni Emilio Jacinto, binibigyang-diin na “Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangu ngusap, may dangal at puri, yaong di nagpa paapi’t di nakikiapi; yaong marunong mag dam dam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.” Idinagdag pa ni Jacinto na sa “Paglaganap ng mga aral na ito, ay maning ning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang mag kakalahi’t magkakapatid, ng ligayang walang kata pusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang matutumbasan.” Sa simpleng pananalita, para kay Jacinto, ang tunay na dangal ng isang mamamayan ay masusukat sa kanyang paglingap o pagmamalasakit sa kanyang bayang tinubuan. Tiyak na ang “paglaganap ng mga aral na ito” ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng nasyonalistang edukasyon na magpapahalaga sa mga sakripisyo ng mga nakipaglaban para sa kalayaan ng bayan.

Sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang pang-edukasyon: “Walang mahalagang hindi inihandog/ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,/dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,/buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.” Para kay Bonifacio, lahat ng mahalaga sa buhay – kasama na ang karunungan, ang edukasyon – ay dapat ialay sa bayan. Sa halip na dependensiya o pagiging palaasa sa mga dayuhan sa pamamagitan ng

pag-akit sa mga dayuhang mamumuhunan, nanawagan si Bonifacio sa sanaysay/editoryal na “Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog” na “...tayo’y umasa sa ating sarili at huwag hintayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ng katwiran ang tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at -akala at nang tayo’y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.” Bago pa kondenahin ni Renato Constantino ang “misedukasyon ng mga Pilipino,” nilinaw na ni Bonifacio ang nararapat gawin upang masolusyunan ang misedukasyon ng mga mamamayang utak-alipin: “...panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan.” Ang “pinagbuhatan” o pinagmulan ng kahirapan ng mga Tagalog (sa sanaysay ni Bonifacio’y tumutukoy ito sa lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas) ay walang iba kundi ang kolonyalismo na sa panahong ito’y nagbagong-anyo sa porma ng neokolonyalismo sa politika, ekonomiya at kultura (lalo na sa edukasyon).

Hindi kataka-taka na noong ika-19 ng Oktubre, ilang buwan pa lamang pagkatapos ng deklarasyon ng kalayaan sa Kawit, Cavite, naglabas ng isang dekreto ang rebolusyonaryong pamahalaang pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo na nagtatatag ng Universidad Literaria de Filipinas (kauna-unahang unibersidad na itinayo ng mga Pilipino). Pagtupad ito sa layunin ng Katipunan – batay sa pahayag ni Bonifacio – na “...simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan.” Batid ng mga rebolusyonaryo na ang kalayaan ng bansa ay mapangangalagaan lamang nang ganap kung bibigyang-prioridad ang pagbuo ng edukasyong tunay na para sa at maka-Pilipino, kaiba sa edukasyong iniaalok ng mga unibersidad na itinatag at pinatatakbo noon ng mga prayleng Kastila.

Page 5: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

100 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Pahapyaw na binalikan ng papel na ito ang mga kaisipang nasyonalista ng mga kinikilalang bayaning Pilipino upang bigyang-diin ang mga prinsipyong dapat balikan at ipatupad ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Walang saysay ang opisyal na pagkilala sa mga bayaning ito kung ang kanilang mga kaisipan ay isasantabi lamang upang ipagpilitan ang isang makadayuhang sistemang pang-edukasyon na di nagsasaalang-alang sa ganap na kaunlaran ng mga mamamayan ng bansa.

Lagpas pa kay Dr. Jose Rizal at iba pang nasyonalista sa huling bahagi ng 1800s, sa hanay ng mga kontemporaryong Pilipinong nasyonalista, pinakapopular ang mga akda ni Propesor Renato Constantino, isang aktibista, mananaliksik, historyador, at diplomat na biktima ng Batas Militar ng diktadurang Marcos. Ipina-house arrest siya ng diktadura dahil sa kanyang mga radikal na artikulong mapanuri at makabayan sa larangan ng ekonomiya, politika at edukasyon. Staple reading na sa mga klase ng kasaysayan at pedagohiya ang pamplet na “The Miseducation of the Filipinos” ni Constantino. Sa simula pa lamang ng nasabing pamplet ay malinaw na ang kahalagahan ng nasyonalistang edukasyon na magdudulot ng kalayaang politikal at ekonomiko sa isang bansang dating kolonya: “Ang edukasyon ay mahalagang sandata ng sambayanang nagsisikhay makamtan ang kalayaan sa ekonomiya at politika, at muling pagsibol sa larangan ng kultura” (1). Balido o makabuluhan pa rin ang pagsusuri ni Constantino sa sitwasyon ng edukasyon sa Pilipinas hinggil sa kawalan ng programang pang-edukasyon na naglalayong palayain ang bansa sa aspektong politikal at ekonomiko, at hinggil sa patuloy na pag-iral ng kaisipang kolonyal/kolonisado ng mga Pilipino mula noon hanggang ngayon, bunsod ng hegemonya ng Ingles bilang wikang panturong ipinataw ng mga Amerikano. Ayon kay Constantino, ang imposisyon ng Ingles ang simula ng misedukasyon ng mga Pilipino (3-4). Kung tutuusin, alingawngaw ito ng pahayag ni Simoun sa Kabanata 7 ng El Filibusterismo.

Pagkatapos punahin ang neokolonyal na sistemang pang-edukasyon, ipinaliwanag ni Constantino ang gampanin ng mga nagsusulong

ng nasyonalistang edukasyon at tinuligsa ang mga nagsasabi na pamantayang global lamang ang mahalaga: “Ang edukasyon ay di lamang pagsagap ng impormasyon kundi paghubog ng taong epektibo at may silbi sa kanyang sariling lipunan. Kung gayon, hindi maaaring ihiwalay sa lipunan ng isang bansa sa isang partikular na panahon ang edukasyon nito. Isang kahangalan na isiping ang mga layuning pang-edukasyon ay dapat magkakatulad saanman, at kung gayon, ang kinakailangan sa paghubog ng edukadong Amerikano ay siya ring kailangan sa paghubog ng edukadong Pilipino. Totoo lamang ito kung ang dalawang lipuna’y pareho ng antas sa politika, kultura at ekonomiya, at kung sila’y may pareho ring layuning politikal, kultural, at ekonomiko…” (8)

Samakatwid, sa pananaw ni Constantino at ng iba pang nasyonalista, walang saysay ang anumang programang pang-edukasyon kung hindi nito isinasaalang-alang ang kaunlaran ng mga mamamayan ng bansa. Sa mas tahas na pananalita: walang saysay ang edukasyong hindi nasyonalista, kahit pa ito’y sumunod sa “pamantayang global.” Sa kabuuan, binigyang-diin ni Constantino na hangga’t kontrolado ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong elite na kanilang kasabwat, ang ekonomiya, politika at kultura (kasama na ang edukasyon) ng Pilipinas, mananatiling mahirap at walang pag-unlad ang mayorya ng sambayanang Pilipino. Sa pangkalahatan, maituturing na kapanalig ng mga naniniwala sa bisa at katotohanan ng Teoryang Dependensiya si Constantino. Sa mga nakaraang dekada, naging popular ang teoryang ito sa Latin America at iba pang kontinenteng bahagi ng Third World. Sa pananaw ng mga naniniwala rito, pinagsasamantalahan ng mga bansang industriyalisado ang mga bansang mahirap sa pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya.

