konseptong papel assignment

4

Click here to load reader

Upload: gavin

Post on 28-Oct-2014

741 views

Category:

Documents


24 download

TRANSCRIPT

Page 1: Konseptong Papel Assignment

Gavin S. Golingan BSIT – 2A

ANG KONSEPTONG PAPEL

Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang gawaing

balangkas o framework ng paksang bubuuin. Sa tulong ng konseptong papel, na magsisilbing

isang proposal, maihahanda na ang binabalak na pananaliksik.

Ang framework ay ang pinaka-istruktura at pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa

nais na patunay, linawin, o tukuyin.

Bahagi ng Konseptong Papel

Rasyunal (Rationale) – ang pagtukoy ng pinagmulang motibasyon o inspirasyon ng

pagsisiyasat. Taglay ng rasyunal ang pinagmulan ng ideya o kadahilanan kung bakit

napili ang isang paksa. Ang kabuluhan at kahalagahan ng naturang paksa o pag-aaral ay

inilalahad sa puntong ito.

Halimbawa:

Paksa: Information Technology: Daan sa Makabagong Panahon

Rasyunal: Bago sumapit ang makabagong teknolohiya katakot-takot na pasakit at

paghihirap ang ating dinanas upang makatanggap ng o makapagpadala ng mensahe.

Ilang araw o buwan ang kailangang lumipas bago matanggap ang liham. Kuntento na rin

na isang beses makapag-usap dahil mahal ang overseas long distance. Samakatuwid,

mabagal ang paraan ng komunikasyon.

Sa paglipas ng panahon, tila ang Mindanao ay naging Quiapo at ang Hongkong ay

Divisoria. Kaunting pihit lang sa kompyuter ay konektado ka na sa kabilang bahagi ng

mundo. May mga pagkakataon pa ngang makausap o makita ang isa’t isa sa screen ng

kompyuter. Ang lahat ng ito ay dahil sa teknolohiya. (Julie Ebal, Wika At Lipunan Sa

Panahon Ng Impormasyon).

Layunin (Objective) – ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng napiling

paksa. Maaari itong pangkalahatan(general) o tiyak (specific). Sa pangkalahatang

1

Page 2: Konseptong Papel Assignment

Gavin S. Golingan BSIT – 2A

layunin, ipinahayag nito ang kabuuang layon, nais gawin, mangyari o matamo sa

pananaliksik. Sa tiyak na layunin, ipinahahayag nito ang ispesipikong pakay sa

pananaliksik sa paksa.

Halimbawa:

Paksa: Ang Wikang Filipino Sa Larangan Ng Text Messaging

Pangkalahatang Layunin: Malalaman ang tungkuling ginagampanan ng wikang Filipino

sa larangan ng text messaging.

Mga Tiyak Na Layunin:

1. Natutukoy ang lawak at hangganan ng paggamit ng Filipino sa larangan ng text

messaging;

2. Naibibigay ang mga paraan ng paggamit ng mensahe sa Filipino gamit ang text

messaging;

3. Nailalahad ang implikasyon ng pagpapaikli ng pahayag sa Filipino gamit ang text

messaging.

Metodolohiya (Methodology) o Pamamaraan ng Pananaliksik - mga balak na hakbang sa

pangangalap ng datos at pag-iimbestiga ukol sa napiling paksa. Ang paraan (technique)

at pamamaraan (method) na ginagamit sa pagkuha ng datos at pagsusuri ng piniling paksa

sa pananaliksik ay nasa bahagi ng metodolohiya. Maaaring gamitin sa pagkuha ng datos

ang serbey, questionnaire, case study, obserbasyon, intervyu at iba pa. Kung magsusuri,

magagamit ang paraang empirical, komparatibo, interpretasyon o pagpapakahulugan.

Magagamit ang mga ito depende sa larangang gagamitin.

Inaasahang Bunga (Expected Outcome/Output) - ilalahad sa bahaging ito ang resulta ng

isinasagawang pananaliksik. Maaarig banggitin dito ang mga idinagdag gaya ng

apendiks.

Direktang sipi - pagtatala sa eksaktong ginamit na salita sa pinagkuhanan ng datos at ito ay

nakapaloob sa mga sipi.

2

Page 3: Konseptong Papel Assignment

Gavin S. Golingan BSIT – 2A

Sinopsis (Buod) - pagpapaikli sa orihinal na teksto sa pamamagitan ng pagpapahayag muli sa

sariling pananalita. Ito’y nasa anyong patalata at hindi sa anyong pabalangkas. Maikling buod

ito nguni’t malaman.

Presi (Précis) - tiyak na paglalahad ng mahahalagang ideya ng isang mahabang prosa o berso

gamit ang sariling salita.

Parapreys (Paraphrase) - may eksaktong katapat na ibig sabihin ng orihinal na akda.

Abstrak (Abstract) - pahayag o pangungusap na binubuod ang mga mahahalagang impormasyon

o ideya mula sa teksto.

WEBLIOGRAPHY

Facebook – https://www.facebook.com/notes/uap-block-k-2010/akademikong-pagsulat-grp3/193882243965848

Slideshare – http://www.slideshare.net/jakeDsnake/ang-pagbuo-ng-konseptong-papel-3227289

3