araling panlipunan baitang 10, yunit 5 ang unemployment

37
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Dahilan ng Unemployment 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 10 Sagutin Natin 11 Pag-isipan Natin 11 Gawin Natin 11 Aralin 2: Mga Implikasyon ng Unemployment 13 Layunin Natin 13 Subukan Natin 14 Alamin Natin 15 Pag-aralan Natin 15 Suriin Natin 19 Sagutin Natin 20 Pag-isipan Natin 20 Gawin Natin 20 Aralin 3: Mga Paraan para Malutas ang Unemployment 22 Layunin Natin 22 Subukan Natin 23 Alamin Natin 24 Pag-aralan Natin 24 Suriin Natin 27 Sagutin Natin 28 Pag-isipan Natin 28 Gawin natin 28

Upload: others

Post on 07-Dec-2021

163 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 10, YUNIT 5

Ang Unemployment TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3

Aralin 1: Mga Dahilan ng Unemployment 4

Layunin Natin 4

Subukan Natin 5

Alamin Natin 6

Pag-aralan Natin 6

Suriin Natin 10 Sagutin Natin 11

Pag-isipan Natin 11

Gawin Natin 11

Aralin 2: Mga Implikasyon ng Unemployment 13

Layunin Natin 13

Subukan Natin 14

Alamin Natin 15

Pag-aralan Natin 15

Suriin Natin 19 Sagutin Natin 20

Pag-isipan Natin 20

Gawin Natin 20Aralin 3: Mga Paraan para Malutas ang Unemployment 22 Layunin Natin 22

Subukan Natin 23

Alamin Natin 24

Pag-aralan Natin 24 Suriin Natin 27

Sagutin Natin 28Pag-isipan Natin 28

Gawin natin 28

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Karagdagang Kaalaman 30Pagyamanin Natin 31Paglalagom 33

Dapat Tandaan 34

Dagdag Sanggunian 34Gabay sa Pagwawasto 35Sanggunian 37

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 10 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 5

Ang Unemployment

Ang unemployment ay isang suliraning pang-ekonomiya.

Ang paggawa o pagtatrabaho ay isang mahalagang salik ng ekonomiya sapagkat ito ay

nag-uugnay sa iba pang aspektong ekonomikal tulad ng produkto at pamilihan.

Ang pagkakaroon ng maraming trabaho ay nangangahulugan na maraming produkto o

serbisyo ang maiaalok sa pamilihan na sa huli ay makapagbibigay ng kita at kakayahan sa

pagkonsumo. Kaya naman, ang kawalan ng trabaho o unemployment ay maituturing na

isang suliraning pang-ekonomiya na may negatibong epekto sa pamilihan.

Ano ang unemployment? Sa paanong paraan ito nakaaapekto sa ekonomiya? Ano-anong

hakbang ang maaaring gawin upang maiwasan ito? Ating aalamin ang mga sagot sa

katanungan sa araling ito.

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Aralin 1

Mga Dahilan ng Unemployment

May iba’t ibang dahilan kung bakit nagkakaroon ng unemployment.

Simula pa lamang noong iika-16 siglo, sinusubukan na ng mga sinaunang ekonomista na

bigyan ng depinisyon ang unemployment o kawalan ng trabaho sa pamamagitan ng pag-

aaral ng lipunan ng Inglatera. Sa pagdaan ng panahon, napagtanto ng mga ekonomista na

ang unemployment ay isang mahalagang salik sa pag-aaral ng ekonomiya sa pamamagitan

ng pagdudulot ng mga suliranin tulad ng recession at depression.

Dahil dito, naging layunin na ng bawat estado sa mundo na panatilihing balanse ang

ekonomiya nito upang maiwasan ang mga suliraning pang-ekonomiya na siyang

nakaaapekto sa kalidad ng buhay ng mga mamamayan at sa kabuuang paglago ng bansa.

Sa araling ito, ating ipaliliwanag ang dahilan ng pagkakaroon ng unemployment gayundin

ang iba’t ibang salik na nakaaapekto rito.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag ang mga

dahilan ng pagkakaroon ng unemployment.

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

Ano-anong pang-araw-araw na hamon ang kinahaharap ng isang taong unemployed?

Ipakita ang iyong sagot sa pamamagitan ng paglalagay ng detalye sa imahe ng tao sa

ibaba.

Maaaring ipakita sa imahe ang iba’t ibang kondisyon o kalagayan ng tao tulad ng

kaniyang pakiramdam (ipakita sa facial expression), pisikal na kalagayan (ipakita sa

mga bahagi ng katawan), o pamumuhay (ipakita sa background ng tao). Ipaliwanag

ang iyong iginuhit.

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

Subukan Natin

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

Kahulugan ng Unemployment Ang unemployment ay ang hindi paggamit ng

mga salik pang-ekonomiya tulad ng trabaho, lupa,

o puhunan. Bunga nito, bumababa ang bilang ng

output ng isang bansa na nagreresulta sa

pagbaba ng Gross Domestic Product (GDP) nito.

Kalakip nito, nahaharap sa mga suliraning

pang-ekonomiya ang isang estado. Ang mga

suliraning ito ay makaaapekto sa kakayahan ng

isang bansa na gampanan ang mga tungkulin at

tuparin ang mga layunin nito. Kaya naman, ang

pagkakaroon ng full employment o panahon kung

kailan ang antas ng paggawa ay mataas ay

napakahalaga at pangunahing layunin ng

polisiyang makroekonomiks.

Ang isang ekonomiya ay nasa pinakamaunlad na

kalagayan kung mayroon itong full employment.

Ibig sabihin, kung ang lahat ng may gusto at

maaaring magtrabaho, dalubhasa man o hindi,

ay may marangal na hanapbuhay.

Hindi ibig sabihin nito na kapag may suliranin

sa unemployment ang bansa, hindi na

maaaring magkaroon ng full employment.