Sa isang talumpati noong Marso 25, 1964 (“On Development”) sa sesyong plenaryo ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), ipinahayag ni Dr. Ernesto “Che” Guevara (isang physician, ekonomista at popular

Page 6: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

101IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

na lider ng mga gerilya na katuwang ni Fidel Castro sa pagpapatalsik sa diktadura ni Fulgencio Batista), ang buod ng kritisismo ng Teoryang Dependensiya sa pandaigdigang status quo: “Ang pagpasok ng kapital mula sa mauunlad na bansa’y rekisito sa paglalatag ng dependensiyang ekonomiko. Ang pagpasok na ito’y may iba-ibang porma: mga utang na may mabibigat na kondisyon; puhunang naglalagay sa isang bansa sa kamay ng mga mamumuhunan; halos pangkalahatang subordinasyong teknolohikal ng palaasang bansa sa maunlad na bansa; kontrol ng malalaking monopolyong internasyonal sa kalakalang panlabas; at sa ilang malalang kaso, paggamit ng dahas bilang sandatang ekonomiko na sumusuhay sa iba pang porma ng pagsasamantala.” Higit na magiging malinaw ang kabuluhan ng Teoryang Dependensiya sa pagsusuri ng mga programang pang-edukasyon kung sisipatin ang binanggit ni Che Guevara na “iba pang porma ng pagsasamantala.”

Nagbigay ng pahiwatig si Vincent Ferraro hinggil sa iba pang porma ng pagsasamantala sa kabanatang pinamagatang “Dependency Theory: An Introduction,” (sa aklat na The Development Economics Reader, ed. Giorgio Secondi) na masisipat sa isang webpage ng Mount Holyoke College: “Ang distinksiyon sa pagitan ng mabagal na pag-unlad at kawalan ng pag-unlad ay naglalagay sa mahihirap na bansa ng daigdig sa napakakakaibang kontekstong historikal…Sila’y mahihirap sapagkat sila’y sapilitang isinama sa sistemang ekonomikong Europeo bilang mga prodyuser lamang ng hilaw na materyales o para maging suplayer ng murang lakas-paggawa, at sila’y pinagkaitan ng oportunidad na ibenta ang kanilang mga pinagkukunang-yaman sa paraang kokompitensiya sa mauunlad na bansa.” Ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing “suplayer ng murang lakas-paggawa” sa kasalukuyan. Sa datos ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA), humigit-kumulang sa 3,500 Pilipino ang nangingibang-bayan araw-araw para maging Overseas Filipino Workers (OFWs). Ipinagmamalaki rin ng gobyerno na ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing sentro ng Business

Processing Outsourcing (BPO) na “nagnanakaw” ng mga trabaho sa mga Norte Amerikano at Europeo para “ibigay” sa ilang Asyanong bansa na tumatanggap ng mas mababang lebel ng suweldo kaysa sa mauunlad na bansa, ayon sa mga kritiko nito. Kasama ang Information Technology-BPO sa 10 “priority development areas” ng gobyerno sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) 2011-2016. Ayon naman sa ulat ni Francis Earl A. Cueto para sa Manila Times, naungusan na ng Pilipinas ang India bilang nangungunang bansang nagbibigay ng serbisyong BPO. Kompara sa 300,000 call center agents ng India ay may 350,000 ang Pilipinas noong 2011, at batay sa projection ng gobyerno, aabot na sa 1,000,000 ang call center agents sa bansa sa 2016.

Samantala, madaling mapatunayan na ang Pilipinas ay isa rin sa “prodyuser ng hilaw na materyales” na nananatiling mahirap at hindi industriyalisado dahil sa imposisyon ng mga lider na kasabwat ng mga dambuhalang dayuhang kapitalista. Mula sa administrasyong Marcos hanggang sa ikalawang administrasyong Aquino, pag-akit sa mga dayuhang mamumuhunan o foreign investors ang bukambibig ng gobyerno ng Pilipinas. Dapat tandaan na ang isa sa mga tunay na dahilan ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972 ay ang pagpapabilis ng diktadurang Marcos sa implementasyon ng mga makadayuhang polisiya sa ekonomiya at pagsangga sa mga nasyonalistang adkokasiya ng ilang miyembro ng Constitutional Convention noong 1972 (Lichauco 200-204; Pimentel 73-74). Bagama’t may mga makabayang probisyon sa Konstitusyon ng 1987 na inaprubahan sa ilalim ng unang administrasyong Aquino, hindi rin binaligtad ni Pangulong Cory ang mga makadayuhang polisiya ng diktadurang Marcos. Halimbawa, pinanatili niya at di ibinasura ang automatic debt appropriation na ipinataw ng diktadurang Marcos at pangunahing ugat ng kakapusan sa badyet para sa mga serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon at kalusugan. Samantala, notorious naman ang administrasyong Ramos, Estrada at Macapagal-Arroyo dahil sa pagtatangka nilang alisin ang mga makabayang probisyong ekonomiko sa Konstitusyon ng 1987

Page 7: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

102 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

gaya ng pagbabawal sa 100% pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga industriya sa Pilipinas at pagbabawal sa pagmamay-ari sa lupa ng mga dayuhan sa bansa sa pamamagitan ng samu’t saring kampanyang Charter Change o Cha-Cha (Transparency International-Philippines at Center for People Empowerment in Governance/CenPEG, circa 2005). Isinusulong din nina House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte at dating Senate President Juan “Johnny” Ponce Enrile – na pawang kaalyado sa ideolohiya ng ikalawang administrasyong Aquino – ang ganitong uri ng Cha-Cha. Kapansin-pansin na ang Philippine Development Plan (PDP) 2011-2016 ng ikalawang administrasyong Aquino ay makadayuhan din ayon sa isang kritik ng Ibon Databank.

Sa kabuuan, ginagamit na palusot ng mga kontemporaryong administrasyon ang pag-akit sa dayuhang puhunan upang pigilan ang paglaganap ng nasyonalistang kaisipan na nagbibigay-diin sa pagsandig sa sarili sa aspektong ekonomiko (ang pag-asa/pagsandig sa sarili na gaya ng binanggit ni Simoun sa ika-7 kabanata ng “El Filibusterismo”) na makakamit sa pamamagitan ng pambansa/makabansang industriyalisasyon kaakibat ng tunay na reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura. Bunsod nito, nananatiling prodyuser-suplayer-eksporter lamang ng hilaw na materyales at tao (OFWs) ang bansang Pilipinas.

K to 12: Tanikalang Diyamante at Habangbuhay na Dependensiya

Kung sisipatin ang tunay na adyenda ng K to 12 sa Pilipinas, madaling mapapatunayan na palalawakin at palalalain lamang nito ang dependensiya ng bansa sa mauunlad na bansa, sa pamamagitan ng pagpapanatili sa labor export policy ng gobyerno.

Punong-puno ng rebelasyon ang “Discussion Paper on the Enhanced K+12 Basic Education Program” na inilabas ng Department of Education (DepEd) noong Oktubre 5, 2010, gayundin ang 12-pahinang primer na pinamagatang “The K to 12 Basic Education Program” (October 30, 2012)

na inihanda ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) at nalathala sa online Official Gazette ng Republika ng Pilipinas, at ang 73-pahinang “K TO 12 Toolkit: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012)” na inilabas ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Center for Educational Innovation and Technology (SEAMEO-INNOTECH) na may imprimatur ng Department of Education sapagkat naglalaman ng introductory message ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, si Br. Armin Luistro, FSC.

Nilinaw sa “Discussion Paper” ng DepEd ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagpapatupad ng K to 12 (sa kanila ang emphasis): “Ang ikli ng edukasyong primarya ay isang disbentahe para sa milyon-milyong overseas Filipino workers (OFWs), lalo na yaong mga propesyonal at mga nagnanais mag-aral sa ibang bansa. Hindi awtomatikong kinikilalang propesyonal sa ibang bansa ang mga nagtapos sa Pilipinas…Sa ilalim ng Washington Accord, 12-taong edukasyong primarya ang kailangan para sa rekognisyon ng mga inhinyero. Sa ilalim naman ng Bologna Accord, 12 taon din ng edukasyong primarya ang kailangan para sa pagpasok sa unibersidad at para makapagtrabaho bilang propesyonal sa mga bansang Europeo” (4).

