baitang 7 yunit 3 bantugan

37
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 FILIPINO Baitang 7 Yunit 3 Bantugan Talaan ng Nilalaman Introduksyon 3 Basahin Natin 4 Sagutin Natin 5 Aralin 1: Ang mga Epiko sa Pilipinas……………………………………………… 6 Layunin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Sagutin Natin 10 Subukan Natin 10 Isaisip Natin 10 Pag-isipan Natin 11 Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Mga Simbolong Ginamit sa Akda………………………………………. 12 Layunin Natin 12 Pag-aralan Natin 12 Sagutin Natin 15 Subukan Natin 15 Isaisip Natin 15 Pag-isipan Natin 16

Upload: others

Post on 05-Dec-2021

25 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

FILIPINO

Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Talaan ng Nilalaman

Introduksyon 3

Basahin Natin 4

Sagutin Natin 5

Aralin 1: Ang mga Epiko sa Pilipinas……………………………………………… 6

Layunin Natin 6

Pag-aralan Natin 6

Sagutin Natin 10

Subukan Natin 10

Isaisip Natin 10

Pag-isipan Natin 11

Aralin 2: Kahulugan ng Salita:

Mga Simbolong Ginamit sa Akda………………………………………. 12

Layunin Natin 12

Pag-aralan Natin 12

Sagutin Natin 15

Subukan Natin 15

Isaisip Natin 15

Pag-isipan Natin 16

Page 2: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Aralin 3: Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga………………… 18

Layunin Natin 18

Pag-aralan Natin 18

Sagutin Natin 21

Subukan Natin 21

Isaisip Natin 21

Pag-isipan Natin 22

Aralin 4: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari……………………………… 23

Layunin Natin 23

Pag-aralan Natin 23

Sagutin Natin 26

Subukan Natin 26

Isaisip Natin 26

Pag-isipan Natin 27

Gawin Natin 28

Rubrik sa Pagtataya 29

Paglalagom 30

Dapat Tandaan 30

Pagyamanin Natin 31

Susi sa Pagwawasto 32

Sanggunian 37

Page 3: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 7│YUNIT 3

Ang Epiko

awat bansa ay may sinaunang salaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing

tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma. Ito ay naisasalin sa kasunod na

henerasyon sa pamamagitan ng oral na tradisyon, ibig sabihin, sa pamamagitan ng

pagkukuwento o pagsasalaysay. Ang tawag sa sinaunang salaysay na ito sa paraang

patula ay epiko.

Ang ilan sa mga tanyag na epiko sa buong daigdig ay ang ang Epiko ni Gilgamesh (Iraq),

Mahabrata at Rayamana (India), Iliad at Odyssey (Gresya), at Beowulf (Inglatera). Sa Pilipinas,

marami ring epiko sa bawat rehiyon ng bansa, isa sa mga ito ay ang epiko na mula sa

Mindanao, ang Bantugan.

Ang Bantugan ay epikong nagmula sa Mindanao. Si Bantugan ay isang magiting na

madirigma sa epiko ng pangkat Maranaw. Siya ay tanyag sa kahariang Bumbaran. Siya ay

hinahangaan dahil sa mga naipanalo niyang mga

digmaan at labanan.

Saklaw ng pag-aaral sa yunit na ito ang tungkol

sa mga epiko sa Pilipinas. Mahalaga ang pag-

aaral ng epiko dahil naipakikita nito ang

tradisyon, paniniwala, at pagpapahalaga sa

buhay. Tatalakayin din ang mga simbolong

ginamit sa akda kagaya ng epiko. Bibigyang-tuon

din ang mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi

at bunga, at sanhi at bunga ng mga pangyayari

dahil anumang akda o pangyayari ay may

ugnayang sanhi at bunga kaya mahalagang

matutuhan ang mga ito.

B

Pindutin ang Home icon para Talaan ng Nilalaman

Page 4: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Basahin Natin

Bantugan

Si Bantugan ay isang prinsipe. Kapatid niya

si Haring Madali, ang hari ng Kaharian ng

Bumbaran. Si Prinsipe Bantugan ay kilala

dahil siya ay makisig at talagang

matapang, maraming dalaga ang

nagnanais na siya ay maging asawa. Dahil

dito, madalas naiinggit si Haring Madali

kay Prinsipe Bantugan. Gumawa ng

panibagong utos si Haring Madali dahil sa

inggit niya sa kapatid. Ayon sa utos, bawal

kausapin si Prinsipe Bantugan at ang

sinomang lumabag sa utos na ito ay

maparurusahan. Dahil sa utos na ito ni

Haring Madali ay naging malungkutin si

Prinsipe Bantugan. Sa kaniyang

paglalagalag ay dinapuan siya ng

malubhang sakit, na naging dahilan ng kaniyang kamatayan. Si Prinsipe Bantugan ay

namatay sa pintuan ng Kahariang nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari ng kahariang

ito at ang kaniyang kapatid na babaeng si Prinsesa Datimbang ay labis na naguluhan

sapagkat hindi nila kilala ang namatay na prinsipe, kaya nagpatawag sila ng pulong kasama

ang matatanda. Habang nag-uusap tungkol sa kung ano ang gagawin sa bangkay, may

isang lorong pumasok sa silid, sinabi ng ibon na ang namatay ay si Prinsipe Bantugan, mula

Page 5: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

Kaharian ng Bumbaran. Kaagad itong ibinalita kay Haring Madali palibhasa ay nasa kritikal

na kalagayan ang kapatid.

