araling panlipunan baitang 5, yunit 6 ang kolonyalismong

34
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong Espanyol TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Ang Kolonyalismo 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10 Pag-isipan Natin 10 Gawin Natin 10 Aralin 2: Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 17 Sagutin Natin 18 Pag-isipan Natin 18 Gawin Natin 18 Aralin 3: Ang Simula ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas 20 Layunin Natin 20 Subukan Natin 21 Alamin Natin 22 Pag-aralan Natin 22

Upload: others

Post on 26-Mar-2022

30 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 1

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6

Ang Kolonyalismong Espanyol TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3 Aralin 1: Ang Kolonyalismo 4 Layunin Natin 4

Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10

Pag-isipan Natin 10 Gawin Natin 10

Aralin 2: Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol 12 Layunin Natin 12

Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 17 Sagutin Natin 18

Pag-isipan Natin 18 Gawin Natin 18

Aralin 3: Ang Simula ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas 20 Layunin Natin 20

Subukan Natin 21 Alamin Natin 22 Pag-aralan Natin 22

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 2

Suriin Natin 25 Sagutin Natin 26 Pag-isipan Natin 26

Gawin Natin 26 Karagdagang Kaalaman 28 Pagyamanin Natin 29 Paglalagom 31 Dapat Tandaan 31 Dagdag Sanggunian 32 Gabay sa Pagwawasto 32 Sanggunian 34

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 3

BAITANG 5 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 6

Ang Kolonyalismong Espanyol

Ang mapayapa at masaganang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino ay nabulabog nang dumating ang mga dayuhang mananakop. Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya, ibig sabihin, ang buong kapuluan ay naging pag-aari na ng hari ng Espanya. Sinikil ang kalayaan ng mga Pilipino sa loob ng mahigit 300 taon. Pinilit na binago ng mga Espanyol ang sinaunang lipunan at kultura ng mga Pilipino ayon sa kanilang kagustuhan. Personal na pakinabang ang pangunahing layunin ng Espanya sa pagsakop sa Pilipinas.

• Ano ang kolonyalismo? • Bakit at paano aksidenteng narating ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas? • Paano nagsimula ang kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas?

Saklaw ng yunit na ito angpag-aaral ng kahulugan, mga dahilan, mga pangunahing layunin, at simula ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas.

PindutinangHomebuttonparabumaliksaTalaanngNilalaman

Nakarating ang ekspedisyon ni Magellan sa Pilipinas noong March 17, 1521.

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 4

Aralin 1

Ang Kolonyalismo

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas ay bahagi ng Panahon ng Panggagalugad o Age of Exploration sa kasaysayan ng sangkatauhan. Nangyari ito noong ika-14 hanggang 17 na siglo na kinapapalooban ng paligsahan ng malalakas at mayayamang bansa sa Europa. Bawat isa ay nais na manakop upang mapalawak ang kani-kaniyang teritoryo. Ano ang kahulugan at konsepto ng kolonyalismo? Bakit at paano nagkaroon ng ideya ng pananakop ang mga Europeo?

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo at ang konteksto nito kaugnay sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas.

Konsepto ng Kolonyalismo

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 5

Hanapin sa kahon at lagyan ng guhit ang mga salitang nasa listahan. Ang ayos ng bawat salita ay maaaring pahalang, pababa, pahilis, o pabalik.

Pilipinas Krusada

Espanya Tordesillas

Portugal Kolonyalismo

P N A Y U K U L A S A K P

A R P O R T U G A L N A O

N U I O G O Y E T E U F P

K O L O N Y A L I S M O V

R U I W P S C U E P I A L

U N P O C I A L M A D I A

S R I A L R N L H N N W S

A T N I P I P P U Y O I Y

D A A E R I A L I A M N O

A A S A L L I S E D R O T

K O N T E M P O R A R Y O

Subukan Natin

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 6

Ang patakaran ng pagpapalawig ng lupain o sakop na lupain ng mga Europeo ay hinubog ng merkantilismo. Ito ay ang kaisipang pangkabuhayan na gumagabay sa mga polisiya ng maraming bansa lalo na sa Europa noong panahong iyon. Nakabatay ang merkantilismo sa dami ng ginto at pilak na siyang batayan ng kapangyarihan ng isang bansa. Madaling mauunawaan na dahil dito, kailangang mag-unahan ng malalakas na bansa kagaya ng Espanya at Portugal sa pananakop ng mga lugar upang maging kolonya. Sa ganitong paraan, makokontrol ng malakas na bansa ang mahinang bansa at kukunin ang mga yaman nito. Samakatuwid, bunga ng merkantilismo ang kolonyalismo. Kahulugan at Konsepto ng Kolonyalismo Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa pananakop at pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa (mother country) sa isang mahinang bansa (colony) upang mapakinabangan nito ang lahat ng yaman. Ginawa ito ng ilang makapangyarihang bansa sa Europa noon upang lalo pang lumakas ang kani-kanilang bansa bunga ng kanilang paglalaban-laban para sa kapangyarihan. Malaki ang pagnanais ng mga bansang Europeo na makapagpatupad ng kolonyalismo sa mga lugar sa mundo na wala pang nakasasakop. Malaki ang kanilang paniniwala na kung wala pang nakasasakop sa mga lupain na kanilang mapupuntahan ay