Sa primer sa Official Gazette ng republika, tatlo ang ibinigay na sagot sa tanong na “Why are we implementing 12 years of Basic Education and not 11 years?”: pagsunod sa Bologna Process at Washington Accord, at pagkopya sa sistema ng mga bansang gaya ng Singapore na may 12-14 taong edukasyong pre-university (7). Alingawngaw lamang din ng “Discussion Paper” ng DepEd at primer sa Official Gazette ang “K to 12 Toolkit” ng SEAMEO-INNOTECH na nagpahayag na ang K to 12 ay may benepisyo “para sa rehiyonal at internasyonal na rekognisyon at kakayahang makipagkompitensiya” gaya diumano ng pagbuti ng“…performance sa mga pandaigdigang akademikong pagsusulit…” at “…pandaigdigang rekognisyon ng mga Pilipinong propesyonal” (6).

Page 8: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

103IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

Sa deliberasyon ng Kongreso hinggil sa K to 12 noong Oktubre 17, 2012, kitang-kita rin ang tunay na adyenda ng K to 12: gawing mga trabahador ng mauunlad na bansa ang mga kabataang Pilipino sa halip na hubugin at sanayin sila para maglingkod sa sariling bayan. Sa kuwestyon ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino hinggil sa mga kurso o career pathways na maaaring piliin ng mga estudyante sa senior high school/junior college (Grades 11 at 12), narito ang tugon ni Rep. Rosenda Ann Ocampo ng ika-6 na Distrito ng Maynila: “…ang pagtukoy sa mga kurso sa ilalim ng programang K to 12 ay idinidikta ng pangangailangan, at ng mga job market…ang mga bansang industriyalisado at mas mayayaman ay may paparaming bilang ng matatanda na nangangailangan ng pag-aalaga, at ito ang dahilan kaya tayo may caregiving courses.”

Nang linawin ni Rep. Palatino ang layunin ng K to 12, prangka o deretsahan ang tugon ni Rep. Ocampo na lalong naglantad sa tunay na adyenda ng K to 12, ang gawing isang malaking pabrika ng OFWs ang Pilipinas: “isa sa mga pangunahing layunin ng K to 12 ang mapagtapos ang ating mga estudyante nang may mga kasanayang magagamit sa trabaho. Kung dahil dito’y magtrabaho sila sa ibang bansa, sino tayo para sabihing ang pangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa ay hindi pangarap ng maraming pamilya sa ating bansa ngayon?” Sa interpelasyon naman ni Rep. Thelma Z. Almario ng ika-2 Distrito ng Davao Oriental kay Rep. Ocampo, kinompirma ni Rep. Ocampo na pagsunod sa pamantayang global ang isa sa mga pangunahing layunin ng K to 12. Sa pangkalahatan, malinaw na hindi gagawing makabayang mala-Rizal o mala-Bonifacio, mala-Jacinto at mala-Constantino ng K to 12 ang mga estudyante. Sa halip, sa ilalim ng K to 12 ay agaran silang hinihikayat, sa aktuwal ay minomolde, hinuhulma, minamanupaktura sila para maging trabahador sa ibang bansa sa halip na maging katuwang sa pagpapalakas ng mga lokal na industriya tungo sa pambansang kaunlaran.

Lagpas pa sa pagpapanatili sa labor export policy, layunin din ng K to 12 na “pabilisin” ang “pagmamanupaktura” ng mga trabahador

para sa mga dayuhang negosyo sa pamamagitan ng implicit encouragement sa mga estudyante na huwag nang magkolehiyo. Sa primer ng Official Gazette ay ganito ang binabanggit na pamimiliang landas ng estudyante pagkatapos ng senior high school (sa mananaliksik ang emphasis): “...pagpapatuloy ng edukasyon, pagtatrabaho, pagnenegosyo” (5). Mas direkta ang pagbibigay-diin ng “K to 12 Toolkit” ng SEAMEO-INNOTECH sa mantra na huwag nang magkolehiyo ang mahihirap at sa halip ay magtrabaho na kaagad:“Mas abot-kaya na ng mga pamilya ang edukasyon dahil mas matipid ang karagdagang dalawang taon sa hayskul kaysa sa mas mahabang panahon ng pagkokolehiyo o pagpasok sa unibersidad” (5). Sa “briefer” naman na inihanda ng DepEd (Nobyembre 2, 2010) at nakapost sa online Official Gazette ng Republika, kasama ang sumusunod sa 8 dahilan ng imposisyon ng K to 12: “bigyan” ang mahihirap na pamilya ng “employable child” sa mas maikling panahon. Tinatangka ng DepEd na ipakete o i-package ang K to 12 bilang isang programang “minus 2 instead of plus 2” na diumano’y “win scenario” para sa mga pamilyang walang kakayahang magpaaral sa kolehiyo. Sa pananaw ng gobyerno, 2 taon na lamang ng senior high school sa halip na apat na taon ng kolehiyo ang kailangang gastusan sa ilalim ng K to 12 para magkaroon ang mahihirap ng anak na maeempleo na kaagad. Ayon naman kay Nicki Tenazas, isang konsultant ng Asian Development Bank (ADB): “Kung may mapanghahawakan nang diploma sa hayskul ang mga estudyante sa edad na 18, may iba na silang mapamimilian bukod sa pagkokolehiyo...” Pinuri rin ng World Bank Philippines Quarterly Update (March 2012) ang ganitong layunin ng K to 12: “...pagbibigay-kasanayan sa mga nagtapos ng hayskul na makapagtrabaho kahit walang college degree.”

Sa pangkalahatan, trahedya ang idudulot ng kaisipang anti-edukasyong tersiyarya na isinusulong ng mga maka-K to 12. Kataka-taka na tila hindi pinapahalagahan ng mga maka-K to 12 ang edukasyong tersiyarya, gayong kapansin-pansin na maraming maunlad na bansa ang may

Page 9: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

104 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

mataas na porsiyento ng enrolment sa antas tersiyarya, samantalang mababa ang sa mahihirap na bansa, gaya ng ipinakikita sa graph (Fig. 1).

Siguradong pananatilihin din ng K to 12 ang kawalan ng akses ng mahihirap sa antas tersiyarya, na malubha na bago pa man nito pahabain ang bilang ng taon ng pag-aaral sa antas sekundarya. Ipinakikita ng datos sa ibaba ang porsiyento ng populasyon sa bawat antas sosyo-ekonomiko na nakatapos ng kolehiyo (Fig. 2). Dahil pinahaba pa ng K to 12 ang bilang ng taon ng pag-aaral na kailangan bago makapagkolehiyo ang isang mag-aaral, inaasahang lalong liliit ang bilang ng mahihirap na makatatapos ng kolehiyo at magiging habang buhay na lamang na “alipin” ng mga dayuhang korporasyon – walang socio-economic mobility, walang asenso, walang professional development – ang mayorya ng mga mamamayang Pilipino na walang kakayahang magbayad para makatapos ng kolehiyo. Ngayon,

malinaw na kung bakit ipinagtutulakan ng mga maka-K to 12 na huwag nang magkolehiyo ang mahihirap: upang sila’y mabaon sa karukhaan at di na makabangon pa sa kumunoy ng kawalang-asenso habang nananatili ang di makatwirang “tatsulok ng lipunan” na pinangingibabawan ng mga masalapi sa nakalipas na mga dekada (Fig. 3).

Dapat bigyang-diin na ang mauunlad na bansa ay karaniwang may mataas na bilang ng mga mamamayang nakatapos ng kolehiyo kaya nasusustine nila ang paglago ng kanilang ekonomiya (Fig. 4).