Mawawala lamang ang posibilidad ng full

employment kapag ang uri ng unemployment

ay hindi na nagbibigay ng pagkakataong

muling makapagtrabaho ang mga tao, kahit

na mag-aral pa ng ibang gawain o trabaho

ang bawat indibiduwal.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• output – produkto o serbisyo

na makukuha matapos ang

produksyon na siyang

ibinibenta sa pamilihan

• Gross Domestic Product –

kabuuang halaga ng pinal na

produkto o serbisyo ng

isang estado sa loob ng

isang taon

• labor force – mga

indibiduwal na may

kakayahang magtrabaho

Isang layuning makroekonomiks ang full

employment.

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

Ang konsepto ng unemployment ay madalas na idinidikit o ikinakapit sa kawalan ng

hanapbuhay ng isang indibiduwal. Ang kawalan ng hanapbuhay ay nahahati sa dalawang

uri: ang boluntaryo at ang inbolutaryo. Kapag ang isang tao ay umalis sa kaniyang

trabaho nang kusa, ito ay maituturing na boluntaryong unemployment. Samantala, kung

siya naman ay tinanggal sa trabaho, ito ay inboluntaryo.

Mahalaga ang pagkakaroon ng trabaho sa isang lipunan dahil ito ang nagpapalago sa

ekonomiya at nagpapagana ng produksyon. Gayunpaman, maraming bansa sa mundo ang

nakararanas ng unemployment. Isa na rito ang Pilipinas. Ang unemployment rate o bilang

ng mga walang trabaho kumpara sa kabuuang bilang ng labor force ay mahalaga upang

matukoy ang bahagdan ng mga walang trabaho sa isang partikular na estado. Ginagamit

din ito bilang batayan o point of comparison ng estado ng employment ng iba’t ibang

bansa. Sa pagkuha ng unemployment rate, ginagamit ang pormulang:

𝑼𝒏𝒆𝒎𝒑𝒍𝒐𝒚𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑹𝒂𝒕𝒆 = (𝑵𝒖𝒎𝒃𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝑼𝒏𝒆𝒎𝒑𝒍𝒐𝒚𝒆𝒅

𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓 𝑭𝒐𝒓𝒄𝒆) × 𝟏𝟎𝟎

Samakatuwid, upang matukoy ang porsiyento ng unemployment sa isang lugar, kailangan

lamang hatiin o i-divide ang kabuuang bilang ng mga taong walang trabaho mula sa

kabuuang bilang ng labor force, saka ito paramihin o i-multiply sa 100. Ang sagot na

makukuha ang siyang porsiyento ng unemployment.

Bilang halimbawa, ang

tsart sa kanan ay

nagpapakita ang datos

ng bilang mga

unemployed o walang

trabaho sa daigdig

mula taong 2013

hanggang 2018.

Pag-aralan ito.

Datos ng Unemployment sa Daigdig

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Makikita naman sa tsart sa ibaba ang bilang ng unemployment rate sa Pilipinas

kumpara sa iba pang bansang kasapi ng ASEAN.

Ang Unemployment sa Pilipinas atagal nang suliranin sa Pilipinas ang mataas

na unemployment rate. Ilang pangulo na ang

namuno sa bansa, ngunit hanggang ngayon

ay itinuturing pa rin itong malaking suliranin.

Pinakamataas ito noong unang bahagi ng

taong 2005, kung saan umabot ng 11.7% ang

unemployment rate ng bansa.

Karugtong ng isyu ng unemployment ang isyu

ng talamak na kahirapan sa bansa. Dahil sa

hirap na makahanap ng trabaho at

kakaunting trabaho para sa mga Pilipino,

mas naghihirap ang buhay ng nakakarami.

Ito ay isa ng seryosong suliranin na kailangan

ng agarang solusyon ng pamalahaan.

Unemployment Rate ng mga Bansang Kasapi ng ASEAN

Unemployment rate sa Pilipinas mula

2003 hanggang 2009, ayon sa NEDA.

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

Mga Uri ng Unemployment Isa sa mga suliranin ng mga umuunlad pa lamang na bansa ang kawalang hanapbuhay o

unemployment. May iba’t ibang uri ng unemployment na maaaring maranasan ng isang

manggagawa. Ating isa-isahin ang mga ito.

Uri ng

Unemployment Deskripsiyon

Voluntary Ang voluntary unemployment ay ang kusang loob na pag-alis ng

isang manggagawa mula sa kaniyang trabaho. Nangyayari ito dahil

sa kaniyang sariling pasya o pangangailangan. Ilan sa mga salik na

nakaiimpluwensiya sa ganitong uri ng unemployment ay ang

kakapusan ng kita o pagnanais ng ibang uri ng trabaho.

Frictional Ang frictional unemployment ay ang panahon na nasa pagitan ng

kawalan ng trabaho at pagkakaroon ng trabaho. Masasabi na

nakararanas ng ganitong uri ng unemployment ang isang tao kung

wala pa siyang trabaho dahil sa paghihintay ng pormal na job offer

o kaya naman ay paghahanap ng bagong mapapasukan. Hindi

maituturing na suliranin ang frictional unemployment sapagkat

aktibo pa ring nakikilahok sa labor force ang mga manggagawa.

Structural Ang structural unemployment ay nangyayari kasabay ng mga

pagbabago sa teknolohiya. Sa pag-usbong ng teknolohiya,

napapalitan ang mga manggagawa ng mga makina o makinarya.

Gayundin, ang mga hindi matagumpay na negosyo ay nagbubunga

ng pagtatanggal ng mga manggagawa sa trabaho. Kasama rin dito

ang proseso ng outsourcing kung saan lumilipat ng bansa (base of

operations) ang mga kumpanya. Halimbawa nito ang pag-usbong ng

industriya ng call center sa Pilipinas.

