silabus sa filipino ii

36
SILABUS SA FILIPINO II – SINING NG KOMUNIKASYON (IKALAWANG TAON) Ipinasa ni: Gng. Elsie T. Baterna

Upload: shiean06

Post on 08-Nov-2015

266 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Syllabus

TRANSCRIPT

SILABUS SA FILIPINO II SINING NG KOMUNIKASYON(IKALAWANG TAON)

Ipinasa ni:

Gng. Elsie T. Baterna

Ipinasa kay :

G. Richard Tutanes( Prinsipal sa Hayskul )

I. Pangalan ng Kurso: Filipino II- Sining ng Komunikasyon sa Ikalawang TaonII. Maikling Paglalarawan ng kurso:Ang kursong pinagkalooban ng bagong kurikulum ay naglalayong mabigyan ng bagong pananaw at tunguhin ang ating edukasyon upang makatulong sa paglinang ng mga kakayahan ng mag-aaral sa mga kasanayang pangkomunikasyon : pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at paggamit ng mapanuring kaisipan.Ang kursong ito ay hinati sa apat nay unit . Ang mga paksa at araling napapaloob sa bawat yunit ay inaasahang lilinang sa mga kasanaya at kaalaman sa wika at panitikan na itinakda para sa ikalawang taon ng Mataas na Paaralan.Ang mga araling inihanda rito ay ibinatay sa mga karaniwang karanasan ng mga mag-aaral na masasalamin sa mga sanaysay , bugtong, salawikain, alamat , maikling kwento, tula, epiko, dula, talumpati , kasama na ang literaturang Florante at Laura.Itoy magkahiwalay na pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa loob ng isang oras na pagkaklase kung saan ang pagtuturo ay nagbibigay-diin sa tunay na gamit ng wika sa tulong ng mga kaalaman at tuntuning pambalarila ayon sa konteksto ng hangarin , sitwasyon, at pangangailangan.

III. Pangkalahatang Layunin:A. Pakikinig1. Nakikilala ang mga talasalitaang ginagamit sa mga paksang- araling napakinggan.2. Nakikilala ang mga sangkap na ginamit sa mga magkakaugnay na pahayag na pasalita.3. Natutukoy ang pamaksang-diwa , aral, at mga pagpapahalagang napapaloob sa akdang napakinggan.4. Nakikilala ang pangkomunikatibong gamit ng mga pahayag batay sa sitwasyon at gumagamit ng wika.5. Nagagamit ang mga estratehiya sa pakikinig para sa ibat ibang uri ng tagapakinig at mga layunin sa pakikinig.6. Nakikilala ang mga bahagi ng pananalita ng napapaloob sa mga pangungusap ng tekstong napakinggan.B. Pagsasalita1. Natatamo ang mga kaalaman at kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita.2. Naipapahayag nang malinaw ang mga impormasyon sa binasang seleksyon.3. Naiwawasto ang mga mali at mahinang pagpapahayag.4. Naipapahayag nang magaling ang pag-aalinlangan at pag-aatubili.5. Naisasagawa ang usapan sa maayos at malinaw na pangungusap.6. Nadarama ang kasiyahan sa pakikipagtalastasan sa kapwa.C. Pagbasa1. Nagagamit nang mabisa ang paraan sa mabilis na pagbasa.2. Naibibigay ang paksang pangungusap na nagpapahayag ng pinakamahalagang diwa at kaisipan.3. Natutukoy ang mahalagang punto o ideya para mabuod o malagom ang buong teksto o pahayag.4. Nabibigyang- kahulugan ang matalinghagang pangungusap na napapaloob sa akda.5. Nahahalaw ang pangkalahatang impresyon sa teksto o pahayag.6. Nasusuri ang akda ayon sa mga element o salik na dapat taglayin.7. Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa seleksyon o mga artikulo mula sa mga aklat , pahayagan, magasin, at iba pa.8. Naiuugnay ang mga pangkalahatang impresyon sa teksto o pahayag sa tunay na buhay at sariling karanasan.D. Pagsulat1. Naipamamalas ang kakayahang magamit ang mga kaalamang pambalarila sa tulong ng mga batayang kaalamang pangwika.2. Naipapahayag ang tungkuling pangkomunikasyon ng mga pangungusap at pahayag sa mga gawaing pasulat.3. Nagagamit ang nagkop na istilo ng wika sa ibat ibang sulatin.4. Nagagamit ang mga bantas sa mga tuwiran at di- tuwirang pahayag.5. Nabubuo ang mga talata sa pamamagitan ng paraang pasaklaw o pabuod.6. Naisusulat ang buod ng akdang binasa sa karaniwang pananalita.E. Kritikal na Pag-iisip1. Naipamamalas ang kakayahang mag-isip mula sa ibat ibang pinagkukunang sanggunian o impormasyon.2. Nabibigyang interpretasyon ang mga balangkas, dayagram, talahanayan, grap, at ang mga matalinghagang pananalita.3. Napayayaman ang kakayahang pangkaisipan sa mga akdang tinalakay upang maging isang huwarang mamamayan na handang makipagtulungan para sa ikauunlad n gating pamahalaan at bansa.4. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng intelektwal na kasanayan sa pangangalaga at paglilinang ng mga katangiang moral, ispiritwal at iba pang kanais-nais na pagpapahalaga.IV. MgaSanggunian:1. Nora M. Dillagre, et al., Sandigan II- Sining ng Komunikasyon Para sa Mataas na Paaralan ,Quezon City: Phoenix Publishing House , Inc.,1997.2. Nora M. Dillagre, et al., Sandigan II- Sining ng Komunikasyon Para sa Mataas na Paaralan ( Ikalawang Edisyon ) ,Quezon City: Phoenix Publishing House , Inc.,2002

3. Bro. Andrew Gonzales, FSC at Corazon S. Tiqui, SAngwikaan II- Sining ng Komunikasyon Para sa Mataas na Paaralan , Quezon City: Phoenix Publishing House , Inc., 1996.