Nang mabalitaan ni Haring Madali ang nangyari kay Prinsipe Bantugan, siya ay nalungkot, at

kaagad na pumunta sa langit upang bawiin ang kaluluwa ng prinsipe. Habang dala ng hari

ang kaluluwa ng prinsipe, dala naman ni Prinsesa Datimbang ang katawan nito. Pinagsanib

nila ang kaluluwa at katawan ni Prinsipe Bantugan, bunga nito ang muling pagkabuhay ng

prinsipe. Nagdiwang ang Kaharian ng Bumbaran.

Nabalitaan ng kabilang kaharian sa pamumuno ni Haring Miskoyaw ang nangyari kay

Prinsipe Bantugan, kaya naman mabilis niyang nilusob ang Kaharian ng Bumbaran. Sa gitna

ng pagdiriwang ay ipinagtanggol ni Prinsipe Bantugan mula sa mga lumusob ang kanilang

kaharian ngunit dahil mahina pa, siya ay nabihag ng mga kaaway. Si Prinsipe Bantugan ay

iginapos. Nang magbalik ang kaniyang lakas, madali niyang nilagot ang tali. Buong galit

niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas niya ang kanilang kaharian sa

mga kamay ng kalaban. Ipinagpatuloy nila ang naudlot na pagdiriwang. Nawala ang

pagkainggit ni Haring Madali kay Prinsipe Bantugan. Dinalaw ng prinsipe ang lahat ng

prinsesang kaniyang katipan. Pinakasalan at isinama niya ang mga asawa sa kanilang

kaharian. Buong puso naman itong tinatanggap ni Haring Madali. Namuhay si Prinsipeng

Bantugan nang mapayapa at maligaya sa loob ng mahabang panahon.

Sagutin Natin

1. Sino si Bantugan?

2. Paano muling nabuhay si Bantugan?

3. Ano ang ginawa ni Bantugan upang maipagtanggol ang kaharian

laban kay Haring Miskoyaw?

Page 6: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

Aralin 1

Ang mga Epiko sa Pilipinas

Pag-aralan Natin

Epiko

Ang epiko ay isang akdang pampanitikan. Ito ay

nagmula sa iba’t ibang pangkat-etniko, bayan,

lalawigan, o rehiyon ng bansa. Ang sinaunang salaysay

na ito na nasa paraang patula ay naibabahagi sa

pamamagitan pagkukuwento. Isa sa mga lantad na

katangian ng epiko ay ang mga pangyayaring di-

kapani-paniwala o puno ng kababalaghan. Laging

nakikipagsapalaran ang pangunahing tauhan. Siya ay

nakikipaglaban para ipagtanggol o ihanap ng

solusyon ang mga suliranin ng mga mahal sa buhay o

ng bayan. May mga pagsubok siyang pinagdaraanan

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakikilala ang katangian

ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng kanilang pananalita.

Page 7: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

tulad ng pagharap sa mga kalaban. Sa huli, magtatagumpay siya, tatanghaling isang bayani,

at pamumunuan ang bayan.

Mga Epiko sa Pilipinas

Mayaman sa epiko ang Pilipinas. Bawat pangkat o lugar ay may epikong namana mula sa

kanilang lahi. Ang mga epikong ito ang naglalarawan sa kanilang lipunan at ang pangunahing

tauhan ay sumisimbolo sa katangian ng mga pangkat na ito. Dahil ang epiko ay isang

pasalitang panitikan, madaling mapapansin ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at

paraan ng kanilang pananalita. Sa kanilang tono at pananalita, mahihinuha ang kanilang

nararamdaman at kung ano ang pinagmumulan ng kanilang kilos at gawa. Malalaman din ang

motibasyon o maaaring ikilos ng tauhan sa epiko.

Narito ang ilan sa mga epiko mula sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas.

Mga Epiko sa Luzon Maaaring uriin o pangkatin sa dalawa ang mga epiko sa Luzon.

Mga Epiko sa

Luzon

Epiko ng mga

Kristiyano

May impluwensya ng

Katolisismo at mga

dayuhan

Mga Halimbawa:

Biag ni Lam-ang,

Ibalon

Epiko ng mga

Di-Kristiyano

Walang impluwensya

ng Katolisismo at

mga dayuhan

Mga Halimbawa:

Hudhud, Ulalim,

Lumalindaw

Page 8: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Biag ni Lam-ang (Ilocos) Ayon sa tala, ibinigay ni Padre Gerardo Blanco kay

Isabelo de los Reyes ang salin nito. Ito ay tungkol sa

pakikipagsapalaran ni Lam-ang na naging bantog sa

Ilocos, Zambales, at Pangasinan.

Ibalon (Bicol) Ayon sa salaysay ni Padre Jose Castaño, tungkol ito sa

kabayanihan ng tatlong magigiting na bayani ng Ibalon,

sina Baltog, Handiong, at Bantong.

Hudhud at Alim (Ifugao) Ang Hudhud ay nagsasalaysay ng kasaysayan ng mga

Ifugao at ang pagkakalikha ng daigdig ayon sa kanilang

paniniwala. Ang Alim naman ay naglalahad ng

sinaunang ugnayan ng mga tao sa mga diyos.

Ulalim (Kalinga) Ito ay tungkol sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw

na nakapulot ng nganga o owa.

Lumalindaw (Moutain

Province)

Ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng malakas na

binatang si Lumalindaw.

Mga Epiko sa Visayas Sinasabing isa sa mga pinakaluma at pinakamahabang epiko sa Pilipinas ay nasa Visayas. Ito

ay ang Hinilawod na tinatayang aabot sa tatlong linggo kung isasalaysay nang buo.

Hinilawod (Gitnang Panay) Ito ay epikong mula sa pangkat ng mga Sulod, binubuo

ng labingwalong kuwento tungkol sa kasaysayan ng

pag-iibigan ng mga diyos at diyosa. Nagpapakita ito ng

kaunlaran at kultura ng Panay noong sinaunang

panahon bago ang pananakop. Sumasaklaw ito sa

Page 9: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

kuwento ng tatlong bayani ng epiko na sina Labaaw

Donggon, Dumalapdap, at Humadapnon.

