isyu at hamong panlipunan

43
ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

Upload: cruzleah

Post on 21-Jan-2018

1.266 views

Category:

News & Politics


53 download

TRANSCRIPT

Page 1: Isyu at hamong panlipunan

ISYU AT HAMONG

PANLIPUNAN

Page 2: Isyu at hamong panlipunan

PAANO KA MAKATUTULONG SA PAGTUGON SA IBA'T

IBANG ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN?

Page 3: Isyu at hamong panlipunan

LIPUNAN

• tumutukoy sa mga taong sama - samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga

Page 4: Isyu at hamong panlipunan

Tatlong sosyologo na ayon sa kanila ang lipunan ay:

• Emile Durkeim- ang lipunan ay isang buhay na organismo

kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain

-patuloy na kumikilos at nagbabago- magkakaiba subalit magkakaugnay ang

pangkat at institusyon-makakamit ang kaayusan kung gagampanan

ng maayus ang kanilang tungkulin

Page 5: Isyu at hamong panlipunan

Karl Marx

• ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan

• dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan

• bunga nito nagkakaroon ng pagkakaiba at hindi pantay na antas ng tao dahil nakabatay ito sa yaman at kapangyarihan

Page 6: Isyu at hamong panlipunan

Charles Cooley

• ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin

• nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha

• may kaayusan ang lipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamayan

Page 7: Isyu at hamong panlipunan

Kahit magkaiba ang kahulugan nila ng Lipunan, makikita na ang mga

sosyologong ito ay nagkakaisa na ang lipunan ay binubuo ng iba't ibang institusyon, ugnayan, at kultura.

Page 8: Isyu at hamong panlipunan

Ang Istrukturang Panlipunan at Kultura

• ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang mukha

• ang isang mukha ay tumutukoy sa mga Instruktura ng Lipunan at ang isa ay Kultura

• kahit sila ay magkaiba ng katangian mahalaga ang mga ito at hindi maaaring paghiwalayin

Page 9: Isyu at hamong panlipunan

Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan

• Institusyon • Social Groups• Status (social status)• Gampanin (roles)

Page 10: Isyu at hamong panlipunan

INSTITUSYON

• ito ay organisadong sistema ng ugnayan ng isang lipunan

Pamilya - isa sa mga institusyong panlipunan, dito

unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang

Page 11: Isyu at hamong panlipunan

Paaralan (Edukasyon)- nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad

ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan

Ekonomiya- pinag-aaralan dito kung paano matutugunan

ang mga pangangailangan ng mga mamamayan

Page 12: Isyu at hamong panlipunan

Pamahalaan- may mga tungkulin ang pamahalaan sa

lipunan, maaaring makakita ka nang anunsyo ng mga programang pangkalusugan at pangkalinisan, o tulay na madaanan o isang kalsada na inaayos itong lahat ay ilan lamang sa mga tungkulin ng pamahalaan sa lipunan

Relihiyon- ang pananampalataya ay bahagi ng relihiyon

Page 13: Isyu at hamong panlipunan

• May mga isyu at hamong panlipunan nag-ugat dahil sa kabiguan ng isang institusyon na maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito.

Halimbawa: mataas ang bilang ng mga mamamayang walang trabaho, ito ay maaaring dulot ng kakulangan ng kaalaman at kakayahan na bunga ng kabiguan ng paaralan na magkaloob ng mataas na kalidad na edukasyon

Page 14: Isyu at hamong panlipunan

maaari rin namang ito ay dahil sa hindi nagawa ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin na lumikha ng trabaho para sa kaniyang pamayanan

Page 15: Isyu at hamong panlipunan

May mga pagkakataon din na ang hidwaan sa pagitan ng mga institusyon ay nagdudulot ng mga isyu at hamong panliunan

Halimbawa: Naging malaking usapin ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law (RA 10354) sa nabanggit na isyu naging magkasalungat ang pananaw ng pamahalaan at simbahan

Page 16: Isyu at hamong panlipunan

SOCIAL GROUP

• tumutukoy ito sa dalawa o higit pang taong may pagkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan

Page 17: Isyu at hamong panlipunan

Dalawang Uri ng Social Group

Primary Group

Secondary Group

Page 18: Isyu at hamong panlipunan

Primary Group

• tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal

• kadalasan ito ay may maliit na bilang

Halimbawa: pamilya at kaibigan

Page 19: Isyu at hamong panlipunan

Secondary Group

• binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa't isa

• karaniwang nakatuon sa pagpatupad sa isang gawain

Halimbawa: ang ugnayan ng amo at ng kanyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa't isa

Page 20: Isyu at hamong panlipunan

Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga bumubuo sa isang social group na nagdudulot ng ilang ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.

Halimbawa: isang malawakang pagwewelga ng ilang manggagawa ay isang isyung panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng mga manggagawa at may - ari ng kumpanya

Page 21: Isyu at hamong panlipunan

STATUS

• tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan

• ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensyahan ng ating status

Page 22: Isyu at hamong panlipunan

Dalawang Uri ng Status

* Ascribed Status

* Achieved Status

Page 23: Isyu at hamong panlipunan

STATUS

Ascribed Status Achieved Status

Nakatalaga sa isang indi-bidwal simula nang siya ay ipinanganak

Hindi ito kontrolado ng isang indibidwal

Halimbawa: Kasarian

Si Jaja ay ipinanganak nababae.

Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap

Maaaring mabago ng isang indi-bidwal ang kaniyang achieved sta-tus

Halimbawa: Pagiging isang Guro

Si Nho-nho ay naging guro dahil sakaniyang pagsusumikap.

Page 24: Isyu at hamong panlipunan

Maaaring makaapekto ang ascribed status ng isang indibidwal sa kaniyang achieved status.

Halimbawa: ang isang indibidwal ay ipinanganak na mahirap, ang pagiging mahirap niya ang maituturing na ascribed status

-maaaring maging inspirasyon sa kaniyang hangarin na makatapos ng pag - aaral o kaya maging isang propesyunal upang makaahon sa hirap ng buhay

-ang pagiging isang college graduate o propesyunal ay maituturing na achieved status

Page 25: Isyu at hamong panlipunan

May mga isyu at hamong panlipunan na may kaugnay sa status ng tao sa lipunan.

Karaniwan, nagkakaroon ng mas malawak na pagkakataon sa magandang kalidad ng edukasyon ang mga taong ipinanganak na mayaman kung ikukumpara sa mga mahirap.

Mayroon din namang mga mga mahihirap na naging tuntungan ang ganitong kalagayan upang lalong magsumikap para mabago ang estado sa buhay.

Page 26: Isyu at hamong panlipunan

GAMPANIN(ROLES)

• may posisyon ang bawat indibidwal sa loob ng isang social group, bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin (roles)

• tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal

Page 27: Isyu at hamong panlipunan

Halimbawa: bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang mabuting mag-aaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro ang kaniyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit sa klase

Page 28: Isyu at hamong panlipunan

Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isang indibidwal o isang grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu at hamong panlipunan

Halimbawa: tungkulin ng mamamayan na sumunod sa batas ng pagtatapon ng basura, ang hindi pagsunod sa batas na ito ay makapagdudulot ng ilang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng polusyon na banta sa kalusugan ng mga mamamayan

Page 29: Isyu at hamong panlipunan

May mga pagbabago rin sa lipunan na magdudulot ng pagbabago sa roles ng bawat isa.

Halimbawa: pagkakaroon ng househusband, ito ay mga asawang lalaki na siyang gumagawa ng mga gawain sa loob ng tahanan, habang ang kaniyang asawa babae ang naghahanapbuhay

- maaaring ring asawang lalaki at babae ay kinakailangang parehong magtrabaho upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya

Makikita sa ganitong sitwasyon ang pagbabago ng gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan bilang tugon ng pagbabago

Page 30: Isyu at hamong panlipunan

KATUTURAN NG KULTURA

Page 31: Isyu at hamong panlipunan

KULTURA

• Anderson at Taylor (2007)- ayon sa kanila ang kultura ay isang

kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay sa isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan

- sa isang lipunan binibigyang-katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama

Page 32: Isyu at hamong panlipunan

Panopio (2007)

- ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao

Mooney (2011) - ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at

paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan

- ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura

Page 33: Isyu at hamong panlipunan

Dalawang Uri ng Kultura

Materyal Di Materyal

Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pa bagay nanakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao (Pinopio, 2007) ang mga bagay na ito ay may kahuluganat mahalaga sa pag-unawa ng kultura

Kabilang dito ang batas, ideya, paniniwala, at norms ng isang

grupo ng tao. Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay

maaaring makita o maobserbahan.Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pamu-

muhay ng tao at sistemang panlipunan

(Mooney, 2011)

Page 34: Isyu at hamong panlipunan

Kultura

• tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan

• naglalarawan ito sa isang lipunan• nag-iiba ang paglalarawan ng bawat

lipunan batay narin sa kultura nito

Page 35: Isyu at hamong panlipunan

MGA ELEMENTO NG KULTURA

Paniniwala Pagpapahalaga Norms Simbolo

Page 36: Isyu at hamong panlipunan

Paniniwala (Beliefs)

• tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa paniniwala at tinatanggap na totoo

• batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan

Page 37: Isyu at hamong panlipunan

Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng isang indibidwal o pangkat ng tao

Halimbawa: ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao anoman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa pag - unlad ng tao anuman ang kasarian nito

Page 38: Isyu at hamong panlipunan

Pagpapahalaga (Values)

• ito ay maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan

• maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi

• batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat(Mooney 2011)

Page 39: Isyu at hamong panlipunan

Kapag ang isang sitwasyon o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o hamong panglipunan

Page 40: Isyu at hamong panlipunan

Norms• tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o

gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan

• nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang kaniyang kinabibilagan

• mauuri ang norms sa folkways at mores

Page 41: Isyu at hamong panlipunan

Folkways= ang pangkalahatang batayan ng kilos

ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan

Mores= tumutukoy sa mas mahigpit na batayan

ng pagkilos

Page 42: Isyu at hamong panlipunan

• Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011)

Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan

Halimbawa: ang mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at kaligtasan ang mga tao sa lansangan, batayan ito sa pagkilos ng mg tao, ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may kaukulang kaparusahan

Page 43: Isyu at hamong panlipunan

Simbolo (Symbols)• ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay

ng mga taong gumagamit dito (White, 1949) • kung walang simbolo, walang magaganap na

komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan

Halimbawa: isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano, ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda