pagsusulat.docx

10
Pagsusulat Kahulugan ng Pagsusulat - Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha at makagawa ng maayos na sulatin - Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinigay na opinion Kahalagahan ng Pagsulat - Nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao sa iba’ ibang lugar at sa iba’t ibang panahon - Ang ating kultura ay napananatiling buhay Layunin ng Pagsusulat - Pansariling pagpapahayg o ekspresiv o pagsulat ng mga bagay na nakikita, naririnig o nababasa o nagpapahayag ng nararamdaman at nasasalobb ng mga tao o kinapapalooban ng sariling karanasan at pala-palagay ng manunulat o hal. Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at mapa o diagram - Pagpapahayag na impormasyon o transaksyunal o Pagsulat na nais magpaabot ng mensahe, balita, magpaliwanag, magpayo o makiusap o May istilong dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa target niyang mambabasa o Hal. Liham, mermorandum, reviewer, riserts, komentaryo, kritiko, ulat, report, poster o slogan at sanaysay - Malikhain pagsususlat o Sa tulong ng imahinasyon nagagawang ilarawan ng manunulat ang lipunang kanyang ginagalawan o May spat na lakas ang mga salita upang ipadama sa mga mambabasa ang gusting ipahatid ng manunulat Mga Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin 1. Tapik o Paksa – kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang sulatin. Ang mga kaalaman o impormasyon ay maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal at iba pa. 2. Layunin – dapat na malinawsa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya nagsususlat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay nang malaki sa layunin. 3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagulat. Kung minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag nagsulat siya ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao. Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan, ano ang maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pang-unawa at anong uri ng wika ang angkop na gamitin. 4. Wika – ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang maaaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon. 5. Konbensyon – dapat isa-alang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat. 6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip – ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lokhika upang makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa kawiling-wiling paglalahad; kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling pagpapasiya at iba pa. 7. Kasanayan sa Pagbubuo – isa sa mga tunguhin ng manunulat ang makabuo nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang detalya. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal na mailalahad ang pagkasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamitng mga angkop na pang-uugnay. 8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga – dapat isaalang-alang ang mga pagpapahalagang pinanananaligan ng isang manunulat at handa siyang panindigan ang mga ito. Binibigyang pansin niya sa pagsulat ang mga sumusunod: a. Ano ang mahalaga sa paksa? b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat? c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa sumusulat? d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin? 9. Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulat a. Manunulat – nagpapadala ng mensahe naencoder kung tawagin

Upload: diana-her

Post on 08-Nov-2014

309 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

pagsusulat tungkol sa mga walang kwentang bagay

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsusulat.docx

PagsusulatKahulugan ng Pagsusulat

- Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha at makagawa ng maayos na sulatin- Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinigay na opinion

Kahalagahan ng Pagsulat- Nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao sa iba’ ibang lugar at sa iba’t ibang panahon- Ang ating kultura ay napananatiling buhay

Layunin ng Pagsusulat- Pansariling pagpapahayg o ekspresiv

o pagsulat ng mga bagay na nakikita, naririnig o nababasao nagpapahayag ng nararamdaman at nasasalobb ng mga taoo kinapapalooban ng sariling karanasan at pala-palagay ng manunulato hal. Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at mapa o diagram

- Pagpapahayag na impormasyon o transaksyunalo Pagsulat na nais magpaabot ng mensahe, balita, magpaliwanag, magpayo o makiusapo May istilong dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa target niyang mambabasao Hal. Liham, mermorandum, reviewer, riserts, komentaryo, kritiko, ulat, report, poster o slogan at sanaysay

- Malikhain pagsususlato Sa tulong ng imahinasyon nagagawang ilarawan ng manunulat ang lipunang kanyang ginagalawano May spat na lakas ang mga salita upang ipadama sa mga mambabasa ang gusting ipahatid ng manunulat

Mga Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin1. Tapik o Paksa – kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang sulatin. Ang mga kaalaman o impormasyon ay maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal at iba pa.2. Layunin – dapat na malinawsa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya nagsususlat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay

nakabatay nang malaki sa layunin.3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagulat. Kung minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa,

kapag nagsulat siya ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao. Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan, ano ang maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pang-unawa at anong uri ng wika ang angkop na gamitin.

4. Wika – ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang maaaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.5. Konbensyon – dapat isa-alang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat.6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip – ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan

niya kung alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lokhika upang makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa kawiling-wiling paglalahad; kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling pagpapasiya at iba pa.

