estratehiya sa filipino

31
Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino Next Aurora National Science High School Oktubre 25-27, 2016

Upload: albertine-de-juan-jr

Post on 23-Jan-2018

1.531 views

Category:

Education


22 download

TRANSCRIPT

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino

Next

Aurora National Science High SchoolOktubre 25-27, 2016

Layunin:

1.Maipaliwanag ang kahalagahan ng

paggamit ng estratehiya upang malayang

makalahok ang mga mag-aaral sa

aktibidad at talento na mayroon sila.

2.Magamit ang teknolohiya bilang dagdag

na estratehiya sa pagkatuto at pagtuturo

ng paksang-aralin sa Filipino.Next

Mga Instruksyunal Teknik

1.Roundtable Discussion2.Panel Discussion3.Brainstorming4.Role Playing5.Socio drama

Next

Roundtable Discussion

•Maaaring buuin ng tatlo hanggang limang mag-aaral

•Bawat kasapi ay handa sa impormasyong pinag-uusapan

•Maaaring gawin ang talakayan na sabay-sabay kung hahatiin ang klase sa maliliit na pangkat.

Gabay para sa Roundtable Discussionna Talakayan

1. Pumili ng paksa/isyu/suliranin na mapag-uusapan.

2. Pangkatin ang klase sa maliliit na grupo3. Pumili ng moderator at taga-ulat4. Sasabihin ng moderator sa pangkat ang

paksa/isyu na tatalakayin5. Pasimulan na ang talakayan ng bawat grupo6. Ang taga- ulat ng bawat pangkat ang mag-uulat

sa klase.Back

Panel Discussion

•Pormal ang paraan ng presentation

•Iparirinig ng mga panelist ang talakayan sa mga kamag-aral

•Ang mga panelista ay eksperto sa paksang tinalakay

Gabay para sa Panel Discussion 1. Pumili ng limang mag-aaral sa pangkat na

siyang magiging panelista2. Pumili ng isang moderator mula sa mga panelista.3. Ihanda ang bawat kasapi ng panel tungkol sa tatalakaying paksa. Pormal na iulat ang opinion/ ideya/ panukala tunkol sa paksang pag-uusapan.4. Pagkatapos ng presentasyon ng lahat ng mga panel hayaan ang mga mag-aaral (audience) na magtanong.5. Ipasagot sa mga panelista ang mga tanong.6. Sa pagtatapos ng panel discussion, ipabuo sa moderator ang pinag-usapan sa silid-aralan.

Brainstorming/Bagyuhang-utak

•Karaniwang hinahati ang klase sa maliliit na grupo•Isinasagawa kapag nais mabigyan ng linaw ang isyu,sitwasyon,suliranin•Malayang nakukuha ng guro ang mga mungkahi, damdamin, ideya o consensus ng mga kasapi sa talakayan.

Gabay na magagamit sa brainstorming

1. Ilahad ang isyu/ sitwasyon/ suliranin sa klase o pangkat.

2. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng pansariling opinion o pananaw tungkol sa isyu.3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral.4. Ituloy ang pagsusuri tungkol sa mga ideya/ opinion o pananaw ng mga mag-aaral.5. Isagawa ang gawaing pagtatapos.

Role Playing•Inilalagay ang mga mag-aaral sa isang sitwasyon na maaaring mangyari sa tunay na buhay.

•Ang magkakapareha ay bubuo ng mga dayalogo buhat sa isang sitwasyong ibibigay ng guro o mapagkakasunduan ng klase.

Mga uri ng Role- play

• Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng dayalogong may cues• Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng cues at impormasyon• Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng sitwasyon at layunin

Hakbang sa Role-playing

1. Pumili ng mga tauhan na gaganap.2. Pumili ng magiging paksa o isang pangyayari. Isulat ito sa pisara.3. Ihanda ang mga manood (klase) sa isasagawang

gawain.4. Isadula ang pangyayari.5. Tatalakayin sa klase ang mga puntos na dapat pag-usapan sa role playing na isinagawa.

Ibigay ang mga mungkahi.6. Muling isadula ang pangyayari. Isama ang mga mungkahi ng klase sa muling pagsasadula.

Sociodrama

•Tinatawag na creative dramatics•Pagpapaabot sa highlight ng mga karanasan sa

pagkatuto sa pamagitan ng pantomimeiskit o maikling drama

•Nauukol sa sitwasyon tungo sa paghahanap ng solusyon sa suliranin

Gabay para sa Sociodrama

1. Ilahad ang suliranin sa klase.2. Ihanda ang pangkat na kalahok sa sociodrama.3. Piliin ang mga mag-aaral na gaganap sa papel sa

drama.4. Sabihin sa bawat mapipiling kalahok ang papel na

kanyang gagampanan.5. Ihanda ang klase sa magaling na pakikinig at magaling

na pag-aanalisa sa mga sitwasyon sa sociodrama.6. Isadula na muli ang sitwasyon.