Cyclical Nagkakaroon ng cyclical unemployment kapag ang industriyang

kinabibilangan ng mga manggagawa ay nakararanas ng buong pag-

ikot ng business cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas ang

antas ng unemployment. Sa pagbaba ng demand sa produkto ay

nangangailangan din na magbawas ng mga manggagawa.

Bukod sa mga nabanggit, isa rin ang imperfect mobility of labor sa mga nakapag-aambag

sa unemployment. Ito ay dalumat na tumutukoy sa bihirang kakayahan ng mga

manggagawang magpalipat-lipat ng trabaho.

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

I. Ibigay ang mga hinihingi.

A. Magbigay ng dalawang uri ng output.

1. _________________________________________________________________________________

2. _________________________________________________________________________________

B. Magbigay ng tatlong uri ng unemployment.

1. _________________________________________________________________________________

2. _________________________________________________________________________________

3. _________________________________________________________________________________

II. Tukuyin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag.

1. Ang imperfect mobility of labor ay dalumat na tumutukoy sa

bihirang kakayahan ng mga manggagawang magpalipat-lipat

ng trabaho.

2. Kung ang labor force ng isang estado ay binubuo ng 5,000,000

na manggagawa at ang bilang ng walang trabaho ay 675,000,

ang unemployment rate ay 13.5%.

3. Ang pagkakaroon ng full employment ay isa sa mga

pangunahing layunin ng polisiyang makroekonomiks.

4. Ang frictional unemployment ay ang panahon na nasa pagitan

ng kawalan ng trabaho at pagkakaroon ng trabaho.

5. Nagkakaroon ng cyclical unemployment kapag ang

industriyang kinabibilangan ng mga manggagawa ay

nakararanas ng buong pag-ikot ng business cycle.

Suriin Natin

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Bakit mahalaga na maiwasan ang mataas na unemployment rate?

2. Paano natutukoy ang unemployment rate ng isang estado o bansa?

3. Ayon sa imperfect mobility of labor, bakit nagkakaroon ng unemployment?

Sa iyong palagay, bakit patuloy pa rin ang mataas na unemployment rate sa Pilipinas? Ano-

anong patunay ang nagpapakita nito?

Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang uri ng unemployment. Tumukoy ng mga aktwal na

pangyayari mula sa iba’t ibang bansa na nagpapakita ng bawat uri. Ilista sa tsart ang mga

bansa kung saan nangyari ang unemployment. Bigyang detalye ang pangyayari. Matapos

ito, itala sa tsart ang epekto sa ekonomiya ng nangyaring unemployment.

Uri ng

Unemployment Bansa Pangyayari Epekto sa Ekonomiya

Voluntary

Frictional

Structural

Cyclical

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Kalidad ng

Nilalaman

Kulang-kulang

at walang

detalyeng

isinulat sa tsart

May iilang

detalye lamang

ang tsart;

karamihan sa

mga puntong

isinaad ay hindi

naipaliwanag

Maraming

detalye ang

tsart; may isa o

dalawang

detalye na

hindi lubusang

naipaliwanag

Puno ng

tamang detalye

at maayos na

ipinahayag,

inilarawan, at

ipinaliwanag

ang nilalaman

ng tsart

Tiyaga/

Pagsisikap

Tinapos ang

tsart para

lamang

may maipasa

sa guro

Tinapos ang

tsart ngunit

hindi

sinikap na lalo

pang

mapaganda

Tinapos ang

tsart na may

kasiya-siyang

resulta, may

pagsisikap na

lalo pang

pagandahin

Tinapos ang

isang

napakagandan

g tsart na may

masidhing

pagsisikap na

maging

natatangi ito

Kasanayan/

Husay

Hindi

naipakikita ang

pagnanais na

mapaghusay

ang paggawa

ng tsart

Nagpapakita

ng

pagnanais na

mapaghusay

ang paggawa

ng tsart

May angking

husay sa

paggawa;

kailangan pa

ng kaunting

pagsasanay

Nagpapakita

ng husay at

galing sa

paggawa; may

sapat na

kaalaman o

pagsasanay

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng kaniyang

tsart sa loob ng

dalawang lingo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

tsart sa loob ng

isang linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

tsart sa

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

tsart bago pa

ang itinakdang

petsa ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Aralin 2

Mga Implikasyon ng Unemployment

Ang unemployment ay may direktang epekto sa takbo ng ekonomiya.

Nalaman natin sa nakaraang aralin na ang unemployment ay isang suliraning

pang-ekonomiya na dapat maiwasan. Ang epekto ng pangyayaring ito sa ekonomiya ay

nararamdaman hindi lamang sa larangan ng pagnenegosyo o pamimili, kung hindi pati

sa pagganap ng pang-araw-araw na gawain. Sa araling ito, tutukuyin natin ang iba’t ibang

epekto ng unemployment sa kabuuang takbo ng ekonomiya, sa indibiduwal, sa mga

negosyo, at sa estado o bansa.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natataya ang

implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng

bansa.

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Tukuyin at lagyan ng tsek (✓) ang mga larawang nagpapakita ng epekto ng

unemployment.

Subukan Natin

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Matatandaan mula sa nakaraang aralin na ang

pagkakaroon ng mataas na unemployment rate ay

nangangahulugan na hindi nagagamit ng

pamahalaan nang tama o maayos ang mga likas

na yaman, input, at kakayahan nito para sa

produksyon at sa pagpapanatili ng balanseng

takbo ng ekonomiya.

Ang suliranin ng unemployment ay may negatibong

epekto sa indibiduwal at estado. Ating isa-isahin

ang mga ito.

Mga Epekto sa Indibiduwal Pangunahing nakararanas ng masidhing epekto

ng unemployment ang bawat indibiduwal.