4. Mrs. Maybel V. Amog, et. al., Obra Maestra Florante at Laura II ,Quezon City: Rex Book Store , Inc.,2002.

5. Conception D. Javier , et. al., Florante at Laura ni Francisco Balagtas,Quezon City: Phoenix Publishing House , Inc., 2004.

6. A,. Batnag, et. al., Ang Florante at Laura ni Balagtas: Isang Interpretasyon, Quezon City: Rex Publishing House, Inc., 1995.

7. Teresita M. Anastacio, et. al., Ang Bagong Filipino Ngayon II , Makati City: Bookmark Inc., 2000.

8. Zenaida A. Policarpio at Edna Villegas , Panitik II , Quezon City: SIBS Publishing House, Inc. , 1999.

9. Alfonso O. Santiago at Norma G . Tiangco , Makabagong Balarilang Pilipino, Quezon City : Rex Book Store, 1997.

V. Pangangailangan ng kurso:A. Markahang Pagsusulit ( Peridical Test)25%B. Mga Pagsulat/ Pagsusulit ( Quizzes, Unit / Sumamamtive test)305C. Resitasyong Oral ( oral Recitation )30%1. Pag-uulat2. Pagbigkas ng Tula, Talumpati3. Balagtasan4. Pagtatanghal ng dula/ dayalog5. Paglalahad na pasalitaD. Proyekto/ Attendance/Pag-uugali/Gawain ( involvement )15%1. Pagsulat ng sulatin2. Maikling Pagsulat3. Paggawa ng ilustrasyon4. Pagguhit5. Takdang-aralin100%

Unang Markahang Pagsusulit

Mga tiyak na layunin Nilalaman Estratehiya Pagpapahalagang Binibigyang -diinKagamitang Pang-ebalwasyonMga sanggunianOras/araw

1. Nababalangkas ang talambuhay ni Francisco Baltazar.2. Naiiisa- isa ang paraan ng pagbabalangkas.3. Nakasusulat ng sariling talambuhay.

Florante at LauraAralin 1: Talambuhay ni Francisco Baltazar

Pagbabbalangkas ipabalangkas ang talambuhay nang papaksa, pangungusap, o patalata. Malayang Talakayan LAP ( list All Possibilities)Ipatala ang lahat ng impormasyon tungkol sa sarili

Ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang tagumpay .

Malikhaing Gawain Sumulat ng sariling talambuhay .Sangguniin ang LAP na iyong inihanda.

Obra Mastra: Florante at Laura, pp.1-6

Lunsaran: Ang Florante at Laura ni Balagtas : Isang Interpretasyon ni A. Batnag , et. al.,pp. 1-52 araw

1. Natutukoy ang apat na himagsik ni Francisco Balatazar.2. Naiuugnay ang himagsik na ito sa kasalukuyang panahon.3. Nakapagpapahayag ng sariling opinyon hinggil sa paksa.Aralin 2: Apat na Himagsik ni Francisco Baltazar. Tahimik na pagbasa Pagtalakay sa nilalaman ng akda Paghahambing Palitang-kuro

Kapag ang kalayaan ay sinupil, pagkagalit at paghihimagsik ay sumusupling. Maikling pagsusulit.1. Tukuyin ang apat na himagsik ni FB at pagkatapos ay ipahayag ang sariling opinyon ukol sa himagsik na nabanggit.2. Epektibo pa ba ang ganitong paraan ng pahihimagsik sa kasalukuyan? Bakit?Obra Maestra : Florante at Laura,pp. 7-142 araw

1. Nakikilala ang mga tayutay.2. Nabibigyang-kahulugan ang mga tayutay sa aralin.3. Naipapaliwanag ang kadakilaan ng isang dalisay na pag-ibig.Aralin 3: Kay Celia Paghahalaw ng mga tayutay sa akda VisualizationIpalarawan bilang pasalaysay ang nabuong hinuha sa isipan ukol sa akda.

LOV ( Look at Others Viewpoints)Ipabuo sa klase ang pakikipanayam sa ibat ibang tao ukol sa pananaw sa pag-ibig. Ang Kadalisayan ng pag-ibig ay umaakay sa isang tao na gumawa ng kadakilaan. Malikhaing GawainMaghanda ng maikling talumpati hinggil sa kadalisayan ng pag-ibig .Gamitin ang mga tayutay sa paglalahad ng iyong pananaw.

Obra Maestra : Florante at Laura ,pp. 15-232 araw

1. Naiisa-isa ang mga tagubilin ni Balagtas sa mga babasa ng awit.2. Napagtimbang-timbang ang kabutihan at kasamaan ng pagbabago sa kaanyuan at kalikasan ng isang bagay.3. Nalalapatan ng ibang himig ang awit ni Balagtas.Aralin4: Sa Babasa Nito Sagutang Pagbasa Pagsusuri sa nilalaman ng akda. Repleksyon sa pamamagitan ng isang awitin( Batambata ) Paglalapat ng ibang himig sa tula Ang paggalang sa kalikasan ay pagtalima sa kalooban ng diyos. Pangkatang Gawain: Hatiin sa apat na pangkat ang klase at palapatan ng ibang himig ang tula at maghandang iparinig ito sa klase.Obra Maestra : Florante at Laura ,pp. 24-29.3 araw

1. Nailalarawan ang mga simbolismong ginamit sa akda.2. Naiuugnay sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga kaganapan sa akda.3. Naiguguhit ang simbolismong kumakatawan sa sarili.Aralin 5: Punong Salita Sabayang pagbasa Pagsusuri sa nilalaman ng akda Pagtukoy sa mga simbolismong ginamit sa akda. Pag-uugnay ng mga kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa bawat pagdurusa ng buhay , ang punot dulo nitong kapalaran ay matutuklasan. DRAW AND TELLIguhit ang isang bagay na sumisimbolo ng iyong pagkatao at maghanda para sa maikling pagpapaliwqanag ukol dito.Obra Maestra : Florante at Laura ,pp. 30-35.3 araw

1. Nasisipi ang mga pares ng salitang magkatulad ng kahulugan .2. Nakapagmumungkahi ng posibleng kalutasan sa patuloy na paglaganap ng krimen sa bansa.3. Nakabubuo ng isang anunsyo ukol sa panawagan para sa isang huwarang lider ng bansa.

