yunit 1 handout

11
St. Rita’s College of Balingasag College Department Komunikasyon sa Wikang Filipino FILIPIN ! Aralin 1 - Batayang Kaalaman sa Wika: Kahulugan, Katangian at Teorya ng Pinagmulan !.! Ka"ulugan ng Wika Ang wika ay pinakamahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay ngunit hindi kasangkapang mekanikal at kagamitan ang isang wika. Ito’y tagapagdala ng mga ideya. Ito ay simbolo na bumubuo ng sistema upang maayos na maisakatuparan ng tao ang paghahatid ng anumang mensahe. Naiinfuwensyahan nito ang ugali ng tao, ang isip at damdamin. Ang wika’y instrumento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Wika ang nagsisilbing susi ng bawat tao upang magkaunawaan. Samakatwid, upang magamit sa sukdulang kagamitan ang wika, dapat itong mahawakan nang buong husay, maangkin ng ganap. ailangang malaman at maunawaan ng tao ang kahulugan at kalikasan ng wika upang magamit ito nang tama, angkop at mabisa. Ayon kay !enry "leason, isang linggwista, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura. !.# $ga Katangian ng Wika Sa katuturang ibinigay ni "leason ay nakapaloob ang ilan sa mga pangunahin at pandaigdigang katangian ng wika# masistemang balangkas, sinasalitang tunog, pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo, ginagamit sa komunikasyon, pantao at nakaugnay sa kultura. !. masistemang %alangkas $ apag sinabing masistema, ang ibig ipakahulugan nito ay may kaayusan o order. %ilang isang sistema, ang wika ay binubuo n magkakaugnay na bahagi na maaaring sa anyo o kahulugan. Ang anyo ay tumutukoy sa magkakaugnay na sistema ng mga tunog, pagbuo ng salita at mga kaayusan ng salita sa loob ng pangungusap. Ang mga pangungusap ay maaaring pagsamahin para makabuo ng isang diskurso. &agkakaroon din ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mga maliliit na yunit ng mga salita kapag ito’y ginamit sa pangungusap na tinatawag na sintaktik na kaayusan. #. sinasalitang tunog $ &araming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi lahat ay maituturing na wika. Ang mga tunog na pangwika ay nagagawa sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita gaya ng labi, dila, ngalangala, babagtingang tinig at iba pa. Samaktwid, hindi lahat ng tunog na naririnig sa ating kapaligiran ay maituturing na wika. Sinasalita natin ang wika at ang pagsulat ay isang paraan ng paglalahad o pagpapahayag ng mensaheng nais nating sabihin. 'inag-aaralan sa pananalita ang wastong paraan ng pagbigkas ng mga tunog na pangwika na ginagamit ng mga tao sa pagsasalita. &unit I ' Samu’t Saring Ka%atiran sa

Upload: lesleigh-ochavillo

Post on 03-Nov-2015

314 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

Handout in FIL 11-Yunit 1. St. Rita's College of Balingasag

TRANSCRIPT

St. Ritas College of BalingasagCollege DepartmentKomunikasyon sa Wikang FilipinoFILIPINO 1