Ang graph sa Fig. 5 ay mula sa online Public Data Explorer ng United Nations Development Program (UNDP) 2013. Ang Human Development Index (HDI) ay holistikong sukatan ng kaunlaran. Ang 1 ay perpektong score na nangangagulugan ng ganap na kaunlaran; ang 0 naman ang pinakamababa na nangangahulugang walang kaunlaran.

Fig. 1. Tertiary Enrollment and Per capita GDP, 2008.

Source: Edstats Database as cited by World Bank, “Putting Higher Education to Work: Skills and Research for Growth in East Asia,” World Bank East Asia and Pacific Regional Report, 2012, web, 31 Hulyo 2013.

Page 10: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

105IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

Fig. 2. Education Attainment ng mga Pilipino (2006).

Source: Chris Sakellariou, “Access to and Equity of Higher Education in East Asia,” World Bank, 2010, web, 31 Hulyo 2013.

Fig. 3. Income Share ng Bottom 50% at Upper 50% sa Pilipinas.

Source: Tomas Africa, “Family Income Distribution in the Philippines, 1985-2009: Essentially the Same,” 2011, web, 31 Hulyo 2013.

Fig. 4. Education Attainment ng Pilipinas at Iba Pang Bansa.

Sources: Chris Sakellariou, “Access to and Equity of Higher Education in East Asia,” World Bank, 2010, web, 31 Hulyo 2013.Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD), “Education at a Glance 2012: OECD indicators,” 2012, web, 31 Hulyo 2013.

Fig. 5. Human Development Index Score ng Pilipinas at Iba Pang Bansa.

Source: United Nations Public Data Explorer Online, 2013.

Page 11: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

106 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Sa mga nakalipas na school year, dumarami na ang nagkokolehiyo sa Pilipinas ngunit hindi pa rin ito maipapantay sa mga nagkokolehiyo at nakakatapos ng kolehiyo sa ibang bansa. Sa implementasyon ng K to 12, sigurado na ang pagliit ng bilang ng mga magkokolehiyo – bunsod ng mantrang anti-edukasyong tersiyarya ng K to 12 sa Pilipinas – at tiyak na liliit din ang bilang ng magtatapos ng kolehiyo sa Pilipinas lalo pa at wala namang binabanggit sa K to 12 hinggil sa pagdaragdag ng subsidy sa mga state colleges and universities (SUCs) upang mabawasan ang matrikula sa mga paaralang iyon na karaniwang pinupuntahan ng mahihirap na mag-aaral. Sa pagliit ng bilang ng magkokolehiyo, liliit din ang bilang ng mga mamamayang Pilipino na may kakayahang maging administrador sapagkat ang pagiging administrador ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng edukasyon. Habang lumolobo ang populasyon ng Pilipinas, lalong kinakailangan ng mas maraming administrador sa iba’t ibang larangan kaya sa pangkalahatan ay negatibo ang impact sa Pilipinas ng papaliit na bilang ng magkokolehiyo at makakatatapos dito. Dapat ding tandaan na ang mga highly-skilled na propesyonal na mahalaga ang ambag sa pagpapaunlad ng bansa ay pawang nagtapos ng kolehiyo. Samakatwid, ang mas kakaunting nagtapos ng kolehiyo ay nangangahulugan din ng mas kakaunting highly-skilled na propesyonal para sa isang bansa. Sa datos mismo ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na inilabas noong April 2012, hindi sapat ang antas ng paglaki ng mga nagtapos ng kolehiyo sa bansa. Ayon sa NSCB, ang bilang ng mga ito na nasa edad 24-34 ay hindi gaanong lumaki mula 1.9% noong 2000-2001 tungong 2.0% noong 2009-2010.

Tanikala sa Diwa, Tanikala sa Dila: MTB–MLE at Iba Pang Usaping Pangwika atPangkurikulum

Bukod sa mantrang anti-edukasyong tersiyarya ng K to 12 sa Pilipinas, tanikala sa diwa at dila ng mga mamamayan – pagpapatuloy ng “misedukasyon” ng mga Pilipino – ang ilang aspekto ng programang ito. Kapansin-pansin na LAHAT ng opisyal na dokumento hinggil sa K

to 12 gayundin ang karamihan sa mga opisyal na lektura, pagsasanay, seminar, at worksyap hinggil sa K to 12 ay nasa wikang Ingles! Sa simula pa lamang ay halatang etsa-puwera, alienated, marginalized na kaagad ang mayorya ng mga Pilipino na hindi marunong gumamit ng Ingles sa intelektuwal na diskurso. Sino nga ba ang “kausap” ng gobyerno habang nililikha ang K to 12? Ipinagmalaki ng AusAid (aid agency ng Australia) sa “Philippines Annual Program Performance Report 2011” na inilabas noong Hulyo 2012 na sila’y “…epektibo at maimpluwensiyang partner sa repormang pang-edukasyon sa antas primarya, at mahalagang source ng evidence-based advice hinggil sa mga aspektong teknikal sa pagpapatupad ng bagong patakarang K to 12.” Noong 2013, ipinalabas din sa ilang sinehan gaya sa Glorietta (sa Lungsod ng Makati) ang isang patalastas na maka-K to 12 na pinondohan ng AusAid. Samantala, ayon sa kritik ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na inilabas noong Hulyo 2012, ang pitong magkakaugnay na “temang gagabay” sa kurikulum ng Araling Panlipunan ay “tuwirang hango sa mga temang binuo ng National Council for Social Studies ng Estados Unidos.” Mula rin sa United States ang pangunahing mga sangguniang aklat ng pangkalahatang kurikulum ng K to 12, ayon pa sa kritik ng ACT.

Sa antas elementarya, agarang ipinatupad ang Mother-Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE) na naglalayong ipagamit ang ilang unang wika mula Grade 1 hanggang Grade 3 bilang pangunahing wikang panturo. Problematiko ang hilaw at huwad na MLE-MTB na ito. Una, Bahasa Sug, Bikol, Cebuano, Chabacano, Hiligaynon, Iloko, Kapampangan, Maguindanaoan, Meranao, Pangasinense, Tagalog, at Waray lamang ang saklaw ng programa (bagama’t diumano’y may dalawa pang wikang idaragdag sa taong ito, at dadagdagan pa raw sa mga susunod pa). Paano na ang mahigit 90 pang wika sa Pilipinas? Pangalawa, bakit kailangang gamitin pang wikang panturo ang mga unang wika kung mahusay na rin namang mag-Filipino ang mayorya ng mga bata at kabataan na lantad na lantad na rito dahil sa media. Sa katunayan, may sapat nang ebidensiyang anekdotal na Filipino na ang default

Page 12: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

107IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

language ng maraming bata sa ibang rehiyon dahil sa pagsulong na rin ng pagtuturo ng Filipino bilang asignatura at paggamit nito bilang wikang panturo sa ilang asignatura. Matatag na ang Filipino na siyang wikang pambansa kahit sa mga rehiyon kaya nararapat lamang na ipagpatuloy na ang paggamit nito sa antas primarya at lagpas pa. Pang-apat, problematiko rin ang sitwasyon ng mga nasa paaralang eksklusibo lalo na yaong mga nasa pambansang rehiyong kabisera: maaari nilang igiit na Ingles ang unang wika nila. Ang pag-iral ng ganitong language gap sa pagitan ng masa at ng elite (na tinalakay na ni Constantino) ay tila pananatilihin at kukunsintihin pa ng MTB-MLE.