Aralin 6 : Bayang Nagdurusa Talasalitaan Pagtalakay sa akda sa tulong ng TAC ( Think About Consequence) Life Projection hinggil sa mga kaganapan sa bansa Paglalahat Madalas magbunga ng kasawian ang maling paghahangad. Paggwa ng anunsyo

Wanted : Huwarang Pinuno

Kwalipikasyon:1.2.3.4.

Obra Maestra : Florante at Laura ,pp. 31-45.2 araw

1. Natutukoy ang mga sanhi o dahilan ng paghihinagpis ni Florante.2. Napangangatuwiranang ang pagseselos ay tanda ng kakulangan ng pagtitiwala sa sarili at minamahal.3. Nakapagpapakita ng sabayang pagbigkas sa harap ng klase.Aralin 7: Hinagpis ng Isang Nagmamahal CliningSa pamamagitan ng papataas na antas ng damdamin , ipabigay ang sanhi o dahilan ng paghihinagpis ni Florante. Ipa-rank ito mula 1-5. Ang pag-ibig ay hindi makasarili. Malikhaing Gawain 1. Debate : Ang selos ay tanda ng kawalang tiwala o pagmamahal?

2. Sabayang Pagbigkas:Pangkatin ang klase sa lima at magsanay para sa isang sabayang pagbigkas. Isaalang-alang ang pamantayan ukol dito.Obra Maestra : Florante at Laura ,pp. 46-52.4 araw

1. Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita.2. Natutukoy ang mahalagang kaisipan sa mga piling saknong.3. Nakabubuo ng usapan batay sa nilalaman ng akda .Aralin 8 : Alaala ni Laura Talasalitaan : Ipabigay ang kasingkahuluagan at kasalungat ng mga salita. Pagtalakay sa nilalaman ng akda. pag-uugany sa tunay na buhay. Sa panahon ng paghihirap, kaulayaw na sinta ay hinahanap. Malikahaing Gawain: Panel DiscussionPaghandain ang buong klase ng isang panel discussion.Obra Maestra : Florante at Laura ,pp. 53-61.3

1. Nasusuri ang mga pagbabagong nagaganap sa mga salita.2. Nababalangkas ang mga salita ayon sa hinihinging pagbabago.3. Nakapagbuod ng isang alamat. - Pagbabagong Morpoponemiko Pagkukuwento ng isang alamat : Alamat ni Mariang Makiling ni Jose Rizal Pagtalakay sa alamat Pagsusuri sa mga salitang ginamit Pagtalakay sa mga pagbabagong morpoponemiko Ang kapatawaran ay igawad nang makamit ang kapayapaan ng kalooban. Pagsubok ( Pasulat)I. Tukuyin kung anong pagbabago ang naganap sa sumusunod:1. paluin2. sanlibutan3. sarhan4. panuntunan5. panakipII. Magbigay ng mga halimbawa ng sumusunod na pagbabago.1. pagkakaltas2. pagdaragdag3. pagpapalit4. paglilipatSangwikaan II,pp. 26-29.

Sandigan II , pp. 19-26.

Filipino Sa bagong Henerasyon II ( Ikatlong Edisyon )

2 araw

1. Nakikilala ang ibaibang bigkas ng mga salita.2. Nabibigkas nang wasto ang mga salita ayon sa kahulugan nito. bigkas.3. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang mga salitang magkatulad ng baybay ngunit magkaiba ng bigkas. -Bigkas ng Salita Drill sa pagbasa ng mga salita Pagbibigay ng mga salitang magkatulad ng baybay. Pagsusuri sa mga salita ayon sa bigkas . Pagbibigay-kahulugan ayon sa bigkas nito. Pagbigkas ay ayusin nang pag-unawa ay mapasaatin. Pagsubok na pasalitaBigkasin nang tama ang mga salita ayon sa kahulugan nito

1. bilog-round2. bilog- pieces3. sawa snake4. sawa -bored of5. sikat- famous6. sikat- rays7. balat- birth mark8. balat- skin9. tubo-sugarcane10. tubo- interest

Sandigan II, pp. 33-35.

3 araw

1. Nakikilala ang mga pangungusap ayon sa bahagi, ayos, uri at iba pa.2. Nakabubuo ng ibat ibang uri ng pangungusap.3. Nakasusulat ng isang sanaysay hinggil sa paksa.-Pagkilala ng Pangungusapa. Dalawang sangkap ng Pangumgusapb. Ayos ng Pangungusap c. Uri ng Pangungusap ayon sa kayarian Pagbibigay-lunsaran ng mga pangungusap Pagsusuri sa mga pangungusap ayon sa bahagi ayos uri Pagbibigay-halimbawa ng mga bata Ang pangungusap ay masarap sa tenga kung ito ay malinaw at nakakapagpapasaya. Pagsubok na Pasulat: 1. Bumuo ng pangungusap ayon sa hinihingi .3 payak3 tambalan3 hugnayan1 langkapan Assignment: Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa kahalagahan ng musika . Gamitin ang ibat ibang uri ng pangungusap.

Ang Bagong Filipino Ngayon II,pp. 23-25, 32-38,43-44, 49-50.