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita: • polisiya – patakaran • ekspedisyon – paglalakbay • sagrado – banal • eksklusibo – tangi • panrekado – pampalasa ng

pagkain kagaya ng paminta, sibuyas, at mga katulad nito

• monopolyo – tanging pagmamay-ari; kontrol sa kalakalan; hawak

• tagisan – labanan; kompetisyon

• pinahintulutan – pinapayagan • ipalalaganap – ipakakalat;

ipangangaral

Konsepto ng Kolonyalismo

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 7

mapakikinabangan nila nang husto ang taglay na yaman nito na siyang lalong magbibigay karangalan, kayamanan, at kapangyarihan sa kanilang bansa.

Mahahalagang Pangyayari sa Mundo bago ang Kolonyalismo Nakarating ang mga Europeo sa Silangan o Asya bunga ng magkakaugnay na pangyayari.

Ang Krusada ng mga Katoliko Ang krusada ng mga Katoliko ay serye ng ekspedisyong inilunsad ng mga Katolikong bansa sa Europa upang makipaglaban sa mga Muslim na sumakop sa Jerusalem, Israel. Ang mga krusadang ito ay may layuning bawiin ang naturang “banal na lupain” sapagkat para sa kanila ay sagrado ang lugar na ito.

Hindi nagtagumpay ang mga krusadang inilunsad ng mga bansa mula Europa, ngunit sa pamamagitan nito ay nalaman ng mga mamamayan ng Europa ang kagandahan at kasaganaan ng Silangan. Lubhang nakatawag din ng pansin sa mga Europeo ang mga kalakal na eksklusibo lamang sa Asya. Tumindi ang interes ng mga bansang Europeo sa mga produktong Asyano para pagkakitaan. Ang Pagbagsak ng Konstantinople at Paghahanap ng Bagong Ruta Naging pangunahing daan ng mga manlalakbay na mangangalakal ang Konstantinople (Turkey). Noong 1453, bumagsak ang Konstantinople sa kamay ng mga Turkong Muslim. Dahil dito, isinara ang mga daanan patungong Silangan at ang mga taga-Venice (bahagi ng Italya) lamang ang pinayagang dumaan.

Dahil kontrolado ng mga taga-Venice ang mga produktong galing sa Silangan, itinaas nila ang presyo ng mga kalakal mula rito, lalong lalo na ang mga panrekado o spices. Walang nagawa ang mga Europeo kung hindi bilhin kahit napakataas ang halaga sapagkat lubha nila itong kailangan.

Ang Labanan ng Ikalawang Krusada (ayon sa paglalarawan ni William of Tyre, 1337)

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 8

Ito ang naging dahilan upang ang mga bansa sa Europa ay nagsimulang tumuklas ng ibang ruta papuntang Silangan, upang wakasan ang monopolyo ng Venice sa mga kalakal galing Silangan. Nagpaligsahan ang Espanya at Portugal, ang dalawang pinakamakapangyarihang bansa noon, sa paghanap ng bagong ruta pa-Silangan. Ang Kasunduan ng Tordesillas Ang Espanya at Portugal ang dalawang nagungunang bansa noon sa Europa pagdating sa pagtuklas ng mga lupain at ruta. Parehong Katolikong bansa ang mga ito, ngunit matindi ang kanilang naging tagisan sa pabilisan at paramihan ng mga matutuklas na bagong lupain. Upang hindi mauwi sa tuluyang pag-aaway ang ginagawa ng dalawang bansa, ang Papa ng Roma na si Alexander VI ay gumawa ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa na tinawag na Kasunduan ng Tordesillas. Ang Kasunduan ng Tordesillas (1493) ay naglalaman ng paghahati ng daigdig sa silangan at kanluran. Ang Portugal ay binigyang kapangyarihan na sakupin ang anumang lupain na hindi pa natutuklasan na nasa Silangan ng itinakdang guhit. Samantalang ang Espanya naman ay pinahintulutan sa ilalim ng kasunduan na tuklasin at sakupin ang mga lupaing na nasa kanlurang bahagi ng guhit. Sumangguni sa mapa. Dahil dito ay nagkaroon ng malinaw na hatian ng sasakupin ang dalawang bansa, dala ang pangako sa Papa ng Roma na ipalalaganap ang pananampalatayang Katoliko sa mga masasakop na lupain ng dalawang bansa.

Mapa na Nagpapakita ng Pagkakahati ng Daigdig sa ilalim ng Kasunduan ng

Tordesillas

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 9

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap o pahayag. ____________________ 1. Ang merkantilismo ay ang kaisipang pangkabuhayan na gumagabay

sa mga polisiya ng maraming bansa lalo na sa Europa noong panahon ng pagtuklas.