Panlima, walang sapat na plano ang gobyerno para sa mga dumayo lamang sa mga rehiyon. Halimbawa, ano ang mangyayari sa isang Tagalog na napadpad sa Davao? Pipilitin ba siyang mag-Cebuano kasabay ng mga kaklase niya o bibigyan siya ng bukod na gurong Tagalog? Paano kung isa o dalawa lamang sila at hindi praktikal ang pag-hire sa bukod na guro para sa kanila? Sa pangkalahatan, tiyak na may disenfranchisement o pagkaetsa-puwera pa ring mangyayari dahil sa MTB-MLE, at pahihinain nito ang paggamit ng Filipino – na sa ngayo’y malakas pa/na – sa antas elementarya (Fig. 6), hayskul (Fig. 7), at maging sa kolehiyo.

Fig. 6. Medium of Instruction at the Elementary Level.

Source: Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Center for Educational Innovation and Technology (SEAMEO-INNOTECH), “K TO 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012).” web, 31 Hulyo 2013.

Fig. 7. Comparison of the Learning Areas and Time Allotment of the 2002 BEC and the K to 12 Curriculum.

Source: Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Center for Educational Innovation and Technology (SEAMEO-INNOTECH), “K TO 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012),” web, 31 Hulyo 2013.

Page 13: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

108 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Samantala, mas malala ang de-Filipinisasyon sa antas tersiarya sa ilalim ng iskemang K to 12. Wala nang Filipino sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa unibersidad sa ilalim ng K to 12. Diumano’y ililipat sa senior high school/junior college ang mayorya ng mga asignatura sa kasalukuyang GEC.

Pansinin ang nilalaman ng Revised General Education Curriculum (RGEC) para sa unibersidad (Fig. 8). Puro Ingles ang asignatura at Ingles din ang pangunahing wikang panturo, at wala na talagang Filipinong natira sa proposed RGEC.

Bunsod ng “pag-iingay” ng mga guro sa Filipino hinggil sa pagbura sa Filipino bilang asignatura sa antas tersiyarya, napilitan ang Comission on Higher Education (CHED) na payagan ang pagtuturo ng mga asignatura sa bagong GEC sa Ingles o sa Filipino, alinsunod sa CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 na may petsang Hunyo 28. Problematiko na kaagad ang sistematikong pagbura sa Filipino bilang asignatura sa antas tersiyarya sa kabila ng pakonsuwelo de bobong pagtataguyod ng CHED sa Filipino bilang wikang panturo. Una, kung magdudulot ng pagbuwag sa mga departamento ng Filipino sa maraming kolehiyo at unibersidad ang K to 12, sino na ang mangunguna sa pagsasanay ng mga guro sa ibang asignatura na gustong gumamit ng Filipino bilang wikang panturo? Sino ang makakatuwang ng mga gurong ito sa paglikha at/o pagsasalin ng mga teksto at iba pang materyal na panturo? Dapat na igiit pa rin ang pagkakaroon

ng bukod na asignaturang Filipino, bukod pa sa Purposive Communication na maaaring palitan nga ng Malayuning Komunikasyon (asignaturang Filipino) ngunit tiyak namang daraan sa butas ng karayom sapagkat tiyak na maggigiit din ang mga guro ng Ingles (na mas marami) na Purposive Communication ang ituro sa antas tersiyarya.

Mas malala, sa ilalim ng K to 12 isang Filipino subject (Retorika) lang ang required sa senior high school/junior college gaya ng binabanggit sa “K TO 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012)” na inilabas ng SEAMEO-INNOTECH. Madagdagan man ng Filipino subject sa malaon ang kurikulum na ito, masasabing lamáng pa rin ang Ingles dahil ito pa rin ang de-facto primary medium of instruction sa senior high school gaya ng ipinahihiwatig ng talahanayan sa ibaba (Fig. 9). Pansinin din na ang Philippine Literature ay maaaring Philippine Literature in English sa halip na Panitikan ng Pilipinas.

Sa pangkalahatan, maka-Ingles ang K to 12 dahil hindi nito binura kundi sa halip ay lalong pinatibay pa ang hegemonya ng Ingles sa kurikulum bilang pangunahing wikang panturo lalo na sa mga mas matataas na antas ng edukasyon, sa kabila ng katotohanan na ang Filipino ay hinog nang gamiting panturo sa lahat ng antas gaya ng pinatutunayan ng matataas na score sa National Achievement Test ng mga mag-aaral (Fig. 10 at 11), at sa lumalaking bilang ng mga nagsasabi na Tagalog ang kanilang unang wika (Fig. 12).

Fig. 8. Mga Asignatura sa Revised General Education Curriculum.

Source: Tonisito M. C. Umali, “The K to 12 Basic Education Program: Transition Management,” Catholic Educational Association of the Philippines, 29 Agosto 2012, web, 31 Hulyo 2013.

Page 14: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

109IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

Learning Areas Grade 11 Grade 12Languages* English: Oral Communication

Filipino: RetorikaEnglish or Filipino for Specific Purposes

Literature* Philippine Literature (1st sem) World Literature (2nd sem)

Mathematics* Math for Specific Purposes I Math for Specific Purposes IIScience* Life Sciences Physical SciencesContempoary Issues* Local Issues Global IssuesSocial Sciences* PhilosophyCareer Pathways (Track- dependent)

Entrepreneurship, Tech-Voc, Academic* (e.g., Engineering, Sciences, Journalism), Arts/Sports, others

Entrepreneurship, Tech-Voc, Academic* (e.g., Engineering, Sciences, Journalism), Arts/Sports, others

Others National Service Training Program

Fig. 9. Mga Asignatura sa Senior High School.

Source: Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Center for Educational Innovation and Technology (SEAMEO-INNOTECH), “K TO 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012),” web, 31 Hulyo 2013.

School Year English Filipino2009-2010 61.84 62.5952010-2011 57.755 63.032011-2012 55.825 57.79

Fig. 10. Performance sa National Achievement Test (NAT) ng mga Estudyante sa Grade 3.

Source: National Education Testing and Research Center (NETRC) Online, 2013.

Page 15: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

110 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

*All private schools were included **Sampling private schools only

National Data1. The achievement rate of Grade 6 eaminees in the NAT approximates a status quo performance for the past three years.2. Over the years, they performed best in Filipino in contrast with the remaining subjects: Math, Science, Hekasi and English.3. In the recent NAT, the examinees showed marked increase in Science; while slightly improved performance in English.

Fig. 11. Performance sa National Achievement Test (NAT) ng mga Estudyante sa Grade 6.

Source: National Education Testing and Research Center (NETRC) Online, 2013.

Household population 1990 1995 2000

By ethnicity/mother tongue 60,559,116 68,431,123 76,332,470Tagalog 16,911,871 20,043,476 21,485,927Cebuano 14,713,220 14,486,869 10,030,667

Ilocano 5,923,511 6,370,938 6,920,760Bisaya/Binisaya 139,198 --- 5,778,435Hiligaynon/Ilongo 5,656,103 6,234,075 5,773,135Bikol/Bicol 3,519,236 3,893,731 4,583,034Waray 2,437,688 2,607,226 2,567,558Other foreign languages/dialects 4,184 61,588 19,964Other local languages/dialects 10,862,641 13,227,736 18,526,533Not reported 391,464 1,505,485 646,457

Fig. 12. Wikang Sinasalita sa mga Tahanan sa Pilipinas.

Source: National Statistics Office, “Philippines in Figures 2012,” web, 31 Hulyo 2013.

Page 16: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

111IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

Sa ilalim ng K to 12, wala na ring probisyon para sa Political Science subject. Sa lumang GEC, ang pag-aaral ng Philippine Government and Constitution ay isang requirement (ang totoo, nasa probisyon ito ng Konstitusyon). Ano ang ibubunga ng edukasyong walang probisyon sa politikal na kamulatan ng mga mag-aaral? Mga mamamayang sunod-sunuran sa agos at mga mamamayang indibidwalista na ang tanging pangarap ay makapag-abroad. Nagkatotoo na ang hula ni Simoun tungkol sa isang bansang walang sariling katangian, isang bayan ng mga alipin, at ni hindi naman masumpungan ang pangarap na bansa nina Rizal, Jacinto, Bonifacio at Constantino – isang bansang malaya at may sariling pag-iisip, isang bansa ng mga mamamayang aktibong nakikilahok sa pagpapaunlad ng kanilang bayan, isang bansang ang mga mamamaya’y nabubuhay sa pagpapatupad ng kaisipang “Bayan Muna, Bago Sarili.”

