portfolio sa filipino iv

13
PORTFOLIO SA FILIPINO IV ( Unang Markahan ) Ni: CHERYLL NIKKA Z. GUPILAN IV-Dandelion

Upload: nixienix

Post on 27-Apr-2015

13.221 views

Category:

Documents


82 download

TRANSCRIPT

Page 1: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

PORTFOLIO SA FILIPINO IV

( Unang Markahan )

Ni:

CHERYLL NIKKA Z. GUPILAN

IV-Dandelion

Page 2: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

EDUARDO D. ELLARMA

Guro

Setyembre 1, 2010

II. MAHAHALAGANG TALA SA BUHAY NG MAG-AARAL

Kasabay ng malakas na ulan noong Agosto 21, 1994 ay isinilang ang isang babaeng sanggol. Abot taingang ngiti ang bunga nito sa mag-asawang Nixon at Cherry Gupilan sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon ay may matatawag na silang “anak”. Ang sanggol ay pinangalanan nilang Cheryll Nikka.

Naging mabilis ang paglipas ng panahon. Nagsimulang mag-aral ng nursery si Nikka sa edad na tatlong taon. Nagpatuloy ng pag-aaral sa Early Skills Learning Center bilang kindergarten mula nang siya’y apat hanggang limang taong gulang. Nang mag-anim na taon ay tumuntong sa preparatorya at nagtapos bilang valedictorian sa nasabing paaralan.

Page 3: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

Kahit noong pumasok sa mundo ng elementarya sa Mamburao Central School ay patuloy pa rin sa pagtitiyaga sa pag-aaral. Siya ay nagkamit ng ikatlong karangalan noong nasa unang baitang. Ikalawang karangalan naman mula nang siya ay tumuntong sa ikalawa hanggang ikalimang baitang subalit naging pang-apat nong nasa ikaanim na baitang. Bukod pa rito, nagiging kinatawan rin siya ng MCS sa larangan ng HEKASI, matematika at maging sa pagsulat ng balita.

Nagpasya ang kanyang mga magulang na siya ay pag-aralin ng sekundarya sa Occidental Mindoro National High School. ipinagpatuloy niya ang pakikipagsabayan sa kanyang mga kamag-aral kaya naman nagkamit ng ikatlong karangalan mula una hanggang ikatlong taon. Sa ngayon ay nasa huling taon na siya sa hayskul kaya naman lubos niyang sinusulit ang oras na nalalabi sa pagsasama nilang magkakaibigan at magkakamag-aral.

Dahil sa pagkakahilig sa matematika,ninanais niyng kumuha ng kursong BS Accountancy at nangangarap makapagtrabaho sa isang sikat na kompanya upang masuklian ang pagsisikap at pagmamahal ng kanyang mga magulang.

Para sa kanya, sipag,tiyaga at higit sa lahat, matinding pananalig sa Maykapal ang tanging susi upang makamit ang tuktok ng tagumpay.

At iyan ang nakagawiang buhay ni CHERYLL NIKKA ZALAVARIA GUPILAN.

III. Layunin ng Portfolio

Ang portfolio ay naglalaman ng mga mahahalagang dokumento ng isang mag-aaral. Dahil dito,

Page 4: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

masasabing ito ay naglalayon na mapangalagaan, mapag-ingatan at maitago ng mag-aaral ang mga bagay na dapat niyang pahalagahan. Bukod pa rito, nakatutulong din ang portfolio sa paghubog ng mga mag-aaral upang matutong magpahalaga ng kanilang gamit at upang maging malikhain sa paggawa nito.

Sumasalamin ang portfolio sa paghahalaga ng isang mag-aaral kaya naman matinding pagtitiyaga ang kailangan sa paggawa nito.

Page 5: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

IV. Nilalaman ng Portfolio

Page 6: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

A. Mga Pagsusulit (Mahabang Pagsusulit at Markahang Pagsusulit)

Sa katunayan ay nagulat ako sa pagkakaroon ng mataas na iskor sa Unang Markahang pagsusulit. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang sabihin sa akin na ako ang may pinakamataas na nakuhang iskor. Napakasarap sa pakiramdam na ang pagpupuyat sa pagbabalik-aral ay nagkaroon ng magandang bunga. Ipagpapatuloy ko pa ng aking pagsisikap upang sa susunod na mga pagsusulit ay muli akong magkamit ng kaaya-ayang iskor.

Page 7: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

B.Mga Pasulat na Takdang Aralin

Lubos ko na namang ikinatuwa ang pagkakaroon ng mataas na marka. Sa unang reaksyong papel na ipinagawa sa amin,nakuha ko ang 100% na marka. Bagaman naglaan ako ng sapat na oras sa paggawa nito, hindi ko pa rin akalain na magkakamit ako ng perfect na iskor sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon kong gumawa ng reaksyon papel. Sa katunayan, noong una ay wala akong anumang ideya kung paano ito gawin. Mabuti na lamang at nagbigay si Sir ng ilang tips kung paano makagagawa ng isang mahusay na reaksyong papel.