7. Ipagpatuloy ang pagsusuri sa sitwasyon sa muling talakayan.

8. Isagawa ang pagtataya sa aralin.

Iba pang Estratehiyang Integrado at Interaktibo

hindi aktibong estudyante

Ang mga estratehiyang ito ay nag dudulot sa mga mag-aaral na maging : AktiboMasigasig sa pag-aaralMasiglang makikilahok sa pag-aaralMapanuri sa pangyayari sa paligid Kritikal na mapag-isip

Picture Power

Mula sa larawan bubuo ang klase ng kwento

Ibabatay ang usapan/ dayalogo

Tagpuan

Katangian ng mga tauhan na nakikita sa larawan

Balita, Editoryal o Pangulong- Tudling

Nalilinang ang kasanayan sa pagbibigay opinyon.

Maiaangkop sa pagtalakay sa iba’t ibang bahagi ng pananalita

Beauty Contest/ G. at Binibini Kontest

Mabisa kung nais ng guro na sukatin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa madaling pag-iisip at pagsagot

Nasusukat ang kasanayang pangkomunikatibo

Think- Pair- and Share

•Isang kooperativ na pagkatuto

•Nakikinig

•Nag-iisip

•Nakikibahagi sa talakayan

Concept Mapping

Nakakatulong para sa komprehensyon

Pag-ooganisa ng mga konsepto

Pagsusuri

TV Commercial o Mga Patalastas sa Telebisyon

•Magpangkatan ang mga mag-aaral gagawa sila ng patalastas sa telebisyon

•Pabuuin sila ng sariling patalastas

3-2-1 (Three- Two- One)

Isang gawaing pasulat, ang mga mag-aaral ay bubuo ng:

3 susi ng katawagang natutunan nila sa aralin.

2 Kaisipang nais nilang malaman.

1 Kaisipan o kakayahang sa tingin nila ay kanila ng nakabisado.

ICT- Integration sa Pagtuturo

•Web Quest

•Scavenger Hunt

•Blogging

WebQuest•Pasiyasat na gawain sa online•Paghahanap ng mga impormasyon sa www

Mga Bahagi ng WebQuest

PanimulaGawainProsesoEbalwasyonKongklusyon

Halimbawa ng Web Quest

Scavenger Hunt

Ito ay paghuhukay ng mga mahahalagang

impormasyon sa mga website ng paksang

tutuklasin.

Paano gawin ang online Scavenger Hunt?

1 Mag-isip ng paksa 2. Maghanap ng kaugnay na websites 3. “Cut and Paste” ang eksaktong mga url. 4. Tipunin/ pagsasamahin ang mga materyal mula sa iba’t ibang websites.5. Paghaluhaluin sa isang pahina tiyaking tiyak

ang mga sites upang madaling mahanap ng mga mag-aaral ang mga kasagutan.

6. Mag desisyon kung anong tiyak na “produkto” ang gagamitin nila upang ipresenta ang kanilang awputs.

Halimbawa ng Scavenger Hunt

Blogs/Blogging•Interaktibong ugnayan sa pagitan ng guro at mga mag-aaral.•Online based na maaaring mapaglagyan ng mga replesyon, takdang-aralin, o intergroup communication.

Mga Blog Spot na maaaring magagamit ng guro at mag-aaral

www.blogger.comwww.wikispaces.comwww.filipinotek.wordpress.com

Iba pang Online Platforms

SOCIAL MEDIASOCIAL MEDIA

AplikasyonAplikasyon

1. Instruksyunal na Teknik1. Instruksyunal na Teknik•Ang bawat isa ay mag-iisip ng isang paksang-aralin na may kaugnayan sa asignaturang itinuturo.•Umisip ng pangkatang-gawain na maaaring mai-apply ang ilan sa mga instruksyunal na teknik sa pagtuturo.•Maghanda para sa pagbabahagi ng iyong awtput sa malaking grupo.

2. ICT-INTEGRATION SA PAGTUTURO•Gamit ang napiling paksang-aralin na kaugnay sa asignaturang itinuturo, ikaw ay bubuo ng isang web quest na estratehiya sa pagtuturo nito.•Sundin ang balangkas ng isang scavenger hunt na estratehiya sa paglalahad ng paksang-aralin.•Maghanda para sa pagbabahagi nito sa Ikatlong araw ng pagsasanay.

Panghuling Pananalita

Maraming mga estratehiyang magagamit ng guro sa klase. Ang mga kagamitang ito at mga teknik ay nagiging epektibo at makabuluhan kapag ang guro ay may tiyaga, sipag at pagkamalikhain. Sa tulong ng mga estratehiyang ito at sa mahusay na pagtuturo ng guro, walang dahilan para hindi matuto ang mga mag-aaral.

Sa Paglikha ng PagbabagoSama-sama Tayo!

Salamat po!