Sandigan II ( Ikatlong Edisyon )pp. 287-289

3 araw

1. Nakikilala ang ibat ibang kakanyahan ng pangngalan.2. Nakabibigay ng mga halimbawa sa bawat uri nito.3. Nagagamit ang mga ito sa pagbubuo ng mga pangungusap. -Mga Kakanyahan ng Pangngalan Paglalahad at pagtalakay sa kakanyahan ng pangngalan. FAR ( Form a word ) Pabuuin ang mga bata ng mga pangngalan mula sa salitang ibinigay. FAS ( form a sentence ) Ipagamit sa sariling panungungusap ang mgahalimbawa. Ang magagandang gawi, kultura, paniniwala at tradisyon ay pagyamanin dahilito ay minana pa natin. Malikhaing Gawain ( Mind Map)Sa tulong ng mind map buuin ang iyong talataan sa paksang nasa ibaba .Gawin itong masining .

MUSIKA kaluluwa ng BuhaySandigan II ,pp. 53-59.2 araw

Mahabang Pagsusulit( Summative Test) PagsusulitI. Florante at LauraTalasalitaan 10Pag-unawa sa binasa 20II. WikaSalita 10Pangungusap 10Pangngalan 101 araw

Unang Markahang Pagsusulit (Periodical Test) Pagsusulit(Selection Type) -1001 araw

Ikalawang Markahan

Mga tiyak na layuninNilalamanEstratehiyaBinigyan- diinKagamitang Pang-ebalwasyonSanggunianoras/araw

1. Nakapagbibigay ng mga sitawsyon sa akda at sa kasalukuyang panahon na tunay na makapangyarihan ang pag-ibig.2. Nabibgyan ng kahulugan ang piling saknong sa pamamagitan ng paraphrasing.3. Naiuugnay sa tunay na buhay ang aral ng akda. Florante at LauraAralin 9: Pagsintang Labis Pagbibigay-sitwasyon na may kinalaman sa paksa. Paraphrasing papiliin ang mga estudyante ng bahagi ng tula at pabigyang-kahulugan ito. Pag-uugnay sa sariling buhay.Kapag tumibok ang puso , hahamakin ang lahat masunod lamang ito.Pagsusulit( Pasulat)1 .Sa loob ng 4 na pangungusap, ipaliwanag ang saknong na nasa ibaba.

Itong kinaratnan ng palad kong linsil,Salaming malamig na sukat mahalin Ng makatatap mang hindi sapitin ang kahirapan kong hindi kayang bathin.

Obra Maestra: Florante at Laura,pp. 62-69 2 araw

1. Napaghahambing sina Duke Briseo at Sultan Ali Adab.2. Nakagagawa ng isang sertipiko para sa ulirang ama.3. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa magulang sa pamamagitan ng pagbibigay ng likhang sertipiko .Aralin 10: Amang Mapagmahal, Amang Mapaghangad Sagutang pagbasa sa tula Pagtalakay sa nilalaman ng tula sa pamamagitan ng POV ( Point of View ) MAP ( Make a Plan ) Amang mapagmahal ay di makakalimutan, amang mapaghangad di dapat pamarisan.1.Pagsubok( Pasulat )A. Paghambingin ang dalawang ama sa pamamagitan ng Venn Diagram.B. Malikhaing GawainCertificate MakingGumawa ng isang sertipiko ng pagkilala sa kabutihan ng iyong ama.

Obra Maestra: Florante at Laura,pp.70-77.3 araw

1. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita.2. Naiuugnay sa ibang akda ang tema ng tinalakay na akda.3. Nakapagsasagawa ng isang Talk show ukol sa paksa. Aralin 11: Paalam Bayan, Paalam Laura Paghahawan ng sagabal (Talasalitaan) Pagtalakay sa mga kaganapan Pag-uuganay sa akda ni Jose Rizal Huling Paalam.Ang pagmamahal sa bayan ay isang karangalang di matutumbasan. Pagsubok ( Pasulat )Islogan Making

Sumulat ng isang islogan ukol sa pangangalaga sa bayan.Ipaloob ito sa nakalaang banner. Talk ShowPangkatin sa 4 ang klase at paghandain para sa gagawing talk show ukol sa kagitingang ginawa ng mga Pilipino para sa bayan.

Obra Maestra: Florante at Laura,pp.78-864 araw

1. Naisasalaysay ang pagliligtas ni Aladin kay Florante.2. Naiuugnay ang aralin sa kwento ng Mabuting Samaritano.3. Napupunan ng mga detalye ang story frame.Aralin 12 : Aladin Isang Tagapagligtas Pagtalakay sa akda gamit ang Story Frame. Pag-uugnay sa tunay na buhay. Pagbubuo ng paglalahat ukol sa mensahe ng akda.Tunay na kahanga-hanga ang taong tumutulong sa lahat ng panahon. Pagsubok ( Pasulat )Magtala ng mga pagkakataong nakatulong ka sa mga nangangailangan ng tulong.

Natulunganginawanadama

Obra Maestra: Florante at Laura,pp.89-932 araw

1. Nakabubuo ng mga salita mula sa isang salita.2. Nailalarawan ang katangian ng mga tauhan.3. Natutukoy ang kabutihang dulot ng pagtulong sa kapwa .

Aralin 13: Utos ng Langit Form a Word ( FAW )Pabuuin ang mga estudyante ng iba pang mga salita mula sa salitang Batas

Pagtalakay sa katangi-tanging pag-uugali ng mga tauhan. Pag-uugnay sa tunay na buhay. Paglalahat ( Life Reflection)Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo. Pagsubok 1. Mula sa salitang PAG_IBIG ay bumuo ng mga salita .2. Sumulat ng maikling sanaysay mula sa paksang Kristiyano man at Muslim ay Magkapatid pa rin.

