unang digmaang pandaigdig

30

Click here to load reader

Upload: jeff-santos

Post on 12-Sep-2015

992 views

Category:

Documents


405 download

DESCRIPTION

History

TRANSCRIPT

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Project in A.P

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

KAILAN NGA BA NAGSIMULA ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG?ITO AY NAGSIMULA NOONG AGOSTO 1914 AT NAGTAPOS NOONG 1918BAKIT AT ANO ANG SANHI NG PAGKAKAROON NITO? ANG PAG-AALYANSA NG MGA BANSANG EUROPA AT PAG-UUNAHAN NILA SA TERITORYO AT IBA PANG MGA INTERES.ANU-ANONG MGA BANSA ANG KASAMA SA UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG?ANG GERMANY AY KAALYADO NG AUSTRIA-HUNGARY AT TINAWAG SILANG CENTRAL POWERS.ANG FRANCE,ENGLAND,AT RUSSIA NAMAN NA TINAWAG NA MGA ALLIES AY MAGKAKAMPI.

Sangkot sa Digmaang Ang mga Nangungunang Bansa ng Mundo na nooy nabibilang sa dalawang magkalabang Alyansa: - ang alyadong puwersa at puwersang Sentral. Mahigit sa 70 milyong sundalo ang lumahok sa Digmaang ito, na pumatay ng tinatayang 9 milyong katao Bunga ng mabilisang pang unlad ng teknolohiya sa pakikibaka..

ARCHDUKE FRANCIS FERDINAND

Si Archduke Francis Ferdinand ay tagapagmana ng Imperyong Hapsburg na si Archduke Franz (Francis) Ferdinand at ang kanyang asawa na si Sophie, habang ang mga ito ay bumisita sa Sarajevo, kabisera ng Bosnia o Serbia. Sila ay binaril ni Gavrilo Princip, isang rebeldeng taga Bosnia. Siya ay kasama sa isang Serb Nationalist na nag-uugnay sa teroristang grupo na "The Black Hand". Ang Archduke ay pinatay sapagkat nais ng mga terorista'ng pataasin ang tensyon sa Imperyong Hapsburg upang makapaghanda sa isang rebolusyon. Ang pangyayaring ito ang ginamit ng Austria upang magdeklara ng digmaan laban sa Serbia. Nangako naman ng suporta ang Germany sa Austria. Nais ng Germany at Austria ng mabilisang pagkilos o aksyon laban sa Serbia bago pa man masangkot ang ibang bansa sa kaguluhan. Dahil dito, nagdeklara ng digmaan ang Austria laban sa Serbia noong ika-28 ng Hunyo 1914. Ito ang naging simula ng Unang Digmaang Pandaigdigan.

MGA EPEKTO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIGNATALO ANG CENTRAL POWERS SA DIGMAAN AT ISINAGAWA ANG PAGPUPULONG SA VERSAILLES,FRANCE UPANG PORMAL NANG TAPUSIN ANG DIGMAAN AT PAG USAPAN ANG KAPARUSAHAN NG MGA TALUNANG BANSA.SA KABUUAN,NANGHINA LAHAT NG BANSANG EUROPEAN DAHIL SA TAGAL,HIRAP,AT GASTOS NG DIGMAAN.LUMAKAS NAMAN ANG UNITED STATES AT JAPAN.NAIBA ANG BALANSE NG KAPANGYARIHAN(BALANCE OF POWER) SA DAIGDIG.ANG UNITED STATES AT JAPAN ANG MATATAWAG NA MGA SUPERPOWER O MGA PINAKAMAKAPANGYARIHANG BANSA NOONG PANAHONG YAON.SA VERSAILLES, NAKUHA NG JAPAN ANG SHANTUNG NA DATI AY NASA KAMAY NG MGA GERMAN.BINIGYAN DIN NG KAPANGYARIHAN MAMUNO ANG JAPAN SA MGA ISLA SA PACIFIC OCEAN NA NASA HILAGA NG EQUADOR NA DATING NASA KAMAY NG GERMANY.SUMAMA RIN ANG CHINA SA USAPAN SA VERSAILLES, SUBALIT WALA SIYANG NAKUHA AT NAWALA PA ANG SHANTUNG SA KANYA.DAHIL DITO HINDI NILA NILAGDAAN ANG KASUNDUAAN SA VERSAILLES.DAHIL SA DI-MAKATWIRANG PAGTRATO SA KANILA SA VERSAILLES, NAG-UMPISA ANG ISANG MALAWAKANG KILOS PROTESTA SA CHINA LABAN SA MGA DAYUHAN AT TINAWAG ITONG KILUSANG MAYO 4 1919 (MAY FOURTH MOVEMENT)NAGSIMULA RIN ANG NEW CULTURE MOVEMENT NA ITINAKWIL ANG COUNFUSIANISM AT IBA PANG MGA MAKALUMANG PAG-IISIP SA CHINA.ISINULONG NITO NA PAG-ARALAN ANG MGA BAGONG IDEYA NA GALING SA EUROPA AT SA HIMAGSIKANG RUSO NA NAGANAP NOONG 1917.ITINATAG ANG LEAGUE OF NATIONS UPANG MAIWASAN NG PAGKAKAROON NG DIGMAAN SA DAIGDIG.

SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

E. Pagtutunggaliang Internasyonal

* ang tunggaliang ng mga imperyalistang Bansa ay Umigting.* hindi lamang ang mga bansang sangkot ang mga nadamay kundi ang iba pang mga bansa tulad ng mga Kolonya ng mga imperyalistang Bansa . Mga AlyansaDala ng sunod-sunod na tensyon ay nabuo ang dalawang pangunahing alyansa sa pagitan ng mga bansasaEuropa. Ang unang alyansa, ay binubuo ngAlemanya,Austria-UnggaryaatItalya.Ang kasaysayan ngalyansa ay nagsimula ng makipagkasundo ang Alemanya sa Austria-Unggarya at Rusya sapagkatnangamba noon siOtto von Bismarck sa maaaring maging hakbang ng Pransya sa gagawin nitong pagbawi saAlsace-Lorrainena noo'y kanilang sinakop. Tinawag ang alyansa naLiga ng TatlongEmperador (Three Emperor's League) subalit hindi ito nagtagal sapagkat may namumuong alitan noon sa pagitan ng Austria-Unggarya atRusya.Ito ay ang usapin tungkol sa mgaSlavsaRehiyong Balkan. Anarkiyang internasyunal = ang kawalan ng isang pandaigdigang Sistema para mapanatili ang kapayapaan ay nagging salik sa pagsiklab ng unang Digmaang pandaigdig. Bawat imperyalistang bansa ay malayang gawin ang kanyang naisin kahit nakakasama dahil sa walang sistemang pumipigil sa kanila..Noong 1870 ay sumiklab ang digmaan sa pagitan ng pransiya at ng hilagang kompederasyong aleman na kinabibilangan ng Prusya, Baden, Bavaria at Wurttemberg. Sa Digmaang itoy nasakop ng sandatahang Aleman sa Pangunguna Ng mga puso ang Malaking Bahagi ng Pransiya Hanggang sa ang paris ay bumagsak nang sumunod na Taon Mga sanhi ng ikaunang Digmaang pandaigdigAng Pagbaril sa Sarajevo Noong Hunyo 28, 1914 ay binaril ni Gavrilo Princip, isang estudyanteng Bosnian ang tagapagmana ng trono ng Austria-Unggarya na si Artsiduke Franz Ferdinand at ang kanyang asawang si Sophie habang ang mga ito'y bumibisita sa Sarajevo, kabisera ng Bosnia. Napag-alamang si Princip ay kasapi pala ng kilusang tinatawag na Young Bosnia, isang samahang naglalayon ng kalayaan at pag-iisa ng mga Slav na nasa ilalim noon ng pamamahala ng Austria na suportado ng Serbia. Nagprisenta ng ultimatum ang Austria-Unggarya noong Hulyo 23 at pagsapit ng Hulyo 28 ay nagmobilisa ito ng kanyang sandatahang-lakas at nagdeklara ng pakikidigma laban sa Serbia. Makalipas ang dalawang araw ay iniutos ni Tsar Nicholas II ang pagmomobilisa ng sandatahang-lakas ng Rusya. Sumunod ding nagmobilisa ang Pransya at noong Agosto 1 ay nagdeklara ang Alemanya ng pakikidigma laban sa Rusya at noong Agosto 3 laban sa Pransya. Umapela naman ng tulong at suporta ang Pamahalaan ng Belhika sa Gran Britanya sapagkat nais dumaan ng Pwersang Aleman sa kanilang bansa upang makapasok sa Pransya. Nagmatigas ang Alemanya at sinakop pa rin ang Belhika kasama na ang Luxembourg sa kabila ng pagababanta ng Gran Britanya kaya't nagdeklara ito ng pakikidigma noong Hunyo 28. Dito na nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig sa pagitan ng Pwersang Sentral (Alemanya, Austria-Unggarya, Imperyong Ottoman at Bulgaria) at ng Alyadong Pwersa (Gran Britanya, Pransya, Rusya, Serbia at Belhika).Ang mga Unang SagupaanNalagay