____________________ 2. Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa pananakop at pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa upang mapakinabangan nito ang lahat ng yaman.

____________________ 3. Bunga ng kolonyalismo ang merkantilismo.

____________________ 4. Nakabatay ang kolonyalismo sa dami ng ginto at pilak na siyang batayan ng kapangyarihan ng isang bansa.

____________________ 5. Ang krusada ay serye ng ekspedisyong inilunsad ng mga Katolikong bansa sa Europa upang mabawi sa mga Muslim ang Jerusalem.

____________________ 6. Nang saraduhan ang mga ruta pa-Silangan, tanging mga taga-Venice lamang ang pinayagang dumaan.

____________________ 7. Ang Kasunduan ng Tordesillas ay naglalaman ng paghahati ng

daigdig para sa Espanya at Portugal.

____________________ 8. Ayon sa kasunduan ng Tordesillas, maaaring tumuklas ng mga lupain ang Espanya sa kanluran ng itinakdang guhit.

____________________ 9. Ang krusada ay naging daan para sa kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas.

___________________ 10. Ang pagkakasara ng mga dating ruta ng kalakalan ay naging dahilan upang tumuklas ng bagong ruta patungo sa Asya ang mga Europeo.

Suriin Natin

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 10

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang kolonyalismo? 2. Ano ang nilalaman ng Kasunduan ng Tordesillas? 3. Ano ang dalawang bansa sa Europa noon na nag-uunahan sa pagtuklas ng mga

lupain?

Ano ang mensaheng nais iparating sa sangkatauhan ng pananakop o pakikialam (hayag man o lihim) ng malalakas na bansa sa mahihinang bansa? Paano kaya ito malulutas?

Nalaman na natin ang kahulugan at konsepto ng kolonyalismo. Patibayin ang kaalaman sa pamamagitan ng pag-uugnay at paglalapat nito sa totoong pangyayari sa buhay. Magsalaysay ng mga pangyayaring kahalintulad ng kahulugan at konsepto ng kolonyalismo, maaaring ito ay sarili mong karanasan o kuwento ng iba. Maaari ding ibahagi sa klase. Pagkatapos maibahagi sa klase, magpasa sa guro ng kopya nito. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Nilalaman Hindi naiugnay sa totoong pangyayari sa buhay, dahil kulang sa kaalaman; malabo at

Sinikap na maiugnay sa totoong pangyayari sa buhay, subalit kulang ng ilang sangkap;

Malinaw na naiugnay sa totoong pangyayari sa buhay; mahusay na naisalaysay

Napakalinaw na naiugnay sa totoong pangyayari sa buhay; napakahusay ng pagkakasalaysay;

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 11

magulo ang pagkakasalaysay; nakaaantok pakinggan

bagaman may kakulangan, sinikap na maisalaysay nang malinaw

nakawiwiling pakinggan

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng output; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Kailangang matutong maging maayos at malinis sa paggawa; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang output; may ilang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng ipinasang output; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

KABUUAN

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 12

Aralin 2

Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol

Nang isarado ng mga Turkong Muslim ang mga ruta ng kalakalan sa Silangan, mabilis na naghanap ng sariling ruta ang Portugal. Nagtagumpay ito nang marating ni Vasco da Gama ang India. Samantala, naiwang walang sariling ruta ang Espanya. Dahil desperado na, bagaman may malaking duda, tinanggap ng Espanya ang panukala ni Ferdinand Magellan, isang mahusay na manlalayag na Portuguese. Ayon kay Magellan, mararating niya ang Asya o Silangan, kung saan naroon ang mga panrekado, sa pamamagitan ng paglalayag pakanluran. Sumang-ayon na rin ang hari ng Espanya dahil napag-iiwanan na ito ng Portugal at Italya. Ang paglalakbay ni Magellan ang pinakamatagumpay na paglalakbay dahil maliban sa nakatuklas ang Espanya ng bagong ruta, napatunayan din na ang mundo ay bilog, hindi lapad. Noong Marso 17, 1521, hindi sinasadyang narating ni Magellan ang Pilipinas. Dito nag-umpisa ng planong kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas.

• Bakit sa kabila ng pagkamatay ni Magellan sa Pilipinas ay patuloy na nagpadala ng mga ekspedisyon ang Espanya sa Pilipinas?

• Ano ang mga pangunahing layunin ng Espanya sa pagtungo sa Pilipinas?

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol.

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 13

Tukuyin at isulat sa bawat patlang kung alin sa tatlong G ang tinutukoy: GOD, GOLD, o GLORY.