K to 12 Bilang Daan ng Kapahamakan:Tungo sa Kumunoy ng Utang

Isa sa mga naging dahilan ng pagtutol ng ilang mambabatas sa implementasyon ng K to 12 ay ang kawalan ng sapat na pondo ng gobyerno para rito. Ayon kay Rep. Almario, mula 2013 hanggang 2017 ay kailangan ng mga sumusunod para sa implementasyon ng layuning Education For All (EFA) pa lamang na ni hindi pa nga naisasakatuparan ng Pilipinas: sa 2013 – P334 billion; sa 2014 – P344 billion; sa 2015 – P360 billion; sa 2016 – P409 billion; at sa 2017 – P434 billion. Para kay Rep. Almario, dapat munang isakatuparan ang EFA (dapat ay nakaenrol lahat ng batang nasa edad na para mag-aral sa elementarya at sekundarya) bago magdagdag ng 2 pang taon sa dating 10-taong Basic Education Cycle. Bukod dito, ayon kay Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV, kailangan ng “P150 bilyon para sa 152,569 bagong silid-aralan, 103,599 guro, 95.6 milyong aklat, at 13.2 milyong silya” para sa K to 12. Ano na nga ba ang kalagayan ng mga kakulangan sa pasilidad at guro sa antas elementarya at sekundarya? Makabuluhang sipatin ang datos

mula sa primer na nasa online Official Gazette ng republika (Fig. 13):

Masyadong optimistiko ang prediksiyon ng DepEd na wala nang shortage sa katapusan ng 2013 dahil ayon sa isang kritik na inilabas ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) noong Hulyo 2012, “132,483 ang kakulangan sa teachers, 97,685 ang tinatayang kakulangan sa classrooms, at 153,709 ang kakulangan sa mga sanitation facilities” noong Akademikong Taon 2012-2013,” at “...naglaan ang rehimeng Aquino ng P239 bilyon para sa DepEd, katumbas ng P7/araw para sa isang estudyante. Sapat lamang ito para tugunan ang 27% ng pangangailangan para sa bagong mga klasrum, 20% ng kakulangan para sa mga bagong upuan at 12% para sa mga bagong guro. Wala pa rito ang mahigit P100 bilyon na kinakailangan para sa dagdag na gastos para sa programang K to 12.” Idinagdag pa ng ACT na “Mula sa bagong labas na National Budget Memorandum 113 ng Department of Budget and Management (DBM), ang budget ceiling ng DepED para sa taong 2013 ay P259.25B pero ang pangangailangan ng DepED para sa taong 2013 ay P321.91B. Isang malaking tanong kung saan kukunin ng gobyerno ni PNoy ang P78.95 B na kakulangan sa pondo ng DepEd.” Pagkatapos ng deliberasyon sa Kongreso at Senado, inaprubahan ang badyet ng DepEd para sa 2013 na nagkakahalaga lamang ng P293.32 billion. Mismong ang World Bank sa Philippine Quarterly Update4 (Hulyo 2012) ang nagsabing laging napakababa ng badyet sa edukasyon ng Pilipinas, at ni hindi ito halos tumataas sa kabila ng paglaki ng populasyon na nagdudulot ng pagdami ng mga estudyante.

Malinaw kung gayon na malaking-malaki ang peligro na hindi matutugunan ng pamahalaan ang kinakailangang badyet para sa implementasyon ng K to 12. Katunayan, narito ang plano ng DepEd kung paano mapopondohan ang K to 12 ayon sa pahina 11 ng primer na nasa Official Gazette ng Republika: “…utang mula sa gobyerno at mga pribadong bangko…” Hindi kataka-taka na sinusuportahan ng World Bank ang K to 12. Sa “Country Assistance Strategy (CAS) Progress Report” ng World Bank Group

Page 17: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

112 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

na may petsang Abril 20, 2011, nangako ang World Bank na ipagpapatuloy nito ang “suporta at ayudang teknikal” sa implementasyon ng K to 12 “katuwang ang AusAID at iba pa...Ang operasyong umiiral at panghinaharap ng Bangko ay iniaakma…sa mga hamong dulot ng malaking pagpapasya sa patakaran na baguhin ang basic education cycle.” Samakatwid, handa ang World Bank na pondohan ang programang K to 12 sa kabila ng katotohanan na ayaw nitong magpautang para sa alinmang proyektong industriyalisasyon ng Pilipinas gaya ng petroleum refineries, gold mines, steel mills, atbp.

Ayon sa Seksiyon 13 ng K to 12 Bill o House Bill 6643, ang panimulang badyet para sa K to 12 ay kukunin sa kasalukuyang pondo ng DepEd ngunit ang “halagang kailangan sa pagpapatuloy

ng implementasyon” nito ay magmumula na sa pambansang badyet sa pamamagitan ng taunang General Appropriations Act. Dahil ang kakulangan sa pambansang badyet ay karaniwang pinupunan ng utang, tiyak na lalo lamang ibabaon ng K to 12 sa utang ang Pilipinas. Pansinin na ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng rehimeng Macapagal-Arroyo at sa pagsisimula ng ikalawang administrasyong Aquino ay nasa apat na trilyong piso lamang. Noong Setyembre 2012, umabot na ito sa P5.213 trilyon at posibleng lalo pa itong lumobo dahil sa K to 12 at iba pang mga programang nangangailangan ng malaking pondo. Katunayan, sa pagtataya mismo ni Finance Secretary Cesar Purisima noong Agosto 2012, maaaring umabot sa P5.8 trilyon ang utang ng Pilipinas ngayong 2013.

RESOURCE 2010SHORTAGE

2010-MID 2012ACCOMPLISH-

MENTS

2012 ALLOCATION

(to address shortages)

2013 PROPOSED

ACTION/STATUS

Classrooms 66,800 23,646 31,610 17,939 programmed for

2013Teacher Items 148,827 29,261 16,000 61,500

programmed for 2013 (less 45k)

LGU fundedWater and Sanitation

135,847 29,243 25,667 90,461 programmed for

2013Textbooks 60 MILLION 52.7 MILLION 7.3 MILLION 31 Million

additional learning materials

Seats 2.5 MILLION 1.3 MILLION 1.5 MILLION 907,524 new seats

Fig. 13. Mga Kakulangan sa Publikong Paaralan sa Pilipinas.

Source: Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO), “The K to 12 BASIC EDUCATION PROGRAM,” Official Gazette ng Republika ng Pilipinas, 30 Oktubre 2012, web, 31 Hulyo 2013.

Page 18: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

113IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

Mga Alternatibo sa K to 12

Ngayong malinaw nang ang K to 12 ay hindi isang nasyonalistang programang pang-edukasyon na nagsasaalang-alang sa pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayan, iminumungkahi ang agad na pagpapahinto ng implementasyon ng K to 12 maliban sa implementasyon ng kindergarten at ng mga reporma sa kurikulum sa Grades 7 to 10. Maaari ring ipagpatuloy ang mga reporma sa Grades 1 to 6 ngunit dapat pansamantalang itigil muna ang MTB-MLE at sa halip ay ibalik ang Filipinisadong kurikulum sa antas elementarya.