7. Kasanayan sa Pagbubuo – isa sa mga tunguhin ng manunulat ang makabuo nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang detalya. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal na mailalahad ang pagkasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamitng mga angkop na pang-uugnay.

8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga – dapat isaalang-alang ang mga pagpapahalagang pinanananaligan ng isang manunulat at handa siyang panindigan ang mga ito. Binibigyang pansin niya sa pagsulat ang mga sumusunod:

a. Ano ang mahalaga sa paksa?b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat?c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa sumusulat?d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin?

9. Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulata. Manunulat – nagpapadala ng mensahe naencoder kung tawaginb. Teksto – nakasatitik na mensahe na pinuprodyus ng manunulatc. Mambabasa – nag-iinterpreta at ang umiintindi sa teksto ng decoder naman kung tawagin

I. Proseso ng Pagsususlata. Imbensyon o Pag-asinta – paglikha ng iyong paksa

i. Brainstorming – paglalahad ng mga ideya sa papel upang maibigay ang posibleng maging paksa. ii. Paglilista – paglista ng mgaideyang ikaw ay interesadong gawin

iii. Klaster – pagmamapa ng mga ideyab. Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa

i. Pangangalap ng mga ideyaii. Paghahanap at pagsususri ng mga pananaliksik

iii. Pagsasagawa ng interbyu

Page 2: Pagsusulat.docx

iv. Maari ring mabuo rito ang paksac. Pala-Palagay

i. Habang wala pang tiyak nabalangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulatii. Iisa-isahin ng manunulatang sanhi at bunga ng pangyayari habang nag-iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili

iii. Nakararamdamng pagkabalisa ang manunulatsa yugtong ito dahilpatuloy siyang naghahanap ng kasagutan sa kaanyang mga tanong at maaaro pang biglang sumulpot ang iba pang tanongiv. Kadalasan, itoang pinakamahabang bahagi ssa prroseso ng pagsulat a.k.a Incubation Period

d. Pag-oorganisa – paglalahad ng mga impormasyon sa isang balangkasi. Balangkas – maituturing na pinakakalansay ng isang sulatin. Lubha itong mahalaga upang maiwasan ang paglayo sa pagtalakay sa isang paksang napili. May dalawang klase ang pagbabalangakas: (1)

Pangungusap na Balangkas – nakatuon sa mga makadiwang pangungusap na siyang kumakatawan sa mahalagang bahagi ng isang sulatin at (2) talatang balangkas – nakapokus sa mgapinag-uugnay-ugnay na mga kaisipan, ayon sa pagkakasunud-sunod.

1. Introduksyona. Pangganyakb. Paglalahad ng Tesis

2. Katawana. Paglalahad ng mga Puntob. Paglinang ng mga ideyac. Pantulong sa pangunahing Katwiran

3. Kongklusyona. Muling-pagdidiin sa pangunahing ideya

ii. Pagsasaayos ng mga Datos 1. Dalawang Uri ng Mapagkukunan ng mga Datos:

a. Pangunahing Datos – Nagmumula ang mga impormasyon sa mga indibidwal na tao, mga akdang pamapanitikan, mga pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento at iba pang orhinal na talaan.

b. Sekondaryang Datos – Kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito, ensayklopidya, tesis, disertasyon, magazine, pahayagan at iba pang aklat na naisulat ng mga awtor.2. Tatlong istratehiya sa paghahalo ng sariling pag-aaral sa pinagkunang material

a. Direktang Sipi – eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang direkta, salita-sa-salita, mula sa sanggunian. Ginagamit ito ng mananaliksik kapag nais niyang:i. Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argument

ii. Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng awtoriii. Bigyang-diin particular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o sipiiv. Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista

b. Parapreys o Hawig – pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit ng sanggunian gamit ang sariling pangungusap. Ginagawa ang pagpaparapreys kapag:i. Nais gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard at umiwas sa panggagaya o pangongopya

ii. Nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipiiii. Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon

c. Sinopsis o Buod – pinagsama-sama ang pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang sariling pangungusap. Mas maikli ito kaysa sa orihinal at naglalaman ng kabuuang kaisipan ng pinagkunang material. Gumagawa ng synopsis kapag:

i. Nais magbigay ng bakgrawnd at pananaw hinggil sa isang paksaii. Nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa nais na determina ang pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto

e. Pagsulat ng Burador Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong sulatin. Humanap ng komportableng lugar ng pagsusulatan. Iwasan ang distraksyon o abala Magpahinga Ang mga Paraan sa Pagpapalabas ng Ideya:

o Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagdadaglat, pagguhit, pagsipi. Masusundan dito ang pagkakasunund-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga detaly tungkol sa paksa kapag magsususlat.

o Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito. Malawak nilang titingnan ang paksa sa iba’t ibang anggulo at ang kaligiran ng usapin. Ang mga potensyal na opinion ang bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga hakbangin para marating ang mapagkakasunduang layunin.

o Malayang Pagsulat –pamamaraan itong kung ano ang basta lumabas na ideya sa isip ay isinusulat. Huwag munang maging mapaghatol sa isinusulat. Huwag magwawasto. Pabayaang malayang dumaloy ang isipan nang walang anumang pagkontrol,sa gayon, maging ang mga di-inaasahang nakabaong ideya ay lumitaw.

o Pamamaraang Tanong-Sagot – Tinatanong ang sarili tungkol sa paksa at tiyak makakaipon ng laksang impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan at ang mga ito’y pinagsunud-sunod at pinag-ugnay-ugnay. Napapalalim nito ang pag-unawa sa paksa at nakapagbibigay ng mga kawili-wiling kaisipang maisususlat.

f. Pagrerebisa – muling pagsusuri sa mga ideya

Page 3: Pagsusulat.docx

i. Ribyu ng Higher-order na tuon:1. Malinaw na pagpapahayag ng mga ideya2. Organisasyon ng Sulatin3. Istraktura ng mga talata4. Matibay na introduksyon at kongklusyon

g. Proofreading o Pagwawastong-Basa - binbasa ulit ito upang Makita ang mga mali sa ispeling, sa gramatikaat paggamit ng salita, pati na rin ang daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon

i. Ribyu ng later-order na tuon:1. Ispeling2. Bantas3. Istraktura ng mga pangungusap4. Istilo ng Dokumentasyon

ii. Wastong Paggamit ng mga Bantas:1. Tuldok (.)

a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay, pakiusap at pautos ng mga pangangausapb. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita. Hal. Editor –Ed. Pahina – ph.

2. Tandang Pananong (?) - Ginagamit itong panapos sa mga pangungusap na patanong3. Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!)

a. Pangungusap na padamdamb. Ekspresyong padamdam

4. Kuwit o Koma (,)a. Pagitan ng petsa ng buwan at taonb. Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsodc. Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigand. Bating panimula ng liham pangkaibigane. Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham pangangalakalf. Paghahanay pahalang ng mga salitag. Magkakasunod na pariralah. Pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahi ng pangungusapi. Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalanj. Pagkatapos ng ngalang panawagk. Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno

5. Tutldok o kolon (:)a. bating panimula ng liham pangangalakalb. pagsulat ng orasc. pagtatala ng iisa-isahing bagayd. pagpapakilala ng tuwirang sipi

6. Kudlit o Apostrofi (‘) – ginagamit sa pag-aangkop ng kataga sa sinusundang salita7. Panaklong o Parentesis ( ) – ginagamit na pangkulong sa mgapinamimiliang salita o parirala8. Panipi o kotasyon (“ “)

a. Diyalogob. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp.c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong talad. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o pangungusap

9. Gitling (-)a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyalb. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang kataga o salita kaya pinag-iisa na lamang na maaaring manatili ang kahulugan kaya’y magkaroon ng ikatloc. Mga magkasalungat na salita na inaalis ang pang-ugnay na atd. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa patinig na inuunlapian ng panlaping nagtatapos sa katinige. Mga pangngalang pantangi na inunlapianf. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o numerog. Fraksyong isinusulat nang pasalitah. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga at ng napangasawa

Page 4: Pagsusulat.docx

i. Paghahati ng salita sa dulo ng linya10. Tuldukuwit (;) – ginagamit sa dalawang malalayang sugnay na hindi pinangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng pang-ugnay11. Elipsis (…) – pagsisipi kung may tinatanggal na salita; (….) – sa huli ng pangungusap o katapusan ng sipi12. Braket ([]) – binago sa isang tuwirang sipi at dito ito ipinaloloob, gayundin, ang kapaliwanagan sa kung ano ang ginawa13. Asteriko (*) – may tinanggal na isa o mhigit pang talata sa isang sinipi, pagkatapos ng isang listahan at pagpapakitang may karagdagang impormasyon nakatalababa o nakfutnowt14. Salungguhit (__) – gamit sa mga pamagat ng aklat, dula, novella, maikling kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng babasahin (dyaryo, magasin, jornal, polyeto at mga programang

panradyo at pantelevisyon); at banyagang salitaTabula ng mga Pananda o Pangmarka sa Pagwawastong-Basa