sa panganib ang Alemanya sapagkat napapagitna ito sa mga bansang Pransya at Rusya na kapwa kabilang sa Alyadong Pwersa. Gayunpaman ay pinaghandaan na ito ng Alemanya sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang plano. Ang plano ay tungkol sa mabilisang pag-atake sa Pransya upang mapalibutan ang Paris at maging ang Pwersang Pranses sa loob ng madaling panahon sa pamamagitan ng pagdaan mula sa Belhika na magbubunsod sa agarang pagsuko at pagkatalo ng Pransya sa digmaan. Habang ito'y isinasagawa, mariin namang ipagtatanggol ng pwersang nakatalaga sa silangan ang bansa laban sa mga pag-atakeng isasagawa ng mga Ruso. Pagkatapos bumagsak ng Pransya ay pagtutuunan naman nila ng pansin ang paglusob at pagsakop sa Rusya. Tinawag ang itong Planong Schlieffen (Schlieffen Plan na ipinangalan matapos kay Konde Alfred von Schlieffen, ang gumawa mismo ng nasabing plano.)Sa simula'y naging matagumpay ang Pwersang Aleman sa paglusob sa Pransya. Nagawa nilang maipanalo ang serye ng mga Labanan ng Frontiers noong Agosto 14-24 at sa pagsapit ng Setyembre 9 ay narating na nila Ilog Marne na malapit lamang sa Paris. Itinigil naman ng Pwersang Pranses ang pag-atras at sa tulong ng mga kaalyadong Ingles ay hindi na nakatawid pa ang mga Aleman sa Ilog Marne matapos ang ilang araw ng matinding bakbakan. Iyon na ang pinakamalayong naabot ng Pwersang Aleman sa Pransya sa buong panahon ng pakikibaka nila sa Bunsurang Kanluran. Ngunit sa silangan ay nakamit ng Alemanya ang sunod-sunod na panalo. Sa Labanan ng Tannenberg at sa Lawa ng Masurian na naganap sa pagitan ng Agosto 17 hanggang sa Setyembre 2 ay tinalo nila napakarami subalit kulang sa armas na sandatahang Ruso.Kinailangan din ng Austria-Unggarya na hatiin ang kanyang pwersa tulad ng ginawa ng Alemanya. Subalit kapwa nabigo ang hinating sandatahan. Nagawang maipanalo ng Serbia ang Labanan ng Cer at sa pagpasok ng Agosto 12 ay nasakop nila ang timog ng mga ilog ng Drina at Sava. Makalipas ang dalawang Linggo, tuluyan ng naitaboy ang Pwersang Austrian palabas ng Serbia na nagtamo ng matinding pagkatalo at pagkawasak. Ito ang kauna-unahang malawakang pagkapanalo ng Alyadong Pwersa sa buong digmaan na nagtulak sa Austria-Unggarya na pagbutihin pa ang kanyang kampanya laban sa Serbia na sa kabilang banda nama'y nagpahina ng kanyang opensiba laban sa Rusya.Samantalang sa Aprika'y sinugod ng pinagsamang lakas ng Pwersang Ingles-Pranses ang Togland na noo'y sakop ng mga Aleman noong Agosto 7. Gumanti naman ang mga Aleman noong Agosto 10 nang atakihin nila ang Timog Aprika mula sa Timog-Kanlurang Aprika na noo'y nasa mga kamay din nila. Nagpatuloy ang ganitong sitwasyon sa Aprika hanggang sa katapus-tapusan ng digmaan.Sa kabilang panig naman ng mundo, sinugod ng Sandatahang New Zealand ang Kanlurang Samoao ng Alemanya. Matapos nito'y naglunsad naman ng opensiba ang Australia laban sa German New Guinea. Ang bansang Hapon naman na nagpahayag ng pakikiisa sa Alyadong Pwersa ay nagpadala ng pwersa upang sakupin ang Micronesia at ilang maliliit na teritoryo ng Alemanya sa Tsina. Matapos ang Labanan ng Tsingtao at sa