paggamit ng wikang tagalog sa iba't ibang asignatura sa paaralan [pananaliksik]

19
DAHON NG PAGPAPATIBAY DAHON NG PAGPAPATIBAY Nais kong humingi ng pahintulot na ma-aprubahan ang sulating pananaliksik na ito na pinamagatang, “Paggamit ng wikang tagalog sa iba’t ibang asignatura sa paaralan”. Ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang impormasyon tungkol sa paggamit ng wikang tagalog sa iba’t ibang asignatura sa paaralan ng Flos Carmeli Institution of Quezon City. Inilagay rin ng mananaliksik na mula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos Carmeli Institusyon of Quezon City ang mga opinion ng mga mamamayan, partikular na ang mga mag-aaral ukol sa paksang sinabi. Ang sulating pananaliksik na ito ay ginawa bilang isang proyekto at requirement sa Filipino. Maraming salamat po sa inyong konsiderasyon. _____________________ Gng. Brenilda Medina (Punong-Guro) _____________________________ Bb. Jessilyn Ranges

Upload: jovis-malasan

Post on 04-Apr-2015

19.126 views

Category:

Documents


29 download

TRANSCRIPT

Page 1: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAY

Nais kong humingi ng pahintulot na ma-aprubahan ang sulating pananaliksik

na ito na pinamagatang, “Paggamit ng wikang tagalog sa iba’t ibang

asignatura sa paaralan”. Ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang impormasyon

tungkol sa paggamit ng wikang tagalog sa iba’t ibang asignatura sa paaralan

ng Flos Carmeli Institution of Quezon City.

Inilagay rin ng mananaliksik na mula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos

Carmeli Institusyon of Quezon City ang mga opinion ng mga mamamayan,

partikular na ang mga mag-aaral ukol sa paksang sinabi. Ang sulating

pananaliksik na ito ay ginawa bilang isang proyekto at requirement sa

Filipino.

Maraming salamat po sa inyong konsiderasyon.

_____________________Gng. Brenilda Medina

(Punong-Guro)

_____________________________Bb. Jessilyn Ranges

(Guro sa Filipino)

Page 2: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

PASASALAMATPASASALAMAT

Ang pananaliksik na ito ay hindi ko magagawa kung wala ang tulong ng

aming guro na si Bb. Jessilyn D. Ranges na gumagabay at umaalalay sa akin

habang ginagawa ko ang pag-aaral na ito. Hindi ko rin ito magagawa kung

hindi din dahil sa tulong ng aking mga kapamilya at mga kamag-aral sa

pagbibigay nila ng kanilang mga opinion ukol sa aking nagawa para mas

mapaganda ko pa ang aking pananaliksik.

Kaya naman pinasasalamatan ko silang lahat dahil hindi ko ito matatapos

kung wala ang kanilang tulong at suporta.

Page 3: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

TALAAN NG NILALAMAN TALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”

A. INTRODUKSYON

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

C. MGA SULIRANIN SA DI-KADALASANG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

E. SAKLAW AT LIMITASYON

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

D. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”

BIBLIOGRAPIYA

Page 4: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

A. INTRODUKSYON

Page 5: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

Ang paksa ng aking pananaliksik ay ang paggamit ng wikang Filipino

sa iba’t ibang asignatura sa paaralan. Matatalakay dito ang suliranin at

kahinaan ng mga estudyante sa wikang Filipino dahil sa mas napapadalas

ang paggamit ng banyagang wikang Ingles sa mga asignatura. At dahil nga

sa madalas na nagagamit ang wikang ito, mahinang pagintindi naman sa

sariling wika ang kapalit.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Sa pagbubuo ng aking pananaliksik, isinasaalang – alang ko ang mga

sumusunod na mga layunin:

1. Matalakay ang mga kadahilanan sa paggamit ng wikang Filipino sa

iba’t ibang asignatura.

2. Matukoy kung kinakailangan ng isang wika sa pagtuturo ng mga

asignatura.

3. Malaman kung mas epektibo ang paggamit ng sarililng wika sa

pagtuturo.