Kung ating matatandaan, ang pagkonsumo ng tao ay nakabatay sa kakayahan ng

indibiduwal na punan ang kaniyang mga pangangailangan at kagustuhan. Pangunahing

natutuguan ang mga ito sa pamamagitan ng kita na nakukuha mula sa pagtatrabaho.

Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• input – salapi at iba pang

halaga ng prodiksyon

• umangkop – bumagay

• pisyolohikal – tumutukoy sa

pisikal na pangangatawan

• anxiety – labis na pag-aalala

• depresyon – labis na

kalungkutan

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Kaya naman, kung walang trabaho o unemployed ang isang indibiduwal, hindi siya

nakalalahok sa mga prosesong pang-ekonomiya at siya ay nawawalan ng kakayahang

makamit ang kaniyang mga pangangailangan. Ang ganitong sitwasyon ay nagdudulot ng

lubusang paghihirap at mas mababang antas ng pamumuhay dahil kailangang umangkop

ng indibiduwal sa lifestyle o uri ng pamumuhay na kaniya lamang makakayanan.

Dahil din sa kawalan ng oportunidad sa paghahanapbuhay, napipilitan ang ibang

indibiduwal na pumasok sa trabaho na may mas mababang kwalipikasyon kaysa sa

kanilang kakayahan. Maituturing din ito bilang isang suliranin sapagkat lumalaki ang

kompetisyon para sa iilang trabaho, at nagkakaroon ng limitasyon ang mga manggagawa

na palaguin ang kanilang kakayahan.

May mga epektong sikolohikal ang unemployment.

Hindi lamang pisyolohikal na suliranin ang dulot ng unemployment. Batay sa mga pag-

aaral, ang kawalan ng trabaho ay nagdudulot din ng mga suliraning sikolohikal tulad ng

anxiety, stress, at depresyon na siya namang nagiging risk factors sa iba’t ibang sakit tulad

ng malnutrisyon. Nagdudulot din ang unemployment ng mga negatibong pananaw sa sarili

o kakayahan, tulad na lamang ng pagbaba ng self-esteem o self-worth ng isang indibiduwal.

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

Mga Epekto sa Industriya at Negosyo Sa kabila ng hindi magagandang epekto ng unemployment sa mga indibiduwal, tila mas

mabuti naman ang epekto nito para sa mga industriya at negosyo. Sa isang banda, ang

kawalan ng trabaho ay nagbibigay ng oportunidad para sa mga negosyante na kontrolin

ang labor market sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod, kontrata, uri ng trabaho, at

anupamang kasunduan sa pamamagitan ng negosyo at manggagawa. Bunga nito,

nagkakaroon ng kakayahan ang mga negosyante na mag-alok ng mas mababang pasahod

para sa isang mas komplikado o teknikal na posisyon dahil alam ng mga ito na mayroong

kompetisyon para sa pagkuha ng trabaho.

May positibong epekto sa mga negosyo at industriya ang unemployment.

Gayundin, dahil hindi maaayos na nabibigyan ng alokasyon ang mga input na ginagamit sa

paggawa ng produkto, nakapamimili rin ang mga negosyante ng iba’t ibang produkto o

hilaw na materyales na makapagpapalawak ng kaniyang tubo. Bukod pa rito, kung ang

negosyo ay may kakayahang mag-invest sa makinarya, maaaring piliin nito na bumili na

lamang ng mga makabagong kagamitan na makapagpapabilis ng produksyon kumpara sa

pagkuha ng mga empleyado na gagamit ng manual labor o trabaho na walang tulong mula

sa anumang makinarya.

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

Mga Epekto sa Pamahalaan at Estado Matatandaan mula sa mga nakaraang aralin na ang mga buwis na sinisingil mula sa mga

manggagawa ay isinasama sa pambansang pondo ng pamahalaan. Ang pondong ito ay

ginagamit sa pagpapatupad ng mga taunang layunin, proyekto, at gawain ng pamahalaan

na sumasaklaw sa larangan ng edukasyon, medisina, agham, teknolohiya, impraestruktura,

depensa, at gastusin. Samakatuwid, ang buwis na kinokolekta mula sa mga manggagawa

ay siya ring ibinabalik sa mga mamamayan ng bansa sa pamamagitan ng mga

pampublikong serbisyo ng pamahalaan. Kaya naman, ang pagtaas ng porsiyento ng

kawalan ng trabaho ay nangangahulugan ng mas kaunting pondong makokolekta ng

pamahalaan, na sa bandang huli ay makaaapekto naman sa pagpapatupad ng mga

panlipunang tungkulin ng pambansang pamahalaan.

Kung babalikan ang mga epekto ng unemployment sa mga indibiduwal, mababakas natin

na ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan sa panahon ng kawalan ng trabaho

ay maaapektuhan din ng mga gawain ng pamahalaan. Sa panahon na ang pamahalaan ay

nawawalan ng kakayahang magbigay ng karampatang serbisyo, mas bumababa pa ang

kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Sa usapin ng pakikipagrelasyon sa iba pang estado, nakaaapekto rin ang suliranin ng

unemployment. Kung mabagal na paglago ng ekonomiya dahil sa kawalan ng trabaho, ang

mga ugnayan o plano na ibinabalangkas ng estado sa iba pang bansa ay maaaring hindi

matuloy. Halimbawa na lamang, ang isang malaking negosyo ay pipiliing mag-invest sa

isang bansa na may malakas na kakayahang pang-ekonomiya. Gayundin, ang iba’t ibang

estado ay mahuhumaling na makipagkasundo sa mga bansa na hindi nahaharap sa mga

pang-ekonomiyang suliranin.

Ang unemployment ay tuwirang nakaaapekto sa

pakikipagrelasyon sa ibang estado.

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng epekto ng

unemployment sa: (a) indibiduwal, (b) negosyo at industriya, o (c) pamahalaan at

estado. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang.

1. Nakabili ang ABC Corporation ng abaka sa halagang mas

mababa kaysa sa average price nito.