pagtatapos ng 1914, nasakop na lahat ng Alyadong Pwersa ang mga teritoryo ng Alemanya sa Asya't Pasipiko.Nagbigay naman ng banta para sa Serbia, Kanal Suez at sa Bulubunduking Caucasus ang pagsali ng Imperyong Ottoman sa Pwersang Sentral. Sapagkat nagkaroon ng lihim na kasunduan ang imperyo sa pagitan ng Alemanya noong Agosto 1914, hindi nagtagal ay nagdeklara ito ng pakikidigma laban sa Alyadong Pwersa noong Oktubre ng nasabing taon. Pagsapit ng Disyembre, naglunsad si Enver Pasha, ang pinuno ng Sandatahang Ottoman ng isang opensibang binubuo ng 100 000 sundalong Turko laban sa mga Rusong nagkukuta sa Bulubunduking Caucasus upang maisakatuparan ang kanyang hangaring masakop ang Gitnang Asya. Subalit nabigo ang kanyang pananalakay dahil sa hindi niya magandang pamamaraan kung saan pinaharap niya ang Sandatahang Turko laban sa magagandang posisyon ng mga Ruso sa bulubundukin na nagdulot ng matinding pagkawasak ng kanyang pwersa laluna sa nangyaring Labanan ng Sarikamis kung saan 86% ng kanyang kawal ang nalagas.Rehiyong Digmaan sa BULKAN Matapos ang matinding pagkatalo sa Labanan ng Cer naglunsad muli ang Austria-Unggarya ng ilan pang opensiba laban sa Serbia. Dahil sa ang Belgrade, kabisera ng Serbia ay malapit sa hangganan ng bansa at ng Austria-Unggarya , ipinasya ng Sandatahang Serbia ang pag-abanduna sa nasabing lungsod. Sa kabila ng pag-atras ay nagsagawa ng kontra-opensiba ang Serbia laban sa Austria-Unggarya at muli nilang napanalunan ang Labanan ng Kolubara.Subalit nag-iba ang ihip ng hangin pagsapit ng taong 1915. Nakumbinsi ng Alemanya na sumali sa kanilang panig ang Bulgaria na noo'y nakalaban na ng Serbia sa mga nagdaang Digmaang Serbo-Bulgarian noong 1885 at Ikalawang Digmaang Balkan noong 1913. Sa loob ng naunang siyam na buwan ng 1915 ay nagawa pa ng Serbia na kontrahin ang lahat ng mga pag-atakeng isinasagawa ng Austria-Unggarya subalit ng magsimula nang magmobilisa ng Sandatahang Lakas ang Bulgaria noong Setyembre 23 nang taon, nalagay na sa panganib ng husto ang Serbia. Mula sa hilaga'y nagpadala ang Alemanya ng kaukulang pwersa upang tulungan ang mga Austrian. Ginamit naman ng huli ang mga sundalo mula sa Slovenia, Croatia at Bosnia at Herzegovina upang ipanlaban man din sa mga Serbian. Mula naman sa silangang bahagi ay sumugod ang Pwersang Bulgarian kaya't naipit ang Serbia sa magkabilang panig.Inilunsad ng Pwersang Sentral ang kampanya laban sa Serbia noong Oktubre 7 at naitaboy ang Pwersang Serbian patungong Albania. Dala ng sunod-sunod na pangyayari, nakipag-alyansa ang Montenegro sa Serbia. Habang tumatakas ang Pwersang Serbian patungo sa dalampasigan ng Dagat Adriatiko, hinarangan naman ng mga Montenegrins ang tumutugis na Pwersang Sentral sa Labanan ng Mojkovac. Dahil sa ginawang tulong ng Montenegro, nagawang marating ng umaatras na Pwersang Serbian ang dalampasigan ng Dagat Adriatiko kung saan sinundo at itinakas sila ng mga bapor ng Alyadong Pwersa patungong Salonica sa Gresya. Dito nila binuo muli ang halos mawasak na sandatahang lakas ng Serbia. Di naman nagtagal ay nahulog sa kamay ng Pwersang Sentral ang Montenegro.