Sa pangkalahatan, iminumungkahi ang pagpapabuti ng kasalukuyang 11-year Basic Education cycle (Kindergarten, Grades 1 to 6 at Grades 7 to 10) at karagdagang investment para sa mga state colleges and universities (SUCs), at sa buong sektor ng edukasyon. Ang paglalaan ng sapat na pondo para sa edukasyon ang unang hakbang sa pagpapabuti ng 11-year Basic Education cycle. Sa kasalukuyan, “kulelat” ang Pilipinas sa paglalaan ng porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) sa edukasyon. Sa pamantayan ng United Nations (UN), 6% ang minimum na porsiyento ng GDP na dapat ilaan sa

edukasyon. Pansinin na ni hindi pa umabot ang Pilipinas sa minimum na pamantayan sa kahit aling taon! Makikita sa Fig. 14 ang datos mula sa Public Data Explorer sa website ng United Nations Development Programme (UNDP) na naghahambing sa badyet sa edukasyon (bilang porsiyento ng GDP) ng Pilipinas at ng mga bansang mas maunlad dito (batay sa pamantayan ng Human Development Index ng United Nations noong 2013).

Makikita naman sa Fig. 15 ang datos na naghahambing sa badyet sa edukasyon (bilang porsiyento ng GDP) ng Pilipinas at ng mga bansang mas mahirap kaysa rito (batay sa pamantayan ng Human Development Index ng United Nations noong 2013).

Samakatwid, ang karagdagang pondong dapat sana’y ilalaan sa K to 12 ay higit na magiging kapaki-pakinabang kung gagamitin muna sa pagpapabuti ng 11-year Basic Education cycle. Saka na lamang pag-usapan ang pagdaragdag ng taon kapag maayos na ang programa mula Kindergarten hanggang Grade 10, sa pamamagitan ng pagdaraos ng pambansang konsultasyon hinggil sa edukasyon na titiyak na ang tinig ng bayan na ang masusunod at di ang dikta ng mga dayuhan at ng malalaking negosyante.

Fig. 14. Public Expenditure sa Edukasyon ng Pilipinas at ng mga Bansang Mas Maunlad.

Source: United Nations Public Data Explorer Online, 2013.

Page 19: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

114 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Fig. 15. Public Expenditure sa Edukasyon ng Pilipinas at ng mga Bansang Mas Mahirap.

Source: United Nations Public Data Explorer Online, 2013.

Fig. 16. Research and Development Spending in Tertiary Education as a Share of GDP, latest available year.

Source: World Bank, “Putting Higher Education to Work: Skills and Research for Growth in East Asia,” World Bank East Asia and Pacific Regional Report, 2012, web, 31 Hulyo 2013.

Page 20: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

115IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

Mahalaga rin ang karagdagang puhunan sa antas tersiyarya, lalo na sa larangan ng research and development (R&D). Kulelat din ang Pilipinas sa R&D at badyet sa antas tersiyarya kaya naman mahina rin ito sa inobasyon at modernisasyon ng teknolohiya sa edukasyon at iba pang larangan (Fig. 16-19).

Mahalaga ang karagdagang badyet sa antas tersiyarya upang mas maraming makapagtapos sa antas na ito. Napatunayan na sa pananaliksik na mas malaki ang “balik” o rate of return of investment sa pag-aaral sa kolehiyo at lagpas pa rito (Fig. 20).

Ayon naman sa World Bank East Asia and Pacific Region Poverty Reduction and Economic Management Department Report na pinamagatang “Education and Wage Differentials in the Philippines” (Xubei Luo at Takanobu

Fig. 17. Public Expenditure per Tertiary Pupil as a Share of GDP per capita, 1998-2009.

Source: World Bank, “Putting Higher Education to Work: Skills and Research for Growth in East Asia,” World Bank East Asia and Pacific Regional Report, 2012, web, 31 Hulyo 2013.

Terada): “Tertiary education is to a large extent a prerequisite for highly-paid occupations.” Samakatwid, benepisyal at positibo sa bansa ang pagdami ng mga nagtapos ng kolehiyo na tila mahahadlangan o mapababagal ng K to 12.

Katunayan, mas malaki ang average na kita ng mga nagtapos ng kolehiyo kaysa sa mga nagtapos ng hayskul (Fig. 21).

Samakatwid, sa halip na hikayating huwag nang magkolehiyo ang mga Pilipino sa ilalim ng K to 12, dapat dagdagan ang investment sa antas tersiyarya upang mas dumami ang makapagkolehiyo. Ito ang isa sa susi sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga mamamayan ng bansa. Ang bansang may mataas na antas ng edukasyon ay tiyak na may mataas na antas din ng kaunlaran na maitatala. Kaugnay nito, dapat ding tugunan ang palala nang palalang enrollment rate, bukod pa sa drop out rates na nananatiling mataas (Fig. 22).

Page 21: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

116 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Fig. 18. Public Tertiary Education Expenditure as a Share of Total Public Education Expenditure, 2006-2007.

Source: World Bank, “Putting Higher Education to Work: Skills and Research for Growth in East Asia,” World Bank East Asia and Pacific Regional Report, 2012, web, 31 Hulyo 2013.

Fig. 19. Trends in Higher Education R&D, 1996-2007.

Source: World Bank, “Putting Higher Education to Work: Skills and Research for Growth in East Asia,” World Bank East Asia and Pacific Regional Report, 2012, web, 31 Hulyo 2013.

Page 22: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

117IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

Fig. 21. Antas ng Edukasyon at Average na Kita ( y=PhP, x=edad).

Source: World Bank, “Investing in Inclusive Growth Amid Global Uncertainty,” Hulyo 2012.

Returns to Additional Year of Schooling (%)Level of Education 1988 1991 1994 1997 2001 2004 2006Whole economySome elementary 2.3 1.3 -1.6 0.8 2.9 2.4 2.6Elementary completed 6.9 6.6 6.8 7.3 8.0 7.6 5.8Some high school 4.6 5.0 3.3 4.7 4.3 3.0 3.6High school graduate 5.4 8.9 9.1 8.8 8.4 9.1 10.3Some college 12.6 9.4 9.2 11.0 11.8 11.2 12.3

Degree/postgraduate 16.0 16.7 15.7 18.0 18.2 17.6 17.9

Fig. 20. Rates of Return By Level of Education and Sector, 1988-2006.

Source: Emanuela di Gropello, Hong Tan and Prateek Tandon, “Skills for the Labor Market in the Philippines,” World Bank, 2010.

Page 23: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

118 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Fig. 22. Bumababang Lebel ng Enrolment sa Pilipinas.

Source: World Bank, “Investing in Inclusive Growth Amid Global Uncertainty,” Hulyo 2012.

Reoryentasyon ng Edukasyon at Ekonomiya

Walang saysay ang anumang dagdag-pondo sa edukasyon kung hindi isasailalim sa reoryentasyon ang sistemang pang-edukasyon at pang-ekonomiya ng bansa. Bago-baguhin man ang mga asignatura, dapat bigyang-diin ang pagkikintal o inkulkasyon ng nasyonalismo sa isip at puso ng mga Pilipino upang ang ating mga mamamayan ay maging mga mamamayang gaya ng pinangarap nina Rizal, Bonifacio, Jacinto at Constantino: mga mamamayang naglilingkod sa ikauunlad ng sariling bayan. Samakatwid, dapat ibasura ang labor export policy at ang pagtrato sa mga paaralan sa Pilipinas bilang tagamanupaktura lamang ng mga trabahador at propesyonal na pang-eksport.