Yunit I Samut Saring Kabatiran sa Wika

Aralin 1 - Batayang Kaalaman sa Wika: Kahulugan, Katangian at Teorya ng Pinagmulan1.1 Kahulugan ng WikaAng wika ay pinakamahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay ngunit hindi kasangkapang mekanikal at kagamitan ang isang wika. Itoy tagapagdala ng mga ideya. Ito ay simbolo na bumubuo ng sistema upang maayos na maisakatuparan ng tao ang paghahatid ng anumang mensahe. Naiinfluwensyahan nito ang ugali ng tao, ang isip at damdamin. Ang wikay instrumento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Wika ang nagsisilbing susi ng bawat tao upang magkaunawaan. Samakatwid, upang magamit sa sukdulang kagamitan ang wika, dapat itong mahawakan nang buong husay, maangkin ng ganap. Kailangang malaman at maunawaan ng tao ang kahulugan at kalikasan ng wika upang magamit ito nang tama, angkop at mabisa.Ayon kay Henry Gleason, isang linggwista, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.1.2 Mga Katangian ng WikaSa katuturang ibinigay ni Gleason ay nakapaloob ang ilan sa mga pangunahin at pandaigdigang katangian ng wika: masistemang balangkas, sinasalitang tunog, pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo, ginagamit sa komunikasyon, pantao at nakaugnay sa kultura. 1. masistemang balangkas Kapag sinabing masistema, ang ibig ipakahulugan nito ay may kaayusan o order. Bilang isang sistema, ang wika ay binubuo ng magkakaugnay na bahagi na maaaring sa anyo o kahulugan. Ang anyo ay tumutukoy sa magkakaugnay na sistema ng mga tunog, pagbuo ng salita at mga kaayusan ng salita sa loob ng pangungusap. Ang mga pangungusap ay maaaring pagsamahin para makabuo ng isang diskurso. Magkakaroon din ng ibat ibang pagpapakahulugan sa mga maliliit na yunit ng mga salita kapag itoy ginamit sa pangungusap na tinatawag na sintaktik na kaayusan. 2. sinasalitang tunog Maraming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi lahat ay maituturing na wika. Ang mga tunog na pangwika ay nagagawa sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita gaya ng labi, dila, ngalangala, babagtingang tinig at iba pa. Samaktwid, hindi lahat ng tunog na naririnig sa ating kapaligiran ay maituturing na wika. Sinasalita natin ang wika at ang pagsulat ay isang paraan ng paglalahad o pagpapahayag ng mensaheng nais nating sabihin. Pinag-aaralan sa pananalita ang wastong paraan ng pagbigkas ng mga tunog na pangwika na ginagamit ng mga tao sa pagsasalita. 3. pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo - Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.4. ginagamit sa komunikasyon Wika ang pangunahing behikulo sa komunikasyon ng dalawa o mahigit pang taong nag-uusap. Ginagamit ang wika upang ipahayag ang pangangailangan, damdamin at ang iniisip sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng pagkakataon. 5. pantao Naiiba ang wikang pantao sa tunog na nililikha ng mga insekto at hayop. Ang wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa pagsasalin at pag-uugnay ng kultura samantalang ang tunog ng insekto at hayop ay ginagamit sa sariling lahi. Natutunan ng tao ang wika ng pamayanang kanyang tinitirhan na maaaring hindi ito ang wika ng magulang niya. Hindi ginagamit ng insekto at hayop ang wika tulad ng paggamit ng tao sa pag-uusap ng mga nakaraan at mga darating pang pangyayari, pagtatalo sa ilang paksa, pagbibigay ng opinion at iba pang pagpapahayag. 6. nakaugnay sa kultura Sa payak na pagpapakahulugan ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay. Kung paanong ang isang pangkat ng mga tao sa isang particular na lugar ay nag-iisip; dumarama, nagrereak sa ibat ibang mga pangyayari at penomenang nakapaloob sa realidad ng kanyang buhay. Ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi mapaghihiwalay. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin at paniniwala ang mga tao. 7. natatangi - Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.8. nagbabago - Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.Halimbawa: BOMBAKahulugan: a. Pampasabog b. Igipan ng tubig mula sa lupa c. Kagamitan sa palalagay ng hangin d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao9. malikhain Taglay ng wika ang mga tuntunin na makabubuo ng salita, parirala, sugnay at pangungusap. Ang katutubong nagsasalita ng wika ay may kakayahang lumikha ng mga bagong salita, sugnay at pangungusap na maaaring hindi pa niya kailanman nasasabi, nababasa o naririnig. 1.3 Mga Teorya Hinggil sa Pinagmulan ng WikaA. Teoryang Biblikal 1. Tore ng Babel - Ang kwento hinggil sa Torre ng Babel na kilala rin sa taguring Teorya ng Kalituhan ay matatagpuan sa ika-11 kabanata sa aklat ng Genesis, bersikulo 1-8. 2. Ang Pentecostes Ang tala hinggil sa Pentecostes ay matatagpuan sa ika-2 aklat ng mga Gawa bersikulo 1-12. B. Mga Teoryang Siyentipiko1. Teoryang Bow-wow Ang teoryang ito ay mula kay Max Mveller na isang Aleman. Ayon sa kanya, ang wika ay nagsimula buhat sa paggaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan tulad ng langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig at ihip ng hangin. 2. Teoryang Ding-dong Nakasaad sa teoryang ito na bawat bagay ay may sariling tunog na kumakatawan dito. 3. Teoryang Ta-ta Ayon dito ang wika ay nagsimula sa paggaya sa mga galaw ng katawan na humahantong sa koordiansyon ng bibig at dila. 4. Teoryang Yo-he-ho Nagsimulang makabuo ng mga salita ang tao sanhi ng mga tunog na kaniyang nauusal tuwing siya ay gagamit ng matinding puwersa sa pagbuhat ng mabibigat na bagay. 5. Teoryang Pooh-pooh Ang tunog na naibubulalas ng tao dala ng matinding takot, galak, sakit at iba pang emosyon ang siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng wika. 6. Teoryang La-la Ito ay mula sa isang Linggwistang taga-Denmark na si Otto Jespersen (1860-1943) kung saan sinabi niya na ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita ay ang mga pwersang may kinalaman sa romansa tulad ng pag-ibig na makikita sa lenggwahe ng mga tula at awitin. 7. Teoryang Yum-yum Nailikha ang tao na sadyang may mga bayolohikal na pangangailangan tulad ng hangin, tubig at pagkain. Ditoy nagiging pangunahing layunin ng kanyang pagkilos ang matugunan ang mga ito. Ang teoryang ito ay iniluwal ng pagkalam ng sikmura ng tao dala ng nararamdamang gutom. 8. Teoryang Tarara-boom-de-ay Tungkol ito sa mga seremonya o ritwal na isinasagawa ng mga tao tulad ng pagsasayaw, pagsigaw at pag-ungol bilang isang porma ng pagpapahayag. Ang mga salitang kanilang naibubulalas mula sa ganitong mga gawain ay nagiging bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at kultura. Aralin 2 Barayti ng Wika: Kahalagahan ng Wika, Tungkulin ng Wika, Baryasyon ng Wika at Antas ng Wika2.1 Kahalagahan ng Wika(Fig.1) Diagram ng kahalagahan ng wika