2. Tinanggihan ng isang bansa sa Europa ang alok ng isang

Asyanong bansa na partnership dahil sa namumuong suliraning

pang-ekonomiya sa bansa.

3. Nahihirapan mag-badyet si Amy dahil nawalan ng trabaho ang

kaniyang asawa.

4. Dahil isang undergraduate, walang kumpanyang tumatanggap sa

aplikasyon ni Janina.

5. Ang pagkakaroon ng Singapore ng magandang plataporma para

sa manggagawa ang nagtutulak sa mga Pilipino na magtrabaho

roon.

6. Nagkaroon ng mga lay-off sa pabrikang pinagtatrabahuhan ni

Mike dahil bumili ang kumpanya ng mga bagong makinarya.

7. Dahil halos isang taon nang walang trabaho, tila nawalan na ng

tiwala sa sarili si Marie.

8. Nang makamit ng Pilipinas ang employment target nito noong

2016, naramdaman ng mga mamamayan ang mas magandang

kalidad ng pamumuhay sa bansa.

9. Binago ng CBD Group of Companies ang nilalaman ng kanilang

terms of references o kontrata para sa mga manggagawa nang

malaman na may mataas na unemployment rate sa bansa.

10. Nagkaroon ng depresyon si AJ matapos ma-lay-off sa trabaho.

Suriin Natin

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang kinalaman ng unemployment sa pangangailangan at kagustuhan ng mga

indibiduwal?

2. Sa anong paraan nakatutulong para sa mga kumpanya at industriya ang pagtaas ng

bilang ng mga walang trabaho?

3. Saan napupunta ang buwis na regular na ibinabayad ng mga manggagawa sa

pamahalaan?

Sa iyong palagay, kaya ba ng isang estado na tuluyang lutasin ang suliranin ng

unemployment?

Mula sa aralin, pumili ng tatlong implikasyon ng unemployment (maaaring sa indibiduwal,

negosyo, o estado). Magsaliksik ng mga aktwal na pangyayari o halimbawa na nagpapakita

ng mga natukoy na implikasyon. Magsaliksik din ng mga gawain o polisiya na

makapagbibgay-solusyon sa natukoy na suliranin. Itala ang lahat ng ito sa tsart.

Implikasyon Halimbawa Solusyon

1. ________________

2. ________________

3. ________________

Matapos punan ang tsart, sagutin ang sumusunod na tanong:

• Bakit mahalagang tugunan ang mga suliraning dulot ng unemployment?

• Sa iyong palagay, alin sa mga implikasyon ng unemployment ang tuwirang

nararanasan sa ating bansa?

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Kalidad ng

Nilalaman

Hindi

kinumpleto ang

tsart at hindi

sinagot ang

mga tanong

May iilang

detalye lamang

ang tsart;

kaunting

paglalarawan

lamang ang

ipinahayag

Maraming

detalye ang

tsart; may isa o

dalawang

detalye na hindi

lubusang

naipaliwanag

Puno ng

tamang detalye

at maayos na

ipinahayag,

inilarawan, at

ipinaliwanag

ang nilalaman

ng tsart

Tiyaga/

Pagsisikap

Tinapos ang

tsart para

lamang

may maipasa sa

guro

Tinapos ang

tsart ngunit

hindi

sinikap na lalo

pang

mapaganda

Tinapos ang

tsart na may

kasiya-siyang

resulta, may

pagsisikap na

lalo pang

pagandahin

Tinapos ang

isang

napakagandang

tsart na may

masidhing

pagsisikap na

maging

natatangi ito

Kasanayan/

Husay

Hindi

naipakikita ang

pagnanais na

mapaghusay

ang paggawa ng

tsart

Nagpapakita ng

pagnanais na

mapaghusay

ang paggawa

ng tsart

May angking

husay sa

paggawa;

kailangan pa ng

kaunting

pagsasanay

Nagpapakita ng

husay at

galing sa

paggawa; may

sapat na

kaalaman o

pagsasanay

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng kaniyang

tsart sa loob ng

dalawang lingo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

tsart sa loob ng

isang linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

tsart sa

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

tsart bago pa

ang itinakdang

petsa ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Aralin 3

Mga Paraan para Malutas ang Unemployment

May solusyon pa rin sa suliranin ng unemployment.

Napagtanto natin mula sa mga nakaraang aralin na ang suliranin ng unemployment ay

nakaaapekto hindi lamang sa mga indibiduwal kung hindi pati sa mga negosyo at estado.

Gayunpaman, sa matagal na panahon ng pagkakaroon ng suliranin sa kawalan ng trabaho,

ang mga ekonomista ay nakahanap na ng iba’t ibang paraan upang matugunan ang

suliraning ito at maiwasan ang iba pang mas matinding epekto ng kawalang balanse ng

ekonomiya. Ano-ano nga ba ang mga paraan upang malutas ang unemployment?

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakabubuo ng mga

mungkahi upang malutas ang sulliranin ng unemployment.

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Sa iyong palagay, ano ang nais ipahiwatig ng

larawang ito? Gamit ang larawan bilang gabay, Magbigay ng limang mungkahi kung

paano maaaring masolusyunan ang suliranin ng unemployment.

Mga Mungkahi:

1. __________________________________________________________________________________

2. __________________________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________________________

4. __________________________________________________________________________________

5. __________________________________________________________________________________

Subukan Natin

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

May iba’t ibang paraan upang matugunan ang

suliranin ng unemployment. Ang lahat ng

paraang ito ay napasasailalim sa dalawang

malawak na konsepto—ang demand side

solution at supply side solution.