Kaakibat nito, dapat palawakin ang mga oportunidad sa trabaho sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng komprehensibong planong ekonomiko na nakatuon sa pagsandig sa sarili. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon, reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura. Samakatwid, dapat gamitin ng bansa ang sariling resources

di para ieksport sa ibang bansa, kundi para sa ikauunlad ng mga mamamayan. Nasa Pilipinas ang lahat ng requirement sa resources – natural at human resources upang maging isa itong maunlad at makapangyarihang bansa. Naghihintay lamang ito ng mga Pilipinong handang magsikap na gamitin ang mga ito para sa kapakanan ng bansa at di ng mga dayuhan lamang. Sa ganitong diwa, malinaw na magkarugtong at di mapaghihiwalay ang reoryentasyon ng sistemang pang-edukasyon at ng sistemang ekonomiko ng bansa. Ang nasyonalistang sistemang pang-edukasyon ang huhubog ng mga mamamayang mag-aambag sa pag-unlad ng bansa. Kailangan namang baguhin ang sistemang ekonomiko upang makalikha ito ng sapat na trabaho para sa mga Pilipino, nang sa gayo’y hindi na maging pangangailangan at sa halip ay isang opsiyon na lamang ang pangingibang-bayan.

SANGGUNIAN

Alliance of Concerned Teachers. “Kritik at Panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) laban sa K to 12 ni PNoy.” Scribd.

Page 24: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

119IDEOLOHIKAL NA KRITIK NG PROGRAMANG K TO 12 D.M.M. SAN JUAN

31 Hulyo 2013. http://nonlinearhistorynut.files.wordpress.com/2010/02/miseducation-of-a-filipino.pdf.

Cueto, Francis Earl. “Philippines overtakes India as top BPO provider.” Manila Times Online. 21 Enero 2012. Web. 31 Hulyo 2013. http://www.manilatimes.net/index.php/business/top-business-news/15473-philippines-overtakes-india-as-top-bpo-provider.

Department of Education. “Discussion Paper on The Enhanced K+12 Basic Education Program.” DepEd Online. 05 Oktubre 2010. Web. 31 Hulyo 2013.http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/issuanceImg/K12new.pdf.

Ferraro, Vincent. “Dependency Theory: An Introduction,” sa The Development Economics Reader, ed. Giorgio Secondi. New York: Routledge, 2008. p.58-64. Web. 31 Hulyo 2013. https://www.mtholyoke.edu/acad/intrel/depend.htm.

Guevara, Che. “On Development.” Che Guevara Internet Archive. 1999. (Binigkas noong Marso 25, 1964). Web. 31 Hulyo 2013. http://www.marxists.org/archive/guevara/1964/03/25.htm.

Ibon Foundation. “The Philippine Development Plan (PDP) 2011-2016: Social Contract With Whom?” Ibon Foundation Online. 21 Hunyo 2011. Web. 31 Hulyo 2013. http://www.ibon.org/includes/resources/IBON_pdp2011-2016.pdf

Lichauco, Alejandro. Nationalist Economics. Q u e z o n C i t y : I n s t i t u t e f o r R u r a l Industrialization, Inc., 1988. p. 200-204. Nakalimbag.

National Statistics Office. “Philippines in Figures 2012.” Web. 31 Hulyo 2013. http://www.nsor12.ph/pdf_files/References/Philippines%20in%20Figures/2012%20PHILS%20IN%20FIGURES.pdf.

Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD). “Education at a Glance 2012: OECD indicators.” 2012. Web. 31 Hulyo 2013.http://www.oecd.org/edu/EAG%202012_e-book_EN_200912.pdf.

Sakellariou, Chris. “Access to and Equity of Higher Education in East Asia.” Background

paper prepared for World Bank 2011, World Bank, Washington, DC., 2010. Web. 31 Hulyo 2013.http://siteresources.worldbank.org/INTEASTASIAPACIFIC/Resources/AccesstoandEqui

tyofHigherEducationinEastAsia.pdf.Presidential Communications Development and

Strategic Planning Office (PCDSPO). “The K to 12 BASIC EDUCATION PROGRAM.” Official Gazette ng Republika ng Pilipinas. 30 Oktubre 2012. Web. 31 Hulyo 2013. http://pcdspo.gov.ph/downloads/2012/11/K-to-12-october-30.pdf.

Pimentel, Jr. Aquilino Q. Martial Law in the Philippines: My Story. Mandaluyong City: Cacho Publishing House., 2006. p. 39-42, 73-74. Nakalimbag.

Phi l ipp ine House of Representa t ives . “Congressional Record Volume 1, Number 24.” 17 October 2012. Web. 31 Hulyo 2013.http://www.congress.gov.ph/download/congrec/15th/3rd/15C_3RS-24-101712.pdf.

Philippine Overseas Employment Administration (POEA). “POEA restores validation of OFW exit clearance at NAIA terminals.” 09 Pebrero 2011. Web. 31 Hulyo 2013. http://www.poea.gov.ph/news/2011/PR_Jan2011_LAC%20validation.pdf.

Rizal, Jose. El Filibusterismo. Charles Derbyshire (trans.). Manila: Philippine Education Company, 1912. Nakalimbag.

--- . Noli Me Tangere. Leon Ma. Guerrero (trans.). London: Longman Group Ltd., 1961. Nakalimbag.

Shalom, Stephen Rosskamm. The United States and the Philippines: A Study of Neocolonialism. Quezon City: New Day Publishers, 1986. Nakalimbag.

Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Center for Educational Innovation and Technology (SEAMEO-INNOTECH). “K TO 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012).” Web. 31 Hulyo 2013. http://pcdspo.gov.ph/downloads/2012/11/K-to-12-october-30.pdf.

Page 25: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa ... · PDF fileSa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang

120 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Tan, Kimberly Jane. “Enrile calls for changes in economic provisions of PHL Constitution.” GMA News Online. 23 Hulyo 2012. Web. 31 Hulyo 2013. http://www.gmanetwork.com/news/story/266383/news/nation/enrile-calls-for-changes-in-economic-provisions-of-phl-constitution.

Tenazas, Nicki. “The Economics of K+12.” 29 Oktubre 2010. Web. 31 Hulyo 2013. http://school-principal.blogspot.com/2010/10/economics-of-k12-by-nicki-tenazas.html.

Transparency International-Philippines at Center for People Empowerment in Governance/CenPEG. “A Glimpse on the Philippine Constitution and Moves to Change It.” CenPEG Online. Circa 2005. Web. 31 Hulyo 2013. http://www.cenpeg.org/PIPE/pipe_aglimpse.htm.

Umali, Tonisito M. C. Esq. “The K to 12 Basic Education Program: Transition Management.” Catholic Educational Association of the Philippines. 29 August 2012. Web. 31 Hulyo 2013. http://ceap.org.ph/upload/download/20129/1881921971_1.pdf.

World Bank. “From Stability to Prosperity for All (PHILIPPINES QUARTERLY UPDATE).” March 2012. Web. 31 Hulyo 2013.ht tp: / /s i teresources .worldbank.o r g / I N T P H I L I P P I N E S / R e s o u r c e s /PQUMarch2012FINAL032012.pdf

--- . “Putting Higher Education to Work: Skills and Research for Growth in East Asia (World Bank East Asia and Pacific Regional Report).” 2012. Web. 31 Hulyo 2013.http://siteresources.7211-1318449387306/EAP_higher_education_fullreport.pdf.

--- . “Country Assistance Strategy (CAS) Progress Report for the Republic of the Philippines.” 2011. Web. 31 Hulyo 2013. http://www-wds.worldbank.org/external/default/WDSContentServer/WDSP/IB/2011/04/27/000333037_20110427042114/Rendered/PDF/612740CASP0P111e0only1910BOX358344B.pdf

--- . Skills for the Labor Market in the Philippines. 2010. Nakalimbag.

--- . “Education and Wage Differentials in the Philippines.” 2009. Web. 31 Hulyo 2013. http://elibrary.worldbank.org/docserver/download/5120.pdf?expires=1375927005&id=id&accname=guest&checksum=0B88F1EC5F3648613E7CF9DED6C8E1D2.