Matukoy kung may koneksyon ang mababa at bagsak na grado ng

mga estudyante sa wikang ginagamit sa pagtuturo.

C. MGA SULIRANIN SA DI-KADALASANG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO

Mas nakasanayan na gamitin ang wikang Ingles kaysa Filipino kahit sa

mga simpleng pang-araw –araw na pakikisalamuha sa buhay.

Pumapangalawa na ang wikang Filipino sa wikang Ingles

Mas maraming natutunan na mga salitang Ingles kaysa Filipino

Habang tumatagal, bumababa ang pag-unawa sa wikang Filipino

Madalas nabubuo ang salitang “Taglish”

Nauudlot ang tuluyang paglawak ng wikang Filipino

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Page 6: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

Itong pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagkakaunawa ng hindi

lamang mga estudyante kundi lahat ng mga tao ang kahalagahan ng

kanilang sariling wika. Malaki ang mabebenipisyo ng aking pananaliksik sa

mga mag-aaral, mga guro, mga magulang at sa lahat. Mapapakita at

mapaparating sa aking pananaliksik ang mga epekto at mabuting naidudulot

ng paggamit ng sariling wika sa pag-aaral. Sa panahon ngayon mas

nabibigyan importansya ng mga kabataan ang wikang Ingles at sadyang

napapabayaaan na ang sariling wika, pumapangalawa na lamang ang

wikang Filipino sa wikang Ingles.

Makakatulong ito sa mga magulang sa paraang magkakaroon sila ng

sapat na kaalaman tungkol sa pagtuturo ng mga salita gamit ang ating

sariling wika, dahil sa paraan na ito ay madaling matututo ang mga bata at

para sa kanyang paglaki ay magkaroon siya ng sapat na kaalaman sa ating

wika.

Sa mga guro, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung ano

ang dapat gamitin sa pagtuturo. Mas makakatulong sa pag-iisip ng

estratehiya ang mga guro para mas maunawaan ng mga estudyante ang

kanilang pinag – aaralan sa kanilang leksyon.

Sa mga estudyante, makakatulong ito para lubos nilang

maintindihan na hindi sunodsunod na paggamit ng wikang Ingles ang

solusyon sa mabuting pag – aaral.

Hindi kinakailangan gamitin ang salitang Ingles sa pang-araw – araw

na pakikisalamuha sa buhay. Hindi rin kinakailangan gamitan lagi ng salitang

Ingles sa pakikipagugnayan sa kapwa Pilipino. Ang paggamit o pagsasalita sa

wikang Ingles ay hindi minamasama dito, maaari rin naman itong gamitin at

may sariling importansya rin ito, ngunit hindi kinakailangan na lagi ito

Page 7: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

gamitin. Oo, banyagang wika natin ang Ingles, pero pambansang wika natin

ang Filipino.

E. SAKLAW AT LIMITASYON

Sa pananaliksik na ito ay sumasaklaw ang lahat ng mga estudyante sa

ikaapat na antas at ikaanim na baiting sa loob ng nasabing iskwelahan ng

Flos Carmeli Institution Of Quezon City. Ang nasabing baiting at antas sa

iskwelahan na ito ay binigyan ng “survey” upang kanilang masagutan.

Limitado lamang sa iskwelahan na ito ang pagbigay ng “survey”. Nilimitahan

lamang ito sa isang pangkat ng mga estudyante sa ikaanim na baitang at

isang pangkat ng mga estudyante naman sa ikaapat na antas.

Page 8: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Page 9: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

Ayon kay Dr. Amalia Cullarin Rosales:

Mapanghamon, sapagka’t napakaraming balakid ang susuungin  ng

mga nagmamalasakit sa wikang Filipino upang maisakatuparan ang

adhikaing ito.  Bagama’t  nakatagpo tayo ng kasangga sa  katauhan ng

Pangulong Estrada   sa ating adhikaing pagpapalaganap sa wikang Filipino

bilang wikang dapat na gamitin sa mga paaralan, mga tanggapan ng

pamahalaan, Kongreso at  pakikipag-ugnayang panlabas, ay damang-dama

naman ang pagtutol ng ilang  mga  kilalang tao na ang wikang Filipino ay

gawing wika ng pagtuturo at pakipagtalastasan ng ating pamahalaan.  