Page 5: Pagsusulat.docx

h. Pinal na Papel – pagtapos ng masusing pagsusuri ang teknikal na bahagi ng nilalaman, maaari na itong ipasa sa guro o sa iba pang susuri nito

II. Bahagi ng Pagsulata. Titulo o Pamagat

i. Naglalaman ng titulo o pamagat ng papel, panglan ng sumulat, petsa ng pagsulat o pagpasa,iba pang impormasyon tutukuyin ng gurob. Panimula o Introduksyon

i. Karaniwang isinasaad nito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ngpagsulat ng paksa at pambunga na pagtatalakay sa daloy ng papel.ii. Ito ang pinakamukha ng sulatin. Dito hinahatulan, kung magtatagumpay o mabibigo, ang isang katha. Kailangan sa sulyap palamang ng babasa, ito’y kaakit-akit na – nakakapukaw, nakakaganyak,

nakakahatak na ng kuryusidad – para tuluyang titigan, tunghayan hanggang sa ang malay, kung maari pa nga’y pati buhay, ay matangay nang buong kasabikan.iii. Mabibisang Panimula:

1. Pasaklaw na Pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga na detalye. Halimbawa: Balita

2. Pagbubuod – naghahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang tinatalakay3. Pagtatanong –panimulang kalabisan nang ipaliwanag pa4. Tuwirang Sinabi – panimulang karaniwang nakikitang nakapanipi sapagkat mula ito sa tapat na pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad at maari rin naming

karaniwang tao lamang ngunit ang sinabi’y naghahayag ng mahahalagang bagay na magagamit na lundayan sa pinapaksa.5. Panlahat na Pahayag – isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw-

araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.6. Paglalarawan – ang panimulang ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao. Sapagkat nagbibigay, deskripsyon,mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit. 7. Pagkakaligiran – ito naman ang ginagamit na panimuilakung ang binibigyang-larawan ay pook.8. Pagsusumbi – bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na karaniwan nang binubuo ng iisang salita. Masurpresa itong parang suntok kung tumimo sa kuryusidad ng bumabasa.9. Pagsasalungat – Sa panimulang ito, ang binibigyang diin ay ang pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod dito ay mas malaki ang pagkakaiba, mas matindi ang bisa.10. Pagsasalaysay – ang panimulang ito’y anyong malumanay na pagkukuwento.11. Makatawag-pansing Pangungusap – Ito’y isang mapanggittlang panimula dahil di-karaniwang sinasabi o naririnig sa araw-araw ang pamamariralang, ginagamit ditto. 12. Analohiya – Ito ay nagtutulad o nagwawangis.13. Anekdota - isang panimulang nagkukuwento ng maikling istorya para pasiglahin ang babasa o di kaya’y gamiting tularang lundayan ang kaugnayan sa paksang tatalakayin.14. Pagsasalitaan – Ang panimulang ito ay dinaraan sa usapan o diyalogo.

c. Katawani. Matatagpuan na dito ang pangunahing pagtalakay sa paksa- ang pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad.

ii. Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan ng Sulatin1. Pakronolohikal - tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula pinakamatagal hanggang sa kasalukuyan2. Paanggulo – batay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom.3. Paespesyal o Pagaagwat – paglalahad mula sa pinakamalapit o ang alam na alam na paksa hanggang sa pinakamalayo o ang hindi na masyadong alam na paksa4. Paghahambing – isinasaayos nang paseksyon. Unang seksyon ay ang pagkakaiba. Ang pangalawang seksyon ay ang pagkakatulad. Maari rin silang magkapalit.5. Palamang o Pasahol – sinisumulan sa mga bagay munang lalong mahalaga ang binabanggit bago ang di-gaanong mahalago o vice-versa.6. Patiyak o Pasaklaw –isinasaaosa naman ito sa paraang sinasabi muna ang mga particular o definidong detalye bago ang pangkalahatang mga pahayag o vise-versa.7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan ito sa mga bagay na komplikadokasunod ang mga bagay na simple o vice-versa.

d. Konklusyon o Wakasi. Nakasaad naman sa bahaging ito ang mahahalagang puntos ng papel. Inilalahad din ang napatunayan o napagalaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa

pananaliksik.ii. Dito makikita ang kabuuan ng sulatin.

iii. Mabisang Pangwakas:1. Tuwirang Sinabi2. Panlahat na Pahayag3. Pagbubuod4. Pagpapahiwatig ng Aksyon5. Mahalagang Insidente6. Pagtatanong7. Pagsisipi

III. Mga Pamantayang Dapat Sundin sa Pagsusulata. Kailangan ang kaisahan, kaugnayan, kawilihan at wastong pagbigay-diin sa pahayag.b. Kailangang malinaw, makatwiran at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan.

