pagsusuri sa nobela

18
Pagsusuri sa Nobelang Ginto ang Kayumangging Lupa ni Dominador B. Mirasol Divine M. Españo 3-DPH Prof. Celedonia Cruz

Upload: james-albaran

Post on 01-Nov-2014

817 views

Category:

Documents


9 download

DESCRIPTION

makakatulong po ito sa inyu

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsusuri Sa Nobela

Pagsusuri sa Nobelang

Ginto ang Kayumangging Lupa

ni Dominador B. Mirasol

Divine M. Españo

3-DPH

Prof. Celedonia Cruz

Page 2: Pagsusuri Sa Nobela

PASASALAMAT

Isang taos sa pusong pasasalamat sa may-akda nitong nobelang “Ginto ang

Kayumangging Lupa” ni Dominador Mirasol. Dahil sa kanyang obra ay namangha ang

isipan ng tulad kong mambabasa sa sining ng pagkakalikha nitong naturang nobela.

Punong-puno ng mga simbolo na isang pagpapatunay ng kanyang pagkamalikhain sa

pagsulat. Nailarawan nitong mabuti sa aking isipan ang kwento sapagkat mahusay niya

itong naipahayag sa pamamagitan ng mabisang pagsasa-ayos ng mga tagpo.

Nawa’y di lamang ako ang mabigyang pagkakataon na mabasa ito sapagkat ang

mga mumunting mamamayan na s’yang tinampok rito ay may karapatang

makapagbasa rin. Nang sa ganoo’y madama nila na mayroong minsan nagtanggol sa

kanila sa pamamagitan ng panitikan.

Pasasalamat rin sa Miguel de Benavides Library ng ating unibersidad sa

pagpapahiram ng aklat dahil kung wala ito ay di ko mabasa ang buong nobela at di

makapaghahanap ng tamang sangguniang aklat.

2

Page 3: Pagsusuri Sa Nobela

TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat……………………………………………………………………………………..2

Panimula

Pagpapahalaga sa Nobela Batay sa Pagbasang Arketaypal………………………4

Ang May-akda…………………………………………………………………………...5

Maikling Kasaysayan ng Nobela………………………………………………………6

Nilalaman

Pagsusuri ng Tagpuan………………………………………………………………….7

Pagsusuri ng mga Tauhan……………………………………………………………..8

Pagbibigay Aplikasyon sa Pagbasang Arketaypal…………………………………..9

Kongklusyon/ Rekomendasyon………………………………………………………………11

Talasanggunian……………………………………………………………………………......13

3

Page 4: Pagsusuri Sa Nobela

PANIMULA

Patuloy ang pagyaman ng Literaturang Pilipino. Tila malayo na nga ito sa dating

literaturang nakamulatan natin mula pa nang dumating ang mga inakala nating mga

kaibigang dayuhan na s’yang nagpakilala sa atin ng ating pangunahing relihiyon ngayon

sa bansa. Malawak na ang pinaghugutang inspirasyon ng bawat manunulat na Pilipino

‘pag dating sa usaping Literatura, malayo na ang agwat ng panahon ng Noli at El Fili ni

Dr. Rizal sa makabagong henerasyon ng mga nobelang Pilipino. Kung kaya’t ninais ng

mambabasang tulad ko na suriin ang isa sa mga nabanggit na makabagong obra,

bagaman hindi ito kahanay ng simula ng taong ika-dalawang libo, ito’y napapabilang

naman sa panahon ng aking kabataan, taong 1998. Ninais kong makita kung may

pagkakapareho ang kasalukuyang naturang nobela ni Mirasol sa mga akda ng ating

pambansang bayani sapagkat sa palagay ng karamihan ay pareho itong sumasalamin

sa realidad ng buhay gaya ng kalagayang panlipunan ng magkaibang panahon,

kasawian ng mga pangunahing tauhan at kung paano nila hinarap ang mga hamon nito

sa kani-kanilang buhay.