Maragtas (Panay)

Tungkol ito sa kasaysayan ng sampung magiting,

matapang, at marangal na datu. Isinasalaysay nito ang

kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo

patungo sa pulo ng Panay ay ipinagmamalaki ng mga

Bisaya.

Mga Epiko sa Mindanao Ang mga epiko sa Mindanao ay binubuo ng mga epiko ng Muslim at Lumad. Maraming

epiko sa rehiyong ito kabilang na ang Bantugan, Darangan, Indarapatra at Sulayman,

Bidasari, at iba pa.

Darangan (Maranao) Nagsasalaysay ito ng mga paglalakbay at

pakikipagsapalaran ng mga mandirigma, isa na rito si

Prinsipe Bantugan.

Indarapatra at Sulayman Nilalaman ng epiko ang pakikibaka ni Sulayman sa

mga halimaw. Siya ay kapatid na lalaki ni Haring

Indarapatra.

Bidasari Ito ay maromansang epiko ng mga Malay tungkol sa

matandang paniniwalang ang buhay ay napatatagal

kung ang kaluluwa ng isang tao ay ipaloloob o

paiingatan sa isang hayop, isda, punongkahoy, o bato.

Laganap ang epikong ito sa buong Mindanao.

Bantugan Tungkol ito sa buhay, kamatayan, muling pagkabuhay,

kabayanihan, at kaligayahan ni Prinsipe Bantugan.

Page 10: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang pagkakaiba ng tinatawag na “Epiko ng mga Kristiyano” at “Epiko ng mga

Di-Kristiyano?”

2. Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng pinakamaraming epiko mula sa

Mindanao, kumpara sa Luzon at Visayas?

Isaisip Natin

Bakit mahalagang patuloy na pag-aralan ng kabataan ang mga epiko sa Pilipinas?

Sagutin Natin

1. Ano ang epiko?

2. Ano ang mga katangian ng isang epiko?

3. Ano ang ilan sa mga epikong mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao?

Page 11: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

Pag-isipan Natin

Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga pahayag.

1. Ang epiko ay sinaunang salaysay na nasa anyong tuluyan o prosa

na ibinabahagi sa pamamagitan ng pagkukuwento.

2. Madaling mapapansin ang katangian ng tauhan ng epiko o

anumang akda batay sa tono at paraan ng pagsasalita nito.

3. Mahirap mahinuha ang damdamin ng tauhan sa epiko kung

pagbabatayan ang tono at pananalita nito.

4. Hindi posibleng mahinuha ang pinagmumulan o dahilan ng kilos

at gawa ng isang tauhan kung pagbabatayan lamang ang tono at

pananalita.

5. Kabilang sa mga epiko ng mga di-Kristiyano ang Hudhud,

Lumalindaw, Alim, at Ulalim.

6. Binubuo ang mga epiko sa Mindanao ng mga epiko ng Muslim at

Lumad.

7. Sinasabing ang pinakaluma at pinakamahabang epiko sa Pilipinas

ay matatagpuan sa Mindanao.

8. Ang mga pangyayari sa epiko ay di kapani-paniwala at puno ng

kababalaghan.

9. Ang mga epiko ay naglalarawan sa lipunan ng partikular na

pangkat at ang pangunahing tauhan ay sumisimbolo sa katangian

ng mga pangkat na ito.

10. Laging nakikipagsapalaran ang pangunahing tauhan ng epiko at

inihahanap ng solusyon ang mga suliranin ng mga mahal sa buhay

o ng bayan.

Page 12: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Aralin 2

Kahulugan ng Salita:

Mga Simbolong Ginamit sa Akda

Pag-aralan Natin

Isa sa mga nagpapaganda sa isang akda kagaya ng

epiko ay ang paggamit ng mga simbolo o imahe.

Ang simbolo ay salita o mga salita na kapag binanggit

sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t

ibang pagpapakahulugan. Maaaring ang isang

simbolo ay kumatawan sa isang bagay, aksiyon, ideya,

o paniniwala. Dahil sa simbolo, pinag-iisip nito ang

mambabasa at nagsisimulang gumana o maglaro ang

imahinasyon nito. Dapat tandaan na sa

pagpapakahulugan ng simbolo ay kailangang hindi

malayo sa tunay na kahulugan o intensiyon ng

manunulat.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag ang

kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda.

Page 13: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Paggamit ng Simbolo Ang paggamit ng simbolo ay pagpapahiwatig ng bagong kahulugan ng salita. Ang mga

simbolong ginagamit sa akda ay nagbibigay ng panibagong kahulugan sa kabuuan ng tema

ng akda na hindi nalalayo sa intensiyon ng may-akda. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga

simbolong ginamit sa akda sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga salita at pagbibigay ng

kahulugan sa sinisimbolo ng mga salitang ito.

Mga Uri ng Simbolo

Mas madaling matukoy ang simbolismo ng mga salita sa pamamagitan ng pag-uuri nito sa

dalawa.

Karaniwang Simbolo Likhang Simbolo

• Karaniwan o natural sa kultura

ng isang partikular na lugar

• Maaaring hayop, bagay,

konsepto, o pangyayari

• Simbolong nilikha ng

manunulat

• Maaaring tauhan, tagpuan,

at iba pang bagay

Halimbawa Habang nag-uusap ang konseho ng

kung ano ang gagawin sa bangkay,

may isang lorong pumasok sa silid at

sinabi nito na ang namatay ay si

Prinsipe Bantugan, mula sa Kaharian

ng Bumbaran.