Ang Demand Side Solution Ang uri ng solusyong ito ay nakapokus sa

kakayahan ng pamahalaan na magpatupad ng

mga polisiya na makatutugon sa suliranin ng

unemployment. Kaya naman, ang pangunahing

layunin ng mga demand side solution ay

matugunan ang mga pansamantalang

suliranin sa kawalan ng trabaho at bigyan ang

mga manggagawa ng mas matagal na panahon

upang makahanap ng trabaho. Samakatuwid,

ang solusyong ito ay nakapokus sa pag-iwas sa

recession.

Kadalasang ginagamit ang demand side

solution sa tuwing may recession at may

cyclical unemployment. Ilang halimbawa

ng demand side policies ay ang fiscal

policy, monetary policy, pagpahusay ng

kalidad ng edukasyon, pagpapababa ng

minimum wage rate, pagbibigay ng

geographical subsidies, at

pagpapalawak ng labor market.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• recession – pinakamababang

antas ng business cycle

• geographical subsidies –

subsidiya na ipinagkakaloob sa

mga manggagawa na nakatira

sa isang partikular na lugar o

rehiyon

• adaptable – katanggap-tanggap

• labor union – samahan ng mga

manggagawa na nangangalaga

sa kanilang mga karapatan

Ang recession ay dulot ng unemployment.

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

Ang Expansionary Monetary Policy

• Ang madalas na pangunahing solusyon

ay ang pagbabawas ng interest rate upang

hikayatin ang mga mamamayan na

umutang sa pamahalaan.

• Ang perang inutang ay magagamit upang

may magugol sa pagpapatakbo ng

ekonomiya.

• Sa ganitong paraan, magkakaroon ng

demand o pangangailangan sa mga

produkto at serbisyo na magiging dahilan

naman upang magkaroon ng mga

panibagong trabaho.

Ang Expansionary Fiscal Policy

• Ito ay tumutukoy sa direktang pagmamanipula ng pamahalaan sa ekonomiya.

• Kapag tumataas ang antas ng unemployment at hindi gumagana ang expansionary

monetary policy (halimbawa, hindi pa rin gumagastos ang mga mamamayan), ang

pamahalaan mismo ang gumagastos sa pamamagitan ng pagbili ng produkto o

serbisyo upang mas dumami ang pagkakataong makapagtrabaho ang mga

mamamayan.

Ang Supply Side Solution Ang mga tagasuporta ng supply side solution

ay naniniwala na ang pangunahing paraan

upang mabawasan o malutas ang suliranin

ng unemployment ay sa pamamagitan ng

pagsasaayos ng labor market na magkaroon

ng mas adaptable na mobility of labor.

Ibig sabihin lamang nito, kailangang gumawa

ang pamahalaan at mga industriya ng mga

hakbang na nakapokus sa mga

maykroekonomikong isyu, tulad na lamang

ng pagbabawas sa kapangyarihan ng mga

labor union at pagtatanggal ng mga

Sa expansionary monetary policy,

binabawasan ang interest rate sa

investments.

Isang layunin ng supply side solution ang

pagbibigay ng edukasyon at mga training

program para sa mga manggagawa.

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

patakaran ng minimum wage. Kabilang sa mga hakbang na iminumungkahi ng

supply side solution ang sumusunod:

1. Pagbibigay ng edukasyon at mga traning program na naglalayong turuan ang mga

manggagawa ng mga bagong kakayahan na makatutulong sa kanila para

makahanap ng mas maraming trabaho.

2. Pagbabawas ng kapangyarihan ng mga unyon dahil nakapagdudulot ang mga ito ng

real wage unemployment.

3. Pagbibigay ng subsidiya sa mga negosyo o industriya na magbibigay ng trabaho sa

mga indibidwal na matagal nang unemployed.

4. Pagpapabuti ng labor market sa pamamagitan ng pagbibigay ng flexibility rito;

halimbawa na lamang, ang pagtatanggal ng maximum working hours per week at

pagbubukas ng mga bagong paraan ng pagtatrabaho (halimbawa: output-based,

work from home).

5. Pagta-target ng mga partikular na rehiyon sa bansa kung saan mataas ang

unemployment rate upang doon magpatupad ng mga programang tutugon sa

suliranin ng kawalan ng trabaho.

Isa sa mga bagong paraan ng pagtatrabaho ay ang

work from home.

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

Ibigay ang mga hinihingi.

A. Magbigay ng dalawang solusyon upang matugunan ang suliranin ng unemployment.

1. _________________________________________________________________________________

2. _________________________________________________________________________________

B. Magbigay ng apat na paraan ng pagtugon sa unemployment ayon sa demand side

solution.

1. _________________________________________________________________________________

2. _________________________________________________________________________________

3. _________________________________________________________________________________

4. _________________________________________________________________________________

C. Magbigay ng apat na paraan ng pagtugon sa unemployment ayon sa supply side

solution.

1. _________________________________________________________________________________

2. _________________________________________________________________________________

3. _________________________________________________________________________________

4. _________________________________________________________________________________

Suriin Natin

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Sa anong aspekto ng ekonomiya nakapokus ang demand side solution?

2. Ano ang maaaring gawain ng pamahalaan kung hindi gumagana ang expansionary

monetary policy sa pagtugon sa suliranin ng unemployment?

3. Ayon sa supply side solution, paano matutugunan ang unemployment?

Sa iyong palagay, aling solusyon ng unemployment ang mas makatutugon sa suliranin ng

kawalan ng trabaho sa Pilipinas?

Gumawa ng isang likhang sining na nagpapakita ng pagkakaiba ng demand side solution at

ng supply side solution. Maaaring magsagawa ng pananaliksik upang tugunan ang gawain.

Sa pagsusumite ng iyong output, bigyan ito ng maikling deskripsiyon. Gamitin ang

sumusunod na tanong bilang gabay:

• Bakit ito ang napili likhang sining?

• Anong mensahe ang nais ipakita sa iyong likhang sining?

• Paano makatutulong sa iyo, bilang isang mag-aaral, na maunawaan ang isyu ng

unemployment at mga solusyon para dito?