1. ipalaganap ang ebanghelyo ___________________

2. pakinabangan ang mga likas na yaman ___________________

3. itanghal na pinakamakapangyarihan sa mundo ___________________

4. bawat ekspedisyon ay may kasamang mga prayle ___________________

5. lalo pang palawakin ang sakop na lupain at kolonya ___________________

6. maghanap ng bagong ruta patungong Silangan ___________________

7. binyagan kahit sapilitan ang mga katutubo ___________________

8. merkantilismo ___________________

9. kolonyalismo ___________________

10. krus at espada ___________________

Subukan Natin

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 14

Ang pagtungo ng mga Europeo sa Asya ay bunsod ng maraming dahilan at layunin, gayundin, ang pagtungo ng Espanya sa Pilipinas. Mga Dahilan ng Kolonyalismong Espanyol Kung ibubuod, may tatlong dahilan ng pagtungo ng Espanya sa Pilipinas. Mauugat ang mga ito sa sumusunod na pangyayari:

1. Ang matinding pangangailangan ng Espanya sa mga bansa sa Silangan o Asya dahil nasa Asya ang pinagkukunan ng mga panrekado na pinagkakakitaan nila ng limpak-limpak na salapi.

2. Ang matinding pangangailangan ng Espanya na makatuklas ng bagong ruta patungong Asya dahil ang mga dating ruta ay sinaraduhan ng mga Turkong Muslim. Naungusan ang Espanya ng Italya at Portugal sa kalakalan.

3. Ang mahahalagang “tuklas” na lupain noong ika-15 at 16 na siglo kagaya ng India, Asores Islands, Cape of Good Hope, at iba pa na mga tuklas ng Portugal habang ang Amerika, Panama, Pacific Ocean, at iba pa ay mga tuklas ng Espanya habang naghahanap ng kanilang ruta patungong Asya.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita: • bunsod – dulot; sanhi • mauugat – matutunton;

mababakas • limpak-limpak - napakarami • naungusan – naunahan;

nadaig • ekspedisyon - paglalakbay • pag-iimbak – pagtitipon;

pagpapatagal • pag-iisang dibdib –

pagpapakasal • estratehiya – paraan

Ruta ng Ekspedisyon ni Vasco da Gama Patungong India

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 15

Mga Layunin ng Kolonyalismong Espanyol May tatlong pangunahing layunin ang kolonyalismong Espanyol. Ito ay kilala sa tawag sa 3G's: God, Gold, and Glory. Ibig sabihin, ang mga layunin ng bansang Espanya sa pananakop sa Pilipinas ay pagpapalaganap ng Katolisismo, pagpapaunlad ng kabuhayan, at pampulitikang hangarin. Pagpapalaganap ng Katolisismo (God) Kaakibat ng Kasunduan ng Tordesillas ang kondisyon na ipalalaganap ng Espanya at Portugal ng pananampalatayang Katoliko sapagkat ang mga ito ay kahariang kumikilala sa kapangyarihan ng Papa. Layunin ng pananakop o kolonisasyon ng Espanya na itanim sa isipan at damdamin ng mga masasakop na mamamayan ang mga aral o doktrina ng relihiyong Katolisismo. Isa sa mga simbolo o kagamitang ginamit ng Espanya sa pagpapalaganap ng Katolisismo ay ang krus. Ang krus ay sumisimbolo sa relihiyong Katoliko na ang layunin ay ebanghelisasyon. Ibig sabihin, ipalalaganap nila ang katuruan ng Panginoong Hesukristo. Kaya, kapansin-pansin na sa bawat ekspedisyong inilunsad ng Espanya ay may kasamang mga prayle. Kasama ang prayleng si Pedro de Valderrama sa paglalakbay ni Magellan at si Andres de Urdaneta naman kay Miguel Lopez de Legazpi. Pagpapaunlad ng Kabuhayan (Gold) Ang pinakapangunahing layunin ng bawat paglalakbay na inilunsad ng Espanya ay upang makahanap ng iba o bagong ruta patungong Silangan, upang mawakasan ang monopolyo ng Italya sa spices na nagmumula sa Silangan. Lalong nabahala ang Espanya nang unang makatuklas ng sariling ruta patungo sa Asya ang Portugal. Mahalaga ang gamit ng spices sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay gaya ng pag-iimbak ng karne at pampasarap ng mga pagkain o putahe. Ginagamit din nila ang mga ito bilang sangkap sa paggamot ng iba't ibang karamdaman.

Ang Katolisismo ang pinakamalaking pamana ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 16

