patakarang pananalapi
TRANSCRIPT
PATAKARANG PANANALAPI
• Tumutukoy sa mga patakarang ipinatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagkontrol ng pera, reyt ng interes, at kondisyon ng kredito. R.A. 7655
Ang BSP ang nagpapanatili ng matatag na presyong pabor sa balansyado at masusustenihang paglago ng ekonomiya.
Pasusulungan din nito ang katatagang monetaryo at pagpapalit ng piso.
Tungkulin din nito na kontrolin ng paglawak o pagliit ng dami ng pera.
MGA LAYUNIN NG PATAKARANG PANANALAPI
Mga Layunin ng Patakarang Pananalapi
1. Pagpapatatag ng presyo2. Paglago
• Upang mapatupad ang mga layuning ito, tinatarget ng BSP na magkaraoon ng mga tamang lebel ng suplay ng pera, ng tamang reyt ng interes, at ng tamang reyt ng implasyon.
• Mga kasangkapan para sa Target na Suplay ng Pera1. Pagbili at pagbenta ng dayuhang pera sa forex
market.2. Operasyon sa bukas na pamilihan.
Mga kasangkapan para sa Target na Suplay ng Pera
1. Pagbili at pagbenta ng dayuhang pera sa forex market
• Kung gusto ng BSP na palakihin ang reserbang dayuhang salapi o kaya gusto nitong palakihin ang suplay ng piso sa ekonomiya, namimili ito ng dolyar.
• Kung gusto naman nitong pigilin ang pagbagsak ng halaga ng piso, nagbebenta ito ng dolyar sa forex market.
2. Operasyon sa Bukas na Pamilihan• Kung gusto ng BSP na paluwagin o palakihin ang suplay
ng piso sa pamilihan, maaaring bumili ito ng mga suplay ng piso sa pamilihan, maaaring bumili ito ng mga government security.
• Kung tumaas ang presyo ng mga bilihin, maaari nitong paliitin ang suplay ng piso sa pamilihan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga government security.
Mga Kasangkapan na Target ang Reyt ng Interes
1. Reserbang Kailangan
Hinihingi ng BSP sa mga bangko na ireserba ang
bahagi ng mga depositong tinatanggap nila.
Kung gusto ng BSP na paliitin ang interes upang
lumuwag ang kredito, binababaan nito ang reserbang kailangan.
Kapag maliit ang interes at maluwag ang kredito, mas madaling nakakautang ng
puhunan ang mga negosyante.
Kung tumataas ang presyo ng mga bilihin, tinataasan ng
BSP ang reserbang kailangan upang tumaas ang
interes.
Mas mataas ang interes, mas kaunti ang
nangungutang at dahil dito, mas kumakaunti ang perang umiikot sa ekonomiya, kaya nakokontrol ang presyo ng
mga bilihin.
2. Rediscounting Bilang bangko ng mga bangko, nagpapahiram ang
BSP ng pera sa mga bangko. Maaaring limitahan ng BSP ang perang mahihiram
ng mga bangko at maaari rin nitong itakda ang reyt ng interes ng pautang nito.
Karaniwan, nagpapautang ang BSP sa mga bangko batay sa mga dokumento ng pautang na mula sa kanilang mga kliyente.
Rediscounting- pagpapautang batay sa mga dokumento ng pautang mula sa kanilang mga kliyente.
Rediscount rate- reyt ng interes ng pautang. Kung gusto ng BSP na paliitin ang suplay ng pera,
binabawasan nito ang pondong ipinauutang sa mga bangko o kaya itinataas ang rediscount rate.
Mga Iba pang Kasangkapan
1. Piling pagkontrol Maaaring kontrolin ng BSP ang mga pautang
batay sa pangangailangan ng ekonomiya. Kung gusto ng BSP na unahin ang importasyon
ng mga produktong kapital sa halip na mga produktong panluho, maaaring taasan nito ang persentahe ng deposito para sa mga produktong panluho at babaan ang yaong para sa mga produktong kapital.
2. Pagkumbinsing Moral Kinakausap na lamang ng BSP ang mga
bangkong gawin ang isang bagay na makabubuti sa ekonomiya.
PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN
Pag-iimpok at Pamumuhunan
I. Pag-iimpokA. Mga sektor na nakatutulong sa pag-
iimpoka.) Konsyumer
• Kadalasan, sa bangko inilalagak ang perang iniimpok. Ngunit itinuturing ding impok ang lahat ng perang hindi ginagamit sa konsumo at inilalagay sa iba’t-ibang financial market
• Kabilang dito ang perang ibinabayad sa pension plan, education plan, at sa installment sa bahay.
b.) OFW• Malaking pinagkukunan ng pag-iimpok sa bansa
ang Overseas Filipino Workers o mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
• Ang perang ipinadadala nila rito ay inilalagay sa mga bangko at iba pang institusyong pinansyal ay nakatutulong sa pag-iimpok sa bansa.
c.) Negosyo• Depreciation at Retained Earnings.
• Depreciation- pagkaluma, pagkasira, o pagbabang halaga ng ginagamit na produktong kapital
• Retained Earnings- netong kita ng kompanya na hindi ipinamimigay sa mga stockholder bilang dibidendo.
d.) Gobyerno• Nagkakaroon ng impok ang gobyerno kapag
mas malaki ang nakukulektang buwis kaysa mga gastos nito. Dahil laging may depisit sa badyet ang
pambansang gobyerno, maaaring sabihing wala itong naiimpok.
Ngunit, kapag nagkakaroon ito ng depisit dahil nagpapagawa ito ng mga imprastruktura na tulad ng daan at tulay, maaaring sabihing ang perang ginastos ay naimpok at naipamuhunan sa produktong kapital.
Bukod sa pambansang pamahalaan, nakatutulong din sa pag-iimpok ang maraming pamahalaang lokal na may mga surplus sa badyet.
e.) Mga Dayuhan• Tumutulong ang mga dayuhan sa pag-iimpok
sa Pilipinas kapag naglalagak sila dito ng pera para sa kanilang pamumuhunan
• Maaaring nagtatayo sila rito ng negosyo o bumibili ng stock ng lokal na kompanya.
(2008) Umabot sa P182.68 bilyon ang direktang dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas –- Board of Investments.
• Mahalaga ang pag-iimpok dahil ito ang pinagkukunan ng salaping magagamit sa pamumuhunan.
II. Pamumuhunan• Sa pananalapi, ito ay tumutukoy sa pagbili ng
financial security tulad ng bond, mortgage o
stock.
• Sa ekonomiks, ito ay tumutukoy sa pagbili ng mga produktong kapital na kailangan upang mapataas ang produksyon.
• Tumutukoy ito sa pagpigil o pagsasakripisyo ng pagkonsumo upang mapataas ang produksyon sa kinabukasan.
• Nagkakaroon ng pamumuhunan kung nagpoprodyus ang mga pinagkukunan ng mas maraming produktong kapital at mas kaunting produktong pangkonsumo.
•Mga produktong kapital▫Tinatawag na yaman ng bansa
sapagkat ang mga produktong ito ang direktang nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
• Mas maraming produktong kapital ang isang bansa, tiyak na mas malago ang ekonomiya nito.
BUMUBUO NG SEKTOR NG PANANALAPI
•Binubuo ang sektor ng pananalapi sa bansa ng mga:▫Bangko▫Institusyong pinansyal na hindi bangko na
pawang nasa ilalim ng pamamahala ng Bangko Sentral ng Pilipinas
• May legal na kapangyarihan ang mga institusyong ito upang• Lumikha ng pera• Kumontrol ng pera• Magpautang ng pera
Mga Uri ng Bangko• Thrift Bank (Bangko ng Pagtitipid)
▫ Tinatawag na Bangko ng Pag-iimpok.▫ Humihikayat sa mga tao na magtipid at mag-impok ng
bahagi ng kanilang kita• Bangkong Komersyal
Bangkong nakikipag-ugnayan sa mga nag-iimpok at mga kapitalista at negosyante
Nagpapahiram ito ng puhunan sa mga mangangalakal para sa pabahay, kotse at iba pa.
• Bangkong Rural Tumutulong ito sa mga magsasaka upang magkaroon ng
puhunan. Tumatanggap ito ng gma deposito at nagpapautang sa
mga magsasaka para sa kanilang pangangailangan.
Mga Ispesyal na Bangko
•Development Bank of the Philippines (DBP)▫Pangunahing layunin niyo ang tustusan
amg mga proyektong pangkaunalaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya.