Page 6: Pagsusulat.docx

c. Kailangan maingat ang susulat sapagkat ang anuman kamalian ay nakikita ng bumabasa.d. Kailangang may sapat na kaalaman sa wika, gramatika at retorika.e. Dapat na may lubos na kabatiran sa mga mekanismo sa pagsusulat gaya ng: pagbabaybay, pagbabantas, paggamit ng malaking titik, paggamit ng italika, pagsulat ng tambilang at papapaikli ng mga salita at talata.

i. Talataan – lipon ng mga pangungusap na paunlad na binubuo at nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. Ang isang talat o magkakasunod na talata ng isang akda ay may kaisahan, kaugnayan at kaanyuan.

1. Kaisahan: Upang matawag na talata ang pangkat ng mgga pangungusap, kailangang ito’y umikot sa iisang pangkalahatang ideya. Kailangang may pangungusap na pampaksana siyang nagsisilbing giya o patnubay sa pagbuo ng susuportang mga pangungusap.

2. Kaugnayan: Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloyng diwa buhat sa simula hanggang sa dulo ng pahayag. Kailangan nakaayos sa pagkakahanay ang mga pangyayari o ang diwang ipinahayag upang maging maliwanag ang pagkakaugnay.

a. Pamantayan sa Kaugnayani. Paggamit ng tradisyonal na mga salitao mga pangatnig gaya ng: at, kapag, disin sana, dahil sa, sapagkat, ngunit, bagaman, samantala, ngunit, bagaman, samantala,

anupa’t,kung gayon, samakatuwid, gayon pa man, sa kabila noon at marami pang iba.b. Paggamit ng Panghalip

i. Kung pangngalan ang ginamit sa unang pangungusap o sugnay, panghalip ang maaringg gamiting kahilili ng pangalang nabangit. Sa mga sumusunod na pangungusap. Ginagawa ito upang hindi ulit-ulitin ang atensyon ng bumabasa ay magbalik sa tinutukoy na panghalip.

c. Pag-uulit ng Salita upang Magbigay-diin at Mag-ugnay-diwad. Paralelismo o Paggamit ng Magkakatulad na Balangkas Panggramatika

3. Kaanyuan o Kabuuan: Ang mabuting talata ay naglalaman ng kumpletong kaisipan. May pagbigay-katuturan, paliwanag, pangangatwiran, at patotoo. Gumagamit ng ilustrasyon, halimbawa, pagwawangis, pagtuttulad at pag-iiba, pagsususuri, mungkahi, tagubilin, talinghaga, mahahalagang sipi at iba pang pamamaraan upang maging buo o ganap. Ang isang akda ay may panimulang talata, makakapanunod na talata (Transitory) at may pangwakas na talata.

IV. Mga Anyo ng Pagsulata. Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon

i. Layuning bigyang-paliwanag ang paksa, kasysa sa bigyan-panlunas, para Makita at mapakilalang mabuti ang particular na bagay na tinatalakay sa pamamagitan ng mgapruweba’t patunay, sa gayon, malinawan at maintindihan nang walang pagpapasubali ang pinagmamatuwirang posisyon o pahayag.

ii. Isang pahayag na mapagtatalunanb. Anyong Klasipikasyon o Pag-uuri-uri

Pinararaan ang mga ito sa iba-ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang pinakabasehang magagawa kundi ang paghahanap na kategorya na napagsama-sama ang mga bagay na maaaring magkakahiwalay at mapagbubuklud-buklod ang mgamagkakaiba.

c. Anyong Pagsusuri o AnalisisIsang pagtataya sa nilalaman ng akda angpagsusuri. Dalawang importanteng gampanin ang kailangan isakatupara: una, pagmamasid at pangalawa, pasulat ng mganaobserbahan. Ang pagsulat sa anyong pagsusuri ay hindi lamang isang pag-uulat ng mga naobsrebahan kundi isang kasanayan sa pagmamasid.

d. Anyong PasalaysayPagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod ng isang pangyayari, mga tauhan at may tagpuan. Halimbawa: maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathangisip.