Maliban sa pagkatuklas ng bagong ruta papuntang Silangan, nais din ng Espanya na makakuha ng mga yaman mula sa masasakop na mga lupain gaya ng ginto at pilak upang iuwi sa Espanya. Kailangang malaman na sa panahong iyon, mahalaga ang papel na ginagampanan ng ginto at pilak bilang sukatan ng yaman at kapangyarihan ng isang bansa. Ang tawag sa konseptong ito na nababatay sa dami ng ginto at pilak ang yaman at kapangyarihan ng isang bansa ay merkantilismo. Pampulitikang Hangarin (Glory) Dahil sa pag-iisang dibdib nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella ng Castille ay nagkaroon ng paghahangad ang Espanya na maging pinakamakapangyarihan sa buong daigdig. Dahil dito, sa ilalim ng kanilang pamamahala, sinimulan ang pagpapadala ng mga ekspedisyon sa mga lupaing hindi pa natutuklasan upang isalalim sa kolonisasyon at mapasailalim sa lumalawak na pananakop ng Kahariang Espanya. Ang pagkakatuklas ng mga bagong lupain ay tiyak na magbibigay ng karangalan at kasikatan sa Espanya. Magpalalawak ito sa kapangyarihan at impluwensiya ng Espanya sa mga karatig-bansa nito sa Europa. Kung susuriin, ang pagpapaunlad ng kabuhayan o “gold” ang pinakapangunahing layunin ng Espanya sa kanilang pananakop o kolonisasyon sa Pilipinas. Salungat ito sa kanilang pahayag na ang pagpapalaganap ng relihiyon o “God” ang talagang motibo nila. Lumalabas na isang estratehiya lamang ito upang madaling masakop at mas tumagal pa ang kanilang hangarin nang sa gayon ay matamasa nila ang kasikatan o katanyagan sa buong mundo o “glory.”

Malaki ang naging pakinabang ng Espanya sa kanilang monopolyo ng tabako sa Pilipinas.

Dahil makapangyarihan, madaling maglunsad ng malalaking ekspedisyon ang

Espanya noon.

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 17

Isa-isahin ang hinihingi ng bawat tanong. A. Ano ang tatlong dahilan ng pagtungo ng Espanya sa Pilipinas?

1. __________________________________________

2. __________________________________________

3. __________________________________________ B. Ano ang tatlong layunin ng pananakop ng Espaya sa Pilipinas?

1. __________________________________________

2. __________________________________________

3. __________________________________________

C. Ano ang mahahalagang tuklas ng Portugal at Espanya noong ika-15 at 16 na dantaon?

1. _________________________________________

2. _________________________________________

3. _________________________________________

4. _________________________________________

Suriin Natin

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 18

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang 3G's na layunin ng kolonyalismong Espanyol? 2. Bakit matindi ang pangangailangan ng Espanya sa mga bansa sa Silangan? 3. Ano ang isang patunay na pagpapalaganap ng Katolisismo ang isa sa mga layunin ng

kolonyalismong Espanyol?

Kung hindi ipinalaganap ang Katolisismo sa Pilipinas, ano kaya ang posibleng relihiyon ng nakararaming Pilipino? Mas maunlad kaya ang kabuhayan at moralidad o pag-uugali ng mga Pilipino kung ito ang relihiyon? Bakit?

Sa isang papel, gumuhit ng bagay o mga bagay sa sumisimbolo sa bawat isang layunin ng kolonyalismong Espanyol. Ipaliwanag kung bakit ito ang iginuhit.

GOD GOLD GLORY

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 19

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Nilalaman Sinubukang gumuhit ng mga simbolo, maraming mali; hindi nag-isip; tila walang natutunan sa aralin

Sinubukang gumuhit ng mga simbolo, may ilang mali; nag-isip nang bahagya; may kaunting natutunan sa aralin

Mahusay at tugma ang mga simbolo sa bawat layunin; pinag-isipan ang kasagutan; tiyak na natuto sa aralin

Napakahusay at tugma ang mga simbolo sa bawat layunin; pinag-isipang mabuti ang kasagutan; tiyak na tiyak na natuto sa aralin

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng output; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Kailangang matutong maging maayos at malinis sa paggawa; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang output; may ilang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng ipinasang output; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

KABUUAN

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 20

Aralin 3

Ang Simula ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas

Isang aksidente ang pagkakapadpad o pagkakadaong ng Espanya sa Pilipinas. Hindi talaga sa kasalukuyang Pilipinas ang destinasyon ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, sila ay papuntang Moluccas (bahagi ng Indonesya ngayon) kung saan saganang makakukuha ng spices na siyang pinakalayunin ng paglalayag ng ekspedisyong nabanggit.

• Sino si Ferdinand Magellan? • Bakit muling nagpadala ng mga ekspedisyon ang Espanya sa kabila ng maraming

pagkabigo? • Paano nagsimula ang pananakop ng mga Espanyol sa mga Pilipino?

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakabubuo ng timeline ng mga paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas hanggang sa pagkakatatag ng Maynila at mga unang pagtatagpo ng mga Espanyol at Pilipino.

Hindi sinasadyang napadpad ang ekspedisyon ni Magellan sa Homonhon, Silangang Samar, Pilipinas noong March 17, 1521.

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 21

Taluntunin ang naging ruta ng paglalayag ni Magellan mula sa Espanya hanggang napadpad sa Pilipinas. Ito rin ang rutang ginamit ng mga sumunod na ekspedisyon.

Subukan Natin

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 22

Si Ferdinand Magellan ay isang Portuges na nagka-ideya na maaaring marating ang kabilang bahagi ng daigdig gamit ang pakanlurang ruta. Ito ay dahil sa paniniwala niyang bilog ang mundo. Noong kasing panahon ni Magellan ay laganap pa rin ang paniniwalang ang daigdig ay patag at hindi bilog kagaya ng nakikita nila sa mapa.