•Land Bank of the Philippines (LBP)▫Layunin nito ang magkaloob ng pondo sa
programang pansakahan
Mga Institusyon ng Pananalapi na Hindi Bangko• Government Service Insurance System (GSIS)
▫ Ito ang ahensyang nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng gobyerno.
• Social Security System (SSS)
▫ Ito ang ahensyang nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya.
• Pag-ibig Fund
▫ Ito ang ahensyang nagpapautang para sa pabahay ng mga kasapi nito.
• Mga bahay-sanglaan
▫ Ito ang nagbibigay ng pautang na ang halaga ay batay sa bagay na isinasangla.
• Mga kompanya ng seguro
▫ Ito ang mga kompanyang nagbibgay ng segurong life at nonlife sa mga tao.
Bahagi ng Institusyon ng Pananalapi sa Ekonomiya• Papel na ginagampanan ng mga institusyon ng pananalapi
▫ Nakahihiram ang mga tao ng salaping kinakailangan sa pagbili ng mga kalakal, ng panggastos sa mga pangunahing pangangailangan, pambili ng bahay, sasakyan, lupa, at iba pa.
▫ Lumilikom ng malaking pondo para matustusan ang mga pangunahing negosyo.
▫ Tumatayo itong tagapamagitan ng institusyon ng pananalapi sa mga mamumuhunan at namumuhunan na mga indibidwal.
▫ Tumutulong sa pagsasaayos at pagtutustos ng mga pondo.
KAHULUGAN NG SALAPI
TUNGKULIN NG SALAPI• Bilang midyum ng pamalit.
▫ Ginagawa sa pamamagitan ng pera ang lahat ng bentahan o palitan.
• Bilang sukatan ng halaga.▫ Itinatakda ang presyo ng mga produkto sa
pamamagitan ng pera.▫ Sa tulong ng mga presyo ng mga produkto,
mapaghahambing natin ang kanilang mga halaga.• Bilang taguan ng halaga.
▫ Maaaring itago ang pera nang hindi nagbabago ang takdang halaga nito.
MGA KATANGIAN NG PERA• Dapat tinatanggap ito
▫ Nangangahulugan itong dapat tanggapin ng lahat sa loob ng sistemang ekonomiko na may halaga ang pera at dapat gusto nilang tanggapin ito bilang pambayad sa mga utang.
• Dapat nahahati ito▫ Dapat nahahati ang pera sa mas maliit na yunit nang hindi
nagbabago ang halaga nito.• Dapat nabibitbit ito
▫ Dapat madaling nadadala ang pera mula sa isang lugar papunta sa ibang lugar.
• Dapat rasonable ang katatagan ng halaga nito▫ Dapat ang mabibili, halimbawa, ng P100 ngayon, ay
mabibili rin nito bukas, sa susunod na buwan, o sa susunod na taon.
KASAYSAYAN NG PERA
BARTER - Pagpapalitan ng
produkto sa produkto.
- Mga likas na produkto ang
ginagamit.- Mahirap dahil
walang istandard na halaga.
PERANG METAL - matapos
madiskubre ang metal, naging pangunahing
istandard.- Madaling hatiin at
dalin at naging mahalaga dahil sa
angking kagandahan.
SINAUNANG COIN
- ika-7 siglo BC nang lumitaw ang mga unang coin na kamukha ng mga
coin ngayon - maliit na
pirasong metal na may tiyak na
timbang at halaga at nagtataglay ng opisyal na selyo bilang garantiya
ng kanilang halaga.
GINTO, PILAK, AT TANSONG COIN - mga unang coin dahil sa kanilang
ganda, tibay, halaga at pagiging
pambihira. - kung ano ang
likas na halaga ng metal na ginamit,
iyon din ang halaga ng coin.
PERANG PAPEL - sa Gitnang
Silangan nagsimula ang paggamit ng perang papel.
- Banco de Brasil (1810)
- Sa paglabas ng perang papel,
nilimitahan ang mga coin sa
mababang halaga upang magsilbing
panukli.
TSEKE- Nang hindi na napapalitan ng
mahalagang metal ang coin at perang papel, nagkaroon na ng mga tseke.
-ipinagkakaloob ng bangko sa taong may deposito.
SA PILIPINAS - Pinneform Gold
Barter Ring- tawag sa unang
ginamit na barya.- Hugis kalamay na
barya na naglarawan kay Queen Isabel ng
Spain.