Si Prinsipe Bantugan ay namatay sa

pintuan ng Kahariang nasa

Pagitan ng Dalawang Dagat.

Simbolo “loro” “Kahariang nasa Pagitan ng

Dalawang Dagat”

Kahulugan sugo, katiwala ng hari, kasapi ng

ruma bichara (konseho)

Arkipelago ng Sulu o Tangway ng

Zamboanga

Paliwanag Ang loro ay kilala bilang matalinong

ibon. Ang sultan (hari o pinuno) ng

isang sultanato ay may matatalinong

tagapayo na tinatawag na ruma

bichara.

Maaaring ang tinutukoy na

kaharian ay ang Arkipelago ng Sulu

o ang Tangway ng Zamboanga;

ang dalawang dagat ng Sulu at

Celebes.

Page 14: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Narito pa ang mga halimbawa ng simbolong ginamit sa epikong Bantugan at ang kahulugan

ng mga ito.

1. Sa kaniyang paglalagalag ay dinapuan siya ng malubhang sakit na naging dahilan ng

kaniyang pagkamatay.

Simbolo sakit

Kahulugan suliranin, matinding kalungkutan, o depresyon

Paliwanag Sa isang taong sanay sa maligaya, mariwasa, at matiwasay na

pamumuhay, ang mawalay sa mga ganito ay isang mabigat na suliranin.

Maaari itong humantong sa depresyon.

2. Si Prinsipe Bantugan ay namatay sa pintuan ng Kahariang nasa Pagitan ng Dalawang

Dagat.

Simbolo pintuan

Kahulugan daungan, pantalan, pundahan, himpilan ng mga sasakyang pandagat

Paliwanag Kung ang kahariang tinutukoy ay ang Tangway ng Zamboanga,

maaaring ipakahulugang ang daungan ay ang Iligan (sa Iligan Bay). Ito

ang pasukan o pintuan mula sa kalakhang Mindanao tungo sa

Zamboanga.

Ilan pa sa mga simbolismo mula sa akda:

• “langit” – mosque o masjid

• “Bumbaran” – kalakhang Mindanao

• “Miskoyaw” – kaaway, kalaban

• “tali” – kahinaan, karuwagan,

pagkabihag

May malaking pakinabang sa paggamit ng mga simbolo sa akda kagaya ng epiko. Maliban pa

sa paglawak ng talasalitaan at paggana ng imahinasyon, mas nauunawaan ng mambabasa

ang pangkaisipan at pandamdaming implikasyon ng akda.

Page 15: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Subukan Natin

Sagutin ang ang mga tanong.

1. Paano malalaman ang kahulugan ng simbolong ginamit sa akda?

2. Ano ang naitutulong ng paggamit ng mga simbolo sa isang akda kagaya ng epiko?

Isaisip Natin

Bakit mahalagang matukoy ang mga ginamit na simbolo sa isang akda kagaya ng epiko?

Sagutin Natin

1. Ano ang simbolo o imaheng ginagamit sa mga akda?

2. Ano ang dalawang uri ng simbolo?

3. Ano ang pagkakaiba ng karaniwang simbolo at likhang simbolo?

Page 16: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Pag-isipan Natin

Iugnay ang simbolismo ng mga salitang may salungguhit sa mga pahayag sa hanay A sa

kahulugan nito sa hanay B. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_____ 1. Ang kaharian ng Kembayat ng

epikong Bidasari ay naliligalig dahil sa isang

dambuhalang ibon. Sinisira nito ang mga

pananim at kumakain ng tao.

_____ 2. Mabilis na nagtatakbuhan ang mga

tao upang magtago sa mga yungib. Labis

ang takot nila sa dambuhalng ibon o

tinatawag ding ibong garuda.

_____3. Noong nagkakagulo, nagtakbuhan

ang mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo

ang sultan at sultana ng Kembayat.

_____ 4. Nag-aalala ang sultana na si Lila

Sari na baka may higit na maganda pa sa

kaniya. Inutusan niya ang kaniyang matapat

na kawal na galugarin ang kaharian upang

malaman kung may babaeng mas maganda

sa kaniya.

a. Kumakatawan sa guro

b. Tanda ng pagkakaibigan at

pagkakapatiran

c. Pag-iimbot o inggit

d. Proteksiyon

e. Nagbabadyang panganib

f. Pagharap sa pagsubok

g. Nagbibigay babala sa hindi kanais-nais

na pangyayari

Page 17: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

_____ 5. Tinuruan si Aliguyon ng kaniyang

ama ng iba’t ibang karunungan gaya ng

manalangin sa Bathala ng mga mandirigma

at pinatatag din niya ang loob nito.

_____ 6. Araw-araw ay nagpatuloy ang laban

nina Aliguyon at Dinoyagan hanggang ito

ay inabot ng linggo, ng buwan, at ng taon.

_____ 7. Sina Aliguyon at Dinoyagan na

kapwa mandirigma ay nagyakapan at

nagkamayan.

_____ 8. Nakita ni Tulaang ang matanda at

nagwika ito sa kaniya na hindi na sila

magugutom ng kanilang mga kapatid.

Simula noon, nanagana nga sa pagkain ang

magkakapatid.

_____ 9. Ang kapatid na babae ni Tulalang

ay nagtatanim ng agad mahiwagang rosas

kapag nalanta ang mga bulaklak nito na

nagbabalang may darating na kaaway sa

kanilang kaharian.

_____ 10. Habang natutulog si Tulalang sa

ilalim ng punongkahoy, dumapo ang uwak

at ipinagbigay-alam nito na may parating

na napakalaking higante na kumakain ng

tao.

h. Pagkakawatak-watak ng mga pinuno

ng bansa

i. Malaking pinsala

j. Kumakatawan sa pagkakaroon ng

magandang kapalaran o kasaganaan

Page 18: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

Aralin 3

Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Pag-aralan Natin

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nagagamit nang wasto

ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga

pangyayari (sapagkat, dahil, kasi, at iba pa).

Ang pang-ugnay ay bahagi ng pananalita na nag-

uugnay ng mga salita, parirala, o pangungusap.

Mas nagiging malinaw ang mensahe at mas

magandang pakinggan ang pangungusap dahil

mas maluwag na nabibigkas ang mga ito dahil sa

mga pang-ugnay. Sa pagsulat ng akda, may mga

pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi

at bunga.

Alamin muna natin sa pamamagitan ng isang

pahayag o pangyayari kung ano ang sanhi at bunga.

Page 19: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

Halimbawa: • Si Prinsipe Bantugan ay kilala sa kaniyang pagiging makisig at matapang, at maraming

dalaga ang nagnanais na siya ay maging asawa. Dahil dito, madalas naiinggit si Haring

Madali kay Prinsipe Bantugan.

Sanhi Bunga

Si Prinsipe Bantugan ay kilala dahil sa

pagiging makisig at matapang, kaya

maraming dalaga ang nagnanais na siya

ay maging asawa.

Madalas naiinggit si Haring Madali kay

Prinsipe Bantugan.

Paliwanag:

Ano ang sanhi o ang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari?

• Si Prinsipe Bantugan ay kilala dahil siya ay makisig at talagang matapang, maraming

dalaga ang nagnanais na siya ay maging asawa.

Ano ang bunga o ang kinalabasan, resulta, o dulot ng naturang pangyayari?

• Madalas naiinggit si Haring Madali kay Prinsipe Bantugan.

Sa modelong sanhi at bunga, tinatalakay ang dahilan ng isang sitwasyon o pangyayari at ang

mga epekto nito.

Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

May mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga. Dahil sa mga pang-

ugnay na ito, nagiging maayos ang ugnayan ng mga salita, parirala, at pangungusap.

Mahalagang sangkap ito para sa malinaw at mabisang paglalahad ng diwa o mensahe.

Page 20: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Pag-aralan ang tsart.

Mga Pang-ugnay na Nagpapakita ng

Sanhi

Mga Pang-ugnay na Nagpapakita ng

Bunga

• sapagkat

• pagkat

• dahil

• dahilan sa

• palibhasa

• kasi

• kaya

• kaya naman

• dahil dito

• bunga nito

• tuloy

Halimbawa:

Si Prinsipe Bantugan ay kilala dahil siya ay makisig at talagang matapang, at maraming

dalaga ang nagnanais na siya ay maging asawa. Dahil dito, madalas naiinggit si Haring

Madali kay Prinsipe Bantugan.

Sanhi Pang-ugnay Bunga

Si Prinsipe Bantugan ay kilala

dahil siya ay makisig at

talagang matapang, at

maraming dalaga ang

nagnanais na siya ay maging

asawa.

dahil dito Madalas naiinggit si Haring

Madali kay Prinsipe Bantugan.

Paliwanag:

Dahil sa pang-ugnay na dahil dito, naging maayos ang ugnayan ng mga pangungusap. Ang

pang-ugnay na ito ay nagpapakita ng bunga ng pangyayari.

Sa hulwarang sanhi at bunga, tinatalakay ang mga dahilan ng isang sitwasyon o pangyayari

at ang mga epekto nito. Sa paggamit ng mga pang-ugnay, napatitibay ang mga layunin sa

pagpapahayag.

Page 21: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Paano ipinahihiwatig ng mga pang-ugnay sa paghahayag ng sanhi at bunga ang

relasyon ng mga pinag-uugnay nitong bahagi ng pangungusap?

2. Ano ang silbi ng paggamit ng pang-ugnay sa pangungusap?

Isaisip Natin

Gaano kahalaga ang mga pang-ugnay sa pagbibigay o pagpapakita ng sanhi at bunga

ng mga pangyayari?

Sagutin Natin

1. Ano ang pang-ugnay?

2. Ano ang mga halimbawa ng pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi ng

pangyayari?

3. Ano ang mga halimbawa ng pang-ugnay na nagpapakita ng bunga ng

pangyayari?

Page 22: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Pag-isipan Natin

Tukuyin kung nagpapahayag ng sanhi o bunga ang bahaging may salungguhit. Isulat ang S

kung sanhi o B kung ito ay bunga.

_______1. Na-stranded ang mga pasahero dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.

_______2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayo lumikha ng anumang ingay.

_______3. Nag-aaral ako nang mabuti sapagkat kailangan kong ipasa ang aming lagumang

pagsusulit.

_______4. Kailangan kong magtipid kasi mahina ang kita ni Tatay ngayon.

_______5. Hindi nagpaalam si Beatrice sa mga magulang kaya siya ay nakagalitan nang umuwi

siya.

_______6. Nakakalbo na ang kabundukan, bunga nito ang pagkakaroon ng biglaang pagbaha.

_______7. Nagsikap sa pag-aaral si Maegan kaya nakapagtapos siya nang may karangalan.

_______8. Nagkasakit ang magkapatid dahil naligo sila sa ulan at hindi agad nakapagbanlaw.

_______9. Nagsara ang tindahan ni Aling Cory dahil sa pagkakabaon sa utang.

_______10. Palibhasa’y mayaman, walang pakialam si Ronald sa pagbili ng mga mahal na gamit.

Page 23: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

Aralin 4

Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Pag-aralan Natin Ang pangayayari ay mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ang

bawat pangyayari sa ating buhay ay bunga ng mga aksiyon at kagustuhan ng tao. Ang mga

pangyayari ding ito ay siya ring bunga ng mga naunang aksiyon at kagustuhan ng tao. Ito ang

tinutukoy na sanhi at bunga ng mga pangyayari. Matutukoy ang sanhi at bunga sa

pamamagitan ng pag-unawa ng pangungusap at mga pahayag.