e. Anyong PaglalarawanPagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto nga mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.

f. Anyong PanghihikayatPagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat. Halimbawa: adbertisment at sanaysay.

g. Anyong EksposisyonPagpapahayag na may tungkuling ipaliwanag ang pangyayari, opinion, kabatiran at mga kaisipan.

h. Anyong EkspresyonPagpapahayag ng saloobin para mapagaan ang loob bilang isang positibong pagbuhos ng emosyon.

i. Anyong RefleksyonNilalaman ang sarili ng distansya at inilalagay sa perpektibong malinaw na masukat ang sariling pagkatao. Tinutuklas ditto ang kahalagahan ng mga karanasang nagdaan at ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan sa buhay.

j. Anyong Direksyon o PanutoNaipapakita ng manunulat ang kanyang pag-intindi sa mga mambabasa, gayundin, naipasusunod niya ang tamang pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa proseso ayon sa mga tuntuning dapat gabayin.

V. Mga Uri ng Pagsulata. Akademik – formal ang istraktura. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya. Kadalasang seyoso, nakabatay sa sinaliksik na kaalaman. Ang pagbuo ng

ganitong uri ng kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Ang mga pamanahaunang-papel, tesis, disertasyon, suring-basa,panunuring pampanitikan, malikhaing pagsulat oanumang sulating may [aksang pag-akademik ay nabibilang sa uring ito.

b. Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan gaya ng balita, editorial, lathalain at mga balitang isports ay halimbawa ng jornalistik na pagsulat.c. Teknikal – panglibrong pang-akademiko

Page 7: Pagsusulat.docx

d. Referensyal – Ang pagtatala ng mga sangguiniang gagamitin ay nakatutulong nang malaki sa pagpapadali ng gagawing pagsulat. Maaring ang mga ito’y mulasa mga aklat, pahayagan,magazine, on-layn sorses, diksyunaryo, jornal, tesis at disertasyon.

VI. Uri ng SulatinA. Malikhain- angtawag sagenreng may kaugnay sa malikhaing pagsusulat. Ito ay may dalwang uri:

1) Tuluyan o komposisyong nagsasalaysay ng watong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na lagi nang may tauhan, tagpuan atpaksa. May iba’t ibang uri ito:a. Maikling kwento-isang akdang nagsasalaysay ng mga pangyayari na kadalasan nang may suliraning nilulutas ng pangunahing tauhan, may tagpuan, kasukdulan at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Nababasa sa sangdaling panahan lamang.i. Kwento ng Katutubong Buhay – ang binibigyang pagpapahalaga ay ang tungkolsa uri ng pamumuhay, kapaligiran, hanapbuhay at pananamit

ii. Kwento ng Madulang Pangyayari – ang mga kapana-panabik na pangyayari na nakapagbabago sa katauhan ng tauhan ang binibigyang linaw sa nasabing kuwentoiii. Kuwento ng Pakikipagsapalaran – ang matinding interes at kawilihan ay nasa balangkas at walasa mga tauhang nagbibigay kulay sa kuwento.iv. Kuwentong Kababalaghan – ang mga di-kapani-paniwalang pangyayari at ang katatakutan ang nilalaman ng kwento.v. Kuwento ng Tauhan – ang interes nito ay nakasalalay sa pangunahing tauhanvi. Kuwento ng Sikolohiya – mangilan-ngilan lamang ang sumusulat ng kuwentong ito sa kadahilanang may kahirapan ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang higit na kakailanganin ay maipadam sa mga

bumabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.vii. Kuwento ng Katatawanan – ang magpatawa at bigyang aliw ang mga bumabasa ang tanging layunin ng nasabing kuwento.

b. |Nobela- isang akdang naiiba, higit na marami ang mga tauhan, may masalimuot na mga pangyayari at may kahabaan ang sakop na panahon. Kadalasang nahahati sa mga kabanata.i. Nobela ng Pangyayari – ang mahalagang kinakatawan ay ang pagkakasulat o pagkakagawa ng nasa pangyayari ng nobela

ii. Nobela ng Tauhan – ang kahalagahan ay ang pangunahing tauhan at hangarin ng mga tauhaniii. Nobela ng Romansa- ang binibigyang halaga rito ay ang pag-iibiganiv. Nobela ng Pagbabago – ang mga ibig manyaring pagbabago sa lipunan o pamahalaan na kanyang kinabibilangan ang hangad ng may-akda.v. Nobela ng Kasaysayan – ang binibigyang halaga ng may-akda ay ang kasaysayan n gating pinagmulan at ang paglalarawan ng mga bayaning may malaking ambag sa pagtatanggol sa bayan.