Obra Maestra: Florante at Laura,pp.94-1023 araw

1. Naipapaliwanag ang mga matatalinghagang pahayag.2. Naisasaayos ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunud-sunod nito.3. Naiguguhit ang imaheng nais ipahiwatig ng akda.Aralin 14: Pagtulong na Tunay Paghahawan ng sagabalPabigyang kahulugan ang matalinghagang pahayag sa akda. DiskusyonPagtalakay sa nilalaman ng akda. Pag-uugnay sa totoong buhayBukas-palad na pagtulong sa ating kapwa ay ihandog nang mundo ay uminog. PagsubokI. Isaayos ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunud-sunod.___1. Inilapat ni Aladin si Florante sa isang malapad at malinis na bato.___2. Nakramdam ng awa si Aladin sa tuwing magising si Florante na naghihinagpis. Sketch Appropriate Graphics ( SAG )Ipaguhit ang imaheng nabuo sa isip pagkatapos mabasa ang akda.Obra Maestra: Florante at Laura,pp.103-1093 araw

1. Nakikilala ang ibat ibang uri ng panghalip panao.2. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip panao sa pangungusap.3. Nababanghay ang mga panghalip ayon sa hinihingi ng pangungusap. Panghalip-panao uri panauhan kailanan kaukulan Pagtalakay sa mga panghalip Form a sentence ( FAS )Magpabuo ng mga pangungusap Paghahambing at paglalahatBagamat akoy may sariling pangalan, akoy may panghalili rin naming di pagsasawaan. Pagsubok ( Pasulat)I. Punan nang wastong panghalip ang patlang ayon sa hinihingi. 1.Mamimigay __ ng pera para sa ___ party. ( nagsasalita,pinag-uusapan ) 2. Ayon sa ___ ay sundin ___ lahat ng utos ko. ( pinag-uusapan, kausap )

Sandigan II , pp. 78-793 araw

1. Nakikilala ang mga pandiwang may panlaping in at an.2. Naibibigay ang kaibhan ng mga pandiwang may panlaping in at an.3. Nagagamit ito nang wasto sa pangungusap.

Pandiwang may panlaping an/han at in/hin dasalin /dasalan sundin /sundan dalhin/dalhan sabihin/sabihan suntukin/suntukan Pagsusuri sa mga salitang may panlaping in/hin at an/han Pagbibigay-kahulugan sa mga salita Pagpapagamit sa pangungusapSa kilos matatalos ang nais na ipaabot. Pagsubok ( Pagsubok )I. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang.1. ( Dalhin, Dalhan ) mo ako ng pagkain.2. Huwag mong ( dasalin,dasalan ) ang orasyong iyan.Pluma II, pp.3 araw

1. Nakikilala ang Haiku at Tanaga.2. Naibibigay ang kahulugan ng tula.3. Naiuugnay sa totong buhay ang tula. Haiku at Tanaga Paghahawan ng sagabal Pagpapakahulugan sa tula Pag-uugnay sa tunay na buhay PaglalahatAng kalikasan ay dapat na pakaingatan nang mapasaatin ang kasaganaan. Pagsubok ( Pasulat )1. Ano ang mensahe ng tula.2. Paano mo ito maiuugnay sa totoong buhay?3. Paano nagkakaiba nag haiku at tanaga?Sandigan II2 araw

1. Nakikilala ang mga tayutay.2. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang mga tayutay.3. Nakabubuo ng sariling tula gamit ang mga tayutay. Tayutay at mga uri nito Pagbibigay-lunsaran Pagtalakay sa tayutay kahulugan uri at katangian Paggamit sa pangungusap Paghahambing at paghahalaw

Ang pananalita ay maganda sa tenga kung ito ay kahali-halina. Pagsubok I. ORAL RecitationGamitin sa sariling pangungusap ang mga tayutay.II. Pagsulat ng tulaBumuo ng tula na may dalawang saknong gamit ang mga tayutay.Pluma II,pp.3 araw

1. Nailalarawan ang sariling pamilya gamit ang mga tayutay.2. Nakasusulat ng isang sulating pormal na may paksang Si Itay.3. Nakasusunod sa mga pamantayan sa pagsusulat . Malikhaing Pagsulat :Si Itay Pagbabalangkas ng susulatin tahimik na pagsusulat Pagsusuri sa ginawang sulatin Paglilipat ng ginawang sulatinHuwag mong husgahan ang iba kung away mong husgahanka ng Panginoon. Malikhaing Pagsulat(Theme Writing)Sumulat ng isang sulatin ukol sa paksang Si Itay.1 araw

Mahabang Pagsusulit( Summative Test ) PagsusulitI. Florante at LauraTalasalitaan15Pag-unawa sa binasa..20II. Wika Mga Panghalip.20Pandiwang an/in20Tayutay.15 1 araw

Ikatlong Markahan

1. Naipapakita ang takbo ng buhay ni Florante sa pamamagitan ng Life Line grap.2. Naihahambing ang kabataan ni Florante sa sariling buhay at buhay ng iba.3. Naitatala ang mga aral na natutunan mula sa magulang. Florante at LauraAralin 15: Bugtong na Anak Dugtungang PaglalahadDugtungang ipasalaysay ang buhay ni Florante. Paghahambing Ihambing ang buhay ni Florante sa iyo at sa iba. List all factorsItala ang mga ginawang pagpapalaki ng mga magulang ni Florante.Ang alaala ng kamusmusan ,madadala hanggang sa kinabukasan. Pagsubok1. Life line makingHappy

taonSad

2. Itala ang mga aral na natutunan mo . Punan ang talahanayan sa ibaba.tauhanaralepekto

Obra Maestra: Florante at Laura,pp.110-1162 araw

1. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita at nagagamit ito sa pangungusap.2. Nailalahad ang ibig ipakahulugan ng bawat saknong.3. Nakabubuo ng isangf bukas na liham para sa magulang.Aralin 16: Wastong Pagpapalaki ng Anak Pagbibigay-kahulugan sa mga salita at paggamit sa pangungusap. Pagpapakahulugan sa bawat saknong. PaglalahatAng batang di papaluin,magulang ang paluluhain. Pagsubok( Pasulat )1. Ipaliwanag sa sariling pananalita ang mga piling saknong.2. Open letter Pabuuin ng isang bukas na liham ang mga estudyante para sa isang panawagan sa mga magulang na nakalimutan ang tungkulin sa anak.