Ayon kay Padre Pedro V. Salgado,OP:

Bakit kinakailanagn sayangin ang buong buhay sa pag – aaral ng ibang

wika, kung meron naman tayong sariling wika.

Ayon kay Jose T. Saragosa:

Marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad ang

wikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang

Wikang Filipino bilang wikang panturo o midyum ng edukasyon. Naniniwala

ang mga makabayang dalubwika o linggwistiko na ang paggamit ng

pambansang wika sa pagtuturo ng kaalamang teknikal at aghamin ang susi

sa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.

Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang

maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak na

pagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo

ng anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon.

Kung wikang dayuhan ang gagamitin sa pagtuturo, may tatlong proseso ang

nagaganap sa ating isipan: Persepsyon (Kaalaman), Pagsasalin, Pag-unawa.

Ayon kay Engr. Virgillio S. Perdigon:

Page 10: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

Ang suliranin ng pag - aaral sa ating bayan ay kung paano isasalin ang

kaalaman mula sa paaralan patungo sa masa. Ang wikang Ingles ay hindi

siyang lunas.

Ayon kay G. Michael Tan:

Madaling matututo ng ibang wika kasama na ang kahusayan sa mga

asignaturang Matematika at Siyensya kung mahusay na sa katutubong wika.

Page 11: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Page 12: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo sa pananaliksik na ito ay impormatib. Nagbibigay ito ng

sapat na impormasyon o kaalaman tungkol sa paggamit ngating wikang

Filipino. Impormatib ang siyang naging disenyo ng pananaliksik na ito upang

maipahayag ng mainam o maging detalyado ang pagpresenta sa

pananaliksik na ito.

B. MGA RESPONDENT

Sa paaralan ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, isang pangkat

ng mg estudyante sa ikaanim na baitang at isa ring pangkat ng mga

estudyante sa ikaapat na antas ang napiling maging respondent sa

pananaliksik na ito dahil sa sila ang mas may koneksyon sa pananaliksik na

ito. Mga estudyante sa ikaanim na baiting ang pinuntirya upang sila ang

tumayo bilang kinatawan ng mga batang mas mabababa ang baiting kaysa

kanila. Gayun rin sa ikaapat na antas, sila rin ay napili bilang mga

respondent upang sila ay magsilbing kinatawan naman ng mga

estudyanteng mas mababa ang antas kaysa kanila.

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang instrumentong pananaliksik ay ibinubuo ng mis mong

instrumentong “survey” kung ang mga katanungan ay nakasaad, bawat

estudyante ay bibigyan ng isang “survey” na naglalaman ng 2item na

katanungan. Essay type ang “survey” na ito.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Bawat datos sa pananaliksik na ito ay nakuha via internet research.

Bumista ng iba’t ibang websites. Inanalyze ng maige ang mga datos na ito

bago isayos para sa pananaliksik.

Page 13: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG

MGA DATOS

Page 14: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 15: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

A. KONKLUSYON

Bigyan importansya at kahalagahan ang sariling wika

Sanayin na magsalita sa wikang Filipino kahit sa simpleng

pangararw – araw na pakikisalamuha sa buhay.

Iwasan na magsalita ng “Taglish”

Intindihin ng mabuti ang sariling wika bago intindihin ang iba.

Huwag magdalawang isip na subukang palawakin ang wikang

Filipino

Huwag baliwalain ang sariling wika

Page 16: Paggamit ng Wikang Tagalog sa Iba't Ibang Asignatura sa Paaralan [Pananaliksik]

BIBLIOGRAPIYABIBLIOGRAPIYA

Collier’s Encyclopedia

http://www.wikipedia.com

http://www.answers.com

http://www.TCET.com

Encarta