2.2 Gamit at Tungkulin ng WikaAyon kay Jakobson (2003), may anim na paraan ng paggamit ng wika:1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive) Ginagamit ang wika upang palutangin ang karakter ng nagsasalita.

2. Panghihikayat (conative) Ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o magpakilos ng taong kinakausap.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) Ginagamit ang wika bilang panimula ng isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.

4. Paggamit bilang sanggunian (referential) - Ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman.

5. Pagbibigay ng kuro-kuro (metalingual) Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.

6. Patalinghaga (poetic) Ginagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

Si M.A.K. Halliday ay nagbigay rin ng pitong tungkulin ng wika na inilahad sa Explorations in Functions of Languages(1973):1. Pang-instrumental Ito ang tungkulin ng wika upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-usap sa iba lalo na kung may mga katanungan na kailangan sagutin;

2. Pangregulatori - Tumutukoy ito sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao.

3. Pang-interaksyon Ang tungkuling ito ay makikita sa paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagtalo tungkol sa partikular na isyu.

4. Pampersonal Naipahahayag sa tungkuling ito ang sariling pala-palagay o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.

5. Pang-imahinasyon Tumutukoy ito sa malikhaing guniguni ng isang tao sa paraang pasulat o pasalita. 6. Pangheuristiko Ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.

7. Pang-impormatibo Ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.

2.3 Baryasyon ng WikaAng pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagigingheterogenousng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaibaiba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Samakatwid, may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng wika ang dimensyong heograpiko na tinatawag na diyalekto ang nabubuong wika at dimensyong sosyal naman na tinatawag naming sosyolek ang nabubuong wika.(Constantino, 2006).

DIMENSYONG HEOGRAPIKO(diyalekto)

DIMENSYONG SOSYAL(sosyolek)

a.) Dayalek - ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ayon sa pagaaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa. Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mgadistinctna bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga naninirahan sa ibat ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang pananagalog ng taal na taga-Maynila sa taga-Batangas, taga-Bulacan at taga-Rizal.b.) Sosyolek - ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat. Makikilala ang ibat ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.d. Girl, bukas na lang tayo maglayb . Mag-malling muna tayo ngayon.e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na termino. Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho niya?hearing, exhibit, court,pleading, fiscal, justice,settlement, appeal, complainantAng mga salitang nakatala sa itaas ay mgalegal jargon. Angjargonang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.