Obra Maestra: Florante at Laura,pp.117-1242 araw

1. Nailalarawan ang katangian ng mga tauhan .2. Nakapagbibigay ng reaksyon hinggil sa binasang akda.3. Naiuugnay sa ibang akda ang nasabing eksena .

Aralin 17 : Balatkayo Sabayang pagbasa sa tula Paglalapat ng himig sa tula Pagtalakay sa nilalaman ng tula at palitang- kuro Pag-uugnay sa ibang akda paghihinuhaWalang lihim na hindi nabubunyag . Pagsubok I. Paghambingin si Adolfo at Cain at tukuyin kung ano ang pinagmulan ng kanilang kasamaan.

Tauhan

katangianginawa

Adolfo

Cain

paglalahat

II. Life ReflectionMagtala ng mga bagay na maaaring mong magawa sa bayan sakaling ikaw ay nasa tamang edad at pagkakataon.

Obra Maestra: Florante at Laura,pp.125-1292 araw

1. Natutukoy ang trahedyang nakapaloob sa akda.2. Nakabubuo ng balita batay sa trahedyang naganap sa akda.3. Nakasusunod sa mga pamantayan sa pagsulat ng balita.Aralin 18 : Dalawang Trahedya Tahimik na pagbasa sa tula Pagpapakahulugan sa tula Pagtukoy sa trahedyang nasa tula Pagtalakay sa pamantayan sa pagsulat ng balitaKatatagan ay isaisip nang pagsubok ay malampasan natin. Pagsubok( Pagsulat ng balita)Gawan ng balita ang mga kaganapan sa binasang tula.Obra Maestra: Florante at Laura,pp.135-1412 araw

1. Nailalarawan ang mga kaganapan sa akda.2. Naiuugnay sa totoong buhay ang mga payo ng guro ni Florante.3. Naitatala ang mga payong natutunan mula sa magulang ,kapatid at kaibigan at ang naging bunga nito.Aralin 19: Mga Payo ng Guro Pagtalakay sa akda-tauhan-kaganapan-aral Pag-uugnay sa totoong buhay PaglalahatMga payo ay limiing mabuti nang buhay mo ay di masawi. PagsubokI. Itala ang mga payong natanggap mo at sabihin kung ano ang ibinunga nito.

nagpayoipinayoBunga/resulta

Obra Maestra: Florante at Laura,pp.142-1482 araw

1. Nailalarawan ang kalagayan ng Krotona.2. Naiuugnay ang mga kaganapan sa tunay na buhay.3. Nakabubuo ng iskrap book hinggil sa bunga ng digmaan sa bansa.Aralin 20: Nanganganib ang Krotona Pagtalakay sa akda tauhan mga kaganapan paksa Pag-uugnay PaglalahatAng maniwala sa sabi-sabi ay walang bait na sarili. Malikhaing Gawain(Paggwa ng Iskrap Book)Gumawa ng iskrap book ukol sa pangit o di magandang bunga ng digmaan.Obra Maestra: Florante at Laura,pp.149-1553 araw

1. Natutukoy ang paksa ng akda.2. Nakasusulat ng isang anunsyo .3. Nakapagpapakita ng maikling dula-dulaan na may kaugnayan sa paksa.Aralin 21: Si Laura, ang Venus Paglalapat ng himig sa tula at pag-awit nito Sabayang Pagbasa sa tula Pagtalakay sa mga kaganapan sa tula Pag-uugnay ng tula sa totoong buhay paglalahatMainam ang kagandahang may taglay na busilak na puso at dalisay na pagsuyo. PagsubokI. Paggawa ng anunsyoSumulat ng isang anunsyo hinggil sa gagawing dula.II. PagsasadulaMaghanda ng maikling dula-dulaan na may kaugnayan sa paksa.

Obra Maestra: Florante at Laura,pp.157-1623 araw

1. Nakikilala ang pandiwa at ang pokus nito.2. Nababanghay ng tama ang mga pandiwa ayon sa hinihingi ng pangungusap.3. Natutukoy kung anong pokus ng pandiwa ang mga salita. Pandiwa Pokus ng Pandiwa Pagbibigay ng pangungusap Pagbalik-aral sa bahagi ng pangungusap Pagtukoy sa pandiwang ginamit Pagtalakay sa pandiwa at pokus nito pagbibigay -halimbawaWastong pandiwa ay gamitin nang mensahe ay mahusay na maiparating. PagsubokI. Kilalanin kung anong pokus ng pandiwa ang ss:1. sumulat2. nilusob3. pinagbilaran4. naghabulan5. kinumutanII. Banghayain ang salita ayon sa hinihingisalitaaktorlayonganapan

kita

luto

tago

Pluma II, pp.3 araw

1. Nakikilala ang pang-uri.2. Nababanghay ang pang-uri ayon sa kaantasan nito.3. Nagagamit ng wasto ang pang-uri sa pangungusap.4. Pang-uri Kaantasan ng pang-uri Pagpapakita ng larawan Pagtukoy sa katangian ng larawan Pagtalakay sa Pang-uri at kaantasan nito pagbibigay-halimbawa Pagbabanghay ng pang-uriAng sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. PagsubokI. Salungguhitan ang pang-uri at sabihin kung anong kaantasan ito.1. Si Mirasol ay ubod ng ganda.2. Nahulog sa hagdang bulok si Ben.3. Pagkaputi-puti ng damit mo.II. Bumuo ng limangpangungusap na may mga pang-uri.Salungguhitan ang pang-uring ginamit.Pluma II,pp.2 araw