c. Talambuhay- isang akdang nagsasalaysay tungkol sabuhay na pinagdaanan ng isang kilalang tao.d. Dula- isang uri ng akda na nagsisimula sa tula o sa tuluyang pagnugnusap na naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga tauhang tumutupad upang itanghal sa dulaan. e. Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na karaniwang kakatwa, maikli, subalit nag-iiwan ng aral.f. Talaarawan- isang kalipunan ng mga salaysay opangyayaring naranasan ng mayakda.g. Sanaysay- ito ay isang akdang tumatalakay sa isang mahalaga aat napapanahong usapin sa lipunan.Malawak ang saklaw nito dahil anumang bagay tungkol sa pagbabagong ekonomika, pulitika, sosyal, kultural at

maging personal ay maaaring talakayin.h. Talumpati- isang akdang pasalita na naglalayong talakayin ang isang napapanahong isyu sa lipunan.i. Pabula-ang mga karakter ay mga hayop, naglalayong gisingin ang isipanng mga bata sa mgapangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali.j. Parabola-mga hango sa bibliya na tulad ng anekdota ay nagbibigay aral sa mga mambabasa.

2) Patula – isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng tiyak na diwa’t damdamin na kaugat sapagkatanaw at pagkaunawa ng makata sa mga karanasan niya sa buhay. Maaaring may sukat o tugma o di kaya’t Malaya.a. Tulang pasalaysay – nag lalarawan ng makhulugang mga tagpo sa buhay

i. Epiko – nagsasalaysay ng mga kabyanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa nga kababalaghan.ii. Awit at korido – may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe at prinsesa. Ang awit ay may sukat na 12

pantig at inaawit nangmabagal sa saliw ng gitara o bandurya samantala, ang korido ay may sukaat na walong pantig at binibigkassa kumpas ng martsa.iii. Balad – Himig na awit dahil ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ito ay na sa mga tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.

b. Tulang Pandamdamin – Nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guniguni ng makata na batay sa karanasan. Karaniwang maikli, likas at medaling maunawaan.

i. Awiting Bayan – karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-asao pamimighati, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.ii. Soneto – May labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.iii. Elehiya – Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.iv. Dalit – Awit ng pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtattaglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.v. Pastoral – naglalayong maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.vi. Oda – nagpapahayag ng papuri, panaghoy o iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na binibilang na pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

c. Tulang Pandulaan – Ang tulang ito’y karaniwang itinatanghal sa isang dulaan o entablado. Ang usapan ng mga gumaganap ay patula.i. Komedya – Ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood. Nagwawakas nang Masaya, ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa

pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpasiya ng damdamin ng manonood.ii. Melodrama –Karaniwang para sa musical, kasama na ng opera, ang sangkap ay malungkot, ngunit aksiya-siya ang katapusa para sa pangunahing tauhan ng dula.iii. Trahedya – Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi opagkwasak ng pangunahing tauhan ng dula.iv. Parsa – naglalayong magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na pangyayaring nakatatawa.v. Saynete – paksa ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

d. Tulang Patnigan – karaniwan ng may pantig ang bawat taludturan at tumatakay sa isang paksang pinagtatalunan.i. Karagatan – batay sa alamat ng sensing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangaring makapang-asawa ang kasintahang mahirap. Ang makakuhkuha ng singsing ay pakakasalan siya.

Page 8: Pagsusulat.docx

ii. Duplo – humahalili sa karagatan, paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain at sa mgakasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang namatayan.

iii. Debate o Balagtasan - isang pagtatagisan ng katuwiran sa anyong pasalita ukol sa isang paksa o usapin pinag-uusapan. Kaiba naman ang balagtasan sa debate bagamat isa ring pagtatalo ngunit ang mga pangangatwiran ditto ay kailangang may sukat at tugma.