Pagpapahalaga sa Nobela Batay sa Pagbasang Arketaypal

Ang pagbasang Arketaypal ang napiling gamitin sapagkat kitang-kita sa

nilalaman ng nobela ang mga simbolo na maaaring may kinalaman at lalong

nagpapadiin sa hiwaga ng nobela.

Nakasaad sa aklat na sinulat ni Leodivico Lacsamana na ang pagbasang

arketaypal ay tinatawag ding pagbasang mitolohikal. Dagdag pa nito’y ang ganitong uri

4

Page 5: Pagsusuri Sa Nobela

ng pagbasa ay naimpluwensyahan ng mga paniniwala ng dulog sikolohikal at

antropolohikal. Ganito ang sinasabi ni Soledad Reyes, isang batikang manunulat,

tungkol sa pagbasang arketaypal:

“… ang banghay, mga tauhan, tema, at mga imahen sa mga akda ay mga

komplikasyon o interpretasyon ng mga magkakatulad na elemento sa mga

matatandang mito at alamat… Samakatwid, ang diin sa mga akdang sinuri ay nananatili

roon sa paulit-ulit na paglitaw ng mga imahen at simbolo ng may ugat sa higit na

matatanda at establisadong mga imahen at simbolo.”

Ayon rin kay Lacasamana, sumusuri at sumusuyod ang pagbasang ito sa

pangkalahatang antas ng kultura at lagay na kaalaman at kaisipan ng mga taong

tinutukoy sa akda.

Ayon kay Carl Gustav Jung, isang Swiss psychiatrist, ang mga debuho o

padrong ito ng buhay ay nakatanim o nakabaon nang malalim sa collective unconscious

ng mga tao o sa kanilang mga naiwang alaala sa isipan, at patuloy na bumabalik-balik

ang mga ito sa bawat salinlahi at bawat panahon.

Sa pagbasang arketaypal, ang mga padron o kaayusan sa buhay na

matatagpuan sa mga akda, ay sinasabing matatagpuan din sa lahat ng uri ng tao sa

buong daigdig, at siyang pinagmumulan ng mga tema ng pinakamakabuluhang mga

akda, namamalayan man ito o hindi ng manunulat.

Ang May-akda

Si Dominador Mirasol ay isang premyadong manunulat at likas siyang tahimik.

Matimpi at makapangyarihan ang bawat akda ni Mirasol tulad ng tula.

5

Page 6: Pagsusuri Sa Nobela

Maraming naisulat niya tulad ng Mga Aso sa Lagarian, Mga Bangkay sa Dalampasigan

ng mga Uwak, Mga Agos ng Disyerto at Maligno.

Si Ka Domeng ay isa sa mga magigiting na may-akda ng "Mga Agos sa Disyerto"

(kasama sina Efren Abueg, Rogelio Ordoñez, Rogelio Sikat, at Edgardo Reyes). Ang

kalipunan ng mga akdang nagpatunay na sa sariling wika higit na malalasap ang hapdi

ng pang-aapi at pangbubusabos; ang pagiging aba ng pagiging mahirap; at ang talas

ng mga salita sa mga nagbibingi-bingihan at nagkukunwaring makatao. Ang may-akda

ng "Mga Aso sa Lagarian (1964)," at "Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak

(1970)," na kapwa nagtamo ng unang gantimpala sa pagsulat ng maikling kwento sa

Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Maging sa pagsulat ng nobela ay

ginawaran rin siya ng Liwayway ng Ikalawang Gantimpala para sa "Apoy sa Madaling

Araw," na kasama niyang may-akda ang isa ring premyadong manunulat na si Rogelio

Ordoñez. (Perla S. Carpio, Agosto 2009)

Maikling Kasaysayan ng Nobela

Ang nobela ni Mirasol ay unang lumabas bilang isang serye sa Magasing

SAGISAG ng Department of Public Information (DPI) noong 1979 at nalimbag bilang

isang bahagi ng aklat na Panitikan at Kritisismo na inedit ni Rosario Torres-Yu. At

bukod pa rito’y nagwagi ng Tanging Gantimpala sa Timpalak sa Nobela Tagalog ng

CCP o Cultural Center of the Philippines.

6

Page 7: Pagsusuri Sa Nobela

NILALAMAN

Pagsusuri ng Tagpuan (Setting Analysis)

Ang mga tauhan sa kwento lalo ang mga magsasakang taga-Mauwak, sa simula

pa lamang ay hindi na nakatikim ng mapayapang pamumuhay mula noong sila’y may

lupa pang sinasaka hangang sa makaalis roon at naghanap ng panibagong simula.

Mahigpit ang pagkakaugnay ng mga tauhan sa lupa. Bagaman nagpakalayu-layo ang

mga taga-Mauwak at napadpad sa Gitnang Luzon, di nawala ang kanilang pagmamahal

sa lupa, lalung lalo na si Moises Dimasupil. Pinagyaman n’ya ang natuklasan lugar sa

isang kagubatan habang nagtatrabaho sa isang lagarian at di nagtagal pinatira ang

buong mag-anak. Ang kagubatang ito na parte lamang ng isa sa mga kabundukan sa

Sierra Madre ay siyang naging daan upang unti-unti mabuo ang mga pangarap ng

kanilang mga anak. Bagaman payak ang pamumuhay, nagsilbi itong mahalagang ari-

arian nila. Ito rin ang lugar kung saan nagkaisa ang mga taga nayon ni Moises at kapwa

n’ya kaingero na lumaban para sa kanilang lupain. Ginamit nilang kasangkapan ang

kagubatan na tila akmang –akma ang mga yaman ng kalikasan sa paggawa nila ng

mga munting armas at patibong upang mapagtagumpayan ang mga nagtatangkang

magpalayas sa kanilang lupain. Ngunit hindi lamang iyon ang ginampanan ng lupaing

iyon samakatwid ang pagiging mahiwaga nito sa pamamagitan ng mga tanawing

nababanggit sa nobela ang s’yang nagpapaganda sa kwento at dahil sa ilalim ng lupa

na rin sinasabing nakabaon ang gintong pinag-ugatan ng ganid ng alkalde at dalawang

Amerikano.

7

Page 8: Pagsusuri Sa Nobela

Pagsusuri ng mga Tauhan (Character Analysis)

Moises Dimasupil – ang pangunahing tauhan sa kwento, mapagtimpi at

mahinahon at s’ya ang magsisilbing tagapagligtas ng kanilang nayon

Tinay Dimasupil – ang asawa ni Moises at magiging kaagapay niya sa

pagtatanggol sa kanilang lupain at mag-anak

Tante Dimasupil – s’ya ang nagparaya sa kapatid na si Francisco na mag-aral sa

Maynila at s’yang pumalit sa ama ng ito’y maparalisa

Francisco Dimasupil – s’ya ang pinakamatalino sa magkakapatid, ninais na

magkapagtapos sa Maynila kung kaya’t umalis at nakipagsapalaran doon ngunit

sa lupit ng tadhana sa kanya ay napilitang isuko ang pangarap at sumapi sa

HUKBALAHAP

Senyor de Salazar – mula sa angkang de Salazar na umano’y nagsimula ang

lahi sa Pilipinas noong lihim na nagkarelasyon sa Prayleng Dominikano sa isang

Espanyola, naging malupit at di pataas sa kita sa lupaing sinasaka ng mga taga-

Mauwak

Mga Taga-Mauwak

Tata Berong, Ka Asyas at Ba Islaw – ang 3 ama ng kabataang pinaghinalaang

nagsipagnakaw sa konohan ng Senyor, sila ang nagpasiklab ng damdamin ng

mga kabataan upang mapatay ang Senyor

Pastor – kababata’t matalik na kaibigan ni Moises at sa huli’y di iniwan nito

hanggang sa nakamit nila ang tagumpay

Mando – Pinuno ng mga kabataang lumaban sa Senyor at di naglaoy naging

isang miyembro ng isang kilusang laban sa pamahalaan

8

Page 9: Pagsusuri Sa Nobela

Lucas – isa sa mga kababaryo ni Moises ngunit di nagtiwala kung kaya’t nasawi

sa engkwentro ng mga taga nayon laban sa pangkat ng alkalde.