1. Nakikila ang pang-abay at ang uri nito.2. Natutukoy ang kaibhan ng pang-uri sa pang-abay.3. Nakasusulat ng mahusay na paglalarawan gamit ang mga pang-uri at pang-abay. Pang-abay Uri ng Pang-abay Kaibhan ng Pang-uri at Pang-abay Action gamePahulaan kung ano ang ginagawa at ipalarawan ito sa klase. PagtalakayMula sa pangungusap ay talakayin ang pang-abay. Paghambingin ang pang-uri at pang-abay PaglalahatPaglalarawan ay gawing totoo nang hindi magkasala sa tao. PagsubokI.Tukuyin kung a Pang-uri o pang-abay ang sumusunod:1. Masarap kausap si Lorna.2. Mahina kung kumilos ang matanda.3. Tunay na magaling ka nga.II.Sumulat ng talatang naglalarawan gamit ang mga pang-uri at pang-abay.Pluma II,pp.2 araw

1. Nailalarawan ang mga kaganapan sa kwentong Sa Dulo man ng Daigdig..2. Naiuugnay sa totoong buhay ang aral ng akda.3. Nakaguguhit ng isang bagay na sumisimbolo sa magulang at naipaliliwanag ito sa klase.4. Nakikilala ang mga pangatnig at nagagamit ito ng wasto. Sa Dulo man ng Daigdig

Pangatnig Pagbasa ng Kwento Pagtalakay sa kwentoMga tauhanKaganapanPaksa/aral Pag-uugnay sa buhay Pagtalakay sa pangatnig at gamit nitoAng pagmamahal ng magulang ay hindi kailanman maapaparam. PagsubokI. Suriin ang kwento.Sagutin ang ss:Pamagat:______Tagpuan:______Mga Tauhan:_______Paksa:___________Simula:____________ Suliranin:___________ Wakas:_____________ Kalagayang panlipunan: Reaksyon : _________________________________II. Draw and TellAno sa buhay mo ang iyong magulang.Iguhit ito at ipaliwanag .Gamitin ang mga pangatnig sa paglalarawan.

Pluma II, PP.

Filipino sa Bagong Henerasyon II (3RD Edition ),pp. 157-1603 araw

1. Nasasagot ang mga katanungang inihanda ng guro.2. Nakasusunod sa mga panuto. Mahabang Pagsusulit( Sumamative Test) Florante at LauraTalasalitaan..15Pag-unawa sa binasa-15 WikaPokus ng pandiwa.20Pang-uri20Pang-abay..201 araw

Huling Markahan

1. Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga salita.2. Naihahanay ang mga tiyak na pangyayari sa akda sa mga aktwal na pangyayari sa bansa.3. Nakakaguhit ng simbolismo ukol sa kapayapaan. Aralin 22: Paghahanda sa Pakikidigma Talasalitaan Pagtalakay sa mga tauhan, nilalaman, kaisipan Paghahambing Paghahanay ng mga pangyayari pagsisino ng mga huwarang lider sa bansaAng kapayaan ay mas mainam na daan tungo sa kaunlaran. PagsubokI. Punan ng tamang impormasyon ang talahanayan.Liderkatangiannagawa

II. Gumit ng isang bagay na sumisimbolo sa kapayapaan.Sundin ang mga pamantayan ukol ditto.Paglalapat ng sining20Mensahe20Kalinisan at kaayusan..10 t otal..50

Florante at Laura,pp. 165-1693

1. Natutukoy ang pagkamakatotohanan ng akda.2. Nakapagmumungkahi ng ibat ibang paraan sa ikapagtatagumpay gn isang gawain. Aralin 23: Unang Pakikidigma Sabayang Pagbasa sa tula Pagtalakay sa tula Palitang-kuro Pag-uugnay sa totoong buhayAng pakikipaglaban ay tanda ng kagitingan lalo pat ito ay para sa bayan. Pagsubok: Pag-aralan ang sanhi at bunga ng mga karahasan sa pagitan ng mga rebelled at pamahalaan.

NaglalabansanhiBunga

Suhestyon:

Florante at Laura,pp. 171-1752

1. Naiisa-isa ang bunga ng inggit kay Adolfo.2. Naihahambing si Florante sa iba pang bayani ng ating bansa.3. Nakasusulat ng malayang tula para sa bayan. Aralin 24: Pagligtas sa Albanya Pagbasa ng tula Pagtukoy sa bunga ng inggit kay Adolfo Pag-uugnay sa iba pang akda Paghahambing kay Folrante sa iba pang bayani sa bayan.Ang inggit ay nagkakait ng ligaya sa taong may dalit. Pagsubok: PasulatGumawa ng isang tulang may malayang taludturan na nagpapahayag ng pagmamamahal sa bayan. ( 2 saknong lamang)

Paghambingin si Florante at Jose Rizal gamit ang Venn diagramFlorante at Laura,pp. 177-1823

1. Naipapaliwanag ang piling pariralang hango sa tulang pasalaysay.2. Nailalarawan ang mga kaganapan sa akda.3. Naiuugnay ang mga ito sa totoong buhay.4. Nakabubuo ng isang islogan tungkol sa katapatan. Aralin 25: Kataksilan ni Adolfo Paghahawan ng sagabal Pagtalakay akda tauhan paksa mga kaganapan aral Pag-uugnay sa buhay PaglalahatKataksilan ay iwasan, dulot nito ay kasamaan. Pagsubok: Pagbubuo ng isloganBumuo ng isang islogan tungkol sa kahalagahan ng katapatan. Sundin ang pamantayan sa paggawa ng islogan.