Labanan sa loob ng Imperyong Ottoman

Bagaman hindi nagtagumpay ang kampanya sa Bulubunduking Caucasus noong Disyembre 1914, nagawa naman ng Sandatahang Lakas ng Imperyong Ottoman na paatrasin ang Pwersang Ingles, Pranses at ANZAC sa hangarin ng mga ito na makapagbukas pa ng isa front upang makatulong sa Rusya sa Labanan ng Gallipoli. Muli, nagwagi sila sa Pagkubkob sa Kut noong 1915-16 kung saan napalibutan nila ang depensa ng Pwersang Ingkes-Indian sa nasabing lugar hanggang sa ang mga ito'y sumuko.Samantala, nagpatuloy ang pagkatalo ng Sandatahang Turko sa Bulubunduking Caucasus. Pagsapit ng 1916, sa pangunguna ni Heneral Nikolai Yudenich, nagawa ng mga Ruso na maitaboy ang Pwersang Ottoman palabas ng bulubundukin. Noon namang Hunyo ng taon ding iyon ay nag-alsa ang Arabia sa Imperyong Ottoman. Sa pangunguna ni Sherif Hussain at sa tulong ni Heneral T. E. Lawrence ng Gran Britanya ay napagwagihan nila ang mga Labanan ng Mecca at Medina.Sa taon ding iyon naglunsad ng pakikipaglaban ang Tribo ng Senussi sa tulong ng Imperyong Ottoman laban sa Alyadong Pwersa sa kahabaan ng hangganan ng Libya't Ehipto. Upang masupil ang nasabing rebelyon, kinailangan ng Gran Britanya na magpadala ng 12 000 sundalo. Tuluyan namang nasupil ang nasabing rebelyon pagsapit nang kalagitnaan ng 1916.Ang Pagpasok ng Italya sa Digmaan