Sanhi • Ang pinagmulan ng isang pangyayari

• Ang dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari

• Ang motibasyon at layunin bago gawin ang isang bagay o pangyayari

• Nagpapahayag ng sanhi sa isang pangungusap o pahayag ang mga pang-ugnay na

sapagkat, pagkat, dahil, dahilan sa, palibhasa, at kasi.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag ang

sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Page 24: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

Halimbawa:

• Gumawa ng panibagong utos si Haring Madali nang dahil sa inggit niya sa kapatid.

Paliwanag:

Ano ang dahilan ng pangyayari?

• Dahil sa inggit niya sa kapatid.

Samakatuwid, ito ang sanhi kung bakit gumawa ng panibagong utos ang hari.

Pinatitibay ito ng pang-ugnay na dahil sa na nagpapakita ng sanhi ng pangyayari.

Narito ang ilan pang halimbawa.

Bunga

• Ang resulta o dulot ng isang pangyayari

• Ang epekto ng naganap na pangyayari

• Ang pahayag na nagsasaad ng kinalabasan ng isang naunang pangyayari

• Nagpapahayag ng bunga sa isang pangungusap o pahayag ang mga pang-ugnay na

kaya, kaya naman, dahil dito, bunga nito, at tuloy.

Halimbawa:

• Nang mabalitaan ni Haring Madali ang nangyari kay Prinsipe Bantugan, siya ay

nalungkot, kaya kaagad na pumunta sa langit upang bawiin ang kaluluwa ng

prinsipe.

Paliwanag:

Ano ang resulta o epekto ng pangyayari?

• Kaya kaagad na pumunta sa langit upang bawiin ang kaluluwa ng prinsipe.

• Ang hari ng kahariang ito at ang kaniyang kapatid na babaeng si Prinsesa

Datimbang ay labis na naguluhan sapagkat hindi nila kilala ang namatay na

prinsipe.

• Kaagad itong ibinalita kay Haring Madali palibhasa ay nasa kritikal na kalagayan

ang kapatid.

Page 25: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

Samakatuwid, ito ang bunga ng kalungkutan ng hari sa nabalitaang pangyayari sa

kapatid. Pinatitibay ito ng pang-ugnay na kaya na nagpapakita ng bunga ng

pangyayari.

Tunghayan ang iba pang halimbawa.

Ipakita natin sa tsart ang malinaw na ugnayan ng sanhi at bunga ng mga sitwasyon o

pangyayari.

Sanhi Bunga

• Sapagkat hindi nila kilala ang

namatay na prinsipe.

• Palihasa ay nasa kritikal na

kalagayan ang kapatid.

• Pinagsanib nila ang kaluluwa at

katawan ni Prinsipe Bantugan.

• Nabalitaan sa kabilang kaharian sa

pamumuno ni Haring Miskoyaw

ang nangyari kay Prinsipe

Bantugan.

• Ang hari ng kahariang ito at ang

kaniyang kapatid na babaeng si

Prinsesa Datimbang ay labis na

naguluhan.

• Kaagad itong ibinalita kay Haring

Madali.

• Bunga nito, muling nabuhay ng

prinsipe.

• Kaya naman mabilis niyang nilusob

ang Kaharian ng Bumbaran.

• Pinagsanib nila ang kaluluwa at katawan ni Prinsipe Bantugan, bunga nito

ang muling pagkabuhay ng prinsipe.

• Nabalitaan sa kabilang kaharian sa pamumuno ni Haring Miskoyaw ang

nangyari kay Prinsipe Bantugan, kaya naman mabilis niyang nilusob ang

Kaharian ng Bumbaran.

Page 26: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

Muli, sa hulwarang sanhi at bunga, tinatalakay ang mga dahilan ng isang sitwasyon o

pangyayari at ang mga epekto nito. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa

pamamagitan ng mga tiyak na pang-ugnay, ibang salita, o pariralang nagpapahayag ng mga

ito. Matutukoy rin ang sanhi at bunga sa pagsusuri ng mismong pangyayari sa pangungusap

o pahayag.

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Paano naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari?

2. Paano binubuo ng mga aksiyon at kagustuhan ng tao ang mga pangyayari?

Isaisip Natin

Bakit mahalagang matukoy ang sanhi at bunga ng mga sitwasyon o pangyayari?

Sagutin Natin

1. Ano ang ibig sabihin ng sanhi ng pangyayari?

2. Ano ang ibig sabihin ng bunga ng pangyayari?

3. Paano matutukoy ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari?

Page 27: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

Pag-isipan Natin

Isulat sa patlang ang titik ng maaaring bunga ng mga sitwasyon sa Hanay B ng sanhi na

nasa Hanay A.

Hanay A

1. Kulang ang pera para sa gastusin

2. Nakakain ng panis na pagkain

3. Nakasaksi sa pagnanakaw sa kapitbahay

4. Maraming pamilyang nasalanta ng

bagyo ang nawalan ng ari-arian

5. Araw-araw nag-eehersisyo at kumakain

ng masusustansiyang pagkain

6. May mabigat na problema ang kaibigan

7. Malaking pagtataas ng matrikula sa

paaralan

8. Pag-aagawan ng mga bansa sa isang

teritoryo

9. Pagpapataw ng mataas na buwis

10. Pagsasara ng maraming kompanya at

pabrika

Hanay B

a. Tataas ang bilang ng mga

taong walang trabaho

b. Magbibigay ng payo o

maaaring solusyon

c. Lulusog ang pangangatawan

d. Pagtaas ng presyo ng bilihin

e. Magtitipid ang pamilya

f. Pagkakaroon ng hidwaan o ‘di

pagkakaunawaan

g. Tumawag ng pulis

h. Pagbibigay ng tulong sa mga

nasalanta

i. Pagsakit ng tiyan at

pagkakaroon ng diarrhea

j. Pagdami ng hindi

makakapag-aral

Page 28: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

Gawin Natin

Gawin ang sumusunod.

A. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Magsaliksik ang bawat pangkat ng mga epiko

sa Mindanao. Pumili ng isang epiko ang bawat pangkat na gagawan ng iskrip upang

itanghal bilang isang dula-dulaan.

B. Pagtulungang gawin ng mga kasapi ng bawat pangkat ang iskrip na kanilang

itatanghal sa klase. Mahalagang unawaing mabuti ang mga simbolo na nakapaloob sa

akda upang maayos na maisulat ang iskrip.

C. Maglaan ng sapat na oras upang makapag-ensayo ang bawat pangkat para sa

itataghal na dula-dulaan sa klase.

D. Matgakda ng araw ng pagtatanghal at pagkakasunod-sunod ng pangkat na

magtatanghal. Bigyang-puna ng guro at kamag-aral ang bawat pagtatanghal. Maaaring

magbigay ng mungkahi upang mapaghusay ang mga pagtatanghal.

Page 29: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

Rubrik sa Pagtataya Itiman ang angkop na bilang. (5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa)

Pamantayan sa Pagtatanghal ng Dula-dulaan 1 2 3 4 5

1. Kahusayan sa pagsulat ng iskrip o daloy ng

kuwento ng epiko

2. Kahusayan sa pagganap ng mga tauhan sa

pagbibigay-buhay sa mga karakter ng epiko

3. Kaayusan ng daloy ng pagtatanghal ng mga

eksena

4. Pagiging malikhain at kaangkupan ng paggamit

ng props, kasuotan, tunog, at musika sa

pagtatanghal

Kabuuang Puntos

Interpretasyon:

16 – 20 : Napakahusay

11 – 15 : Mahusay

6 – 10 : Katamtaman

1 – 5 : Nangangailangan pa ng pagsasanay

E. Suriin din ng klase ang mga dula-dulaang itinanghal. Tukuyin sa bawat

pagtatanghal ang katangian ng mga pangunahing tauhan sa pamamagitan ng

kanilang tono at pananalita. Tukuyin din ang mga simbolo na lantad sa ginawang

pagtatanghal at ipaliwanag ang kahulugan nito. Suriin ang ugnayang sanhi at

bunga ng mga pangyayaring nakita sa pagtatanghal ng mga epiko. Magkaroon ng

malayang talakayan ang klase kaugnay nito.

Page 30: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

Paglalagom

Page 31: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

Dapat Tandaan

• Ang epiko ay isang akdang pampanitikan, nagmula sa iba’t ibang

pangkat-etniko, bayan, lalawigan, o rehiyon ng bansa. Naibabahagi ito sa

pamamagitan ng pagkukuwento sa paraang patula. Isa sa mga lantad na

katangian ng epiko ay ang mga pangyayaring di-kapani-paniwala o puno

ng kababalaghan.

• Ang simbolo ay salita/mga salita na kapag binanggit sa isang akdang

pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan. Maaaring

ang isang simbolo ay kumatawan sa isang bagay, aksyon, ideya, o

paniniwala.

• Ang pang-ugnay ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita,

parirala, o pangungusap.

• Ang sanhi ay ang dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari,

samantala, ang bunga ay ang epekto ng naganap na pangyayari.

Page 32: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

Pagyamanin Natin

Ang sumusunod na links ay maaaring panoorin o basahin para sa karagdagang impormasyon

at malalim na talakayan.

• StorYey: Prinsipe Bantugan at Haring Madali

https://www.youtube.com/watch?v=mpLXWV32i_o

• Mga Epiko

http://www.kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mga-epiko-

epics_347.html

• Mga Epiko at Kuwentong bayan

http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1

Sagutin Natin

1. Ang epiko ay isang akdang pampanitikan, nagmula sa iba’t ibang pangkat-etniko,

bayan, lalawigan, o rehion ng bansa. Ang sinaunang salaysay na ito ay naibabahagi sa

pamamagitan pagkukuwento. Nagtataglay ito ng mga pangyayaring di-kapani-

paniwala.

2. Ang epiko ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong patula at naibabahagi sa

Page 33: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

33

pamamagitan pagkukuwento. Isa sa mga lantad na katangian ng epiko ay ang mga

pangyayaring di-kapani-paniwala o puno ng kababalaghan. Laging nakikipagsapalaran

ang pangunahing tauhan nito. 3. Ilan sa mga epiko sa Luzon: Biag ni Lam-ang, Ibalon, Hudhud, Alim, Ulalim, at

Lumalindaw; sa Visayas: Hinilawod, Labaw Donggon, at Maragtas; at sa Mindanao:

Bantugan, Darangan, Indarapatra at Sulayman, at Bidasari.

Subukan Natin

1. Naimpluwensyahan ng relihiyon ng mga Espanyol ang epikong Kristiyano, samantala,

ang mga epikong di-Kristiyano ay nanatiling orihinal at walang bahid ng

impluwensiyang Kristiyanismo sa anyo, nilalaman, at layunin.

2. Dahil hindi nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao, mas marami itong naipreserbang

mga epiko at hindi nagkaroon ng impluwensiyang Kristiyano.