Sa ikalawa naming reaksyong papel na nagbigay reaksyon sa akda ni Diosdado Macapagal na Pabanua,nakakuha ako ng marking 97%. Sa pagkakataong ito ay alam ko na kung paano gumawa ng reaksyong papel. Ngunit, hindi maiiwasan ang ilang pagkakamali na siguro’y naging dahilang ng kabawasan sa aking marka. Hindi ko naman pinagsisihan ang pagkakaroon ng pagkakamali sapagkat sabi nga nila “sa bawat pagkakamali,tayo ay may matututuhan”.

Page 8: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

C. . Mga Pasulat na Awtput

Nasa unang taon pa lamang ako ay naging parte na ng aking pag-aaral ang mga pasulat na awtput. Sa katunayan, may mga oras na kinatatamaran ko na rin ang paggawa nito. May mga oras na walang pumasok na ideya sa aking isipan kung paano ko sisimulan ang awtput. Ngunit wala akong magagawa,gaya ng sabi ko, parte ito ng buhay estudyante. Bukod pa rito, nahahasa ang aking kakayahan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng mga gawain.

Tandang-tanda ko pa ng ibigay ni Sir ang unang pasulat na awput. Marami ang naguluhan sapagkat hindi pa sa amin malinaw ang kaibahan ng sanaysay sa salaysay. Ngunit nang aming tanungin ang aming guro ay agad niya naman itong ipinaliwanag. Sa kabila ng pagpapliwanag ni Sir ay nahirapan pa rin ako, para sa akin kasi ay mas madali ang paggawa ng salaysay. Ito siguro ang naging dahilan kung bakit hindi gaanong mataas ang nakuha kong marka (90%)sa unang pasulat na awtput.

Sa ikalawang pasulat na awtput naman, hindi ako gaanong nahirapan sapagkat tungkol ito sa pagsulat ng editoryal. Dahil ako ay myembro ng pahayagang pampaaralan,may mga nagawa na rin akong mga editoryal at may kaalaman na sa pagsulat nito. Lubos kong ikinatuwa ang pagkakaroon ng marking 95%.

Sa ikatlong awtput ay bahagya akong nahirapan. Kinailangan ko pa kasing mangalap ng impormasyon sa mga nakatatanda tungkol sa seremonya ng kasal. Inilahad sa awtput na ito ang pagkakasunod-sunod na proseso ng pagkakasal. Dahil marami akong nakalap na impormasyon,nakakuha ako ng marking 98%.

Page 9: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

Lubha na naman akong nahirapan sa ikaapat na awtput. Ito kasi ay tungkol sa paggawa ng tula kung saan may mga tiyak na sukat, sesura at ganap na tugma. Mahabang oras ang aking nilaan sa paggawa ng awtput na ito. Ganoon pa man, ako ay nagtamo ng markang 93%.

D. Ulat Aklat/Reaksyong Papel

Ang proyekto ay isa sa may pinakamataas na porsyento na bumubuo sa grado ng isang mag-aaral. Ang paggawa nito ay hindi biro. Mahabang oras,pagsisikap at tiyaga ang kailangan upang magtamo ng magandang grado sa bagay na ito.

Para sa unang markahan, ang proyekto na ipinagawa sa amin ay ang pagsusuri sa akdang Walang Sugat ni Severino Reyes. Tulad ng ibang mga proyekto, mayroon ding ibinigay na pormat an gaming guro sa pagsasagawa nito. Nakasaad doon ang iba’t ibang bahagina bubuo sa reaksyong papel.

Upang maisagawa ito ng maayos, dapat na nabasa ang buong akda at naintidihan ang bawat detalye nito. Nararapat ding unawain ang mensaheng ipinararating nito sa mga mambabasa.

Naging masaya naman ako ng makita ko ang grado sa aking proyekto na isinulat ng aking guro:

96%-higit na kasiya-siya

Page 10: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

E. Pangkalahatang Repleksyon

Tunay na kay bilis ng paglipas ng panahon. Parang kalian lamang ay atat na atat ako sa pagbili ng aking mga gamit pampaaralan. Ngayon naman ay tapos na kaagad ang unang markahan.

UNANG MARKAHAN SA FILIPINO IV. Hindi nab ago pa sa mga estudyante ang mga salitang “busy, madaming ginagawa, ano ang uunahin ko?, paano ko ito matatapos?”. Sa katunayan, iyan ang mga katagang parating bukambibig naming magkakaklase. May mga oras kasi na nagkakapatong-patong ang mga gawain. Subalit kailangan itong labanan,labanan sa pamamagitan ng pagpapasa sa tama at nakatakdang oras upang hindi maipunan ng gawain. Napatunayan ko rin na kailangan ang mahusay na pagbabadyet ng oras upang lahat ay mapagtuunan ng pansin.

Sa paggawa ko ng portfolio na ito ay mayroon akong napansin. May ilang mababang marka at mayroon din naming mataas. Bawat nilalaman ng portfolio na ito ay nagbigay aral sa akin na aking dadalhin hanggang sa aking paglaki.

Page 11: PORTFOLIO SA FILIPINO IV

V. Komento/Reaksyon ng Guro