Tumanggi ang Italya na makilahok sa digmaan at nagdeklara ng nyutralidad sa kabila ng pagiging kasapi nito sa Tatluhang Alyansa o Triple Alliance. Bagaman kaalyado ng Alemanya at Austria-Unggarya, nagkaroon din ang Italya ng isang lihim kasunduan sa pagitan ng Pransya noong 1902. Pormal na nagtapos ang Tatluhang Alyansa nang umanib and Italya sa Alyadong Pwersa matapos mapangakuan ng teritoryo sa Austria-Unggarya kung sakaling mananalo ang Pwersang Entente sa digmaan. Pinagtibay ang naturang usapin sa Tratado ng London at nang sumalakay ang Alyadong Pwersa sa Gallipoli, nagdeklara ng pakikidigma ang Italya laban sa Austria-Unggarya at nagmobilisa. Makalipas ang 15 buwan, nagdeklara rin ito ng pakikidigma laban sa Alemanya.Malakas ang Sandatahang Italyano subalit nahirapan itong makipaglaban dahilan na rin sa topograpiya ng lugar na kanilang nilalabanan at sa mga taktikang kanilang pinaiiral. Isang imposibleng plano na iminungkahi ni Field Marshall Luigi Cardona ang naglayong makaabante sa talampas ng Slovenia, makuha ang kabisera nitong Ljubljana at makarating sa Vienna na hindi uubra sa sistema ng makabagong digmaan na gumagamit ng masingggan, alambreng tinik (barbed wire) at malalakas na artilyerong kanyon.Naglunsad ng 11 opensiba ang Italya laban sa mga Austriang nakaposisyon sa Ilog Isonzo noong 1915, panahong kapapasok pa lamang nila sa naturang digmaan. Subalit nabigo ang lahat ng pagtatangka ito at nagawa ng Austria-Unggarya na maglunsad ng mga kontra-opensiba sa Asiago patungong Verona at Padua. Sinamang-palad din ang mga Austrian sapagkat hindi sila gaanong nagtagumpay sa isinagawang pag-atake. Sa tag-init ng 1916, nagawa namang masakop ng Pwersang Italyano ang Bayan ng Gorizia, isang mahalagang lugar sa pinangyayarihan ng digmaan. Hanggang sa 1917, ang Bunsurang Italyano ay hindi man lamang umusad sa kabila ng mga isinasagawang opensiba ng magkabilang panig.1917: Ang Pagpapatuloy ng Digmaan[baguhin] Ang Bunsurang Kanluran taong 1917Sa pagpasok ng 1917, wala ni pag-asang maaninag ang magkabilang panig ukol sa pagtatapos ng digmaan. Milyong sundalo na ang nangamatay ngunit sa kabila nito'y bahagya lamang umusad ang linya ng mga trintsera. Malawakan na ang paggamit ng nakalalasong gas at sa Labanan ng Cambrai ay gumamit ang Alyadong Pwersa ng mga tangke, isang panibagong sandata na inimbento ng mga siyentista sa Gran Britanya. Nakapagtamo naman sila ng ilang panalo gaya ng mga serye ng Labanan ng Arras at Vimy Ridge.Naapektauhan naman ang may 54 Dibisyon ng Sandatahang Pranses nang sumiklab ang ilang pag-aalsa, Mayo 3 ng taon dito noong kasagsagan ng Opensibang Nivelle. Nang palitan ni Heneral Philippe Petain si Robert Nivelle bilang komandante ng sandatahang-lakas, hinimok niyang bumalik ang mga sundalo sa pakikipaglaban sa mga Aleman. Napapayag naman ang buong sandatahan na bumalik sa tungkulin subalit umayaw na ang mga ito na maglunsad pa ng malalaking pag-atake kaya't naiwan sa Gran Britanya at ng kanyang imperyo ang paglulunsad ng mge opensiba sa Bunsurang Kanluran noong taong iyon.Nang lumabas ang Rusya sa digmaan at nang matalo ang mga Italyano sa Labanan ng Caporetto, dumagsa sa Bunsurang Kanluran ang mga karagdagang sandatahan ng Pwersang Aleman kaya't lalong napilitan ang Pwersang Alyado na pag-ibayuhin pa ang pakikibaka para sa depensa ng Pransya.Ang Pagpasok ng Estados Unidos sa Digmaan

