pamahalaangkommonwelt

20
Pamahalaang Komonwelt Landas Tungo sa Kalayaan

Upload: jetsetter22

Post on 25-Jun-2015

104 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pamahalaangkommonwelt

Pamahalaang Komonwelt

Landas Tungo sa Kalayaan

Page 2: Pamahalaangkommonwelt

Philippine Bill

(1902) Jones Law(1916)

Philippine Assembly

(1907)

Pamahalaang

Komonwelt

Constitutional

Convention (1935)

Hare-Hawes-Cutting

Law (1932)

Tydings-McDuffie

Law (1934)

Misyong OSROX(1931)

Page 3: Pamahalaangkommonwelt

Batas Pilipinas ng 1902 (Cooper Act, Hulyo 1, 1902)

Naging batayan ng pamahalaang demokratiko sa bansa. Kabilang sa mga probisyon nito ang pagtatatag ng isang kapulungan ng mga mambabatas na binubuo ng mga Pilipino.

Henry Allen Cooper

Page 4: Pamahalaangkommonwelt

Mga Probisyon ng Cooper Act• Pagbibigay talaan ng mga karapatan ng mga

Pilipino.• Pagtatatag ng isang pambansang halalan para

sa Pambansang Asamblea• Pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa

para sa mga Pilipino.• Pagpapadala ng dalawang Pilipinong kinatawan

sa Kongreso sa Amerika.

Page 5: Pamahalaangkommonwelt

Pambansang Asamblea(Philippine Assembly, Hulyo 30, 1907)

• Layunin nitong gumawa ng mga batas para sa mga Pilipino.

• Nahalal bilang ispiker si Sergio Osmeña

Page 6: Pamahalaangkommonwelt

William Atkinson Jones

Batas Jones(Philippine Autonomy Act, Aug.29, 1916)

• Unang hakbang tungo sa pagsasarili ng Pilipinas.

• Binigyang kahulugan nito ang karapatan ng mga Pilipino, probisyon ng pagbabadyet at kapangyarihan ng pamahalaan sa taripa at kawanihan.

Page 7: Pamahalaangkommonwelt

Misyong OSROX (1931)

• Isa sa mga Misyong Pangkalayaan na ipinadala ng Pambansang Asamblea sa Estados Unidos upang mahikayat ang mga Amerikano na bigyan ng ganap na kasarinlan ang Pilipinas.

• Pinamunuan ito ni Sergio Osmeña at Manuel Roxas.

Page 8: Pamahalaangkommonwelt

Hare-Hawes-Cutting Law (1932)

• Batas pangkalayaan na sinuportahan ng Misyong OSROX. Tinutulan ito ng Pambansang Asamblea dahil sa probisyon sa pagtatatag ng base-militar at paghihigpit sa mga Pilipinong mandarayuhan sa Amerika.

Butler Hare Harry Hawes Bronson Cutting

Page 9: Pamahalaangkommonwelt

Tydings-McDuffie Law (1934)• Batas pangkalayaan na sinuportahan

ng Misyong Quezon. Ayon sa probisyon nito, matatamo ng Pilipinas ang kalayaan matapos ang 10 taon sa ilalim ng pamahalaang komonwelt, pagbuo ng Saligang Batas at paghahalal ng mga pinuno ng pamahalaang komonwelt.

Millard Tydings

John McDuffie

Page 10: Pamahalaangkommonwelt

Constitutional Convention (1935)

• Alinsunod sa probisyon ng Batas Tydings – McDuffie, bumalangkas ng saligang batas ang mga Pilipino sa pamumuno ni Claro M. Recto noong Peb. 8,1935.

Claro M. Recto

Page 11: Pamahalaangkommonwelt

• Inaprubahan ito ni Pang. Franklin Roosevelt noong Marso 23, 1935 at pinagtibay ng mga Pilipino sa isang plebisito noong Mayo 14, 1935.

Page 12: Pamahalaangkommonwelt

Unang Halaang Pambansa• Noong Setyembre

17,1935, ginanap ang unang halalan para sa pangulo at pangalawang pangulo ng pamahalaang komonwelt. Nagwagi sa halalang ito sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña.

Page 13: Pamahalaangkommonwelt

Noong Nob. 15, 1935, pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Nanumpa bilang pangulo at pangalawang pangulo sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña.

Page 14: Pamahalaangkommonwelt

Mga Programa ni Pang. Quezon• Sa ilalim ng Pamahalaang

Komonwelt, ang Pilipinas ay nagkaroon ng kalayaang panloob ngunit walang karapatang diplomatiko. Ilan sa mga mahahalagang programa ni Pang. Quezon ay ang mga sumusunod:

Page 15: Pamahalaangkommonwelt

National Defense Act• Layunin nitong

mapangalagaan ang seguridad ng bansa.

• Pagtatatag ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na binubuo ng mga regular force (sundalo) at reserve force (sibilyan).

Naging tagapayo ng Hukbong Sandatahan si Gen. Douglas MacArthur.

Page 16: Pamahalaangkommonwelt

Women's Suffrage Act• Nagbigay ng pantay na karapatan sa mga babae

na bumoto at mahalal sa pampublikong posisyon.

Paglagda ni Pang. Quezon sa Women’s Suffrage Law

Bumoto si Unang Ginang Aurora Aragon-Quezon sa unang pagkakataon.

Page 17: Pamahalaangkommonwelt

Pagtatatag ng Pambansang Wika

• Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa na naatasang mag-aral at magsiyasat sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa.

• Naging unang pinuno nito si Jaime C. de Veyra

Page 18: Pamahalaangkommonwelt

Katarungang Panlipunan• Layunin nitong mapanatili ang balanse ng

kalagayang ekonomiko at panlipunan sa buong bansa.

– Minumum Wage Law– Eight-Hour Labor Law– Tenant Act (Batas Kasama’)– Court of Industrial Relations– Homestead Law

Page 19: Pamahalaangkommonwelt

Eight-Hour Labor Law

Page 20: Pamahalaangkommonwelt

Konklusyon• Layunin ng pamahalaang Komonwelt na

sanayin ang mga Pilipino sa sariling pamamahala, gawing matatag ang sistemang pampulitika at mapaunlad ang kabuhayan ng bansa bago ito maging isang ganap na malayang bansa makalipas ng sampung taon. Ngunit ito ay naantala dahil sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.