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Kalidad ng

Nilalaman

Hindi ibinatay

ang likhang

sining sa aralin;

hindi sinunod

ang panuto

May iilang

detalye lamang

ang likhang

sining; kaunting

paglalarawan

lamang ang

ipinahayag

Maraming

detalye ang

likhang sining;

may isa o

dalawang

detalye na

hindi lubusang

naipaliwanag

Puno ng tamang

detalye at

maayos na

ipinahayag,

inilarawan, at

ipinaliwanag ang

nilalaman ng

likhang sininig

Tiyaga/

Pagsisikap

Tinapos ang

tsart para

lamang

may maipasa sa

guro

Tinapos ang

tsart ngunit

hindi

sinikap na lalo

pang

mapaganda

Tinapos ang

tsart na may

kasiya-siyang

resulta, may

pagsisikap na

lalo pang

pagandahin

Tinapos ang

isang

napakagandang

tsart na may

masidhing

pagsisikap na

maging

natatangi ito

Kasanayan/

Husay

Hindi

naipakikita ang

pagnanais na

mapaghusay

ang paggawa ng

tsart

Nagpapakita ng

pagnanais na

mapaghusay

ang paggawa

ng tsart

May angking

husay sa

paggawa;

kailangan pa

ng kaunting

pagsasanay

Nagpapakita ng

husay at

galing sa

paggawa; may

sapat na

kaalaman o

pagsasanay

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

kaniyang

likhang sa loob

ng dalawang

lingo matapos

ang itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

likhang sining

sa loob ng

isang linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

likhang sining

sa itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

kaniyang likhang

sining bago pa

ang itinakdang

petsa ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

Napagtanto na natin na may mataas na unemployment rate ang Pilipinas. Subalit, alam mo

ba ang iba’t ibang dahilan kung bakit, sa kabila ng matinding pagsisikap ng pamahalaan na

mabigyang solusyon ang suliraning ito, ay patuloy na lumalala ang unemployment rate ng

bansa? Ang mga ekonomista ay nakatukoy ng ilang dahilan ng pangyayaring ito.

Una, dahilan ng mataas na unemployment rate ay ang kawalan ng mapapasukang trabaho

sa ating bansa. Ibig sabihin nito, kakaunti lamang ang mga negosyo o investors na

nagpapalago ng kanilang mga negosyo sa bansa. Dahilan ito upang mapilitan ang mga

Pilipino na pumasok sa mga trabahong may napakababang sahod o kaya naman ay may

malupit at mapagsamantalang amo. Isa pang dahilan ng kawalan ng trabaho ay ang

patuloy na paglobo ng ating populasyon. Nangangahulugan lamang ito ng paglago ng labor

market at ng kompetisyon sa pagkuha ng trabaho. Nakaaapekto rin ang mga demand ng

global labor market na kadalasang nangangailangan ng mga manggagawang may malawak

na educational background. Ang pangangailangang ito ay nakalilimita sa maraming Pilipino

na makakuha ng trabaho.

Karagdagang Kaalaman

Sa Pilipinas, ang lumalaking populasyon ay nakaaapekto sa

mataas na unemployment rate.

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

Pangkatin sa tatlo ang klase. Hayaan ang bawat grupo na pumili ng isang uri ng

unemployment. Mula rito, kailangang talakayin ng grupo ang mga epekto ng unemployment

na ito sa indibiduwal, negosyo, at estado. Mahalagang makapagbigay ang mag-aaral ng

katangi-tanging halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng mga konseptong nais talakayin.

Pagkatapos nito, hayaan ang mga mag-aaral na tumukoy ng karampatang solusyon upang

matugunan ang napiling suliranin ng unemployment. Kinakailangan ding malinaw na

maipahayag ng mga mag-aaral ang mga ispesipikong hakbang upang matugunan ang

suliranin. Ang gawaing ito ay dapat iulat sa klase sa pamamagitan ng isang detalyadong

PowerPoint Presentation.

Pagkatapos ng gawain, sagutin ang sumusunod na tanong bilang isang klase:

1. Bakit ito ang napiling uri ng employment at solusyon?

2. Bilang mga mag-aaral, makaaapekto ba sa inyo ang suliranin ng unemployment?

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Pag-unawa sa

Paksa/

Gawain

Karamihan sa

impormasyong

inilahad ay

hindi tama;

nagpapakita ng

kaunting pag

unawa sa paksa

o gawain

Karamihan

impormasyong

inilahad ay

tama;

nagpapakita ng

pag unawa sa

paksa o gawain

Halos lahat ng

impormasyong

inilahad ay

tama;

nagpapakita ng

tamang pag-

unawa sa paksa

o gawain

Tama ang

impormasyong

inilahad;

nagpapakita ng

ganap na pag-

unawa sa paksa

o gawain

Uri ng Unemployment

Mga Epekto (indibiduwal,

negosyo, estado)

Mga Solusyon sa Suliranin

Pagyamanin Natin

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

Kooperasyon

ng mga Kasapi

ng Pangkat

Hindi

nagtutulungan

ang mga kasapi

para sa

kanilang

gagawing

presentasyon;

isang tao

lamang ang

gumagawa o

naghahanda

Ang mga kasapi

ay may kani-

kaniyang ideya

at hindi

magkasundo sa

dapat nilang

gawin; ilang

kasapi lamang

ang nag-

aambag para sa

presentasyon

Ang mga kasapi

ay

tumatanggap

ng ideya nang

hindi

nagbibigay ng

negatibong

komento at

sinusubukang

magkasundo sa

dapat gawin;

karamihan sa

kasapi ay

nagbibigay ng

ambag sa

pagbuo ng

presentasyon

Ang mga kasapi

ay

tumatanggap

ng ideya ng isa’t

isa at

nagkakasundo

sa dapat gawin;