Sa simula pa lamang ng digmaan ay pormal nang nagdeklara ng nyutralidad ang Estados Unidos. Nang pasubugin ng isang Alemang U-boat ang barkong RMS Lusitania noong 1915, nagbanta ang bansa na handa silang pumasok sa digmaan sakaling hindi ititigil ng Alemanya ang pagpapasabog sa mga barkong nyutral na naglalayag sa karagatang nasasakop ng digmaan sapagkat sa nasabing pagpapalubog ay may 128 Amerikanong pasahero ang namatay. Itinigil naman ng Alemanya ang nasabing gawain subalit dahil na rin sa tumitinding bakbakan at sa isinasagawang blokeo ng Gran Britanya, ibinalik nito ang pag-atake sa mga barkong nyutral pagsapit ng Enero 1917 upang malumpo naman ang ekonomiya ng kanyang mga kalaban. Bukod pa dito'y naging masama ang paningin at palagay ng mga Amerikano sa Alemanya dahil na rin sa mga isinagawa nitong aksyon sa digmaan gaya ng maramihang pagpatay at sapilitang pagdaan sa Belhika ng labag sa pamahalaan nito.Noong taon ding iyon, naharang ng grupong cryptanalytic mula sa Gran Britanya ang Telegramang Zimmerman nagmula sa Berlin na ipapadala sana sa Mehiko. Nilalaman ng telegrama ang pag-udyok ng Alemanya sa Mehiko na umanib sa Pwersang Sentral at magdeklara ng digmaan laban sa Estados Unidos sakaling pumasok na ang mga mamamayan nito sa digmaan upang hindi di umano'y di ito makapagpadala ng kaukulang pwersa sa tutulong sa Alyadong Pwersang lumalaban sa Pransya. Kung matutupad ang balak, maisasagawa ng Alemanya ang patuloy na pagpapalubog sa mga barkong Ingles upang tuluyan nang malumpo ang ekonomiya nito. Bilang kapalit, ipinangako naman sa Mehiko na mababalik sa kanya ang Arizona, New Mexico at Texas na dati nitong teritoryo. Bukod pa rito, nang palubugin ng submarinong Aleman ang may pitong barko ng Amerika, nagdeklara na ang Estados Unidos ng pakikidigma laban sa Alemanya't Pwersang Sentral.Pormal na nagtapos ang nyutralidad ng Estados Unidos sa pagsisimula ng Abril 6 ng taon. Sinimulan na nitong magparami ng sandatahang-lakas upang maipadala sa Pransya bilang tulong sa mga bago nitong kaalyado.Paglagda sa Armistiya at Wakas ng Digmaan

Dala ng sunod-sunod na tensyon, napilitan nang bumaba sa tungkulin si Kaiser Wilhelm II noong Nobyembre 9 at tumakas patungong Olanda at itinatag sa Alemanya ang Republikang Weimar. Nilagdaan ang armistisyo sa kagubatan ng Compiegne, Pransya noong Nobyembre 11 at nangako ang mga Aleman sa anumang kondisyong matatanggap nito sa naturang pagsuko. Una rito, nagawa namang mapa-usad ng Alyadong Pwersa sa Rehiyong Balkan ang Bunsurang Masidonyan kaya't nabawi ang Serbia, Montenegro at ilan pang mahahalagang lugar. Tinalo ng pinagsamang sandatahang Ingles, Pranses, Serbian at ANZAC ang mga Bulgarian sa Labanan ng Dobro Pole subalit makalipas lamang ang ilang araw ay napanalunan naman ng mga ito ang Labanan ng Doiran kaya't hindi naituloy ang balak na pagsakop sa Bulgaria. Lumagda ito ng armistisyo noong Setyembre 29 sa Solun, Thessalonki. Sumuko ang Imperyong Ottoman sa Mudros noong Oktubre 30 matapos matalo ang pinaka-epektibong pwersa nito sa Labanan ng Megiddo sa Palestina. Matapos ang malaking pagkatalo sa Labanan ng Caporetto noong nakaraang taon, nagawa namang maipanalo ng mga Italyano ang Labanan ng Vittorio Veneto kung saan nawalan na ng lakas ang Sandatahang Austrian upang makibaka pa para sa depensa ng imperyo. Inanunsyo na nito ang pagsuko subalit itinuloy ng mga Italyano ang pag-abante sa Trento, Trieste at Udine. Nagpadala na ang Austria-Unggarya ng bandila ng pagsuko at nilagdaan ang armistisyo sa Villa Giusti malapit sa Padua noong Nobyembre 3.Submitted By: Decelle Mikaela NgSubmitted To: Ms. Sherrine Ayson