Dahil sa hindi pagkilala ng hari ng Portugal sa kaniyang kabayanihan, lumapit si Magellan sa hari ng Espanya at nang marinig ang kaniyang paliwanag, bagaman may pagdududa, ay pinayagan nitong makapaglakbay si Magellan sa ilalim ng bandila ng Espanya. Ang ekspedisyon ni Magellan ay binubuo ng limang barko: Trinidad (punong barko), Santiago, San Antonio, Concepcion, at Victoria. Noong Agosto 1519, nagsimula ang paglalayag na sumubok sa kakayahan ng mga tao laban sa kalikasan. Tumawid sila sa Karagatang Atlantiko hanggang marating ang Brazil. Bago natuklsan ang Kipot ni Magellan sa Chile, apat na lamang ang barko nila dahil ang Santiago ay nawasak ng malakas na bagyo. Bago narating ang Karagatang Pasipiko, tumakas naman ang San Antonio pabalik sa Espanya. Binagtas ng tatlong natitirang barko ang Karagatang Pasipiko. “Matira ang matibay” ang pinakaakmang paglalarawan sa mga natitirang tauhan ng ekspedisyon ni Magellan. Pagkalipas ng apat na buwan, narating nila ang Guam at nagpatuloy ang paglalakbay hanggang sa sumapit sila sa Pilipinas.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • binagtas – tinahak• sanduguan – tatak o selyo ng

pagkakaibigan o kasunduan,iinom sila ng alak na mayhalong dugo nila

• kabisera – punong lungsod

Ferdinand Magellan

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 23

Narito ang timeline ng pagkakatuklas, paglalakbay, at kolonisasyon ng Espanyol sa Pilipinas:

Petsa Pangyayari Marso 17, 1521 Dumating sa Homonhon (Samar) ang ekspedisyon ni Magellan.

Marso 28, 1521 Nakarating ng Limasawa (Leyte) ang ekspedisyon ni Magellan. Pinamumunuan ito ni Raha Kulambu. Naging magkaibigan ang dalawa gamit ang ritwal na sanduguan.

Marso 31, 1521 Idinaos ang unang misa sa Limasawa sa pangunguna ni Padre Pedro de Valderama, ang kasamang pari sa ekspedisyon ni Magellan.

Abril 7, 1521 Dumating si Magellan sa Cebu at nakipagkaibigan sa datu rito na si Raha Humabon sa pamamagitan ng sanduguan. Nagdaos ng misa sa Cebu at bininyagan ang mga katutubo roon kasama si Raha Humabon na bininyagan sa pangalang Carlos, at ang kaniyang asawa na bininyagan naman sa pangalang Juana. Ibinigay rin ni Magellan kay Juana ang imahe ng Sto. Nino at nagtayo ng krus na kahoy sa lugar na pinangyarihan ng misa.

Abril 27, 1521 Ang Labanan sa Mactan Nang makarating sa Mactan, ang pinuno rito na si Lapu-Lapu ay hindi pumayag na makipagkaibigan at magpasailalim sa mga Espanyol. Kaya, naglaban ang mga tauhan nina Lapu-Lapu at Magellan. Natalo ang mga Espanyol at napatay naman si Magellan.

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 24

1522 Matagumpay na nakabalik ang barkong Victoria sa Espanya. Ito ang unang barkong nakaikot sa buong mundo sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paglalayag.

1525 Muling tinahak ni Francisco de Loaisa ang rutang natuklasan ni Magellan. Nakarating ang kaniyang ekspedisyon sa Pilipinas at Moluccas, Indonesia. Namatay siya sa gitna ng paglalakbay.

1526 Naglakbay si Sebastian Cabot patungo sa Pilipinas subalit bigo ang ekspedisyon na marating ito.

1528 Tagumpay ang layunin ng ekspedisyon ni Alvaro de Saavedra na makasapit sa Pilipinas. Bigo naman siyang makabalik nang buhay sa Espanya.

1543 Dahil sa hindi matagumpay na pagsakop ng mga naunang paglalakbay sa Pilipinas, ipinadala ang ekspedisyon ni Ruy Lopez de Villalobos. Nakarating si Villalobos sa Mindanao at pinangalanan ang bansa na Felipinas sa karangalan ng prinsipe ng Espanya na si Felipe. Hindi siya nakapagtatag ng pamayanan sa Pilipinas.

1565 Dahil hindi rin tuluyang nasakop ni Villalobos ang buong bansa, ipinadala naman si Miguel Lopez de Legazpi ng hari ng Espanya sa Pilipinas upang tuluyan na itong sakupin. Narating ng ekspedisyon ni Legazpi ang Cebu kung saan nakipaglaban sila kay Raha Tupas. Nang matalo ito nila Legazpi, itinatag niya ang unang pamayanang Espanyol dito sa Cebu. Ito ang simula ang kolonisasyong Espanyol.