B. Teknikal – Ito ay genre na may layuning magbigay ng impormasyon sa anyong transaksyunal, prosidyural, pag-uulat, ekspositori at panghihikayat.a. Transaksyonal – ito ay teknikal na genre na ginagamit sa anumang transaksyon o komunikasyong nangangailangan ng pagtugon o tuwirang sagot. Halimbawa: E-Mail, Liham,Pagbati, imbitasyon, text message at

pakikipanayami. Liham – ito ay pagbibigay ng mensahe o impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat

1. Bahagi ng Liham- pamuhatan, patunguhan ng Sulat, bating panimula o pambungad, ang katawan ng liham at Bating Pangwakas.2. Istilo ng Pagsulat – istilong blak, istilong semi-blak at istilong nakabitin o baligtad3. Uri ng Liham

a. Liham-pangkaibigan – pangangamusta, pasasalamat, paanyaya, pagbati, paghingi ng payo, pakikiramay at paumanhinb. Liham Pangangalakal – pagpapakilala, aplikasyon, pamimili, subskripsyon at pagrereklamo

b. Prosidyural- teknikal na genre na naglalahad ng proseso sa pagsasagawa ng isang bagay o kilos o Gawain. Halimbawa: recipe, pagsunod sa direksyon at panuto.c. Ulat – teknikal na genre na naglalayong magbigay ng impormasyon batay sa isinasagawang pananaliksik o pag-aaral, pagmamasid, pagbabasa, pakikinigg sa paraang pasalit o pasulat. Halimbawa: ulat ng media,

deskriptiv, imbestigasyoon, rebyu at grap o tsart.i. Pagsusulat ng Ulat

1. Kombensyunal na Pamamatnubay – ito ay karaniwang sumasagot sa mga tanong na: sino, ano, bakit, kalian, saan at paano.2. Di-kombenyunal na Pamamatnubay – isang uri ng patnubay kung saan ang mga reporter ay taal na di sumusunod o lumilihis sa pamatnubay. 3. Ang mahalagang mga impormasyon, kapag nakuha ito, ay isulat kaagad.4. Ang katumpukan o pagkatotoo sa paraang pagpapahayag ay higit na kailangan.5. Iwasan ang pagbibigay ng sariling opinion, ideya o lohika, maligoy na pananalita, sa kadahilanang ang pagdududa ay mananatili sa kanilang isipan.

d. Ekspositori – genre naglalayong magbunyag o maglabas ng kinalabasan ng isang pag-aaral, maglahad ng nasasaisip, magbabahagi ng natutunan at magbigay ng kasagutan sa katanungan. Halimbawa: press release, lektyur, talakayan sa klase, sarbey at artikulo.

e. Panghihikayat – genre na naglalayong hikayatin ang taong sumuporta o maniwala sa isang bagay o pagkilos. Nilalayon nitong pumanig ang tao sa mga argument at balakin ng isang tao o grupo. Halimbawa: advertisement, proposal, editorial at argument.

C. Sulatin na Nangangailangan ng Pagsusuri sa Pormat, Nilalaman, Pananalita at LayuninMemorandum: karaniwang tinatawag na memo o paabot-ulat, pasulato limbag na nakikita araw-araw sa opisina na karaniwang may tiyak na mensahe o nagtatanong.Agenda ng Pulong: pag-uusapan o tatalakayin ang isang sulatin na ginagawa ng mga kapisanan o organisasyon sa buwanang pulong batay sa napagkasunduan ng mga pinuno.Katitikan o Minits ng Pulong: ito ay pabuod na pinaguusapan sa nakaraang mga pulong batay sa agenda. Malaki ang papel na ginagampanan ng kalihim sapagkat siya ang kumukuha ng mga tinatalakay habang nagpupulong. Ito ay may lagda ng pangulo. Ito ay babasahin muli bago magsimula ang susunod na pulong. Pinagtitibay ito ng mga nasa pulong. Kung may pagwawasto, ipahahayag ang pagtatama bago pagtibayin.Paanyaya sa isang kapulungan o seminr: mahalaga ang mga kumprehensya sapagkat dito nabibigyan ng kaukulang aksyon o solusyon ang hangarin ng isang proyekto.Tamang Ulat ng isang Kompanya (Statement of Condition): ito ay isang sulatin na karaniwang ginagawa ng mga kompanya, katulad ng bangko, kooperatiba, Insurrance Company. Dito isinasaad ang assets, pananagutan o liabilities, gastusin o equity. Huling araw ng Disyembre ginagawa ang ulat.Proposal (Pagbabalak ng Gawain): ang sulating ito ay makatutulong sa pagsasakatuparan ng balak na proyekto na nais magawa.

Paraan sa Pagbuo ng Pangungusap- Pagbibigay-kahulugan- Pagbibigay ng detalye o halimbawa- Pagbibigay ng pagkakatulad at pagkakaiba- Sanhi at bunga- Analohiya- proseso