Florante at Laura,pp. 184-1902

1. Naihahambing ang katangian ni Florante at Aladin bilang anak, mangingibig, mandirigma.2. Nakikilala ang mga batas ukol sa karapatan ng mga kabataan.3. Nakapaglalahad ng paraan ng pagpaparaya. Aralin 26: Masakit na Pagpaparaya Tahimik na pagbasa Pagpapayaman sa teksto Pagtatala ng mga ideya ng pagpaparaya Pag-uuganay ( Rights of a Child)Kung handa ka ng magmahal, handa ka na ring masaktan. Malikhaing Gawain: CompilationGumawa ng compilation ng Child Abuse at magbigay ng reaksyon ukol dito. Paghambingin sina Florante at Aladin

paghahambing

FloranteAladin

Anak

Mangingibig

Mandirigma

Florante at Laura,pp.199-204

2

1. Naisasadula ang ginawang pagliligtas ni Florida sa buhay ni Aladin hanggang sa pagtakas sa kasal nina Sultan Ali Adab.2. Nahahawan ang mga simbolismong ginamit sa akda.3. Naiisa-isa ang kahalagahan ng wagas na pag-ibig. Aralin 27: Dakilang Pag-ibig Sagutang pagbasa sa tula Paglalapat ng himig sa tula Pagtalakay sa mga kaganapang napapaloob sa tula Pagtalakay sa kahalaghahan ng wagas na pag-ibig Paglalahat

Ang wagas na pag-ibig ay kabutihan ang ibig. Malikhaing GawainI. Pangkatin ang klase sa 4.Ipasadula ang pagliligtas ni Florida sa buhay ni Aladin. Pagsubok na pasulatIbigay ang sinisimbolo ng bawat isa1. Laura2. Florante3. gubat4. Menandro5. Flerida6. AdolfoFlorante at Laura,pp.199-2044

1. Nailalahad ng maayos ang mga kaisipang natutunan sa tula.2. Nabibigyan ng sariling wakas ang akdang Florante at Laura.3. Naiisa-isa ang mga aral na nakapaloob sa akdang Florante at Laura.4. Nasusuri ang kabuuan ng akda. Aralin 28: Tagumpay at Kaligayahan Balik-aral sa mga nakaraang kaganapan sa akda Sagutang pagbasa sa akda Pagtalakay sa huling bahagi ng akda Paghahawan ng kaisipang nakapaloob sa akda PaglalahatAng tagumpay ay makakamit kung ang adhikain ay para sa ikaliligaya ng nakararami. Pagsubok: Gawan ng sariling wakas ang sumusunod:tauhanwakas

Laura

Florante

Adolfo

Flerida

LInceo

briseo

Suriin ang akdang Florante at Laura.Tagpuan :Mga tauhan:Social isues:Moral issues:Reaction

Florante at Laura,pp.2054

1. Nabibigyang-kahulugan ang talaarawan.2. Nakabubuo at nakasusulat ng sariling talaarawan.3. Nakasusunod sa mga panuntunan sa pagsulat ng talaarawan. Pagsulat ng Talaarawan Pagbasa ng seleksyon Pagsusuri sa binasang seleksyon Pagtalakay sa katangian ng talaarawan paglalahatAng karanasan ay kadluan ng kaalamang napag-aaralan. Malikhaing Gawain: Paggawa ng talaarawan

Bunuo ng isang talaarawan.Pagandahin ito at kulayan. Pagkatapos ay sulatan ito ng 1 linggong karanasan.

Sandigan II, p 2062

1. Nakikilala ang ibat ibang bahagi ng liham.2. Natutukoy ang kaibhan ng liham-pangkaibigan sa liham pangngangalakal.3. Naiisa-isa ang mga uri nito.4. Nakabubuo ng ibat ibang liham.

Pagsulat ng Lihama. Liham-pangkaibiganb. Liham-Pangkalakal Pagbasa ng isang liham Pagtalakay sa katangian nito paghahambing ng liham-pangkaibigan sa liham-pangangalakal Pagtalakay sa ibat ibang uri ng liham Pagsusuri sa mga hulwarang liham Paglalahat

Ang mga bagay na di masabi sa harapang pag-uusap ay maihahatid sa liham na isusulat. Pagsubok: PasulatBumuo ng liham paanya ( Pangkaibigan at Pangkakalal)

Sandigan II,pp. 216-2183

1. Nakapagbibigay ng direksyon sa kaklase.2. Nakasusunod sa mga direksyong inihanda ng guro.3. Nakapagpapakita ng isang demo sa klase na may kinalaman sa pagsunod ng direksyon. Pagbibigay ng Direksyon (Laro ) Magpalaro sa klase gamit ang pagsunod sa panuto. Pagtalakay sa paksang pagsunod sa panuto Pagbibigay-halaga sa pagsunod sa panuto at pag-uugnay sa buhay PaglalahatPanuto ay sundin nang hindi mapariwara ang buhay natin. Pagsubok: Paggawa ng Sketch Gawan ng krokis o sketch ang daan patungo sa inyong bahay. DemoMaghanda ng isang demonstration sa harap ng klase kung saan ay makasusunod sila sa panuto.Sandigan II,pp. 242-2433

1. Nakapagsasalin ng isang awitin.2. Naisaalang-alang ang mga pamantayan sa pagsasalin.3. Naipaparinig sa klase ang ginawang pagsasalin sa kanta. Pagsasaling-wika Pagbibigay ng isang kasabihan at pagpapasalin nito sa klase Pagtalakay sa pagsasaling-wika Pagsasalin ayon sa denotasyon at konotasyon Pagsasanay paglalahatWastong pagsasalin ay gawin nang wastong ideya ay maiparating natin. Pagsubok:pasulatIsalin ang sumusunod:1. She had a hard life.2. He likes hard coffee.3. Im your die hard fan.4. You are very hard headed. Saling kantaPumili ng isang awitin at isalin ito sa Filipino.Maghanda para sa pagpaparinig nito sa klase.

Sandigan II, pp. 266-2672

1. Nakasasagot sa mga katanungan ng guro.2. Nakasusunod sa mga panuto. Mahabang Pagsusulit ( Summative Test ) I. Florante at Laura35II. Wika ..40 751

Inihanda ni Bb. Elsie Tee- BaternaPetsa: Disyembre 17, 2010