1571 Narating ni Legazpi ang Maynila na isang pamayanang Muslim sa pamumuno ni Raha Sulayman at Lakan Dula. Nagkaroon ng labanan upang pigilan ang pananakop ng mga dayuhan ngunit nagtagumpay sila Legazpi. Nang tuluyan nang masakop ni Legazpi ang Maynila, idineklara niya itong kabisera ng bansa noong Hunyo 24, 1571.

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 25

Ihanay ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod. Gumamit ng mga bilang 1 hanggang 5. A.

_________ nagsagupaan sa Mactan nina Lapu-lapu at Magellan _________ dumaong sa Homonhon ni Magellan _________ nagdaos ng unang misang Katoliko sa Pilipinas _________ nagsanduguan sina Homabon at Magellan _________ tumakas sa Mactan ang mga Espanyol

B.

_________ nakabalik ang barkong Victoria sa Espanya _________ ginawang kabisera ng Pilipinas ang Maynila _________ tumulak ang ekspedisyon ni Francisco de Loaisa _________ binigyan ng pangalang Felipinas ang kapuluan _________ naitatag ang unang pamayanang Espanyol sa Cebu

Suriin Natin

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 26

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Kaninong ekspedisyon mula Espanya ang unang nakarating sa Pilipinas? 2. Anong imahen ang ibinigay ni Ferdinand Magellan kay Juana matapos nitong

mabinyagan? 3. Sino ang datu ng Mactan na tumalo sa puwersa ni Ferdinand Magellan?

Anong ugali o pagpapahalaga ang ipinakikita ng muling pagpapadala ng mga ekspedisyon sa napakalayong lugar kahit maraming buhay ay malaking halaga ang nawawala o nasasayang?

Bumuo ng timeline ng paglalakbay ng mga Espanyol patungo sa Pilipinas mula kay Magellan hanggang sa pagkakatatag ng Maynila at mga unang pagtatagpo ng mga Espanyol at Pilipino. Malayang lumikha ng sariling timeline. Maging malikhain sa paggawa nito. Halimbawa:

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 27

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Nilalaman Malabo at magulo ang timeline, kulang ng maraming detalye; hindi naipakita ang pagiging malikhain

Medyo malinaw ang timeline, kulang ng maraming detalye; kailangang masanay sa pagiging malikhain

Kumpleto at malinaw ang timeline, kulang ng ilang detalye; naipakita ang pagiging malikhain

Kumpleto, napakalinaw, at tama ang timeline; naipakita ang pagiging malikhain

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng output; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Kailangang matutong maging maayos at malinis sa paggawa; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang output; may ilang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng ipinasang output; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

KABUUAN

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 28

Ang kontratang Espanyol ay kinapapalooban ng mga kondisyon sa pagitan ni Haring Carlos I at Ferdinand Magellan. Nilagdaan nila ito bilang pagsang-ayon sa gagawing paglalakbay. Narito ang ilang mahalagang kondisyon:

• Ang Espanya lamang ang may

karapatang gumamit ng rutang matutuklasan.

• Ang Espanya, sa anumang dahilan, ay hindi maaaring pumasok sa teritoryong nakalaan sa Portugal.

• Ang titulong “adelantado” at gobernador ay kapwa ipagkakaloob sa kanila ng mga masasakop na lupain.

• May karapatan sila sa ika-20 bahagi ng tubo o pakinabang na makukuha sa mga lupaing sasakupin.

• May karapatan sila sa mag-angkat at magluwas ng mga produkto na ang halaga ay hindi hihigit sa 1,000 dukado.

• Ang unang anim na pulong matutuklasan ay nasa pangalan ng hari. May karapatan sa silang makinabang sa dalawang pulo sa matutuklasan pa.

• May 5% silang pakinabang sa kita ng buong paglalakbay.

Karagdagang Kaalaman

Haring Carlos ng Espanya

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 29

Bigyang halaga o lutasin ang mga suliranin. Patunayan na ang pinakapangunahing layunin ng Espanya sa pagtungo sa Pilipinas ay “God.” Gabay:

1. Alamin muna ang talagang plano o layunin ng Espanya sa pagtungo sa Silangan (Asya) bago narating ang Pilipinas.

2. Alamin ang layunin ng Espanya pagkatapos makabalik ng barkong Victoria sa Espanya.

3. Kung sang-ayon, maglatag ng katibayan. Suportahan ang sagot. Kung hindi sang-ayon, ano ang pangunahing layunin ng Espanya sa pagtungo sa Pilipinas. Maglatag ng mga katibayan. Suportahan ang sagot.