lahat ng kasapi

ay may ambag

sa pagbuo ng

presentasyon

Presentasyon/

Pagtatanghal

Nagpuputol-

putol ang

pagtatanghal;

hindi halos

nakikinig o

nanonood ang

mga

manonood;

maraming

pagkakataon na

bumubulong at

hindi naririnig;

hindi

gumagamit ng

angkop na

galaw o kilos; o

hindi

masyadong

gumagalaw

Nagpapakita ng

pagkahiya o

hindi tiyak ang

gagawin;

sinusubukang

makuha ang

interes ng mga

manonood;

hindi

masyadong

marinig sa ilang

pagkakataon;

gumagamit ng

angkop na

galaw at kilos

sa ilang

pagkakataon

Nagpapakita ng

kumpiyansa;

nakukuha ang

interes ng mga

manonood;

nagsasalita sa

paraang

naririnig ng

mga

manonood;

gumagamit ng

angkop na

galaw at kilos

sa maraming

pagkakataon

Nagpapakita ng

kumpiyansa;

nakaaaliw at

nakukuha ang

interes ng mga

manonood;

nagsasalita

nang malakas

at malinaw;

gumagamit ng

angkop na

galaw at kilos

KABUUAN

Page 33: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

33

Paglalagom

Unemployment

Mga Uri ng Unemployment

Voluntary

Frictional

Structural

Cyclical

Mga Epekto ng Unemployment

Indibiduwal

Negosyo o Industriya

Pamahalaan o Estado

Mga Solusyon sa Unemployment

Demand Side Solution

Supply Side Solution

Page 34: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

34

Ang sumusunod na video link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o

mas malalim na pagtalakay:

• Defining the Unemployment Rate ng Marginal Revolution University

(https://www.youtube.com/watch?v=uPRQnQxsL3E)

• How being unemployed affected my mental health ng hiding in my room

(https://www.youtube.com/watch?v=p4dIhlJA9f4)

• Youth unemployment in the Philippines ng Sustainable Development Goals Fund

(https://www.youtube.com/watch?v=5pPcGL-cmfk)

DAPAT TANDAAN

• Ang unemployment ay ang hindi paggamit ng mga salik pang-ekonomiya

tulad ng trabaho, lupa, o puhunan. Bunga nito, bumababa ang bilang ng

output ng isang bansa na nagreresulta sa pagbaba ng Gross Domestic

Product (GDP) nito.

• Ang unemployment ay maaaring voluntary, frictional, structural, at

cyclical.

• Ang bawat uri ng unemployment ay may kani-kaniyang dahilan at

nakaaapekto sa mga indibidwal, industriya, at pamahalaan o bansa.

• Upang masolusyonan ang unemployment, madalas na gumagamit ang

pamahalaan ng demand side solutions tulad ng expansionary monetary

policy at expansionary fiscal policy.

• Ang supply side solutions ay nakapokus sa mga maykroekonomikong

isyu ng unemployment.

Dagdag Sanggunian

Page 35: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

35

Aralin 1: Mga Dahilan ng Unemployment

Subukan Natin

Maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral. Markahan ayon sa kalidad ng

interpretasyon o pagpapaliwanag.

Suriin Natin

A.

a. Alinman sa sumusunod: produkto, serbisyo

b. Alinman sa sumusunod: cyclical, voluntary, frictional, structural

B.

1. Tama

2. Tama

3. Tama

4. Tama

5. Tama

Aralin 2: Mga Implikasyon ng Unemployment

Subukan Natin

Gabay sa Pagwawasto

✓ ✓

Page 36: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

36

Suriin Natin

1. b

2. c

3. a

4. a

5. c

6. b

7. a

8. c

9. b

10. a

Aralin 3: Mga Paraan para Malutas ang Unemployment

Subukan Natin

Maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral. Markahan ayon sa kalidad ng

interpretasyon o pagpapaliwanag.

Suriin Natin

a. Alinman sa sumusunod: Demand Side Solution, Supply Side Solution

b. Alinman sa sumusunod: fiscal policy, monetary policy, pagpapaganda ng kalidad ng

edukasyon, pagpapababa ng minimum wage rate, pagbibigay ng geographical

subsidies, pagpapalawak ng labor market

c. Alinman sa sumusunod: pagbibgay ng edukasyon o training, pagababawas ng

kapangyarihan ng unyon, pagbibigay ng subsidiya sa mga negosyo, pagpapabuti ng

labor market, pag-target ng mga lugar na may mataas na unemployment rate

Page 37: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 5 Ang Unemployment

Copyright © 2018 Quipper Limited

37

Amadeo, Kimberly. "7 Causes of Unemployment." The Balance. Nakuha mula sa

https://www.thebalance.com/causes-of-unemployment-7-main-reasons-3305596.

Heyne, Paul. The Economic Way of Thinking. 9th ed. New Jersey: Prentice-Hall, Inc., 2000.

Edilberto Viray, Ma. Jesusa Avila-Bato, and Lucky Raymundo M. Malveda. Macroeconomics:

Simplified. Mandaluyong City, Philippines: Anvil Publishing, Inc., 2016.

Loungani, Prakash. "The Global Unemployment Crisis: Costs, Causes, Cures." The

Moomaw, Ronald L., Kent W. Olson, Michael Applegate, and Bill McLean.

Economics and Contemporary Issues. 8th ed. Ohio: South-Western, Cengage Learning, 2010.

"Unemployment." Investopedia. Nakuha mula sa

http://www.investopedia.com/terms/u/unemployment.asp.

“Global Unemployment.” The Globalist. Nakuha mula sa https://www.theglobalist.com/the-

global-unemployment-crisis-costs-causes-cures/.

Tejvan Pettinger. “Policies for reducing unemployment.” Economics Help. Nakuha mula sa

https://www.economicshelp.org/blog/3881/economics/policies-for-reducing-

unemployment/.

Sanggunian