Goryo – kaibigan ng pamilya ni Pastor na isang atsero sa lagarian sa dakong

Sierra Madre at nagsilbing pag-asa ng mga taga-nayon upang magsimula muli

sa bagong lupain

Mang Pio – isang matandang kaingero na nagbunyag kay Moises sa lihim ng

alkade at katuwang niya sa pamumuno sa pagtatanggol sa kanilang lupain

Alkalde – kasalukuyang namumuno sa bayan ng Quezon,ang utak sa likod ng

pagpapalayas sa pamilyang Dimasupil sa kanilang lupain

Sundalong Pilipino – ang nagpangggap na baliw at s’yang nakaka-alam kung

nasaan naroon ang bare-baretang ginto.

Bawat isa sa mga tauhan ay magkakaugnay dahil sa kani-kanilang

pagkaka-ugat sa lupa- ang lupang nagtataglay ng ginto. Bawat isa’y may mahalagang

tungkuling ginampanan upang mapatingkad ang nobela.

Pagbibigay Aplikasyon sa Pagbasang Arketaypal

Ang nobelang ito ni Mirasol ay nagtataglay ng mga simbolo at imaheng

nagpapatingkad sa isang arketaypal na pagbasa. Nangungunang halimbawa rito ay ang

pangalang Moises Dimasupil ang pangunahing tauhang lalaki ay isang alusyon

o di tuwirang pagtukoy sa Moises sa Bibliya. Ang kapansin-pansin ang apelyido n’yang

Dimasupil na halatang pinalalakas ang katauhan nito dahil na rin sa nangangahulugan

itong di masusupil o di matatalo ng kahit sinuman. Ang paghahanap ni Moises sa tunay

na Diyos sa Bibliya ay umaakma sa ginawang paghahanap at paglalakbay ng

9

Page 10: Pagsusuri Sa Nobela

pangunahing tauhan sa nobela. Sumisimbolo rin si Moises Dimasupil ng isang lalaking

Kristo sa pagsagip sa isang bayan o grupong inaapi at pinagsasamantalahan. Ang

ginawa nilang paglikas sa kanilang nayon ay sumasagisag din sa pagtakas mga

Israelita sa kalupitan ng mga Paraon at humanap ng bagong lupain sa pangunguna

nito.

Ang kabundukan ay isang napakahalagang imahen sa nobela sapagkat ito’y

nababalutan ng hiwaga na tanda ng kapangyarihan, puripikasyon at transpigurasyon.

Matatandaang sa kabundukan ibinigay ni Yahweh kay Moises ang Sampung Utos ng

Diyos; sa bundok rin ipinakita ni Hesus ang kanyang pagka-Diyos. Nariyan rin ang

paglitaw ng isang higanteng ahas sa nobela na maaaring sumagisag sa lahat ng

pagsubok na kahaharapin ni Moises sa nobela.

Nanginibabaw sa nobela ang tono ng mga nagagalit na boses, ng mga

nagsasalungatang mithiin, at mga paos ng tinig na pilit na naghahanap ng katarungan.

Paulit-ulit sa nobela ang mga eksenang punong-puno ng pagtutol sa mga mapang-

aping “pwersa” sa lipunan.

Makikitang nilayon ng nobela ang paglalantad sa mga taong mapagsamantala at

sa mga kasabwat nila sa paggawa ng kasamaan. Tinuturol din nito ang paglalatag ng

mga mekanismo upang malabanan ang mga kasamaang ito, matunton ang ugat ng

mga ito, at malapatan ng mga angkop na solusyon.

10

Page 11: Pagsusuri Sa Nobela

KONGKLUSYON/ REKOMENDASYON

Ang pagkabayan ba ng isang tao’y masusukat sa kanyang mga nagawa para sa

bayan? Sa palagay ko ay hindi lamang dapat ganoong aspeto ang maging batayan.