4. Bumuo ng kongklusyon. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Pagtatanghal Walang pagsisikap na bigyang halaga ang mga suliranin; napakagulo ng mga sagot; hindi napanindigan at walang nabuong kongklusyon

Sinubukang lutasin ang mga suliranin, halos kalahati lamang ang tama; medyo taliwas ang kongklusyon at hindi gaaanong napanidigan

Nalutas ang mga suliranin; tumpak ang mga sagot, may ilang mali; nakapagbigay ng angkop kongklusyon at paninindagan

Nabigyang halaga ang mga suliranin; tumpak ang mga sagot; nakapagbigay ng tamang kongklusyon at paninindagan

Pagyamanin Natin

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 30

Pagpapahalaga Nangailangan ng paggabay kahit sa simpleng gawain; madaling umayaw; umaasa sa iba

Nakayang gawin ang madadaling bahagi, nangailangan ng paggabay; ginawa muna ang mahihirap na bahagi, maaaring umayaw kung walang paggabay

Nakayang gawin ang mahihirap na bahagi, nangailangan ng paggabay; ginawa muna ang mahihirap na bahagi, kaya pa ring magpatuloy kahit walang paggabay

Pinaghirapan at pinaghandaang mabuti ang gawain, hindi na nangailangan ng paggabay; madaling nakaugnay at natapos sa oras ang gawain

Pakikilahok ng Bawat Indibiduwal

Hindi nakilahok at walang interes sa paghahanda at pagsasakatu-paran ng gawain

May naipakitang kaunting interes at pakikilahok sa paghahanda at pagsasakatu-paran ng gawain

Nagpakita ng interes subalit hindi gaanong nakilahok sa paghahanda at pagsasakatu-paran ng gawain

Nagpakita ng masidhing interes at aktibong pakikilahok sa buong paghahanda at pagsasakatu-paran ng gawain

KABUUAN

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 31

Ang Kolonyalismong Espanyol

Kolonyalismo

Labanan ng Espanya at

Portugal

Kasunduan ng Tordesillas

Paghahati ng Daigdig

Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol

God, Gold, and Glory

Mga Bansa, Ruta, at mga Tuklas

Simula ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas

Ekspedisyon nina Magellan, Villalobos at

Legazpi

Pagpapabinyag ng mga katutubo bilang

Katoliko

Labanan sa Mactan

Pagkakatatag sa Maynila bilang kapital

ng bansa

Paglalagom

DAPAT TANDAAN • Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa pananakop ng isang

makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa upang magamit nito ang angking yaman.

• Ang Kasunduan ng Tordesillas ay naglalaman ng paghahati ng daigdig sa silangan at kanluran. Ang Portugal ay binigyang kapangyarihan na sakupin ang anumang lupain na hindi pa natutuklasan na nasa silangan nito.

• Ang tatlong layunin ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas ay maipalaganap ang Katolisismo (God), magkamit ng yaman (gold), at maging tanyag sa mundo (glory).

• Si Ferdinand Magellan ang lider ng unang ekspedisyon ng Espanya sa Silangan. Si Ruy Lopez de Villalobos naman ang nagbigay ng pangalang Pilipinas sa ating bansa. Samantala, si Miguel Lopez de Legazpi ang tuluyang nakasakop sa Pilipinas at ginawang kapital ng bansa ang Maynila.

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 32

Ang sumusunod na links ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na pagtalakay:

• “Great Voyages: Ferdinand Magellan, 'Our One True Guide': The First Circumnavigation of the Globe?” ng Pen Museum (https://www.youtube.com/watch?v=MGgGM_IeePY)

• “I-Witness: ‘Lapu-Lapu,’ dokumentaryo ni Jay Taruc (https://www.youtube.com/watch?v=Ev9PxD8WClY)

Aralin 1: Ang Kolonyalismo

Subukan Natin

Suriin Natin 1. Tama 2. Tama 3. Mali 4. Mali 5. Tama

6. Tama 7. Tama 8. Tama 9. Tama 10. Tama

Dagdag Sanggunian

Gabay sa Pagwawasto

Page 33: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 33

Aralin 2: Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol Subukan Natin

1. God 2. Gold 3. Glory 4. God 5. Glory

6. Gold 7. God 8. Gold 9. Gold 10. God

Suriin Natin

A. 1. Ang matinding pangangailangan ng Espanya sa mga bansa sa Silangan o Asya 2. Ang matinding pangangailangan ng Espanya na makatuklas ng bagong ruta

patungong Asya 3. Ang mahahalagang “tuklas” na lupain noong ika-15 at 16 na siglo

B.

1. Pagpapalaganap ng Katolisismo (God) 2. Pagpapaunlad ng Kabuhayan (Gold) 3. Pampulitikang Hangarin (Glory)

C. Alinman sa: India, Asores Islands, Cape of Good Hope, Amerika, Panama, Pacific Ocean

Aralin 3: Ang Simula ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas Subukan Natin

Page 34: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 6 Ang Kolonyalismong

Copyright © 2018 Quipper Limited 34

Suriin Natin A. 4, 1, 2, 3, 5B. 1, 5, 2, 3, 4

Conde-Bebis, Kristine at Tristan Albert Luczon. Linangin ng Diwa 5. Lungsod ng Quezon: PLL Publishing House, 2016.

Danao, Carolina P. et. al. Lakbay ng Lahing Pilipino 5. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2013.

Basallo, Bertito R. IOTOPIA: Pilipinas. Las Pinas City: Hope Publishing House, Inc., 2010.

Sanggunian