Ang mga sumusunod naman ay mgajargonsa disiplinangAccountancyat iba pang kaugnay na disiplina:account, balance, net income,debit, revenue, asset,credit, gross income. cash flowSa disiplinang Medisina atNursingnaman ay gamitin ang mga sumusunod:diagnosis, therapy, prognosis,symptom, emergency, patientcheck up, ward, x-rayKung minsan, ang mgajargonng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa isports natennisat kung paano naiiba ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan:ace, fault, love,breakpoint, deuce, rally,slice, advantage, servicePansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang kahulugan o rehistro sa larangang nasa loob ng panaklong:mouse (Computer, Zoology)stress (Language, Psychology)strike (Sports, Labor Law)hardware (Business, Computer)race (Sports, Sociology)nursery (Agriculture, Education)operation (Medicine, Military)note (Music, Banking)accent (Language, Interior Design)server (Computer, Restaurant Management)c.) Idyolek Kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit batay sa dimensyong heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Ang idyolek ay nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao na gumagamit ng isang komon na wika. Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan marahil lahat sa Metro Manila:a. Mike Enriquez. b. Noli de Castroc. Mon Tulfo,d. Rey Langit e. Gus Abelgas.

2.4 Antas ng Wika

a.) Pabalbal/Balbal/Panlansangan Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika na ginagamit ng mga tao. Sa wikang Ingles ay tinatawag itong slang na madalas marinig sa lansangan. Subalit hindi ito maituturing na bulgar o lenggwaheng nararapat na ipagbawal. b.) Lalawigan/Panlalawigan Tinatawag din itong dayalektal na tumutukoy sa wikang ginagamit sa isang partikular na lugar o pook. Palasak ito sa wikang Filipino na malimit ding tawagin bilang False Friends among Philippine Languages sa kadahilanang ang iisang salita ay nagkakaroon ng ibat ibang kahulugan depende sa kung saang lugar ito sinasalita.

c.) Kolokyal Tinatawag na Lingua Franca o ang wikang malawakang ginagamit ng tao sa pang-araw-araw na pakikipagdiskurso ang una sa dalawang uri ng wikang kolokyal. Sa Wikang Filipino, kilala ang pagkakaroon ng Taglish o Enggalog na may bahagyang pagkakaiba sa isat isa.

d.) Pormal/Pampanitikan/Pang-edukado Ito ang antas ng wikang ginagamit sa pagsulat ng ibat ibang akda o mga genreng pampanitikan. Tinatawag din itong pang-edukado sa kadahilanang nangangailangan ito ng natatanging kasanayan katulad ng paggamit ng mga idyoma o tayutay na pawing mga sangkap ng masining, magaganda at epektibong pagpapahayag.

Aralin 3 Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas3.1 Kasaysayan ng Wikang PambansaSabay sa kasaysayan ng ating bansa ang pag-unlad ng ating wikang pambansa. Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas." Sa loob ng mahabang panahon bago dumating ang mga Kastila, ang wika ng sinaunang mamamayan natiy laging nakakabit sa kalinangan ng kanilang bayan o sa pook na kanilang sinilangan. Ang mga tagalog, Sebuwano, Ilokano, Muslim at iba pang grupo ay may sariling kultura. Bumuo sila ng ibat ibang etnolinggwistikong grupo. Nang dumating ang mga Kastila, naipasok ang wikang Espanyol subalit sa iilang lugar lamang. Sa mahigit 300 taon, hindi naging malawak ang sakop ng wikang dayuhang ito. Tanging ang ilustrado at edukadong mamamayan noon ang nabigyan ng pagkakataong maging matatas sa wikang Espanyol. Nang dumating naman ang mga Amerikano, ginamit ang wika bilang instrumento ng pananakop. Isinama ito sa programang Mapagkandiling Asimilasyon. Ang pagpapagamit ng wikang Ingles ay naging malalim na tatak sa kamalayan ng mga Pilipino dahil wika at edukasyon ang ipinamana nila. Dahil sa mga pagbabagong hatid nito sa ating pagkabansa, minarapat na pagkaisahin ang mamamayan sa iisang wikang pambansa Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika."(Art.14,Sek.3)

Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa."

Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang Ama ng Wikang Pambansa."Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa.

Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hanggat hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas."

Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga letra naf, j, q, v,atz. Dahil dito, ang dapat na maging baybay ng pangalan ng ating bansa ay Filipinas at ng pambansang wika ay Filipino, gaya ng ipinanukala ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura Virgilio Almario sa kaniyang librongFilipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa.Tama rin na isama ang mga letrang tulad ngfatvkung gusto nating makapag-ambag talaga ang mga wikang katutubo sa wikang pambansa. Halaw ang mga ito sa mga magagandang wika ng mga Ivatan, Ifugaw, at Manuvu na katutubong grupo sa bansa.