Isaisip Natin

Mahalagang patuloy na pag-aralan ng kabataan ang mga epiko sa Pilipinas sapagkat

mapapagtibay nito ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pag-aaral at

pag-alam sa mga akda o panitikan gaya ng epiko masasalamin ang tradisyon at kaugaliang

nagmula sa mga ninuno at likas sa mga Pilipino.

Pag-isipan Natin

1. Mali

2. Tama

3. Mali

4. Mali

5. Tama

6. Tama

7. Mali

8. Tama

9. Tama

10. Tama

Aralin 2

Sagutin Natin

1. Ang simbolo ay salita o mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan

Page 34: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

34

ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan. Maaaring ang isang simbolo ay

kumatawan sa isang bagay, aksiyon, ideya, o paniniwala. 2. Ang dalawang uri ng simbolo ay ang karaniwang simbolo at ang likhang simbolo.

3. Ang karaniwang simbolo ay iyong karaniwan o natural sa kultura ng isang partikular na

lugar, maaaring hayop, bagay, konsepto, o pangyayari. Ang likhang simbolo ay iyong

sadyang nilikha ng manunulat, maaaring tauhan, tagpuan, at iba pang bagay.

Subukan Natin

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda sa pamamagitan ng

pagtukoy ng mga salita at pagbibigay ng kahulugan sa sinisimbolo ng mga salitang

ito.

2. Sa pamamagitan ng simbolo, napalalawak ang talasalitaan, napagagana ang

imahinasyon, at mas nauunawaan ang pangkaisipan at pandamdaming implikasyon ng

akda.

Isaisip Natin

Mahalagang matukoy ang mga ginamit na simbolo sa isang akda gaya ng epiko upang higit

na maunawaan ito at maiugnay ang mga simbolo sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid.

Bukod dito, nakatutulong din itong mapaunlad ang talasalitaan at mapahahalagahan ang

kasiningang taglay ng isang akda.

Pag-isipan Natin

1. I

2. D

3. H

4. C

5. A

6. F

7. B

8. J

9. E

10. G

Page 35: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

35

Aralin 3

Sagutin Natin

1. Ang pang-ugnay ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, parirala, o

pangungusap.

2. Ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi ay sapagkat, pagkat, dahil, dahilan sa,

palibhasa, at kasi.

3. Ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng bunga ay kaya, kaya naman, dahil dito, bunga

nito, at tuloy.

Subukan Natin

1. Inihuhudyat ng mga pang-ugnay ang uri ng relasyong mayroon ang pinag-uugnay

nitong mga bahagi ng pangungusap, sa kasong ito ng sanhi at bunga ngunit kailangan

pa ring unawain ang ipinahahayag nito upang malaman kung ang isang bahagi ay ang

sanhi o bunga.

2. Mas nagiging malinaw ang mensahe at mas magandang pakinggan ang pangungusap

dahil mas maluwag na nabibigkas ang mga ito dahil sa mga pang-ugnay.

Isaisip Natin

Mahalagang matutuhan ang paggamit ng pang-ugnay sa pabibigay o pagpapakita ng sanhi

at bunga ng mga pangyayari upang matukoy agad kung alin ang sanhi o pinagmulan ng

pangyayari, at ang bunga o kinalabasan nito. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagkalito at

matitiyak agad kung alin ang sanhi at bunga ng mga pangyayari o kaganapan.

Pag-isipan Natin

1. B

2. B

3. S

4. S

5. B

6. S

7. S

8. B

9. S

10. S

Page 36: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

36

Aralin 4

Sagutin Natin

1. Ang sanhi ay ang pinagmulan ng isang pangyayari, dahilan kung bakit naganap ang

isang pangyayari, o ang motibasyon at layunin bago gawin ang isang bagay o

pangyayari.

2. Ang bunga ay ang resulta o dulot ng isang pangyayari, epekto ng naganap na

pangyayari, o ang pahayag na nagsasaad ng kinalabasan ng isang naunang pangyayari.

3. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga tiyak

na pang-ugnay, ibang salita, o pariralang nagpapahayag ng mga ito. Matutukoy rin ito

sa pagsusuri ng mismong pangyayari sa pangungusap o pahayag.

Subukan Natin

1. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga tiyak

na pang-ugnay, ibang salita, o pariralang nagpapahayag ng mga ito. Matutukoy rin

ang sanhi at bunga sa pagsusuri ng mismong pangyayari sa pangungusap o pahayag.

2. Ang bawat pangyayari sa ating buhay ay bunga ng mga aksiyon at kagustuhan ng tao.

Ang mga pangyayari ding ito ay siya ring bunga ng mga naunang aksiyon at

kagustuhan ng tao. Ito ang tinutukoy na sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Isaisip Natin

Mahalagang matukoy ang sanhi at bunga ng mga sitwasyon o pangyayari upang maunawaan

ang ugnayan nito sa isa’t isa. Malalaman kung ano ang nagbunsod sa isang pangyayari at

kung ano ang kinalabasan nito. Makatutulong din ito upang mapalawak ang kaalaman sa

pag-unawa ng mga pangyayari o kaganapan sa ating paligid.

Pag-isipan Natin

1. E

2. I

3. G

4. H

5. C

6. B

7. J

8. F

9. D

Page 37: Baitang 7 Yunit 3 Bantugan

Copyright © 2018 Quipper Limited

37

Sanggunian

Adaya, Jomar G., et. al. Retorika at Masining na Pagpapahayag: Kasaysayan, Teorya,

Antolohiya at Praktika. Malabon: Jimczyville Publications. 2012

Antonio, Lilia D., et. al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: C & E

Publishing, Inc. 2008

Eugenio, Damiana. Philippine Folk Literature: The Folktales. U.P. Diliman: University of

the Philippines Press. 1989