Katulad na lamang ng akdang ito na isinulat ni Dominador Mirasol, kapansin-pansin na

sa una’y ang himig ng may-akda ay may pahiwatig ng pagtitimpi n’ya sa pang-aapi ng

lipunan, ito’y kanyang tiniis sapagkat alam n’yang hindi dapat sa dahas gamitin ang

katarungan. Kinasangkapan ng may-akda ang kanyang nobela upang mapahatid sa

mga mambabasa ang kalagayan ng ating lipunan sa ngayon, oo, tama nga na tayo’y

malaya na sa mga dayuhang sumakop sa ating bayan ngunit tila sa pinahayag nito

rito’y hindi pa lubusan sapagkat ang mismong mga Pilipino sa kanyang kapwa Pilipino’y

aliping na hindi kayang kumalas sa mapag-alipustang “Senyor”. Maaaring

mapanghimagsik nga ang tono nito ngunit nais lamang na ilantad ng nobela ang mga

katiwalian ngayon ng ilang mga umuupong opisyal ng pamahalaan. Kung sino pa ang

dapat magpatupad ng kaukulang batas ay s’ya pang lumalabag rito. Masaklap isiping

na sa nobela ang pinuno ng isang bayan ang s’yang pasimuno ng walang habas na

pamamaril sa mga walang laban mga kaingero’t magsasaka ng nayong Mauwak.

Hindi naman puro galit ang nakapaloob sa akda, bagkus ipinakita na sa bawat

kasawian nating mga Pilipino ay hindi natin nakakalimutang maging masaya at

ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pagpapatawa sa katunayan, makikita roon na sa

gitna pa ng krisis ay nagagawa pang magbiro ng mga Pilipino.

Tunay ngang kaakibat ng mga kasawiang ito ay ang pag-asa. Ang mga Pilipino

kapag nasusugatan ay lalong tumatapang! Ang patunay rito’y ang sa umpisang

11

Page 12: Pagsusuri Sa Nobela

pagtitimpi ni Moises Dimasupil na sa kalagayan nilang mag-anak na tipong ginawa ang

lahat maging ligal lamang at di mapaalis sa kanilang pinagtiyagaang hanawing lupain at

nang lumabis ay natutong lumaban para sa kanyang pamilya.

Kitang-kita ang bayanihan sa panahon ng kagipitan at makikita ang mga tunay

na kaibigan sa panahong iyan. Ang mga nagtangkang umiwas tulad ni Lucio at ng iba

pang kasamahan ay lalong nagtulak sa kanila sa kamatayan. Kaawa-awa ngunit

kailangang magbuwis ng buhay alang-alang sa marami. Ngunit ang higit na di

katanggap-tanggap sa buhay na ito na ang “ginto na nakakasilaw sa kinang ang s’yang

pagmumulan ng ganid ng iilan, kasakiman at sukdulang kasamaan at pumatay

maangkin lamang!”

Hinahangad kong maisapelikula ang nobelang ito upang mabatid ng lahat na ang

magsasakang Pilipino ay dapat mabigyan ng katarungan sa kanilang sinasakang lupa

at nawa’y magkaroon ng karagdagan sa kwento sapagkat nais kong makita kung ano

ang kahihinatnan ng gaya ni Francisco Dimasupil sa pagsapi sa HUKBALAHAP na

alam naman nating hinubog na isang mabuting tao ng kanyang mga magulang ngunit

kung bakit ay nagbago at sumapi sa kilusan. Ganito ba ang nararapat sa kanyang nais

lamang ay maitaguyod ang pamilya sa pamamagitan ng kanyang katalinuhan?

12

Page 13: Pagsusuri Sa Nobela

TALASANGGUNIAN

Mga Aklat

Lacsamana, Leodivico, Ph.D. Filipino: Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon

III. Makati City: Diwa Scholastic Press. Inc., dd. 280-283, 2003

Mirasol, Dominador. Ginto ang Kayumangging Lupa. Quezon City: U.P. Press Printery

Division, 1998

Mula sa Internet

Perla S. Carpio, DF, PUP News, Volume VI, Isyu No. 15, Agosto 1-15, 2009

http://www.pup.edu.ph/newscenter/?id=325

13